His Slow-witted Maid

His Slow-witted Maid

last updateHuling Na-update : 2024-11-03
By:   Moonlighty_Jaaa  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
54Mga Kabanata
1.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

“In every enchanting story, there's a beast that will beat you up. At ikaw 'yong beast na binabanggit ko.” I have a boss who is always telling about how slow-witted I am. He's sharp-tongued with a rough attitude and unyielding standards. “Parang lahat na yata ng masamang pag-uugali ay nasa iyo na.” I thought there's no romantic between us that blooms amidst the chaos. Our relationship has not been good, but we prove that hates and opposites truly attract. — Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon. His Slow-witted Maid

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

PROLOGUE

PROLOGUEIsang malamig na hangin sa gabi ang dumampi sa balat ko habang nakatayo sa gilid ng bintana ng malaking bahay. Hindi ko inaakala na tatagal ako ng ganito sa mansion na ito, na kahit mali ang pagtrato sa akin ni Ashray ay okay lang. Ano bang magagawa ko kung tuluyan na akong nalamon ng nararamdaman ko sa kaniya.“Iha, hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Gabing gabi na.” Tumingin ako kay manang na matagal na rin dito nagtatrabaho.“Hindi pa po. May hinihintay po kasi ako eh.” Ngumiti ako sa kaniya at muling tumingin sa labas upang pagmasdan ang buwan. “Sigurado ka ba iha sa gagawin mo? Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam mo naman noong malaman niyang may gusto ka sa kaniya, mas gumaspang ang ugali niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at pekeng napatawa. Handa na akong harapin kung ano ang sasabihin niya at mananatili pa rin akong umaasa na magugustuhan niya rin ako kahit alam kong malabo. Sa pag-sabi pa nga lang sa kaniya na nagugustuhan ko siya ay lumala lang ang ...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

