Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2024-09-24 05:49:24

CHAPTER 4

—Pagsisimula ng lahat.

Helliry Point of View

“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”

“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”

“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”

ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod.

Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan.

Napatayo ako at nag-unat ng sarili.

“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”

Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.

“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.

“Opo. Sigurado po ako.”

“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay akong napatayo at lumabas sa office.

Pang-apat na office na yata itong pinuntahan ko at wala silang ibang sagot kung hindi ang maghintay ako sa tawag nila.

Napatingin ako sa sling bag ko na naroon ang cellphone na nagri-ring. Nabuhayan naman ako ng loob dahil baka isa ito sa mga ina-applyan ko ng trabaho. Masaya ko itong sinagot.

“Hello po! Helliry at your service. Tanggap na po ba ako sa trabaho?” Tuwang tuwa kong sabi. Narinig kong napatawa ang nasa kabilang linya na ikinataka ko.

[“Ano ba iha. Ako ito ang ante Martha mo.”] Napangiwi ako at napaupo sa bench dito sa park.

[“Bakit? Anong problema? Wala ka pa rin bang nakukuhang trabaho?”]

“Gano'n na nga po.”

[“'Wag kang panghihinaan ng loob. Maraming trabaho riyan.”] Napatawa ako sa sinabi niya at tumango.

“Opo, tama po kayo. Subrang dami ng trabaho pero mahirap silang tumanggap ng magtatrabaho.” Parang nalibot ko na yata ang siyodad para lang makahanap ng trabaho.

Narinig ko sa kabilang linya na parang may tumatawag kay ante Martha.

[“Iha, pasensiya ka na kailangan ko ng patayin ang tawag, dumating na ang mga bisita ko eh. Tatawagan ulit kita sa susunod.”] Hindi niya na nahintay pa ang sasabihin ko ng mapatay na ang tawag.

Napabuntong hininga ako at tumayo. Siguro mayro'n pa riyang iba.

Lalakad na sana ako ng biglang may magtulak sa akin dahilan para mapaupo ulit ako sa bench na inuupuan ko kanina.

Taka akong tumingin sa mga kalalakihan na nilampasan lang ako. Ang sakit ng pwet ko roon ha.

Nag-init ang ulo ko ng pamilyar sa akin ang lalaking iyon.

“Iyon 'yong nakaraan na minamaliit Ang matanda. Siya na nga ang nakabangga eh.” Sigurado akong siya iyon kahit likod niya palang. May mga guardiya siyang kasama. Sa paglalakad palang niya ay mahahalata mong mayabang na siya.

“O kalma. Baka ma inlove ka sa kaniya kapag nakita mo ang mukha niya.” Napatingin ako sa likuran ko ng may magsalita.

“Sino ka?” tanong ko sa kaniya dahil hindi ko naman siya kilala, lalaki siya at mukhang maluko, dating niya palang.

“Baka mawala pa ang galit mo sa kaniya, at ikaw ang lalambot.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Mukha bang matigas ang katawan ko? At anong sinasabi mo riyan?”

“Hindi ba't ganiyan kayong mga babae? Kahit red flag—Aray! Bakit mo ako binatukan?” Nilapitan ko siya at hinawakan sa kuwelyo.

“'Wag mo akong idadamay sa kalukuhan mo. Para sabihin ko sa 'yo! Kahit red flag kung pagdating sa babaeng minamahal niya ay mawawala 'yon. Ayos lang!” Binatukan ko ulit siya ng isang beses. Hindi ko tuloy nakita kung saan pumunta 'yong lalaking bumangga sa akin, namumuro na siya. Noong una ay 'yong matanda.

“Nandito lang pala kayo.” Napatingin ako sa isang pamilyar na buses.

“S-Stellan?”

“Yeah. We meet again Helliry.” Napangiti ako rito.

“Anong ginagawa mo pala rito?”

“Itong kapatid ko kasi. Nakita niya pala tayo nakaraan na magkasama kaya na curious siya kung sino ka.” Napacross arm ako at tumingin sa kapatid niya pala.

