Liliana's Point Of View*
Dahan dahan akong nagmulat dahil pakiramdam ko ang bigat ng kamay ko at nakikita ko agad ang puting kisame at agad kong naamoy ang amoy ng clinic at tiningnan ko ang paligid at nasa clinic nga ako. Napatingin ako sa natutulog sa gilid at nakita ko si Jack na ginawang unan ang kamay ko. Kaya pala di ko magalaw ang kamay ko. "J-Jack... ehem..." Ang dry naman ng lalamunan ko. Di ko pa magalaw ang kamay ko dahil mukhang namamanhid iyon. Ginalaw ko naman ang isang kamay ko at sinabunutan si Jack at agad naman siyang napatayo dahil sa gulat. "Sinong sumabunot sa aki--- oh! Liliana, gising ka na pala." "Ang kamay ko di ko magalaw." "Eh? Hala anong nangyari?! I should call the nurse." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ginawa mong unan kaya namamanhid." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "I'm so sorry!" Hahawakan sana niya pero agad kong pinigilan ang kamay niya dahil masakit kasi siya na pamamanhid. "Hayaan mo na dumaloy ang dugo ko." "Sorry." Dahan dahan naman akong tumango. "I need water." "Ah oo." Agad naman niyang nilagyan ng tubig ang baso na nandodoon at binigay sa akin at uminom naman ako. Naramdaman ko na di na maganong masakit ang katawan ko ngayon. Mukhang may pinainom siguro sa akin na... napatingin ako sa kamay ko. "Teka bakit ako nagkadextrose?" "May lagnat ka eh at mukhang nirape ka atah sa lagay mo kaninang lunch. Nawalan ka pa ng malay." "Teka anong oras na ba?" "Alas 7 na ng gabi." Nanlaki ang mga mata ko at magsasalita sana ako nang biglang tumunog na ang tiyan ko. "Gutom na ako. Pakainin mo naman ako kaninang umaga pa ako hindi kumakain." Nanlaki naman ang mga mata niya. "What! Bakit di mo sinabi sa akin! Teka lang, bibilhan kita ng pagkain sa labas." Aalis sana siya nang hawakan ko ang kamay niya na kinahinto niya. Matalik na kaibigan ko si Jake at kahit kaibigan siya ni Gerald ay mas may tiwala pa siya sa akin kesa kay Gerald. "Di mo naman sinabi kay Gerald na nandidito ako diba?" Ngumiti siya at dahan dahan na napailing iling. "Don't worry, di ko sinabi. Magpahinga ka na muna at bibili muna ako ng pagkain." "Salamat sa pagkain." "Pasa mo sa e-wallet ko noh." Napakunot ang noo ko at mabilis kong tinapon sa kanya ang unan. "Sira ulo ka talaga. Manglibre naman." Napatango tango na lang ito at lumabas na ito at ako naman ay nagpahinga muna at pumasok ang isang nurse dito sa clinic. Alam ko naman na clinic ito ng kompanya namin dahil minsan dito ako humihingi ng gamot. Mukhang tiningnan niya ang kalagayan ko. Kilala naman niya ako kasi suki na ako dito sa gamot. "May mga inilagay na kaming gamot sa dextrose mo kaya magpahinga ka ng maayos ha, Liliana." "Okay po. Pasensya na po sa abala." "Mabuti bumaba na ang lagnat mo. Ang taas kasi ng lagnat mo kanina. Ano ba ang nangyari?" "Di ko din po alam. Alam niyo naman ang panahon ngayon minsan uulan at minsan naman sobrang init. Kaya siguro nagkakaganito ako ngayon." "Uminom ka ng maraming tubig at vitamins para di ka agad lalagnatin." "Okay po." "Sige una na ako. Dito ka muna magpapalipas ng gabi." Dahan dahan naman akong tumango. Okay lang naman magabi ako dito dahil may night employees din naman dito. Napatingin ako sa phone ko at nakikita ko nga na ang daming tumawag at di ko na yun pinansin at binuksan ko ang group chat namin at nakikita ko na may chismis ngayon at yun ay ang CEO daw na gusto nilang lahat ay may Asawa na. Hindi ko pa naman nakikita ang mukha ng CEO namin dahil ang trabaho ko ay sobrang