Liliana's Point Of View*
Nakatingin ako sa kanya at nakaupo kami ngayon habang natingin ako sa may-ari ng company na pinagtatrabahuan ko ngayon. Tiningnan ko siya sa mga mata niya dahil di ako naniniwala na kasal na kaming dalawa. Napatingin ako sa dalawang singsing na nasa harapan ng lamesa at ngayon ko lang napansin na ang ganda ng singsing na nasa harapan ko ngayon. Isang big diamond ring ang isa at ang isa naman ay isang plain ring na maraming palibot na diamonds at mukhang mamahalin ang singsing na yun. Grabe! "My Wife..." Nanlalaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. "O-Oh?... I mean, Mr. Asher, don't call me Wife. Hindi nga tayo kasal. Impossible naman ang bagay na yun." Nakita ko na nanlumo naman siya at napayuko. Parang na guilty atah ako sa ginawa ko ngayon. "Ehem..." mahinang ubo ko ngayon para na din makuha ang attention niya. "Do you need water?" Agad naman akong napailing sa sinabi niya. "Please, tell me directly kung paano mo ako naging Asawa kuno. Nasaan ang Marriage Certificate natin? Hmm?" Napatingin naman siya sa akin. Napatingin naman siya sa katabi niya na kanang kamay niya na si Caleb. "Uhmm, tungkol sa Marriage Certificate ay makukuha niyo siya 14 days matapos kayong makasal. Don't worry kung makuha na namin iyon ay ipapakita namin agad sa inyo." Nanlalaki ang mga mata ko at napahawak sa ulo ko. "Mukhang hindi talaga kayo nagbibiro ha." Napatayo na ako dahil sa mga naririnig ngayon. Narinig ko na napabuntong hininga si Mr. Asher habang nakapikit at napatingin sa akin. "Calm down and sit in your chair, Wife." Napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko. "Jusko..." Inaalala ko talaga kung ano ang nangyari kagabi. "Nahihiya ka ba dahil isang kagaya ko lang ang napakasalan mo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat. Daebak! Alam niya ba ang sinasabi niya? Inaamin ko na napakaswerte ng babaeng makakapartner niya sa hinaharap dahil sigurado hindi ito maghihirap at secure na ang future nila pero iba sa akin. Hindi naman kasi kami magkakilala at isa pa Boss ko din siya kaya hindi pwede ang bagay na yun. "Wife..." Napatingin ulit ako sa kanya. "I said don't call me that. Hindi talaga ako naniniwala hangga't di ko makikita ang marriage contract." "Paano kung makita mo? Tatanggapin mo ba ako na maging Husband mo?" "Hindi din." Natigilan naman sila dahil sa sinabi ko. "Why? Give me an explanation to that." "Bakit naman ako magpapaliwanag? Yes, naniniwala ako sayo dahil tinulungan mo ko sa h*******k na ex-fiancee ko, yes, malaki ang pasasalamat ko dahil hindi mo ko pinabayaan sa club... and I'm sorry dahil di ko alam ang mga sumunod na nangyari nun. Lasing na lasing ako nung gabing iyon." Sinabi ko talaga sa kanya ang lahat ng iyon at narinig ko na napabuntong hininga siya at sumandal sa upuan habang nakahawak siya sa labi niya habang nakatingin sa akin. "Pero kinuha mo ang virginity ko." Natigilan ako sa sinabi niya at naguilty ako dahil sa sinabi niya. "Kagaya ng sinabi mo sa akin nung gabing iyon na tanging makakasama ko lang sa hinaharap ang makakakuha ng virginity ko. But you stole it from me." "H-Huh?!" Bakit parang baliktad atah? Nawalan din ako ha! "N-Nawalan din ako." Napakagat ako sa labi ko at naramdaman ko ang luhang lumabas sa mga mata ko at dahan dahan akong napayakap sa sarili ko. Yun sana ang ibibigay ko sa h*******k na ex-fiancee ko pero di ko nabigay at nabigay ko pa sa Boss ko! What a great twist sa buhay ko. Sino ba ang gumawa ng buhay ko? Ang galing mo naman tadhana kasi hindi ko talaga inexpect ang bagay na yun. "Don't cry." Pinunasan niya ang luha ko at di ko siya napansin na nasa tabi ko na pala siya habang pinupunasan niya ang luha ko. "Quits na tayo sa bagay na yun." Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Wala na talaga akong magagawa sa bagay na yun dahil nangyari na ang nangyari. "You can use me, Darling." Nagulat ako sa sinabi niya bigla. "H-Huh?" Ngumiti siya at dahan dahan na tumango. "Pwede mo kong gamitin laban sa ex-fiancee mo and also ex-bestfriend mo." Tiningnan ko ang mga mata niya. "Bakit mo ko tutulungan? May kapalit ba ang lahat ng iyan?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko. "Hmm... let's say na ginagawa ko ito sa Wife ko. Ayaw mo nun? Tinulungan kita sa ex mo tapos makukuha mo pa ang mana mo dahil sa akin." Doon ako nagising sa katotohanan dahil sa sinabi niya. Ang last will testament ng mga magulang ko bago sila lumisan na kailangan kong magpakasal at umabot ang relasyon namin ng 1 taon para makuha ko ang mana ko. Napatingin naman ako sa kanya. Naalala ko na nakwento ko pala sa kanya ang bagay na yun. So kagaya niya mana din ang gusto niya kaya niya ako pinakasalan. "Wala akong kukunin kahit centavos ng pera mo." Teka nababasa niya ulit ang isipan ko? "Alam mo ang weird mo? Wala ka na bang ibang trip kundi ganito?" "Bakit? Ayaw mo ba ng ganitong trip ko, my Wife?" "Don't call me that." "Okay, I will call you that pag makikita mo na ang marriage certificate natin. I will call you Wife, baby, honey, sweetheart, etc in 14 days." Sinamaan ko siya ng tingin. Pero sabi niya na pwede ko siyang gamitin. Minsan lang sa buhay ang ganitong tao na nagpapagamit lang at mukhang sincere naman siya sa bagay na iyon. And it is my chance. "Okay, papayag ako sa bagay na yun. Kagaya ng sinabi mo ay gagamitin kita. Okay naman yun sayo diba?" "Not a problem to me, Sweetheart." Ang daming calling sign niya sa akin! "Pag malaman ko na kasal talaga tayo ay gagawa tayo ng kasunduan o kontrata." Nagulat naman ito sa sinabi ko. "Bakit naman natin kakailanganin ang bagay na yun?" "Matapos kitang gamitin ay matatapos na ang laro natin. At ang period ng kontrata natin ay isang taon kung kailan makukuha ko ang mana ako at bibigyan din kita ng ilang pursyento sa kontrata ko dahil isa ka sa tumulong sa akin na makuha iyon. Naintindihan mo ba, Sir?" Napatingin naman ako kay Sir Caleb na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Pinigilan naman niya ito at tiningnan ako. "Are you really sure about that?" "Yes, I am sure." "Hmm... okay." "Sire!" Napatingin naman kami kay Caleb na hindi makapaniwala sa narinig sa Boss namin. "Okay, that's final." Tumayo ako at inilahad ko ang kamay ko sa kanya at napatingin naman siya doon. "Let's see again in 14 days." "Okay, my Wife." Akala ko magshake hands kami pero hinalikan niya ang likod ng palad ko na kinalaki ng mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napakagat ako sa labi ko at agad kong inagaw ang kamay ko dahil parang may kuryente sa labi niya nung paghalik niya sa kamay ko. "I will always watch you everyday, my Wife. Wag kang maghahanap ng ibang lalaki ha." