Bogus Billionare

Bogus Billionare

last updateHuling Na-update : 2023-12-20
By:  Shining Riviera  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
9.8
7 Mga Ratings. 7 Rebyu
210Mga Kabanata
34.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Ito ang araw na ikakasal si Caroline Evans. Ngunit hindi sa kanyang kasintahan na si Eddy Morrison, na minahal niya ng sobra sa loob ng walong taon. Kundi, sa isang lalaki na wala pang limang minuto niyang nakikilala…"Pwede ka pang umurong." Puno ng pag aalinlangang sabi ng lalaki habang naghihintay sila sa waiting room ng City Hall. Napahawak ng mahigpit si Caroline sakanyang palda nang bigla niyang maalala ang walang emosyong itsura ni Eddy. Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong inimbitahan siya ni Eddy, na iniiwasan siya na para bang may nakakahawa siyang malubhang sakit. Sobrang saya niya noong araw na yun dahil akala niya ay sa wakas magbubunga na ang paghihintay niya ng walong taon…Sobrang pinaghandaan niya ang araw na yun, pero pagkarating niya sa venue, hindi niya inaasahan na hindi lang oala si Eddy ang makikita niya doon dahil may kasama itong babae na nakaupo sa wheelchair at abot-tenga ang ngiti hbang nakahawak kamay kay Eddy. Ang babaeng ito ay walang iba kund

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Liezl Montero
love it .. I want full story thank you
2023-11-01 11:21:39
3
user avatar
Nery B. Ramos
kaya pala Hindi ko ma research dahil mali ung spilling ko ng bogus... nung isang araw pa kita hinahanap, sa wakas nasa Library na kita ...
2023-10-24 16:02:52
0
default avatar
Marilyn Dogillo
an ganda kaso wala ako pang bayad
2023-10-23 08:31:06
0
user avatar
Abisha May
give the full story
2023-10-21 14:54:37
0
user avatar
Abisha May
its good but i wnt to read full story
2023-10-21 14:53:24
0
user avatar
Lorebel Daug
nice story
2023-10-21 14:21:02
0
user avatar
Malagda Belingon Mharie
Nice story .. sana mabasa until end...
2023-12-09 22:50:18
0
210 Kabanata

Kabanata 1

Ito ang araw na ikakasal si Caroline Evans. Ngunit hindi sa kanyang kasintahan na si Eddy Morrison, na minahal niya ng sobra sa loob ng walong taon. Kundi, sa isang lalaki na wala pang limang minuto niyang nakikilala…"Pwede ka pang umurong." Puno ng pag aalinlangang sabi ng lalaki habang naghihintay sila sa waiting room ng City Hall. Napahawak ng mahigpit si Caroline sakanyang palda nang bigla niyang maalala ang walang emosyong itsura ni Eddy. Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong inimbitahan siya ni Eddy, na iniiwasan siya na para bang may nakakahawa siyang malubhang sakit. Sobrang saya niya noong araw na yun dahil akala niya ay sa wakas magbubunga na ang paghihintay niya ng walong taon…Sobrang pinaghandaan niya ang araw na yun, pero pagkarating niya sa venue, hindi niya inaasahan na hindi lang oala si Eddy ang makikita niya doon dahil may kasama itong babae na nakaupo sa wheelchair at abot-tenga ang ngiti hbang nakahawak kamay kay Eddy. Ang babaeng ito ay walang iba kund
Magbasa pa

Kabanata 2

"May problema ba?" Tumingin si Kirk kay Caroline. Gusto sanang sumagot ni Caroline, pero ayaw niyang mag overthink si Kirk kaya hindi niya nalang itinuloy. “Ah wala. Tara na.” Anu mang mangyari, kailangan din naman talaga nilang gawin yun…Habang nasa byahe, biglang tumawag si Eddy kay Caroline. Nang makita niya ang pangalan nito sakanayng screen, bigla siyang natigilan. Hindi alam ni Caroline kung anong mararamdaman niya dahil sa nakalipas na walong taon, palaging siya ang tumatawag kay Eddy para mangamusta. Ni minsan, hindi siya tinawagan nito..Kahit na noong panahon na naospital siya, ni hindi man lang siya tinawagan nito para itanong kung anong nangyari sakanya, pero ngayon… tinatawagan siya nito para kay Layla… Alam ni Caroline sa sarili niya na hinding hindi niya mapapantayan si Layla pagdating kay Eddy. “Hindi mo ba sasagutin yang tumatawag sayo?” Tumingin sa bintana si Kirk, na kanina pa nakapikit ang mga mata. Tumingin si Caroline kay Kirk. Hindi niya man mapint
Magbasa pa