nakakabusy sa akin at minsan late pa akong nakakapasok sa school dahil malelate ako ng gising kaya di ko talaga siya nakikita at hindi naman siya dito nagste-stay kasi branch lang naman itong kompanyang ito at ang main ay nasa America naman. Inilagay ko na lang sa higaan ang phone ko kasi parang sumakit ang ulo mo pagtumingin ng phone parang umiikot atah ang ulo ko. Bumalik si Jack mga 10 minutes at may dala na siyang pagkain at inilagay sa lamesa. "Umupo ka muna." Inanalayan naman niya ako na kinangiti ko. Hindi ganito si Gerald sa akin. Sa kanya ko lang talaga nakikita ang dapat na gagawin ni Gerald. Isa isa niyang binuksan ang mga binili niyang pagkain at kukunin ko sana ang plato nang pinalo niya ng mahina ang kamay ko. "Stay in your seat. Ako ang Doctor of this night ngayon." "Doctor? Di bagay?" "Hala ka naman. Grabe kaibigan mo ko oh. Support ka naman. Ako nga ang nagligtas sayo nung nawalan ka ng malay eh." Natigilan naman ako nung naalala ko ang sinabi niya "Hmm... salamat, Jack." "Pasalamat ka talaga dahil mayroon kang gwapo, mabait, matalino at ---" "Tama na. Nagpasalamat na ako." "Waaa ang sakit mo sa puso." "Subuan mo na ako kasi gutom na ako." Napapout naman siya pinakain na niya ako at nagdala din pala siya ng damit ko para makabihis ako. "By the way, ano ba talaga ang nangyari sayo? May kinalaman ba si Gerald sa nangyari sayo?" Naalala ko na naman ang nangyari kagabi na kinakagat ko sa labi ko. "You're biting your lips again. Just tell me para malaman ko. Maayos naman kayo kagabi diba dahil engagement ninyo?" Hinawakan niya ang kamay ko. "He cheated on me at nakita ko pa silang dalawa ni Mirabelle na nagkantutan sa kwarto nung madaling araw." Napapikit naman siya na parang alam niya ang nangyayari at napakamao siya. "So alam mo?" Di ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. "You're my boy best friend, Jack. Bakit di mo sinabi sa akin ang bagay na yun?" Di siya makasalita dahil sa sinabi ko. "Fine, naintindihan ko dahil nga kaibigan mo siya. Pero ano ako? Kaibigan mo din naman ako." "I'm so sorry, Liliana. Natatakot ako baka masaktan ka---" Napayuko ako ngayon. "Hindi lang ako nasasaktan... Pakiramdam ko para na akong patay ngayon. Kailan mo nalaman ang bagay na yun?" "3 months ago. Nakita ko sila na magkapatong sa kaarawan mismo ni Mirabelle." Napayuko ako at hindi ako umiyak dahil pakiramdam ko drain na drain na ako ngayon. "Liliana..." "Gusto ko munang mapag-isa, Jack." Natahimik naman siya at dahan dahan na tumango. "Okay, hahayaan muna kitang mag-isip isip ngayon. Babalikan kita bukas, okay?" Di na ako sumagot at pumikit lang ako. Umalis na siya at ako na lang mag-isa dito sa loob ng kwarto. Kinabukasan... Doon na ako naligo at nagbihis at mabuti di na masyadong masakit ang ulo at ang katawan ko. Napatingin ako sa bag ko at wala nga doon ang ID ko. Nasaan na ba talaga yun? Mukhang kailangan kong magkuha ng bagong ID ngayon. "Salamat po," ani ko sa Nurse doon. "No problem, take care of yourself, okay?" Tumango naman ako sa sinabi ng Nurse. "I will po." Lumabas na ako at pumunta na ako sa opisina ko at agad namang napatingin ako mga kasamahan ko. "Woah, congratulations sa engagement ninyo, Liliana." Bati nila sa akin at dahan dahan naman akong umiling. "Cancel na ang engagement namin at wala ng kasal ang magaganap," yun lang ang sinabi ko at lumakad na pabalik sa upuan ako at inayos ko ang gamit ko at naririnig ko ang mga usapan nila. At di ko na iyon pinansin. "Guys! May bagong balita! Naglilibot ngayon sa mga departments ang CEO natin! Magsi-ayos kayo ng paligid!" Nagulat naman ang lahat. "Yung gwapong CEO natin!" "Oo! Faster, ang paligid kailangan malinis at mabango." Agad na akong naglinis ng paligid pati na din ang table ko hanggang sa bumukas ang pintuan. "Okay, stand up!" Agad naman kaming tumayo at napayuko dahil yun naman ang ginawa ng mga kasamahan ko. "Welcome, Mr. Asher Calix Windermere." Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang pangalan na iyon. Pamilyar? "Okay, lift your head." Dahan dahan naman akong napatingin sa harapan at napatingin ako sa CEO at natigilan ako dahil pamilyar ang mukha niya. At ang nagtama ang mga mata namin na kinabilis ng tibok ng puso ko. "It's so good to see you.... again." Doon bumalik ang alaala ko sa lalaking nakasama ko hanggang mag-umaga. Ang lalaking nakauna sa akin. Teka bakit parang ako ang sinasabihan niya ngayon? Napakagat ako sa labi ko ngayon dahil sa nangyayari. Damn.. Bakit ang liit ng mundo namin! "F-Fern..." mahinang ani ko. ******* LMCD223rd Person's Point Of View*Boung araw kahapon inilibot ng kanang kamay ni Asher na si Caleb ang boung mga departments at hindi pa din nito nakikita ang Asawa na sinasabi ng CEO niya. Nakatingin si Caleb sa litrato ng Asawa ni Asher at nagtataka siya dahil sa dami ng magagandang babae na humahabol sa CEO nila ay sa isang nerd lang ito nagpakasal at napakamot na lang siya sa ulo niya at bigla bigla na lang itong nagpapakasal na maski siya at ngayon lang niya nalaman.Napatingin siya sa CEO niya na bumaba sa sasakyan nito at agad siyang lumapit at yumuko sila."Good Morning, Sir---""Did you find her?""Wala po siya kahapon at sabi ng mga kasamahan niya sa department ay engagement daw nito nung last night kaya rest day niya kahapon."Napaisip naman si Asher sa sinabi nito. "Let's go to her department."Natigilan naman si Caleb dahil nakita nga niya ang mukha ng Asawa nito baka mabash lang ang Asawa nito kung ipapakilala niya agad sa lahat."S-Sir, wala pa naman sa balak niyo na sabihi
Liliana's Point Of View*Dahan dahan akong umatras nang mapahinto ako. Bakit parang ako ang natatakot sa kanya? Siya ang nagloko at hindi ako. Di ko hahayaan na maloko ulit ako ng lalaking ito. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Nang dahil sa mana ko. Bakit ko naman kasi yun sinabi sa kanya? Napaka bobo ko din naman kasi eh!At mukhang plinanuhan pa nilang dalawa ni Mirabelle ang mga mangyayari para masolo nila ang mana ko. Napakamao na lang ako dahil sa katangahan ko sa kanya ng tatlong taon.Napabuntong hininga ako at dahan dahan na tumingin sa sa pwesto ni Gerald. Kaya ko ito at kakalimutan ko na na mahal ko siya. Kagaya ng sinabi ni Fern na hindi ko deserve ang lalaking ito at di na siya kailanman makakalapit sa akin.At napatingin naman siya sa akin at agad siyang lumapit na kinanigas ng katawan ko. Syet! Hindi ito pwede! Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Hindi ko alam kung bakit!"Liliana, mabuti nand
Liliana's Point Of View* Nakatingin ako sa kanya at nakaupo kami ngayon habang natingin ako sa may-ari ng company na pinagtatrabahuan ko ngayon. Tiningnan ko siya sa mga mata niya dahil di ako naniniwala na kasal na kaming dalawa. Napatingin ako sa dalawang singsing na nasa harapan ng lamesa at ngayon ko lang napansin na ang ganda ng singsing na nasa harapan ko ngayon. Isang big diamond ring ang isa at ang isa naman ay isang plain ring na maraming palibot na diamonds at mukhang mamahalin ang singsing na yun. Grabe! "My Wife..." Nanlalaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. "O-Oh?... I mean, Mr. Asher, don't call me Wife. Hindi nga tayo kasal. Impossible naman ang bagay na yun." Nakita ko na nanlumo naman siya at napayuko. Parang na guilty atah ako sa ginawa ko ngayon. "Ehem..." mahinang ubo ko ngayon para na din makuha ang attention niya. "Do you need water?" Agad naman akong napailing sa sinabi niya. "Please, tell me directly kung paano mo ako naging Asawa kuno. Nasaan