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at ngumiti lang siya at nagulat ako nung hinalikan niya ang noo ko. "I w-will now leave," nauutal na ani ko sa kanya at di ko na siya hinintay na sumagot at lumakad na ako sa opisinang iyon. Hindi ko talaga siya naintindihan pero kanina pa ganito kabilis ang tibok ng puso ko na parang lalabas na habang kaharap ko siya lalo na't tinatawag niya ako sa iba't ibang endearment. Mukhang kinakabahan lang ako sa kanya kaya ganito. Nevermind! ****** LMCD22Liliana's Point Of View* Kinabukasan.... Nasa bahay ako ngayon at hindi ito matatawag na bahay sa iba dahil nga nakatira ako sa mansion. Yes, sa mansion ako nakatira na pamamay-ari ng pamilya namin. Umalis na ako sa boarding house na tinutuluyan ko kasi babalik balikan talaga ako ni Gerald doon dahil yun lang ang alam niyang bahay ko at doon kina Grandma at hindi niya alam ang tungkol sa mansion na tinitirhan namin. Sa nagpapasweldo sa mga katulong at bodyguards dito at nakabudget na at nagba-budget nun ay ang Grandpa ko at asawa niya yung Grandma ko na tinawagan ko nung isang araw. Buhay pa ang Grandpa at Grandma ko at nasa ibang bansa lang si Grandpa dahil may ginawa sandali pero pagbalik dito sa Pinas ay tumira sila sa may bukid kung saan pumunta si Gerald para hanapin ako. Normal na kahoy ang bahay nila doon dahil gusto nilang mamuhay ng normal pero ang hindi alam ng lahat ng tao dito sa bukid na mayayaman din sila. Gusto kasing maging farmer sila Grandpa at Grandma kaya pina
Liliana's Point Of View* Nakarating na ako sa kompanya at ako na ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at lumabas na ako at napatingin ako sa labas ng kompanya at napabuntong hininga ako bago lumakad papasok. Habang naglalakad ay nagdadasal talaga ako na hindi ko makikita ang isa sa kanila…. Silang tatlo. Diretso lang ang lakad ko at hinawakan ko ang ID ko at inilagay sa gilid para ma-scan at bumukas ang maliit na pintuan. At lumakad na ako. Naala ko ulit ang ID ko na naiwan daw sa hotel kung saan kami huling nag--- arrghh! Bakit ka pa naiwan! Nakita tuloy ako kung saan ako pumapasok! Napatingin ako sa ID ko at mahina na lang akong napamura. Ako siguro ang nerd na palamura. “Kasalanan mo ID. Pahamak ka eh. Sa dami dami ng nawala ay ikaw pa talaga?” mahinang ani ko sa gilid at napatingin naman ako sa gilid nung may natawa. Dahan dahan naman akong napatingin at nakita ko ang isang lalaki na mukhang kaedad ko lang atah na nasa tabi ko at naghihintay din ng elevator at tiningnan ko s
Liliana’s Point Of View*Nandidito kami ngayon ni Jack sa rooftop at ito ang bagong tambayan namin ngayon every lunch at dala naming dalawa ang mga baon naming lunch box.“Ang sasarap talaga ng mga pagkain ninyo at may dessert pa. Ikaw ba ang nagluto niyan?”Dahan dahan naman akong tumango sabay ngiti. Sino pa ba ang nagluto ng bagay na yan? Yes, minsan si Manang pero ako pa din naman baka mapagod si manang.“Weee.”Napakunot naman ang noo ko at nabatukan ko siya agad na kinapout naman niya habang nakahawak sa ulo niya.“Bakit nambabatok? Ang sakit nun ha.”Napahimas naman siya sa ulo niya at mukhang nalakasan ko atah.“Kasalanan mo yan kung bakit ka nabatukan. Hindi naman kasi naniniwala eh.”“Hindi ko naman kasi nakita na marunong kang magluto sa ilang taon nating magkaibigan ay di ko talaga nakikita.”“Dahil kay Gerald lang ako nagluluto noon at hindi sa ibang tao. Alam mo naman na ayaw makipagshare ang bff mo.”Diininan ko talaga ang word na bff sa kanya na kinakunot ng noo niya.