“Tapos ginawan mo ng issue? Anyway, ang layo na magkapatid pala kayo, hindi halata.” Napakamot ako sa noo ko.

“Ano naman, anong ibig mong sabihin? Panget ako!” Lumayo ako sa kaniya dahil sa pagsigaw niya. Seryuso ba 'to?

“Ikaw ang nagsabi niyan. May narinig ka ba na sinabi ko?” Napatingin ako Kay Stellan na tumatawa.

“Ano palang pangalan mo?” Tanong niya sa akin.

“Helliry.” Magsasalita pa sana siya ng higitin siya ni Stellan.

“Tara na, nagawa mo pang tumakas sa meeting. Mauuna na kami Helliry gagawa ako ng schedule para makabonding. Ito kasi, nagme-meeting kami bigla nalang tumakbo.” Tumango nalang ako at kumaway sa kanila.

“Saglit lang kuya kinakausap ko pa si ano eh. Ano na ulit pangalan niya? Celery?” Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. S!raulo ba ang batang 'yon.

Pagka-alis nila ay napaupo ulit ako sa bench. Nagugutom na ako pero kailangan kong mag tiis dahil paubos na ang pera ko wala pa rin akong trabaho, baka maubusan pa ako mahirap na.

“M-Mommy, wh-where are you.” Napatigil ako nang may makita akong umiiyak na batang babae habang naglalakad. Palingon lingon siya sa paligid habang umiiyak at naglalakad ng mabagal. Mukhang hinahanap niya ang mommy niya.

Hindi ko sana ito lalapitan pero nakokonsensiya ako kung hindi ko tutulungan.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko rito. Napatigil naman siya.

“I can't find my mother, ate.” Napasimangot ako. Ba't ume-english ito? Nakita ko ang suot niya na may lace pa. Pagtingin ko ay address ng bata ang nakalagay. May nakalagay rin na numero rito. Talagang nilagay para kapag nawala siya ay madali siyang mahahanap.

“Ihahatid nalang kita sa bahay niyo okay?” Naisipan kong ako na mismo ang mag hatid sa kaniya at baka may makita akong trabaho sa daan. Feeling ko kasi hindi ko pa napupuntahan ang lugar sa address niya.

“Paano ka nga pala napunta rito?” Hawak ko na ang kamay niya at kasalukuyan kaming naglalakad.

“I was walking with Yaya then suddenly—”

“T-Teka lang.” Pinatigil ko ang pagsasalita niya at tinakpan ang ilong.

“Why are you crying po?”

“Saglit lang kasi. Ba't mo ba ako ine-english? H-Hindi ko maintindihan magdudugo na ilong ko.” Tinawanan lang ako ng bata. Infairness, ang cute niya.

“English has been the language taught to me since then. I can understand tagalog, but I can't talk.” Tinignan ko siya, mukhang nasa limang taon o anim na taon na siya pero grabe na ang pag-iisip. Buti at hindi niya ako inisipan ng masama. Sumasama agad siya sa mga tao.

“Sige nalang. Ihahatid na nga kita. Baka hanggang mamaya tuluyan ng magdurugo ilong ko.”

Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga bahay sa paligid. Subrang laki at halatang yayamanin ang mga nakatira rito. Tama nga ako Hindi ko pa napupuntahan dito.

“Tama ba dinadaanan natin?” tanong ko sa kaniya dahil baka hindi ko nasundan itong address.

“Yes po. I think so.” Hindi ko maintindihan kung sigurado ba ito o hindi. Buti nalang at may mga tao sa labas na puwede kong pagtanungan.

“We're here!” Pagkatapat namin sa isang malaking bahay ay nagulat ako ng may sumalubong agad sa bata. Mukhang Ina niya ito na subrang nag-aalala. Napangiti ako dahil maayos ko naman palang naihatid ang bata. Mukhang kanina pa nila ito hinahanap.

Nang napansin kong masaya na sila ay aalis na sana ako ngunit bigla akong tinawag.