Liliana's Point Of View* Kinabukasan.... Nasa bahay ako ngayon at hindi ito matatawag na bahay sa iba dahil nga nakatira ako sa mansion. Yes, sa mansion ako nakatira na pamamay-ari ng pamilya namin. Umalis na ako sa boarding house na tinutuluyan ko kasi babalik balikan talaga ako ni Gerald doon dahil yun lang ang alam niyang bahay ko at doon kina Grandma at hindi niya alam ang tungkol sa mansion na tinitirhan namin. Sa nagpapasweldo sa mga katulong at bodyguards dito at nakabudget na at nagba-budget nun ay ang Grandpa ko at asawa niya yung Grandma ko na tinawagan ko nung isang araw. Buhay pa ang Grandpa at Grandma ko at nasa ibang bansa lang si Grandpa dahil may ginawa sandali pero pagbalik dito sa Pinas ay tumira sila sa may bukid kung saan pumunta si Gerald para hanapin ako. Normal na kahoy ang bahay nila doon dahil gusto nilang mamuhay ng normal pero ang hindi alam ng lahat ng tao dito sa bukid na mayayaman din sila. Gusto kasing maging farmer sila Grandpa at Grandma kaya pina
Liliana's Point Of View* Nakarating na ako sa kompanya at ako na ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at lumabas na ako at napatingin ako sa labas ng kompanya at napabuntong hininga ako bago lumakad papasok. Habang naglalakad ay nagdadasal talaga ako na hindi ko makikita ang isa sa kanila…. Silang tatlo. Diretso lang ang lakad ko at hinawakan ko ang ID ko at inilagay sa gilid para ma-scan at bumukas ang maliit na pintuan. At lumakad na ako. Naala ko ulit ang ID ko na naiwan daw sa hotel kung saan kami huling nag--- arrghh! Bakit ka pa naiwan! Nakita tuloy ako kung saan ako pumapasok! Napatingin ako sa ID ko at mahina na lang akong napamura. Ako siguro ang nerd na palamura. “Kasalanan mo ID. Pahamak ka eh. Sa dami dami ng nawala ay ikaw pa talaga?” mahinang ani ko sa gilid at napatingin naman ako sa gilid nung may natawa. Dahan dahan naman akong napatingin at nakita ko ang isang lalaki na mukhang kaedad ko lang atah na nasa tabi ko at naghihintay din ng elevator at tiningnan ko s
Liliana’s Point Of View*Nandidito kami ngayon ni Jack sa rooftop at ito ang bagong tambayan namin ngayon every lunch at dala naming dalawa ang mga baon naming lunch box.“Ang sasarap talaga ng mga pagkain ninyo at may dessert pa. Ikaw ba ang nagluto niyan?”Dahan dahan naman akong tumango sabay ngiti. Sino pa ba ang nagluto ng bagay na yan? Yes, minsan si Manang pero ako pa din naman baka mapagod si manang.“Weee.”Napakunot naman ang noo ko at nabatukan ko siya agad na kinapout naman niya habang nakahawak sa ulo niya.“Bakit nambabatok? Ang sakit nun ha.”Napahimas naman siya sa ulo niya at mukhang nalakasan ko atah.“Kasalanan mo yan kung bakit ka nabatukan. Hindi naman kasi naniniwala eh.”“Hindi ko naman kasi nakita na marunong kang magluto sa ilang taon nating magkaibigan ay di ko talaga nakikita.”“Dahil kay Gerald lang ako nagluluto noon at hindi sa ibang tao. Alam mo naman na ayaw makipagshare ang bff mo.”Diininan ko talaga ang word na bff sa kanya na kinakunot ng noo niya.