Liliana's Point Of View* Nagising ako at nasa isang pamilyar na lugar ako ngayon at nasa parang puti na lugar... Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa paligid. "N-Nasaan na ako? Nandidito na ba yung manok?" Agad kong hinanap ang manok nang may isang babaeng nakaputi ang sout na pumasok sa pintuan. "Miss, nakikita mo ba yung lalaking may dalang manok?" tanong ko sa kanya at napakunot naman ang noo niya. "Manok po?" "Oo, yung lalaki na parang may sout na tela na puti at may dalang manok. Si ano... ano ngang pangalan nun?" "Miss, mukhang nananaginip po ba kayo? Mukhang kailangan ko pong tawagin si Do---" Iniisip ko ang pangalan nun nang maalala ko na. "Tama si San Pedro yun! Yung may dalang manok. Nasa langit na ako diba?" Nanlalaki naman ang mga mata ng Nurse. "Wala po kayo sa langit, Miss..." "Ha?! Wala ako sa langit!" Napatingin ako sa paligid. "So, nasa impyerno ako?" "Waaa, hindi po! Hindi pa kayo patay. Nasa earth pa po tayo." "So kalul
Liliana’s Point Of View*Napamulat ako dahil sa alarm na nasa gilid ng kama ko na palaging tumutunog. Nung tingnan ko iyon ay late na ako! Waaa! Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at dumiretso sa banyo para maligo at mabilisan talaga ang mga ginagawa ko.Natagalan kasi ako sa pag-gising dahil sa pag-gawa ko ng kontrata kahapon at mga 12 na atah akong nakatulog kaya ngayon ay sobrang late ko na!Naalala ko ulit ang nangyari kahapon lalo na ang tanong na iyon.‘What if I make you fall for me?’Yun ang tanong niya sa akin na kinatulala ko. As in tulala talaga ako habang nakatingin sa kanya nung oras na yun. Parang nabinge atah ako nun eh.“Just kidding, kagaya ng sinabi mo ay ikaw ang bahala.”Ngumiti na lang ako at dahan dahan na tumango. Akala ko ano na eh pero bakit may parang kirot sa puso ko nun? Basta… di ko din alam eh.Nevermind, ang importante ngayon ay ang makaalis na ako dahil anong oras na.Biglang tumunog ang phone ko at napatingin naman ako doon at nakikita ko ang pang
Liliana’s Point Of View*Napatakip ako sa labi ko.“I already taste that.”“Unconscious ako nun. Wala nga akong maalala nung panahong iyon.”Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa akin.“Gusto mo bang ipa-alala ko ulit sayo ang bagay na yun?”Nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.“N-No thanks!”Natawa naman siya ng mahina dahil sa sinabi ko. “Parang ginawa mo talaga akong katatawanan dito ano?“Nah, you’re so cute when you’re panicking. I like that.”Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.“Pinagtitripan mo nga ako!”“Okay, I’m sorry. Anyway, are you ready now to go?”Dahan dahan naman akong tumango.“Baka gusto mong uminom ng tubig. Alam mo naman na mainit ang panahon ngayon.”“You’re concern to me now? I like that, my Wife.”Kumindat siya na kinapikit ko dahil ayokong kumilig sa inis. Ganun yun.“Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo.”“Wife, I need water, please.” Napahinto naman ako sa paglalakad at na
Liliana's Point Of View*I think hindi maganda ang bagay na yun na sabihin ko ang Boss ko bilang servant ko."N-Nevermind," mahinang ani ko sa kanya at agad na akong nagpunas ng kamay."Alis na tayo."Nagulat ako nung na-corner ako ngayon at nakasandal ako sa pader at siya naman ay nakaharang ang isang kamay niya at ang lapit niya sa akin."Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sayo. Ayaw mo ba akong ilagay sa mga plano mo, Wife?"Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mahina akong napaubo."Mr. Asher...""Nah, don't call me that, Darling. I'm your Husband."Hinawakan niya ang buhok ko at hinalikan niya iyon na kinainit ng mukha ko at napalunok ako habang nakatingin sa kanya."K-Kaya nga tayo mag-uusap sa Condo mo kasama ang abogado mo diba para malaman natin kung ano ang mga pagkakasunduan natin at masali na din kita sa plano ko."Nakita ko na nakakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko at nakikita ko na parang nasaktan siya sa sinabi ko."So all this time, I wasn't part of your pla
