3rd Person's Point Of View*
Hawak hawak ni Liliana ang kamay ng estrangherong lalaki habang tahimik na umiiyak. Nakasakay na sila ng elevator papunta sa rooftop ng Hotel dahil yun lang ang nasa isipan ng estranghero na makakatulong sa Dalaga. Hindi pa din humihinto sa paghikbi si Liliana hanggang makarating na sila sa rooftop at lumakad ulit sila habang hawak pa din ng lalaki ang kamay niya hanggang sa huminto sila at matatanaw na ang lahat ng lugar sa pwestong iyon. "Liliana." Dahan dahan namang tumingin si Liliana sa Hotel Staff na kasama niya ngayon. Puno ng luha ang mukha ni Liliana at kumuha naman ang binata ng panyo sa bulsa niya at tinanggal nito ang reading glasses na sout ni Liliana at dahan dahan niyang pinunasan ang luha sa mukha nito na kinatingin niya sa lalaki. "Don't cry, hindi niya deserve ang luha mo." "I love him... I really love him. He's my life at di ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Binigay ko ang lahat ng pangangailangan niya except sa virginity ko dahil gusto ko once makasal na kami ay doon ko ibibigay ang bagay na importante sa akin." Sa tatlong taon nilang magkarelasyon ay pinaramdam ni Gerald sa kanya kung paano mag mahal at di pa din siya makapaniwala na magagawa nito sa kanya ang lahat ng iyon at ganun na di ang Bestfriend niya. "Sigurado ka bang pagmamahal talaga ang pinapakita niya sayo?" Natigilan naman siya sa sinabi ng lalaki. Doon niya nakikita nung mga araw na wala na itong update sa kanya araw araw dahil parati itong busy sa araw-araw na gawain nito. Hindi na din ito pumupunta sa mga special occasion nila kahit na ang anniversary nila ay nakakalimutan na nito. Mas importante pa ang barkada nito kesa sa kanya. Mas lalong tumulo ang luha niya. "I think hindi... Iiyak mo ang lahat ng iyan at kailanman wag na wag mo nang ibabalik ang lalaking yun sa buhay mo. Hindi mo deserve ang mga ganung lalaki." Naramdaman niya na hinawakan nito ang pisngi nito. "Salamat... may I know your name?" Bumaba naman ang tingin niya sa name tag nito. "Your name is Fernando?" Natigilan naman ang lalaki at napatingin sa name tag nito. Agad naman itong napailing iling. "That's not my nam---" Gusto niyang makalimutan si Gerald kaya ang naisipan niyang mag inom na lang kagaya na ginagawa ng karamihan. Pinutol niya ang sasabihin ng Binata. "Fernando... I should call you Fern." "Eh?" "Fern, I want to drink alcohol." Natigilan naman ang estranghero na kasama niya. Di ito makapaniwala na yun ang naging pangalan niya. Napabuntong hininga na lang ito. "Acceptance is the answer to all of your problems today not drinking alcohol." "Yun ang nakikita ko sa lahat ng tao. Pag may problema ay mag iinom sila ng alcohol. Ang iba nga na aaddict na sila kakainom dahil gabi gabi na lang umiinom para mawala ang problema nila." Lumakad si Fern papunta sa maliit na steal sa rooftop at tumingin siya sa kalangitan at tumabi naman si Liliana sa kanya. "Actually, people are not addicted to alcohol. They are addicted to escaping reality." Naging interesado naman si Liliana sa kanya dahil puro siya tinamaan sa mga sinasabi nito. Yun ang kailangan niya ngayon na makatakas sa nangyayari ngayon. "Liliana, if you're not going to face the problem, the problem is going to face you," ani nito nung tumingin siya kay Liliana. Napatingin si Liliana sa kalangitan. "You're right." Nakatingin ang lalaki sa kanya nung nakita nito na natauhan na si Liliana sa nangyayari ngayon. "Shout." Napatingin naman si Liliana sa kanya. "Huh? Anong shout?" "Isigaw mo ang sakit na nasa puso mo