Liliana's Point Of View* Nagising ako at nasa isang pamilyar na lugar ako ngayon at nasa parang puti na lugar... Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa paligid. "N-Nasaan na ako? Nandidito na ba yung manok?" Agad kong hinanap ang manok nang may isang babaeng nakaputi ang sout na pumasok sa pintuan. "Miss, nakikita mo ba yung lalaking may dalang manok?" tanong ko sa kanya at napakunot naman ang noo niya. "Manok po?" "Oo, yung lalaki na parang may sout na tela na puti at may dalang manok. Si ano... ano ngang pangalan nun?" "Miss, mukhang nananaginip po ba kayo? Mukhang kailangan ko pong tawagin si Do---" Iniisip ko ang pangalan nun nang maalala ko na. "Tama si San Pedro yun! Yung may dalang manok. Nasa langit na ako diba?" Nanlalaki naman ang mga mata ng Nurse. "Wala po kayo sa langit, Miss..." "Ha?! Wala ako sa langit!" Napatingin ako sa paligid. "So, nasa impyerno ako?" "Waaa, hindi po! Hindi pa kayo patay. Nasa earth pa po tayo." "So kalul
Liliana’s Point Of View*Napamulat ako dahil sa alarm na nasa gilid ng kama ko na palaging tumutunog. Nung tingnan ko iyon ay late na ako! Waaa! Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at dumiretso sa banyo para maligo at mabilisan talaga ang mga ginagawa ko.Natagalan kasi ako sa pag-gising dahil sa pag-gawa ko ng kontrata kahapon at mga 12 na atah akong nakatulog kaya ngayon ay sobrang late ko na!Naalala ko ulit ang nangyari kahapon lalo na ang tanong na iyon.‘What if I make you fall for me?’Yun ang tanong niya sa akin na kinatulala ko. As in tulala talaga ako habang nakatingin sa kanya nung oras na yun. Parang nabinge atah ako nun eh.“Just kidding, kagaya ng sinabi mo ay ikaw ang bahala.”Ngumiti na lang ako at dahan dahan na tumango. Akala ko ano na eh pero bakit may parang kirot sa puso ko nun? Basta… di ko din alam eh.Nevermind, ang importante ngayon ay ang makaalis na ako dahil anong oras na.Biglang tumunog ang phone ko at napatingin naman ako doon at nakikita ko ang pang
Shana's Point of View* Damn him! Paano kung mapahamak siya! "Kuya Driver, Dalian niyo po sa pagpapatakbo! Wag niyo po siyang paabutin!" Nagulat naman sila sa sinabi ko. "Teka, kakaiba ka ha? Hindi ka ba natatakot sa amin?" "Hindi kaya madaliin niyo sa pagpapatakbo." Pero mas mabilis tumakbo ang sasakyan ni Theo kaya naabutan kami at hindi lang pala siya nag-iisa. Marami pala ang mga sasakyan ang nakasunod sa kanya ngayon na mga bodyguards niya. "Eeekkk!" Tili ng mga kasamahan ko dito nung may mga bodyguards na nasa labas na. "Sabi ko sa inyo full speed kayong magpatakbo eh. Ayokong makita si Theoris." Naiirita kong ani sa kanya. "Anong gagawin natin ngayon? Jusko! Kailangan nating umalis!" "B*Bo ka ba? Nakikita mo naman na maraming nakapalibot sa atin diba? Ha! Ginagamit mo ba ang brain cells mo?" "Anong gagawin natin?" "Hey." Napatingin naman sila sa akin ngayon at sabay pa sila. "Sumuko na lang kayo." Biglang bumukas ang pintuan at agad naman silang pinaghuhuli at
3rd person's Point of View* Gustong puntahan ni Theo agad si Shana pero hindi siya agad makapunta dahil sa babaeng nakahawak sa kanya ngayon. Matagal na niyang tinitiis ang babaeng ito para magkaroon lang ng antidote sa dad nito. "Bakit hindi ka na pumunta sa schedule mo sa bahay? Alam mo ba na hinihintay kita?" Walang emosyong nakatingin si Theo sa kanya. "I don't need that antidote anymore." Natigilan naman si Bea dahil sa sinabi ni Theo na hindi na nito kakailanganin ang antidote nito. "What do you mean by that? Magaling ka na ba?" di makapaniwalang ani nito sa kanya. "Bakit? Hindi ba ako gagaling sa antidote na binibigay ninyo sa akin?" Nakakunot ngayon ang noo ni Theo habang nakatingin kay Bea at natahimik naman ito at hindi nito agad nasagot ang tanong nito. Mahina na lang natawa si Theo na kinatingin ni Bea sa kanya. "I was right." Tumalikod naman si Theo dahil hahabulin niya pa si Shana pero agad namang niyakap ni Bea ang likod nito. "N-No, wag ka munang umalis."