Liliana's Point Of View*Natapos ang desisyon namin at isa isang binabasa ni Zep ang mga desisyon na pinili namin."Okay, babasahin ko ulit ang mga inilagay ninyo dito baka may mga disagree pa kayo dito."Dahan dahan naman akong tumango at ganun din si Mr. Asher"Ang una ay yes to physical touch. Like touch, hug, kiss and everything. Kayo na ang bahala sa iba. Desisyon mo naman iyon Lady Liliana. Kung hindi siya makikinig sayo ay may kaparusahang mangyayari."Tumango naman ako."Ikalawa naman ay walang 3rd wheel ang makikisali dito sa relasyon ninyo. Ah oo nga pala may ex ka pala. Anong gagawin mo sa bagay na yun?""The contract will be effective kung papaselosin namin ang ex-fiancee niya."Napatingin naman ako kay Mr. Asher at napataas naman ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin."I'm now part of your plan, right?"Nanlalaki ang mga mata ko dahil nakuha niya ang gusto kong gawin."Kahit hindi mo ko isali sa mga plano mo ay wala ka ng magagawa dahil kasali na ako sa simula pa
Liliana’s Point of View*Nagstretching na ako nung natapos ko ng macheck ang lahat ng mga pinasa sa akin at pinasa ko na agad kay Bart ang final output nang biglang tumunog ang email ko at nagmessage pala sa akin si Bart.‘Take care at magpakarami kayo, Bakla!’Yun ang sabi nang nasa email at natawa na lang ako sa chinat niya sa akin. “Baliw talaga tung barbie na toh.”Biglang may kumatok at napatingin ako kay Asher na may dala pala siyang pagkain na pang meryenda ko.Napangiti ako nung inilagay niya sa lamesa.“This is for you, wife.”“Thank you.”Tumabi naman siya sa akin na kinatingin ko sa kanya at doon ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.“Bakit?”“I love watching you.”“Pfft, pinagsasabi mo diyan.”“Naka-points kasi ako kaya good mood ako ngayon.”“Bakit ngayon lang ba? Parati ka ngang nakangiti pagmakikita mo ang mukha ko.”Napangiti naman siya. Ayan na nga yung sinasabi ko eh na kinapikit ko dahil nakakasilaw ang ngiti niya.Pero nagulat ako nung nagtama ang mga labi
Liliana’s Point of View*“H-Huh?”Biglang isang iglap ay naramdaman ko na niyakap niya ang katawan ko at dahan dahan na inilapit sa kanya at di ko na lang pinansin ang nilalang na tumitigas sa baba.“Hubby, I’m still tired from what happened between us last night. I'm still sore."“Don’t worry because I’ll take action this time, and you just stay put, okay?”Hala di talaga siya mapipigilan! Agad kong pinigilan ang mukha niya na hahalikan sana sa labi ko.“Ha! Teka lang!”Natigilan naman siya at tiningnan ako sa mga mata ko.“Hmm? What is it? Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Kulang pa ba ang performance ko? Sabihin mo sa akin at mag-aaral pa ako.”“Eh? Waaaa hindi ganun yun. Yung nangyari kasi kagabi ay tama lang yun sa beer na ininom mo. Wala ng iba sa bagay na yun. Nalasing din ako... Alam mo naman na malalasing ako agad agad di katulad ng sayo na matagal malasing."Nakikita ko na parang nanlumo naman siya dahil sa sinabi ko.“Did I force myself to you, wife? I’m sorry, I won’t d