“Saglit Iha.” Napatingin ako rito. Bago pumasok ang bata sa loob ay yumakap muna siya sa akin at nagpasalamat.

“Anong pangalan mo?” tanong sa akin ng Nanay niya nang makapasok na ang bata.

“H-Helliry po—teka ano po ito.” Nagulat ako nang ilagay niya sa kamay ko ang pera.

“Utang na loob ko sa 'yo. Kanina p a kasi namin hinahanap ang anak ko. At buti nalang napunta siya sa mabuting kamay.” Napanguti ako rito.

“Wala po s-sa akin 'yon. Hindi niyo na po ako kailangang bigyan ng pera.”

“Sige na. Tanggapin mo na, alam kong napagod ka sa paglalakad.” Wala na akong ibang nagawa dahil nagpaalam na kaagad siya. Grabe talaga ang mayayaman. Buti at mababait sila.

Naglakad na ako pabalik, mukhang marami ito. Binalik ko lang naman ang anak niya. Muli akong napalingon sa likuran nang parang may tumawag sa akin.

“Saglit iha. Halika muna kumain sa loob. Pananghalian na rin at alam kong pagod ka.” Tatanggi pa sana ako nang hilain niya ako.

“N-Nakakahiya naman po.” Napayuko nalang ako habang nasa harap ng hapag kainan at kasama ang buong pamilya. Nahihiya ako lalo na kapag nagseserve ang mga kasambahay. Kahit may kaya kami noon ay hindi kami kumuha ng katulong kaya naninibago ako.

“Naku sige lang. Kumain ka ng marami.” Napatitig ako sa kanila. Masaya silang pamilya. May dalawa pala siyang anak. Kasama niya ang asawa niya pati na rin ang Lolo at Lola. Bigla akong napaisip at nakaramdam ng inggit dala ng nakaraan.

Parang pinagkait sa akin ang magkaroon ng kasama. Kung may kapatid siguro ako ay makukuntento na ako. Oo nga ang laki ko na. Pero kasi kakaiba 'yong alam mo na maayos ang pamilya bago sila umalis, sa lagay ko kasi umalis sila na hindi nagpapaalam.

“Anong iniisip mo iha?” Napatigil ako sa pag-iisip nang tanungin ako ng Nanay ng bata.

“A-Ah wala po. Naisip ko lang na, subrang saya sa pamilya niyo.”

Busog akong lumabas sa malaking bahay nila. Sa katunayan ay nagpahinga pa ako saglit pero kailangan ko ng umalis. Pero kahit nakapagpahinga ako ay busog pa rin ako.

“Mag-iingat ka iha.”

“Sige po. Maraming salamat!” Napabuga ako ng hangin ng makalabas ako sa gate nila. Grabe kahit saglit lang ako roon ay nag-enjoy ako. Balak ko nga sanang tanungin kung naghahanap ba sila ng katulong kaso 'wag na. Ang dami na kasi nilang katulong tapos sisiksik pa ako. Mukhang hindi rin sila naghahanap.

Napatakbo nga ako para balikan ang nakita ko kaninang hiring. Basta ang nakasulat doon ay hiring for workers 'di ko tuloy malaman kung anong klaseng workers ba.

Pagkarating ko ay tinanong ko kaagad Ang nagbabantay.

“Open pa po ba kayo sa workers? Gusto ko pong mag-apply.” tanong ko.

“Naku mga lalaki ang hinahanap namin iha. Para sa lalaki ang trabaho, mula sa pag-aayos ng mga nasirang parte ng wires, appliances at iba pa. Pero matatanggap ka namin kung mayro'n kang experience.” Napalunok ako at umiling.

“Pasensiya na po, wala po akong alam sa ganiyan. Baka imbis na ma-ayos ko masira ko lalo. Sige po, salamat.” Umalis na ako roon dala ang kahihiyan.

“Hindi naman kasi sinabi agad na para sa lalaki.”

Habang naglalakad ay napatigil ako sa isang napakalaking bahay. Malaki ang gate nila pero dahil mas malaki ang bahay ay nakikita ko pa rin.