Shana's Point of View Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan kuno ako. "Hello, oh! Ikaw pala yan?"Nagulat naman yung babaeng lalapit sana sa akin at tiningnan niya ako ng pagtataka."Excuse me?" naiiritang ani niya sa akin."Miss, do I know you? Nakikita mo naman na may katawag ako diba?"Pinantayan ko ang pag-irita niya sa akin. Nako naman Theoris! Dinamay damay mo pa ako sa babae mo dito!Kunot noo naman siyang napatingin sa akin."Excuse me, miss? Baka na wrong person ka lang. Bye."Lumakad na ako palabas ng restaurant. Lumayo ako doon baka sugurin pa ako ng babaeng yun.At kung maaari ay low profile lang ako dito at wala ng iba pa dapat na makakakilala sa akin.Lumakad na lang ako nang makita ko ang ganda ng dagat kaya tinanggal ko ang sandals ko at lumakad ako doon sa gilid ng dagat.Habang niraramdaman ko ang hangin na tumatama sa mukha ko. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid nang may napansin ako sa unahan na parang nalulunod ito. Wala man lang nakapansin sa kanya a
Shana's Point of View* Nakatingin ako sa kanya at magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang phone ko na kinagulat ko. "Excuse me." Tumango naman siya at tiningnan ko kung sino ang tumatawag ngayon. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ng kakambal ko. Sinagot ko naman iyon. "Shana, go back home." "Ha? Bakit naman?" "We're so worried about you! Anong nangyari sayo kagabi? Baka nakakalimutan mo na may detector tayo sa kung ano ang mangyayari sa atin." Natigilan ako. Waaa! Bakit huli ko na na-realize ang bagay na yun? Dammit! "Are you okay?" Natigilan ako nang magsalita ang isa sa gilid ko. Agad akong nag-sign na wag maingay. "Oh who's that man, Shana?" 'Man? May kasamang lalaki ang anak natin!' rinig kong sigaw ni Dad. "Teka nandyan si Dad?" "And also Mom. Kaya umuwi ka na dito kasi kagabi ka pa namin hinihintay." "Twin, let me explain, mamaya chat kita mamaya. Wag muna ngayon, please. May ginagawa pa ako at pakisabi kina dad at mom na nasa maayos
Shana's Point of View* Nagising ako na nag-aalalang nakatingin sa akin si Theo. "Thank God, are you okay? Wala bang masamang nangyari sayo?" Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. "Huh? Anong nangyari sayo?" "Ang panyo mo may blood stains. Sayo naman ang dugong ito diba? Ano ba ang nangyayari?" Nanlaki ang mga mata ko dahil nakalimutan kong itago ang panyo ko na inubuhan ko ng dugo kagabi. "Uhmm... Wala lang yan. Ayos lang ako." Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Paano ko ba lulusutan ang bagay na ito? "Uhmm... I-ikaw, ikaw ang sumuka ng dugo kahapon. Di ko alam kung ano ang nangyayari sayo kung bakit ka sumuka." Nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "What?" "Diba, lasing na lasing ka kahapon at nagulat ako nung umubo ka habang natutulog ka at sumuka ka ng dugo at matapos nun ay wala na." "Akala ko unti-unti na akong gumagaling sa via?" mahinang ani niya sa sarili niya. "Hmm?" Napatingin siya sa akin at dahan-dahan na napa-iling. "Noth