3rd Person’s Point of View*Nasa isang magandang bahay ay nakaupo ngayon ang batang Asher habang nagbabasa kasama ang mga magulang nila dahil may binisita sila na kakilala ng mga magulang nila.Walang emosyon si Asher habang maayos pa ding nakaupo at umiinom ng tea.“Hindi namin alam na ganito pala ka-gwapo ng anak ninyo, Tiffanie, Ashton.”Napangiti naman ang mga magulang ni Asher sa mga magulang ni Liliana dahil sa sinabi nito.“Sigurado na magkakasundo sila ng older son namin na si Lorenzo dahil same naman sila ng edad.”Napatingin naman sila sa anak nila na nakatingin sa kanila at binaba ni Ashton ang tea cup niya. Sa batang edad niya ay matured na siyang gumalaw dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.“I also want to meet him in person, Mr. and Mrs. Everheart.”Napangiti naman sila sa sinabi nito at nagsign naman sila sa katulong na ipatawad si Lorenzo.“Pababain muna namin si Enzo, okay? Sigurado na magkakasundo kayo dahil kagaya mo ay gusto din niyang magbasa ng mga
3rd Person's Point of View*Dumating sa airport ang dalawang lalaki na nasa 50's na at kasama nito ang nakakatandang anak nito at tinanggal nito ang sunglasses habang nakatingin sa paligid. Kasama din nila ang mga bodyguards nila na pu-protekta sa kanila sa mga kalaban."I didn't know that the Philippines could be this hot," ani ni Mateo at napatingin naman siya sa anak niya na si Theo na tinanggal din niya ang sunglasses niya.Iniisip niya na makita niya ulit ang babaeng nakasama niya noon na hindi alam ng Dad niya ay sobrang excited na siya sa bagay na yun. Hindi lang nito sinabi dahil accident lang ang pagkikita nila noon."I don't care. As long as I get to see my future fiancée, I don't care about the heat right now. I need to beat that guy and win her over.""That's my son. Are you really sure you haven't seen their daughter yet?"Agad namang napailing-iling si Theo sa tanong ng Dad niya."Okay, let's go to the hotel first to rest, and tomorrow we'll visit Alessandro's grandchild
3rd Person’s Point Of View*Bago niya tinawagan si Liliana sa scene na ito ay busy siya sa pagtatrabaho.Nagtatrabaho ngayon si Asher nang biglang may tumawag sa kanya ngayon at di pa niya iyon pinansin dahil baka iyong nang-iinis lang na investors ang tumatawag pero dahil sa curiosity dahil baka asawa niya ang tumawag kaya tiningnan niya iyon at napakunot ang noo niya dahil unregistered number sa sariling phone niya mismo na tanging ang asawa lang niya ang nakaka-access. Dalawa kasi ang phone niya sa trabaho at para lamang sa asawa niya ang isa.Pero may tumatawag sa exclusive number niya. Sinagot naman niya iyon.“Young man, bakit ang tagal mong makasagot?” Natigilan siya nang marinig niya agad ang boses ng Grandpa ni Liliana.“Sire, paano niyo po nalaman ang number ko?”“Binigay ni Liliana sa akin. May sasabihin ako sayo and please protect Liliana.”Natigilan naman si Asher dahil sa sinabi ng Grandpa nito.“Who’s that bastard try to hurt my Wife?”“Just protect her. Hindi pa nami