Kabanata 3

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. Pakiramdam niya para bang may isang tao na bigla nalang naghagis sakanya ng salbabida habang nalulunod siya sa kalagitnaan ng malawak na dagat. Tinignan niya si Kirk, at sakto noong oras na yun ay nakatingin din ito sakanya. Hindi niya maipaliwanag kung ano pero may naramdaman siyang kakaibang koneksyon dito. Pagkatapos ng ilang segundo, nahimasmasan si Caroline at tumingin sakanyag mga magulang na sina Dan at Sarah White. Bakas sa itsura ng dalawa ang matinding pagkagulat. Unang nahimasmasan si Dan, “Carrie, ano ‘to?” Pero bago pa man din siya makasagot ay bigla siyang hinila ni Kirk sa likuran nito. Noong sandaling yun, nablangko ang isipan ni Caroline at nawala ang lahat ng takot na nararamdaman niya sa proteksyon ni Kirk. “Kakaregister lang po ng kasal namin kanina. Masyado pong biglaan kaya hindi na namin kayo naabisuhan.” Sagot ni Kirk. Kagaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Dan ang balita kaya nanlilisik ang kanyang mg
Magbasa pa

Kabanata 4

Hinila ni Kirk si Caroline papunta sa passenger seat bago siya bumalik sa driver’s seat. HIndi inaasahan ni Caroline ang mga nangyari kaya nagtataka siyang tumingin kay Kirk. ‘Bakit galit na galit siya? HIndi ba dapat ako nga yung mas galit? Anong problema niya?’Pagkastart ng sasakyan, walang anu-ano itong hinarurot palayo ni Kirk. Sa sobrang bilis, halos tumilapon na si Caroline sa bintana kaya napahawak siya ng mahigpit sa pintuan. “ Ano bang ginagawa mo?!” Pero parang walang narinig si Kirk, nakautok lang siya sa daan, at bagkus, lalo niya pang inapakan ng madiin ang gas kaya ang Audi A6 ni Caroline ay umarangkada sa kalsada na parang iog na umaagos. Sobrang namutla si Caroline. Sa sobrang lakas ng hangin, napapabitaw na siya sakanyang hinahawakan, at pakiramdam niya ay para siyang nalulunod. Bandang huli, hindi na kinaya ni Caroline at bumitaw nalang siya, habang si Kirk naman ay parang isang baliw na nagpatuloy lang sa pagmamaneho papunta sa kawalan. Three days ago n
Magbasa pa

Kabanata 5

Natawa si Caroline sa naisip ni Gwen. “Haha! Masyado ka na atang maraming nabasang romatic novel;! Nakita ko lang siya sa kung saan at siigurado ako na wala siyang kinalaman sa mga Morrison. Hmm siguro ang tanging pagkakaparehas sila ng kumpanyang pinagtatrabahuan. “Ay.” Medyo nadismaya si Gwen. Ibig sabihin.. Empleyado siya ni Eddy, tama ba? Teka.. Hindi ka naman kaya gamitin nio Eddy ang pagkakataon na yan para ibully ka?”Biglang kumunot ang noo ni Caroline at naging seryoso ang kanyang mukha. “Hin…hindi niya pwedeng gawin yun hanggat nabubuhay Old Mr. Morrison. Isa pa, wala naman talagang pakielam sa akin si Eddy kaya ngayong kasal na ako, baka nga mas maging masaya pa siya kasi wala ng mang aabala sa kanya. Medyo kumalma si Gwen, pero nang maalala niya kung paano ginawang tanga ni Eddy ang kaibigan, muli siyang nag hysterical, “Kung ako ang tatanungin mo, dapat sinaktan mo siya eh. Bakit? Hindi niya ba alam kung gaano ka kadesperadang pakasalan siya?”“Tapos na yun, Gwen at
Magbasa pa

Kabanata 6

Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating na si Caroline sa Starlust Hotel sakay ng sasakyan na pinadala ni Jude para sunduin siya. Pagdating niya roon, saka lang niya nalaman sa butler na may gathering ang mga Morrison. "Nandito rin ba si Eddy?" tanong ni Caroline. Sa totoo lang, ayaw niya talagang makita ito sa ngayon. Subalit, nagkamali ng pagkakaintindi ang butler. Ngumiti ito at sinabi, "Huwag kang mag-alala, Ms. Evans. Darating siya agad."Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Caroline. ‘Wala pa siya? Makakaalis kaya ako bago siya dumating?’Gusto niya pa sanang umatras, pero biglang binuksan ng butler ang pintuan at tumambad sakanya si Jude. “Lolo.” "Oh!" Abot-tenga ang ngiti ni Jude nang makita si Caroline. "Halika, Carrie. Umupo ka rito sa tabi ko."Umupo siya sa tabi nito. Doon niya napagtanto na hindi pa event.. Siguro ay may mga mahahalagang bisita pang hinihintay. Hindi man siya nagsalita, pero para bang nabasa ni Jude ang kanyang isipan. Natawa ito at sinabi, "N
Magbasa pa