“Bakit Hindi ko man lang napansin 'to kanina?” Lumapit ako rito at sinubukang silipin.

Hindi nga ako nagkakamali, isa itong mansiyon at dahil sa ganda at laki ay para na itong castle. Napalingon ako sa paligid, ito ang pinakamalaking bahay rito. Halos lahat naman sila ay malalaki pero Ito talaga ang kakaiba. Parang Reyna at hari ang naninirahan dito kung gano'n. Kahit nga nasa labas ka palang ng gate nila ay makikita mo na ang karangyaang mayro'n sila.

Napangiti ako, siguro ay mababait ang mga tao rito. Naniniwala kasi ako na kapag mabait ang kalapit bahay, mabait na lahat. Gaya nalang ng bahay na napuntahan ko kanina. Baka buo rin ang pamilya ng mga nandito. Pagkalaki ba naman ng bahay tapos walang laman.

Aalis na sana ako ng makakita ako ng paskil sa hindi gaanong malayo.

“Teka? Ibig sabihin ganito kalawak ang lupa riyan sa loob?” Ngayon ko lang napansin na ang lawak ng agwat nitong bakud mula sa malaking bahay, kakaiba dahil sementado pa ang bakod. Gaano ba kayaman ang nakatira rito. Pinuntahan ko ang paskil at binasa ito.

“Hiring Maid. 10 thounsands a month? We? Alam kong malaki ang bahay pero 'yong ganito kalaki?”

Related chapters

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k

    Last Updated : 2024-09-25
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des

    Last Updated : 2024-09-26
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O

    Last Updated : 2024-09-28
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Helliry POINT OF VIEW—ITO ang pangalawang araw ko bilang isang katukoy pero feeling ko ay isang taon na ako rito dahil sa rami kaagad ng ginawa ko kahapon. Napatingin ako sa orasan habang nakahiga sa kama. Ang mga braso ko ay naka wide open lang, ang sakit kasi ng katawan ko. Nagising nalang akong ganito at hirap igalaw ang buo kong katawan.Alas singko palang naman ng umaga. Buti naman at hindi ako inutusan ng bakuraw na si Ashray. Ang sabi ni Lolo Henry ay wala akong ibang susundin kung hindi siya lang. Gawin ko raw ang makakaya ko para matuto siya sa pinaggagawa niya.Paano ko ba gagawin 'yon eh ang laki niya. Baka nga hindi ko pa siya mabatukan dahil sa height niya.Sinubukan kong gumalaw upang umupo pero halos manlumo lang ako dahil sa sakit. Napaiyak ako ng walang luha dahil bugbog ang katawan ko. Para akong nilalagnat na gusto ko nalang matulog buong araw.Dumating nga ang alas sais at hindi pa rin ako nakakabangon. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko. “B-Buk

    Last Updated : 2024-09-29
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Helliry POINT OF VIEW—BAGONG umaga nanaman nga ang bumungad sa akin sa pagmulat ko palang ng mata ko. Medyo inaantok pa ako dahil sa pag-iyak ko kahapon. Nakalimutan ko pa ngang hindi pa naghapunan si Ashray ang ending nga ay kailangan kong tumayo para hatiran siya ng makakain. Binigyan ko nalang siya ng nakayuko at walang imik sabay alis para hindi halata na umiyak tayo.Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang emosiyon ko. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa iisang dahilan lang. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Ashray.Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Maliligo na muna ako para gumaan ang pakiramdam ko. Infairness wala pa akong isang linggo rito pero feeling ko nakakapagod na. Pero mas okay na ito kaysa naman araw araw akong umaalis tapos walang makuhang trabaho.Pagdating ko sa kusina ay halos wala pang tao. Pagtingin ko sa orasan ay alas kuwatro palang naman pala. Kumuha ako ng baso para uminom muna.“Timplahan mo a

    Last Updated : 2024-10-04
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 10