Liliana’s Point of View*Lumabas na ako ng department at dumiretso na ako sa elevator at agad pinindot ang down button. Ang plano ko na sa text ko na lang sasabihin ang bagay na yun.Lumabas na ako sa kompanya at agad na akong nagpara ng taxi papunta sa boarding house ni Gerald. Pumasok na ako sa taxi at agad kong sinabi kung nasaan ang bahay ni Gerald at pinatakbo na ang sasakyan.Agad kong tinext ang Asawa ko na aalis muna ako para di siya mag-aalala kung saan ako pumunta pero di ko muna sinabi kung nasaan ako pupunta. Oh diba? Sinabi na aalis ako pero di ko sinabi kung nasaan.Nang napansin ko na tumatawag si Grandpa na kinakunot ng noo ko. Kaya sinagot ko iyon. Di ko talaga alam kung saan sila nagpupunta. Pinabayaan ko na lang dahil baka nagdedate lang silang dalawa ni Grandma at alam niyo na namamasyal sila na hindi man nila nagawa noon pa man dahil sa kabusy nila.“Grandpa, napatawag ka? Kumusta ang Honeymoon ninyo ni Grandma?”“What? Apo, hindi kami nagha-honeymoon.”Mahina na
Liliana's Point of View* Nakatingin ako sa mga mata niya at ngayon di na ako magpapatalo sa pagtitig niya sa akin. "Anong gagawin mo, wife?" Siningkitan ko siya ng tingin. "Alam ko na hindi mo yun magagawa at may dahilan ka kung bakit mo sila sinisante." Nagkatitigan kaming dalawa nang napangiti siya habang nakatingin sa akin. "You really know me?" Napangiti naman ako at tinulak ko ang mukha niya para lumayo sa akin. "Hindi ako makakarating sa position ko kung di ako marunong umintindi at magdedesisyon ng tama sa isang bagay at bilang isang may-ari ng isang malaking kompanya ay di mo agad papaalisin ang mga taong malaki ang tulong sayo." Nakatingin lang sila sa akin habang nakikinig sa sinasabi ko. "Mukhang may nagawa silang pagkakamali na ayaw na ayaw mo." Dahan dahan naman siyang napatango habang nakatingin sa akin. "You're right, hindi nga kami nagkamali na ilagay ka sa posisyong iyon. Actually, ang lahat ng empleyadong nandodoon ay binabalak na nakawan ang k
Liliana's Point Of View*Hindi ko na iniisip ang bagoong sa sitwasyon namin ngayon. Itutulak ko sana si Asher pero mahigpit niya akong niyakap."What are you doing here?"Napalunok si Bert nang magsalita si Asher at namutla."P-Pasensya na po, Mr. Windermere."Napayuko naman siya at ramdam ko ang panginginig niya at napabuntong hininga ako at napatingin kay Asher. "Don't look at my friend."Napakunot naman ang noo ni Asher at tinakpan ko ang mga mata niya para di niya tingnan si Bert."Come here, Bert."Napatingin naman si Bert sa akin at nagtataka pa din sa nangyayari ngayon. "Di na siya nakatingin. Don't worry.""H-How..."Lumapit sa amin si Caleb."Milady, anong gagawin po natin sa kanya?" Nagulat naman silang napatingin kay Caleb na parang sinasabi niya na pabagsakin namin si Bert."I will tell him the truth. Pero hindi dito at doon tayo sa opisina ni Ash--- niya. Opisina niya."Tinuro ko si Asher baka malabi sa labi talaga ako dito pagsasabihin ko pangalan niya. Mahirap na!Na
3rd Person's Point Of View*Sa Italya... Nakarating ang Grandparents ni Liliana sa mansion nila at agad namang napayuko ang lahat habang naglalakad sila papasok."Master, Madame."Napatingin naman si Alessandro sa Butler nila na bumati sa kanila."I heard there's another problem here? What's going on?"Napayuko naman ito at nagdadalawang isip kung sasabihin ba nito ang problema o hindi na."Tell me.""I heard that the Jones Family found out that you have a granddaughter, and they plan to marry her to their grandson."Napakunot naman ang noo nilang dalawa ni Alessandro dahil sa sinabi nito."Alessandro, gagawin nila ang lahat magkaroon lang ng koneksyon sa atin."Dahan-dahan namang napatango si Alessandro sa sinabi ng asawa nito na si Francesca."Do they already know about this? I know they're also against this from happening.""They're on their way home next week, and for young master he's arriving now.""Hmm..."Biglang nakarinig sila ng sasakyan sa labas at napatingin naman sila doo