ngayon." Agad namang napatingin si Liliana sa paligid at wala naman silang kasama. "Walang makakarinig sayo dito kundi tayong dalawa lang kaya isigaw mo ang lahat ng iyan." Tumango naman siya at huminga siya ng malalim at sumigaw ng malakas. "Hayop ka, Gerald! Kayong dalawa ni Mirabelle! Di ko kayo kailanman mapapatawad! Magsama kayong mga higad kayo!" "Ilabas mo pa." "Binigay ko ang lahat ng gusto mo kahit grabe na ang pagtatrabaho ko magkapera lang at mabinigay ko lang para sa kasayahan mo pero ginanito mo lang pala ako! Dammit! Maghihiganti ako sa inyo!" Sa pagsisigaw niya ay tumulo ulit ang luha niya na kinaiyak niya ng tuluyan. Napabuntong hininga na lang ang estranghero. "You want to drink?" Napatingin naman siya kay Fern at agad tumango tango. "I want to drink until I fall asleep. Gusto ko munang kalimutan ang lahat lahat ngayon mismo." Tumingin si Fern sa kanya at dahan dahan na tumango. "Do you trust me?" tanong niya bigla kay Liliana. Tiningnan ni Liliana si Fern at ramdam ni Liliana na makakapagkakatiwalaan ngayon ang lalaking nasa harapan niya. Hindi niya alam pero ramdam talaga niya ang pakiramdam na nakakapagkakatiwalaan ito. "Kung hindi ay naintindihan ko. Ihahatid na lang kita sa kung saan man ang address mo." Biglang kumirot ang puso ni Liliana nung marinig niya ang sinabi nito. Nakita niya na lumakad ito at agad niyang pinigilan ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. "Please, samahan mo ko." "At bakit naman kita sasamahan?" "Uhmm... dahil baka nandoon ngayon si Gerald sa bahay namin. Uhmm... ikaw ang savior ko today... ah libre ko lahat ngayon. Samahan mo ko sa bar." Yun na lang ang nasa isipan ni Liliana. Humarap naman ito sa kanya at dahan dahan na lumapit sa kanya at napalunok naman siya at dahan dahan na umatras hanggang maramdaman niya ang steal sa likod niya at napasandal siya doon. "Are you like this to other men?" Agad namang napailing iling si Liliana sa sinabi nito. "I'm sorry... hindi ko kasi kayang pumunta sa bar na mag isa dahil hindi pa ako nakakapunta ng ganung lugar. Di ako sinasama ni---" "Fine, don't mention that man from now on." Umatras si Fern ng isang beses at inilahad niya ang kamay niya. "Shall we?" Napatingin naman si Liliana sa kamay nito at ngumiti at tumango siya bago niya hinawakan ang kamay ni Fern. "Ikaw na ang bahala sa akin." Tumango naman ito at lumakad na sila papunta sa baba at di alam ni Liliana na may bar din pala sa baba at nakahawak lang siya sa kamay ni Fern habang naglalakad. Nakikita niya ang nakakasilaw na mga ilaw at ang mga nagsasayaw sa gitna at nag iinuman. Umupo naman sila sa isang bakanteng upuan at umorder naman si Fern ng inumin at napatingin naman ito sa kanya. "Anong gusto mong inumin?" "Hard drink?" Napakunot naman ang noo ni Fern nung sinabi niya ang bagay na yun. "Fine." Umorder na ito sa bartender at napatingin naman siya kay Fern. "Fern, parang alam mo ang mga inumin dito? Naging bartender ka din ba noon? Ano pa ang mga trabaho mo?" "Nagkainteresado ka na sa akin ngayon? Baka mahulog ka sa akin." "Tinatanong ko lang naman. Iba na ang iniisip mo." "Natikman ko na ang lahat ng inumin kaya alam ko kung ang mga pipiliin ko na nababagay sayo." "Wow, talaga?" Dumating na ang inumin nila at nakita agad ni Liliana na pamilyar ang inumin na nasa harapan niya ngayon. "Eh? Ano ito?" "Alcohol." Dahan dahan naman siyang tumango. At titikman sana niya nang pinigilan siya ni Fern sa pagtikim. "Bakit?" "Matapos kang malasing ngayong madaling araw ay siguraduhin mo na tuluyan mo nang