Shana's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Theoris at lalapit sana ang labi niya sa akin nang pigilan ko ang labi niya kasabay ng pagtulak sa mukha niya. "Wag kang abuso. Nakailang rounds ka kanina. Sit properly, titingnan ko muna ang sitwasyon mo kung okay lang ba ang pakiramdam mo ngayon." "I'm fine." Napapout ulit siya na sinamaan ko ng tingin kaya napayuko siya inilahad niya sa akin ang kamay niya at tiningnan ko iyon at dahan-dahan naman akong napatango. "Kaya ko namang tingnan ang sarili ko. Doctor ako remember?" "Shut up. Baka nakakalimutan mo na nurse din ako. Intern pa nga lang." Napangiti na lang siya at lumapit sa akin. "Okay, ikaw na ang bahala sa akin, honey." Napaikot na lang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at ngumingiti naman siya na parang aso. Normal naman ang nakikita ko at napabuntong hininga na lang ako. "Tell me if you're not feeling well, okay? Wag mong itatago ang sitwasyon mo ngayon baka mabatukan kita." "Okay, my nurse." Binaba ko na ang
Shana's Point of View* Nakatingin ako habang nakatingin sa kalangitan habang kumakain ng bbq. Ang sarap pala sa feeling yung ganito. Sinabay pa ang picnic at ang overnight. "Okay lang ba ang pagkakatimpla ng bbq ko?" Natigilan naman ako nang magsalita ang isa ngayon sa tabi ko. "Okay lang." Napatingin naman siya sa mga sticks na nasa tabi ko at marami na ang nakain ko ngayon. "Ohh okay lang pala... Okay I will do everything para mag-upgrade ang okay lang mo." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Napangiti na lang siya at inilapag niya pa ang another set at hindi na yun bbq kundi mga gulay iyon. Napatingin naman ako sa kanya. "You know hindi pwede marami kang kakainin na fats o mga ganitong pagkain baka magkaka---" "I know that. Thank you." Napangiti naman siya at inilahad sa akin ang luto niya. Napatingin naman ako sa cooler na nasa gilid ko at binuksan ko iyon at inilapag ko sa gilid niya ang beer. Napatingin naman siya sa akin. "Umiinom ka ng beer?" gulat na an
Shana's Point of View* Gabi na at may plano ang isang ito na lalakarin daw namin. Mabuti marami siyang mga damit na nasa kabinet at hinanda daw iyon para sa akin lang. Naaamoy ko nga na sobrang bago ng mga damit na iyon. "Hindi ko naman sinabi na bibilhan mo ko ng damit, Dr. Theoris." Natigilan naman nito at napa-break pa siya bigla at napatingin sa akin. "Honey, why did you call me Dr. Theoris? That's not my name!" Napakunot ang noo ko. Ang over acting ha. "Kung di mo sana ako minadali ay hindi ka sana bibili ng mga damit at ang mamahal pa ng isa oh." "Hindi naman." Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala. Director pala ang isang ito. Mayaman din ang pamilya namin pero mas gugustuhin kong magtipid sa mga allowances ko kaysa sa gumastos. "Honey, call me like you always called me." Napatingin ako sa kanya. Paano ko ba naging ganito ang coldhearted na lalaking ito? "Dalian na nga natin. Mas lalong lumalalim ang gabi, bie." Napangiti na naman siya at pinatakbo na niya ang sas
Shana's Point of View* Lumabas na kami sa kwarto dahil nga gutom na nga ako at hawak-hawak pa ng lalaking ito ang kamay ko na parang ayaw niyang bitawan iyon. "What do you like to eat, honey?" "Tumawag ka na kanina para magluto na yung tinawagan mo tapos ngayon ka pa nagtatanong?" Napahinto naman ito sa paglalakad at humarap siya sa akin. "Bakit ang sungit-sungit mo ngayon, hmm? Nabitin ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa paligid at mabuti walang tao kaya pinalo ko ang balikat niya. "Yang bibig mo talaga eh noh? Gusto mo bang suntukin ko yan?" "Hmm... Barbaric, lover. I like that." Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at mas lalo niya akong inilapit sa kanya at hinalikan niya ang noo ko. Tiningnan ko siya habang nakakunot pa din ang noo ko at tinama ko ang noo ko sa noo niya na kinabitaw niya sa akin. "Tsk." Umuna na akong lumakad. "Honey, naman ehh ang sakit." "Deserve." Sumunod naman siya sa akin at hinawakan ulit ang kamay ko. "Okay, ta