    CHAPTER 10Helliry POINT OF VIEW—HINDI ko alam kung nakailang linggo na ako rito na nagtitiis sa ugali ni Ashray. Walang pinagbago gano'n pa rin talaga siya. Sa tuwing inuutusan niya nga ako ng walang tigil ay hindi ako magpapatalo. Hindi ko sinusunod ang iba at ang iba naman ay pinapagawa ko na mismo sa kaniya. Iyon ang inutos sa akin Lolo Henry. Ang sabi niya walang ibang puwedeng sundin kong rules kung hindi ang sinabi niya. Siya raw ang boss ko kaya sa kaniya ako makikinig. Wala rin naman akong balak makinig Kay Ashray dahil walang araw na ininis niya ako at pagbuntunan ako ng masasakit na salita. Pero kahit masakit kaya ko naman mag-tiis.Hindi na talaga ako magtataka kung bakit hindi nagtatagal ang kasambahay niya kasi sa ugali niyang ubod ng sama.Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa office ni Lolo. Taray nga at ngayon ko lang nalaman na may sarili siyang office. Hanggang dito palang sa third floor ang napuntahan ko. Ewan ko kung hanggang ilang floor 'to.“Hindi puwed

    Last Updated : 2024-10-06
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 11

    CHAPTER 11Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MAG-UUMAGA na rin pala bago ako makarating sa kuwarto ko. Wala namang nakakita na dumating ako dahil tahimik akong pumasok at nakarating sa kuwarto ko. Hindi ko nalang talaga maintindihan kung bakit ako iniwan ni Ashray roon. Noong una ay ipinahiya ako, tapos iiwanan naman ako pagkatapos. Halata talagang ayaw niya na akong makita pa. Mabuti nalang at may mabuting puso roon para siya na mismo ang naghatid sa akin pabalik. Nakilala ko pala siya, siya pala si Zyrine. May pinsan daw kasi siyang kaibigan so Ashray kaya nakasama niya na ito noon at alam niya ang pangit nitong pag-uugali. Hindi na rin naman na ako tatanggi dahil totoo naman.Kung nagkataong wala akong nakilala roon ibig sabihin habang buhay na ako roon na walang titirhan dahil wala naman akong pera. Kung nagkataon ay hindi na ako babalik dito at hahanap nalang ako ng ibang trabaho.Napayakap ako sa unan ko habang nakatitig sa kawalan. Hindi ako puwedeng umiyak. Ay

    Last Updated : 2024-10-06
  • His Slow-witted Maid   CHAOTER 12

    CHAPTER 12Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“ANO bang nangyari riyan?” Bungad na tanong sa akin ni Lolo Helliry matapos kong ipabuhat sa mga lalaking tauhan si Ashray. Matapos kasing magsalita ni Ashray ay bumagsak ang katawan niya, ano pa bang gagawin ko? Ede sinalo ko siya, any ending tuloy ay pati ako nadamay sa pagiging basa niya.“Hindi ko alam diyan Lo, basta dumating na lang na ganiyan,” sabi ko habang pinupunasan ang buhok niyang basa.“Sige na iha, magbihis ka na muna at pati ikaw ay nabasa mahirap na baka sipunin ka niyan. Ipapatawag ko nalang ang manang niyo.” Napatango ako at dumeretso na sa kuwarto ko. Tulog na rin kasi lahat ng kasambahay kaya walang nasa labas ngayon.“Y-You're *hik be-beautiful b-but you're s-stupid.”“Y-You're *hik be-beautiful b-but you're s-stupid.”Nanginig ako bigla sa paulit ulit na scenario sa utak ko. Ni minsan ay hindi ko nakita ang ngiti niya na walang halong kadèmonyuhan. Ngisi nga pero may panghuhusga naman. Pero ang nakita ko kanina ay