default avatar
xoxokitty2023
basahin niyo naaa ang gandaa
2024-09-27 17:05:17
1
default avatar
xoxokitty2023
haahahaha ang cuteee
2024-09-27 17:05:08
1
user avatar
NicaPantasia
ayiiiee heto naaa
2024-09-26 16:27:55
1
54 Kabanata
PROLOGUE
PROLOGUEIsang malamig na hangin sa gabi ang dumampi sa balat ko habang nakatayo sa gilid ng bintana ng malaking bahay. Hindi ko inaakala na tatagal ako ng ganito sa mansion na ito, na kahit mali ang pagtrato sa akin ni Ashray ay okay lang. Ano bang magagawa ko kung tuluyan na akong nalamon ng nararamdaman ko sa kaniya.“Iha, hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Gabing gabi na.” Tumingin ako kay manang na matagal na rin dito nagtatrabaho.“Hindi pa po. May hinihintay po kasi ako eh.” Ngumiti ako sa kaniya at muling tumingin sa labas upang pagmasdan ang buwan. “Sigurado ka ba iha sa gagawin mo? Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam mo naman noong malaman niyang may gusto ka sa kaniya, mas gumaspang ang ugali niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at pekeng napatawa. Handa na akong harapin kung ano ang sasabihin niya at mananatili pa rin akong umaasa na magugustuhan niya rin ako kahit alam kong malabo. Sa pag-sabi pa nga lang sa kaniya na nagugustuhan ko siya ay lumala lang ang
last updateHuling Na-update : 2024-09-20
Magbasa pa
CHAPTER 1
CHAPTER 1Helliry POINT OF VIEW“Tabi! Tabi! Manang ito na po 'yong mga gulay!”“Kalahating kilong carrots nga mare.”“Ang dami mong bibilhin ngayon ah.”“Oo mare, birthday kasi ng anak kong bunso. Pabili na rin ako ng repolyo.”Maaga palang at marami na ang tao rito sa palengke. Magkabilaan ang ingay at pag-uuna sa pagbili ng mga fresh na gulay. Maaga nga rin akong pumasok sa trabaho ko upang magtinda ng mga gulay dahil Biyernes ngayon at siguradong marami ang tao.Hindi nga ako nagkakamali dahil kanina pa ako palipat lipat sa bumibili at pagkikilo. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil siguradong mataas ang sahod ko ngayon.“Helliry! Kamusta ang araw?” Napangiti ako kay Kiro na papunta rito, kaibigan ko at madalas kong kasama sa pagtitinda ng kakanin.“Mukha ba akong araw, Kiro? Tanungin mo kaya siya,” sagot ko dahil totoo naman 'di ba? Hindi naman ako araw, puntahan niya nalang tutal siya naman may tanong. Nawala ang ngiti niya at napakamot sa ulo. “Ibig kong sabihin kamusta ang
last updateHuling Na-update : 2024-09-20
Magbasa pa
CHAPTER 2
CHAPTER 2Helliry POINT OF VIEW“5 thousands sa isang buwan dito Ineng, kaya ba?” Napangiwi ako at napahawak sa batok.“Pag-iisipan ko nalang po. Babalik po ako maya-maya.” Umalis na kaagad ako roon. Sampong libo lang ang natira kong pera at ipagkakasiya ko 'yon sa isang buwan hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Kanina pa ako lumilibot dito para maghanap ng apartment pero mahal lahat. Kung hindi 4 thousands ay umaabot ng 6. Parang hindi kakayanin ng pera ko. Hindi naman ako namomroblema pagdating sa sabon at gamit ko sa paglinis sa katawan dahil nagdala ako. Ang iisipin ko ay pang tatlong araw ko lang na bigas at uulamin ang dala ko. Kung wala akong makikitang mura na apartment at maayos na trabaho hanggang sa susunod na linggo ay siguradong mangangayayat ako.“Ang hirap naman pala maghanap ng apartment. Akala ko ay trabaho lang mahirap hanapin.” Habang naghahanap nga ako ng apartment ay nagtatanong na rin ako ng available na trabaho. Karamihan nga lang na sagot nila ay kasambahay.
last updateHuling Na-update : 2024-09-20
Magbasa pa
CHAPTER 3
CHAPTER 3Helliry POINT OF VIEW“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki. Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.“A-Ate palimos po.
last updateHuling Na-update : 2024-09-22
Magbasa pa
CHAPTER 4
CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako
last updateHuling Na-update : 2024-09-24
Magbasa pa
CHAPTER 5
CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa
CHAPTER 6
CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des
last updateHuling Na-update : 2024-09-26
Magbasa pa
CHAPTER 7
CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O
last updateHuling Na-update : 2024-09-28
Magbasa pa
CHAPTER 8
CHAPTER 8Helliry POINT OF VIEW—ITO ang pangalawang araw ko bilang isang katukoy pero feeling ko ay isang taon na ako rito dahil sa rami kaagad ng ginawa ko kahapon. Napatingin ako sa orasan habang nakahiga sa kama. Ang mga braso ko ay naka wide open lang, ang sakit kasi ng katawan ko. Nagising nalang akong ganito at hirap igalaw ang buo kong katawan.Alas singko palang naman ng umaga. Buti naman at hindi ako inutusan ng bakuraw na si Ashray. Ang sabi ni Lolo Henry ay wala akong ibang susundin kung hindi siya lang. Gawin ko raw ang makakaya ko para matuto siya sa pinaggagawa niya.Paano ko ba gagawin 'yon eh ang laki niya. Baka nga hindi ko pa siya mabatukan dahil sa height niya.Sinubukan kong gumalaw upang umupo pero halos manlumo lang ako dahil sa sakit. Napaiyak ako ng walang luha dahil bugbog ang katawan ko. Para akong nilalagnat na gusto ko nalang matulog buong araw.Dumating nga ang alas sais at hindi pa rin ako nakakabangon. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko. “B-Buk
last updateHuling Na-update : 2024-09-29
Magbasa pa
CHAPTER 9
CHAPTER 9Helliry POINT OF VIEW—BAGONG umaga nanaman nga ang bumungad sa akin sa pagmulat ko palang ng mata ko. Medyo inaantok pa ako dahil sa pag-iyak ko kahapon. Nakalimutan ko pa ngang hindi pa naghapunan si Ashray ang ending nga ay kailangan kong tumayo para hatiran siya ng makakain. Binigyan ko nalang siya ng nakayuko at walang imik sabay alis para hindi halata na umiyak tayo.Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang emosiyon ko. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa iisang dahilan lang. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Ashray.Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Maliligo na muna ako para gumaan ang pakiramdam ko. Infairness wala pa akong isang linggo rito pero feeling ko nakakapagod na. Pero mas okay na ito kaysa naman araw araw akong umaalis tapos walang makuhang trabaho.Pagdating ko sa kusina ay halos wala pang tao. Pagtingin ko sa orasan ay alas kuwatro palang naman pala. Kumuha ako ng baso para uminom muna.“Timplahan mo a
last updateHuling Na-update : 2024-10-04
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status