Kabanata 7

Sabay na lumabas sina Eddy at Caroline sa event hall. Pagkalabas na pagkalabas, hinatak ni Eddy si Caroline sa isang gilid at sinakal. “Wag kang magpakapanatag na hindi ka masasaktan dahil lang sa paborito ka ni lolo!” Nahihirapan si Caroline na humingi pero ngumiti siya sa halip na magpumiglas. “Ikaw ang wag magpakapanatag! Itigil mo na yang pag iisip na gamitin ang kidney ko bilang kapalit ng kasal at makipag ayos kay Lolo! Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang mga sunod kong ibubulgar!?” Nanginginig si Eddy sa sobrang galit. Pakiramdam niya ay ibang Caroline ang nasa harapan niya. Hindi na ito sunud-sunuran na parang tupa.Lalong hinigpitan ni Eddy ang pagkakasakal kay Caroline habang nagbabanta, "Hindi ako nakikipag laro sayo! Ayokong ikasal sayo kaya ibigay mo na ang kidney mo kay Layla!” Pagkatapos magsalita, binitawan ni Eddy si Caroline at umalis. Sinundan ni Caroline ng tingin si Eddy habang naglalakad ito palayo. Hindi niya alam kung paano siya naging patay na patay
Magbasa pa

Kabanata 8

Doon na nagsimulang magreact ang lahat. Itinulak nila si Caroline nang mabilis at pinunasan ang lugaw na natapon kay Layla. Pero huli na ang lahat dahil nasunog na ang kanyng balat kaya para siyang batang inagawan ng candy sa pag iyak ng malakas. Sigaw ng nurse, “Sino ka ba? Alam mo ba kung sino ang kinalaban mo?”Walang emosyon na sumagot si Caroline, “Ako lang naman ang grirlfriend ni Eddy.”Gulat na gulat ang lahat na napatingin kay Layla. Nanginig ang buong katawan ni Layla at nagpapanic siyang nagpaliwanag, “Formality lang yung engagement niyo! Alam mo naman sa sarili mo na hindi ikaw ang mahal ni Edddy, kundi ako! Kaya pwede bang hayaan mo nalang kaming maging masaya??”Sabay-sabay na tumingin ang lahat kay Caroline. Natawa na lang si Caroline. Ang kapal talaga ng mukha ng pinsan niya.Huminga siya ng malalim at mahinahong sinabi, “Kung talagang totoo at malinis ang relasyon niyo kagaya ng sinasabi mo, bakit kaya hindi magawang icancel ni Eddy ang engagement namin sa ha
Magbasa pa

Kabanata 9

Medyo malayo ang kinatatayuan ni Sean kaya hindi niya kaagad nakita ang mukha ni Caroline at tumango lang siya sa sinasabi no Eddy. Bilang pinaka-magaling na kidney specialist sa mundo, ang ganitong klase ng operasyon ay parang laro lamang para sa kanya. Pumayag lang naman siya na kunin ang responsibilidad sa kaso na to nang dahil sa kamag anak ni Kirk si Eddy. "Mauna na ako. Ikaw ng bahala jan." Sabi ni Eddy kay Sean bago siya lumakad palayo.Noong sandaling iyon, sa labas ng City Hall, bumaba si Kirk mula sa kanyang kotse at kagaya ng inaasahan, nakatingin sakanya ang lahat. Sobrang ordinaryo lang ng damit na suot niya at ng kotseng dala niya, pero dahil sobrang gwapo niya, hindi imposibleng makakuha talaga siya ng atensyon. Naglakad si KIrk papunta sa may pintuan at tinignan ang oras sakanyang relos. Halos sampung minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin si Caroline. Isa sa mga pinaka kinaiinisan niya ay yung mga taong palaging late. Tinawagan niya si Caroline pero
Magbasa pa

Kabanata 10

"Dr. Yates." Tiningnan siya ng espesyalista ni Layla bago magsalita, "Pasensya na, Hindi na sana kita inabala pa sa ganito kasimpleng operasyon." Umiling lang si Sean bilang sagot. Hindi niya maalala kung saan niya nakita si Layla noon. Ang mga magagandang babae ay magkakapareho lang naman. Baka nag-iisip lang siya ng sobra. Tiningnan niya ang espesyalista. Mula sa kanilang nakaraang usapan, nagpumilit ang espesyalista na siya mismo ang gumawa ng operasyon. Dahil sa determinasyon nito, pumayag si Sean. "Sige."Pagkatapos makuha ang pahintulot, huminga nang malalim ang espesyalista at sinabihan ang anesthesologist, "Bilisan mo at bigyan siya ng pampatulog." Kinuha ng anesthesologist ang isang syringe at itinurok ito sa braso ni Caroline. Habang tinitingnan ang likido na unti-unting pumapasok sa kanyang katawan, mahinang sabi ni Caroline, "Bitiwan ... bitiwan mo ako ..." Ang kanyang mga pilikmata ay nagiging mas mabigat habang itinuturok ang likido sa kanya.Bumalik sa kanya ang mga la
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status