makakalimutan ang bastardong iyon." Tumango naman siya at agad na silang nag cheers. Madaling nalasing si Liliana at napansin naman agad iyon ni Fern at napatingin siya sa lamesa at ang dami na ng inumin doon at di na din niya napansin ang bagay na yun. "Fern!" Napatingin siya kay Liliana na lasing na nga at sumandal sa balikat niya. "Are you okay? Ihahatid na kita sa bahay mo kung di mo kaya." Napatingin naman si Liliana sa kanya at ngumiti ito na kinakunot ng noo nito. "Fern, totoo ba ang sinabi mo kanina na tanggap mo kung ano ako? Papakasalan mo ko diba kahit nerd ako?" Umiyak na naman si Liliana na kinagulat ni Fern. "Sa school namin noon kahit nasa kompanya na pinagtatrabahuan ko ay di ako tanggap dahil pangit ako." "Pangit? Nasaan? Wala naman akong nakikitang mali sayo. You're beautiful kahit saang anggulo. Sino naman ang nagsabi na pangit ka? Tusukin ko ang mga mata nila," kunot noong ani ni Fern sa kanya. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Liliana dahil sa narinig. Hindi naman sinabi sa kanya ni Gerald na maganda siya simula sa relasyon nila hanggang ngayon. "At tungkol sa kasal. I'm serious about marrying you." Uminit naman ang mukha ni Liliana at bumilis din ang tibok ng puso niya dahil sa narinig mula kay Fern. Hinawakan naman nito ang kamay nito na may singsing na isinuot sa kanya kanina. "How about you? Will you marry me, Liliana? Dahil ngayon ay papakasalan kita ngayon mismo na walang hinihiling na kapalit." Ngumiti naman si Liliana at niyakap niya si Fern. "I will marry you." ***** LMCD22Liliana's Point Of View* Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko galing sa labas ng bintana. Napapikit ako dahil ramdam ko ngayon ang sakit sa katawan ko at hapdi sa pagitan ng binti ko at lalo na din sa ulo ko na parang biniak. Ano ba ang nangyayari? Parang nakipaglaban ako kahapon ha dahil sa sakit ng katawan ko ngayon. Naramdaman ko na may yumakap sa akin ngayon kaya napamulat ako at agad tumambad sa akin ang matigas na katawan ng isang lalaki at may abs pa ito at nasa harap ko talaga. Dahan dahan akong napatingin sa nagmamay-ari ng abs na nasa katawan na nakayakap ng mahigpit sa akin ngayon at nakita ko ang isang lalaki na di ko man maalala kung saan ko nakita pero pamilyar siya. Inalala ko ang nangyari kahapon at doon bumalik sa isipan ko ang pagtataksil na ginawa sa akin ng fiancee ko na si Gerald at ang bestfriend ko na si Maribelle. Biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari kahapon. "Sabi niya walang ibang papatol sayo dahil nerd ka diba? So I will
Liliana's Point Of View* Dahan dahan akong nagmulat dahil pakiramdam ko ang bigat ng kamay ko at nakikita ko agad ang puting kisame at agad kong naamoy ang amoy ng clinic at tiningnan ko ang paligid at nasa clinic nga ako. Napatingin ako sa natutulog sa gilid at nakita ko si Jack na ginawang unan ang kamay ko. Kaya pala di ko magalaw ang kamay ko. "J-Jack... ehem..." Ang dry naman ng lalamunan ko. Di ko pa magalaw ang kamay ko dahil mukhang namamanhid iyon. Ginalaw ko naman ang isang kamay ko at sinabunutan si Jack at agad naman siyang napatayo dahil sa gulat. "Sinong sumabunot sa aki--- oh! Liliana, gising ka na pala." "Ang kamay ko di ko magalaw." "Eh? Hala anong nangyari?! I should call the nurse." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ginawa mong unan kaya namamanhid." Nagulat naman siya sa sinabi ko. "I'm so sorry!" Hahawakan sana niya pero agad kong pinigilan ang kamay niya dahil masakit kasi siya na pamamanhid. "Hayaan mo na dumaloy ang dugo ko."