    Last Updated : 2024-10-11

Latest chapter

  • His Slow-witted Maid   EPILOGUE

    EPILOGUE— 4 years later“Say! Mommy!”“Dada!”“Hindi puwede. Dapat mommy 'yan. Ash ano nanamang pinainom mong gatas sa mga ito! Bakit puro ikaw ang binabanggit!” Napanguso ako habang nakatingin kay Ashray.“I didn't, hindi ko pa nga sila pinapainom ng kahit ano.” Gusto kong magpapadyak pero 'wag nalang baka ma apply pa nila.Pagkatapos kong makapag aral sa kolehiyo ay gusto kaagad ni Ashray na ikasal kami. Excited nga masiyado at hindi na ako pinayagang magtrabaho ulit. Oo hindi na rin siya naghintay ng ilang years, ilang buwan lang ay kasal agad. At ito ang naging results. Kambal na babae at lalaki.Nanligaw siya sa akin ng halos 2 years. Mga 1 year and half yata bago ko sinagot. Hindi ko siya sinagot kaagad dahil nga nag-aaral pa ako, pero sinagot ko rin noong gusto ko na. Gano'n lang kasimple. Gaya ng sinabi niya ay babawi siya sa akin. Pero binigyan naman ako ng dalawang inire. Grabe ang sakit kaya.“Naks! Tama 'yan maglaba ka, magluto ka rin pagkatapos dito kakain ang pinakamaga

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 50

    CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nasa loob ng classroom. Wala namang ginagawa na gaano pero hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Ashray. Ngayon lang yata ako hindi sinipon kapag nagpapaulan.“Ano bang ginawa mo kagabi bakit para antok na antok?” Tanong sa akin ni Claies.“W-Wala naman hindi lang talaga ako makatulog kasi hindi pa naman ako inaantok.” Alas dose na nga 'yon pero wala pa akong tulog kaya naisipan ko nalang mag midnight snack, may stock akong mga pagkain at ilang buwan nalang ay mag e-expired na kaya kinain ko nalang.May stock din ako ng mga gatas at kape para kung sakaling matakam ako sa mga ito ay hindi na ako maghahanap kahit saan. Lalo na kapag gabi ay malamig at minsan talaga tinatamad din ako.“Malapit na rin uwian, inaantok din ako. Hindi siguro tayo makakapag bili ng mga street food ngayon. Gusto kong magpahinga, napagod ako kahapon.” Nag unat siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. Kararating niya

  • His Slow-witted Maid   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTER Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW—“Demonic Ashray Silveria.” Napatingin ako sa nagtawag sa akin ng buo kong pangalan. Nagsampalan naman si Stellan at Zyrine hanggang sa makarating sila sa akin.“What?”“Laugh first.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zyrine.“Are you crazy?”“Duhh, we are 'cousin' how dare you to tell me that.” Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagkakatingin sa labas ng window glass.“Ah gano'n pala ah. Stell, don't tell him where is Helliry located.” Napatingin ako ng nanlalaki ang mata. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Inirapan ko si Zyrine dahil sa kahit ano anong pinaggagawa niya.“She's here. Pero medyo malayo rito. Sa apartment na malapit sa school ang tinutuluyan niya ngayon. Five to ten minutes ang lakad papunta sa school.” Paninimula ni Stellan.“She told us na 'yon ang unang apartment niya noong naghahanap palang siya ng apartment.” I thought they are are not telling the truth.“Really, is she safe there?” Tanong ko sa kani

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW— Continuation of Chapter 42“Itigil mo 'yan Ashray, gusto mo bang masira ang katawan mo dahil sa alak? Akala ko ba nakapag usap na tayo kahapon.” Napatingin ako kay Stellan at inagaw ang bote ng alak na hawak ko.“Baka gusto mo nanamang masapak. Drinking alcohol won't help you to move, hindi ka rin matulungan niyan na maging ayos.” Napatitig ako sa baso.“Okay fine, just give me that last bottle it's too expensive para hindi maubos.” He look at me with a weird look.“You're drunk. You're too wealthy to say that. Hindi mo ako mabibiro sa ganiyan, stop drinking, get up and move your butt tutulungan kita. Be a man bro and know your wrongs.” Sa lahat yata ng nakilala ko ito ang hindi ko mapilit basta. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong gana sa lahat ng bagay susunod nalang ako sa kaniya.“Maligo ka, amoy alak ka,” sabi niya sa akin at tinulak ako.“Kakaligo ko lang.” Tinignan niya ako at napataas ang kilay.“O really? Glad you