3rd Person's Point Of View*Boung araw kahapon inilibot ng kanang kamay ni Asher na si Caleb ang boung mga departments at hindi pa din nito nakikita ang Asawa na sinasabi ng CEO niya. Nakatingin si Caleb sa litrato ng Asawa ni Asher at nagtataka siya dahil sa dami ng magagandang babae na humahabol sa CEO nila ay sa isang nerd lang ito nagpakasal at napakamot na lang siya sa ulo niya at bigla bigla na lang itong nagpapakasal na maski siya at ngayon lang niya nalaman.Napatingin siya sa CEO niya na bumaba sa sasakyan nito at agad siyang lumapit at yumuko sila."Good Morning, Sir---""Did you find her?""Wala po siya kahapon at sabi ng mga kasamahan niya sa department ay engagement daw nito nung last night kaya rest day niya kahapon."Napaisip naman si Asher sa sinabi nito. "Let's go to her department."Natigilan naman si Caleb dahil nakita nga niya ang mukha ng Asawa nito baka mabash lang ang Asawa nito kung ipapakilala niya agad sa lahat."S-Sir, wala pa naman sa balak niyo na sabihi
Liliana's Point Of View*Dahan dahan akong umatras nang mapahinto ako. Bakit parang ako ang natatakot sa kanya? Siya ang nagloko at hindi ako. Di ko hahayaan na maloko ulit ako ng lalaking ito. Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Nang dahil sa mana ko. Bakit ko naman kasi yun sinabi sa kanya? Napaka bobo ko din naman kasi eh!At mukhang plinanuhan pa nilang dalawa ni Mirabelle ang mga mangyayari para masolo nila ang mana ko. Napakamao na lang ako dahil sa katangahan ko sa kanya ng tatlong taon.Napabuntong hininga ako at dahan dahan na tumingin sa sa pwesto ni Gerald. Kaya ko ito at kakalimutan ko na na mahal ko siya. Kagaya ng sinabi ni Fern na hindi ko deserve ang lalaking ito at di na siya kailanman makakalapit sa akin.At napatingin naman siya sa akin at agad siyang lumapit na kinanigas ng katawan ko. Syet! Hindi ito pwede! Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Hindi ko alam kung bakit!"Liliana, mabuti nand
Liliana's Point Of View* Nakatingin ako sa kanya at nakaupo kami ngayon habang natingin ako sa may-ari ng company na pinagtatrabahuan ko ngayon. Tiningnan ko siya sa mga mata niya dahil di ako naniniwala na kasal na kaming dalawa. Napatingin ako sa dalawang singsing na nasa harapan ng lamesa at ngayon ko lang napansin na ang ganda ng singsing na nasa harapan ko ngayon. Isang big diamond ring ang isa at ang isa naman ay isang plain ring na maraming palibot na diamonds at mukhang mamahalin ang singsing na yun. Grabe! "My Wife..." Nanlalaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. "O-Oh?... I mean, Mr. Asher, don't call me Wife. Hindi nga tayo kasal. Impossible naman ang bagay na yun." Nakita ko na nanlumo naman siya at napayuko. Parang na guilty atah ako sa ginawa ko ngayon. "Ehem..." mahinang ubo ko ngayon para na din makuha ang attention niya. "Do you need water?" Agad naman akong napailing sa sinabi niya. "Please, tell me directly kung paano mo ako naging Asawa kuno. Nasaan
Liliana's Point Of View* Kinabukasan.... Nasa bahay ako ngayon at hindi ito matatawag na bahay sa iba dahil nga nakatira ako sa mansion. Yes, sa mansion ako nakatira na pamamay-ari ng pamilya namin. Umalis na ako sa boarding house na tinutuluyan ko kasi babalik balikan talaga ako ni Gerald doon dahil yun lang ang alam niyang bahay ko at doon kina Grandma at hindi niya alam ang tungkol sa mansion na tinitirhan namin. Sa nagpapasweldo sa mga katulong at bodyguards dito at nakabudget na at nagba-budget nun ay ang Grandpa ko at asawa niya yung Grandma ko na tinawagan ko nung isang araw. Buhay pa ang Grandpa at Grandma ko at nasa ibang bansa lang si Grandpa dahil may ginawa sandali pero pagbalik dito sa Pinas ay tumira sila sa may bukid kung saan pumunta si Gerald para hanapin ako. Normal na kahoy ang bahay nila doon dahil gusto nilang mamuhay ng normal pero ang hindi alam ng lahat ng tao dito sa bukid na mayayaman din sila. Gusto kasing maging farmer sila Grandpa at Grandma kaya pina
Liliana's Point Of View* Nakarating na ako sa kompanya at ako na ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at lumabas na ako at napatingin ako sa labas ng kompanya at napabuntong hininga ako bago lumakad papasok. Habang naglalakad ay nagdadasal talaga ako na hindi ko makikita ang isa sa kanila…. Silang tatlo. Diretso lang ang lakad ko at hinawakan ko ang ID ko at inilagay sa gilid para ma-scan at bumukas ang maliit na pintuan. At lumakad na ako. Naala ko ulit ang ID ko na naiwan daw sa hotel kung saan kami huling nag--- arrghh! Bakit ka pa naiwan! Nakita tuloy ako kung saan ako pumapasok! Napatingin ako sa ID ko at mahina na lang akong napamura. Ako siguro ang nerd na palamura. “Kasalanan mo ID. Pahamak ka eh. Sa dami dami ng nawala ay ikaw pa talaga?” mahinang ani ko sa gilid at napatingin naman ako sa gilid nung may natawa. Dahan dahan naman akong napatingin at nakita ko ang isang lalaki na mukhang kaedad ko lang atah na nasa tabi ko at naghihintay din ng elevator at tiningnan ko s
Liliana’s Point Of View*Nandidito kami ngayon ni Jack sa rooftop at ito ang bagong tambayan namin ngayon every lunch at dala naming dalawa ang mga baon naming lunch box.“Ang sasarap talaga ng mga pagkain ninyo at may dessert pa. Ikaw ba ang nagluto niyan?”Dahan dahan naman akong tumango sabay ngiti. Sino pa ba ang nagluto ng bagay na yan? Yes, minsan si Manang pero ako pa din naman baka mapagod si manang.“Weee.”Napakunot naman ang noo ko at nabatukan ko siya agad na kinapout naman niya habang nakahawak sa ulo niya.“Bakit nambabatok? Ang sakit nun ha.”Napahimas naman siya sa ulo niya at mukhang nalakasan ko atah.“Kasalanan mo yan kung bakit ka nabatukan. Hindi naman kasi naniniwala eh.”“Hindi ko naman kasi nakita na marunong kang magluto sa ilang taon nating magkaibigan ay di ko talaga nakikita.”“Dahil kay Gerald lang ako nagluluto noon at hindi sa ibang tao. Alam mo naman na ayaw makipagshare ang bff mo.”Diininan ko talaga ang word na bff sa kanya na kinakunot ng noo niya.
Liliana’s Point of View*“H-Huh?”Biglang isang iglap ay naramdaman ko na niyakap niya ang katawan ko at dahan dahan na inilapit sa kanya at di ko na lang pinansin ang nilalang na tumitigas sa baba.“Hubby, I’m still tired from what happened between us last night. I'm still sore."“Don’t worry because I’ll take action this time, and you just stay put, okay?”Hala di talaga siya mapipigilan! Agad kong pinigilan ang mukha niya na hahalikan sana sa labi ko.“Ha! Teka lang!”Natigilan naman siya at tiningnan ako sa mga mata ko.“Hmm? What is it? Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Kulang pa ba ang performance ko? Sabihin mo sa akin at mag-aaral pa ako.”“Eh? Waaaa hindi ganun yun. Yung nangyari kasi kagabi ay tama lang yun sa beer na ininom mo. Wala ng iba sa bagay na yun. Nalasing din ako... Alam mo naman na malalasing ako agad agad di katulad ng sayo na matagal malasing."Nakikita ko na parang nanlumo naman siya dahil sa sinabi ko.“Did I force myself to you, wife? I’m sorry, I won’t d
3rd Person’s Point of View*Nasa isang magandang bahay ay nakaupo ngayon ang batang Asher habang nagbabasa kasama ang mga magulang nila dahil may binisita sila na kakilala ng mga magulang nila.Walang emosyon si Asher habang maayos pa ding nakaupo at umiinom ng tea.“Hindi namin alam na ganito pala ka-gwapo ng anak ninyo, Tiffanie, Ashton.”Napangiti naman ang mga magulang ni Asher sa mga magulang ni Liliana dahil sa sinabi nito.“Sigurado na magkakasundo sila ng older son namin na si Lorenzo dahil same naman sila ng edad.”Napatingin naman sila sa anak nila na nakatingin sa kanila at binaba ni Ashton ang tea cup niya. Sa batang edad niya ay matured na siyang gumalaw dahil sa pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.“I also want to meet him in person, Mr. and Mrs. Everheart.”Napangiti naman sila sa sinabi nito at nagsign naman sila sa katulong na ipatawad si Lorenzo.“Pababain muna namin si Enzo, okay? Sigurado na magkakasundo kayo dahil kagaya mo ay gusto din niyang magbasa ng mga
3rd Person's Point of View*Dumating sa airport ang dalawang lalaki na nasa 50's na at kasama nito ang nakakatandang anak nito at tinanggal nito ang sunglasses habang nakatingin sa paligid. Kasama din nila ang mga bodyguards nila na pu-protekta sa kanila sa mga kalaban."I didn't know that the Philippines could be this hot," ani ni Mateo at napatingin naman siya sa anak niya na si Theo na tinanggal din niya ang sunglasses niya.Iniisip niya na makita niya ulit ang babaeng nakasama niya noon na hindi alam ng Dad niya ay sobrang excited na siya sa bagay na yun. Hindi lang nito sinabi dahil accident lang ang pagkikita nila noon."I don't care. As long as I get to see my future fiancée, I don't care about the heat right now. I need to beat that guy and win her over.""That's my son. Are you really sure you haven't seen their daughter yet?"Agad namang napailing-iling si Theo sa tanong ng Dad niya."Okay, let's go to the hotel first to rest, and tomorrow we'll visit Alessandro's grandchild
3rd Person’s Point Of View*Bago niya tinawagan si Liliana sa scene na ito ay busy siya sa pagtatrabaho.Nagtatrabaho ngayon si Asher nang biglang may tumawag sa kanya ngayon at di pa niya iyon pinansin dahil baka iyong nang-iinis lang na investors ang tumatawag pero dahil sa curiosity dahil baka asawa niya ang tumawag kaya tiningnan niya iyon at napakunot ang noo niya dahil unregistered number sa sariling phone niya mismo na tanging ang asawa lang niya ang nakaka-access. Dalawa kasi ang phone niya sa trabaho at para lamang sa asawa niya ang isa.Pero may tumatawag sa exclusive number niya. Sinagot naman niya iyon.“Young man, bakit ang tagal mong makasagot?” Natigilan siya nang marinig niya agad ang boses ng Grandpa ni Liliana.“Sire, paano niyo po nalaman ang number ko?”“Binigay ni Liliana sa akin. May sasabihin ako sayo and please protect Liliana.”Natigilan naman si Asher dahil sa sinabi ng Grandpa nito.“Who’s that bastard try to hurt my Wife?”“Just protect her. Hindi pa nami
Liliana’s Point of View*Lumabas na ako ng department at dumiretso na ako sa elevator at agad pinindot ang down button. Ang plano ko na sa text ko na lang sasabihin ang bagay na yun.Lumabas na ako sa kompanya at agad na akong nagpara ng taxi papunta sa boarding house ni Gerald. Pumasok na ako sa taxi at agad kong sinabi kung nasaan ang bahay ni Gerald at pinatakbo na ang sasakyan.Agad kong tinext ang Asawa ko na aalis muna ako para di siya mag-aalala kung saan ako pumunta pero di ko muna sinabi kung nasaan ako pupunta. Oh diba? Sinabi na aalis ako pero di ko sinabi kung nasaan.Nang napansin ko na tumatawag si Grandpa na kinakunot ng noo ko. Kaya sinagot ko iyon. Di ko talaga alam kung saan sila nagpupunta. Pinabayaan ko na lang dahil baka nagdedate lang silang dalawa ni Grandma at alam niyo na namamasyal sila na hindi man nila nagawa noon pa man dahil sa kabusy nila.“Grandpa, napatawag ka? Kumusta ang Honeymoon ninyo ni Grandma?”“What? Apo, hindi kami nagha-honeymoon.”Mahina na
Liliana's Point of View* Nakatingin ako sa mga mata niya at ngayon di na ako magpapatalo sa pagtitig niya sa akin. "Anong gagawin mo, wife?" Siningkitan ko siya ng tingin. "Alam ko na hindi mo yun magagawa at may dahilan ka kung bakit mo sila sinisante." Nagkatitigan kaming dalawa nang napangiti siya habang nakatingin sa akin. "You really know me?" Napangiti naman ako at tinulak ko ang mukha niya para lumayo sa akin. "Hindi ako makakarating sa position ko kung di ako marunong umintindi at magdedesisyon ng tama sa isang bagay at bilang isang may-ari ng isang malaking kompanya ay di mo agad papaalisin ang mga taong malaki ang tulong sayo." Nakatingin lang sila sa akin habang nakikinig sa sinasabi ko. "Mukhang may nagawa silang pagkakamali na ayaw na ayaw mo." Dahan dahan naman siyang napatango habang nakatingin sa akin. "You're right, hindi nga kami nagkamali na ilagay ka sa posisyong iyon. Actually, ang lahat ng empleyadong nandodoon ay binabalak na nakawan ang k
Liliana's Point Of View*Hindi ko na iniisip ang bagoong sa sitwasyon namin ngayon. Itutulak ko sana si Asher pero mahigpit niya akong niyakap."What are you doing here?"Napalunok si Bert nang magsalita si Asher at namutla."P-Pasensya na po, Mr. Windermere."Napayuko naman siya at ramdam ko ang panginginig niya at napabuntong hininga ako at napatingin kay Asher. "Don't look at my friend."Napakunot naman ang noo ni Asher at tinakpan ko ang mga mata niya para di niya tingnan si Bert."Come here, Bert."Napatingin naman si Bert sa akin at nagtataka pa din sa nangyayari ngayon. "Di na siya nakatingin. Don't worry.""H-How..."Lumapit sa amin si Caleb."Milady, anong gagawin po natin sa kanya?" Nagulat naman silang napatingin kay Caleb na parang sinasabi niya na pabagsakin namin si Bert."I will tell him the truth. Pero hindi dito at doon tayo sa opisina ni Ash--- niya. Opisina niya."Tinuro ko si Asher baka malabi sa labi talaga ako dito pagsasabihin ko pangalan niya. Mahirap na!Na
3rd Person's Point Of View*Sa Italya... Nakarating ang Grandparents ni Liliana sa mansion nila at agad namang napayuko ang lahat habang naglalakad sila papasok."Master, Madame."Napatingin naman si Alessandro sa Butler nila na bumati sa kanila."I heard there's another problem here? What's going on?"Napayuko naman ito at nagdadalawang isip kung sasabihin ba nito ang problema o hindi na."Tell me.""I heard that the Jones Family found out that you have a granddaughter, and they plan to marry her to their grandson."Napakunot naman ang noo nilang dalawa ni Alessandro dahil sa sinabi nito."Alessandro, gagawin nila ang lahat magkaroon lang ng koneksyon sa atin."Dahan-dahan namang napatango si Alessandro sa sinabi ng asawa nito na si Francesca."Do they already know about this? I know they're also against this from happening.""They're on their way home next week, and for young master he's arriving now.""Hmm..."Biglang nakarinig sila ng sasakyan sa labas at napatingin naman sila doo
Liliana's Point Of View*Nanghihina akong napaupo sa upuan ko at napakagat ako sa labi ko at inihiga ang ulo ko sa lamesa ko.Muntik na akong mahuli nun ha. Mabuti agad kong nalusutan ang bagay na yun. Napatingin ako sa phone ko nang maalala ko si Asher. Ano na ang nangyari? Napuntahan na kaya ni Asher si Gerald? Sana walang nangyaring masama sa kanya.Lumapit sa akin si Mirabelle na mukhang hindi pa niya alam ang nangyayari kay Gerald ngayon."Besh--- I mean Miss Liliana, pwede ka bang makausap?"Mabuti marunong na siyang lumugar kahit nasa trabahuan kami ngayon."What is it?""Uhmm.. diba ngayon yung sa loan shark? May pera ka na bang naipon para kay Gerald?" Natigilan naman ako sa tanong niya."What do you mean? Paano mo nalaman ang bagay na yun?""Sinabi niyo naman sa akin diba ang bagay na yan noon?"Sa pagkaka-alala ko ay wala talaga akong sinabi sa kanya baka si Gerald oo?"I think, mukhang nakalimutan ko na ang bagay na yun. Nevermind.""Baka nahirapan ka na. You can use my m