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—ILANG araw na ang nakalipas at hindi talaga tumigil si Ashray sa paghintay sa akin. At sa mga araw na nagdaan ay kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Parang pareho nga kaming gustong magsalita pero wala talagang nag lakas ng loob.Kaduwagan ang tawag doon. Kung siya balak niyang makipag ayos sa akin ay bakit tinititigan niya lang ako at walang salita na kahit ano. Wala akong balak mag first move dahil una sa lahat siya ang may gusto nito. Pinaalis niya ako at gusto ko lang gawin ang sinabi niya sa akin. Ito na sinusunod ko na, siya ang nagsabi kaya siya rin ang bumawi nang sinabi niya kung gusto niya.Napahilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Mabuti nalang talaga at tapos na ang exam kung hindi ang dami ko sanang iisipin. Ang Ashray talaga na 'yon walang ibang ginawa sa akin kung hindi pag-isipin ako mabuti.Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. Tinawag kasi ako nang dalawa. Si Zyrine at si Stellan, gusto raw nil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 46

    CHAPTER 46Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—KAILAN na nga ba ulit ako nakaramdam ng kakaibang pagtibok ng puso ko, tipong subrang lakas at hinaluan pa ng kaba at panlalamig ng kamay. At sa iisang tao lang ito nangyayari. Sa iisang tao ko lang ito nararamdaman.Ngayon ay may halong kirot at saya sa puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ng mararamdaman ko ngayon habang kaharap siya. Halo halong emosiyon na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Ang daming tanong na hindi ko naman masabi dahil hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.Napaiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy maglakad. Baka naman may iba siyang hinihintay rito. Tapos makikisawsaw ako ang sama ko naman tignan kapag gano'n. Nilampasan ko nalang siya dahil wala rin naman siyang sinasabi.“Get in.” Mahina pero narinig ko ang buses niya. Feeling ko tuloy may gusto siyang sabihin pero hindi niya natuloy tuloy.Napatigil ako saglit pero pinagpatuloy k

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 45

    CHAPTER 45—Nalalapit na pagtataposHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nakatutok sa reviewer ko. 10 o'clock na ng gabi at nandito pa rin ako sa reviewer ko. Hindi kasi ako magpupuyat at alas nuwebe palang minsan ay tulog na ako. At madali talaga akong antukin kapag reviewer na ang kaharap ko. Hindi naman siguro masiyadong mahirap 'yong exam dahil nag a-advance ako minsan sa pagbabasa at nakikinig ako sa mga lectures, ang ginagawa ko nalang ngayon ay sinusubukang ibalin sa iba ang attention ko.Ilang araw na pero hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ashray. Sigurado kaya 'yong dalawa sa pinagsasabi nila tungkol kay Ashray na halatang ako ang iniisip. Baka naman hindi eh. Kung gusto niyang mag sorry ay dapat ilang araw na siyang nagpapakita.Ang kapal ko naman magsabi ng ganito samantalang kapag nag sorry siya sa akin hindi ko pa alam kung patatawarin ko ba kaagad. Isa pa ay hindi ako sigurado kung mag so-sorry talaga siya. Pero ano kayang ginagawa ni

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 44

    CHAPTER 44Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Okay got it Helliry? Basta 'wag ka lang mahiya, kaya mo 'yan mataas ang sahod sa modeling at bagay na bagay ka rin talaga.” Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sinabi ni Zyrine. Nakakahiya.Tinuturuan niya nga ako ng mga poses kapag mag momodel na. Model din pala siya kaya pala 'yon ang offer niya sa akin. Tinuturuan niya ako ng mga alam niyang pose bago kami umalis dito. Oo sasama na nga ako sa pagbalik nila. Kailangan ko na ring pumasok sayang naman ang ilang buwan kung drop out ako. 'Tsaka patapos ko na itong second year, ayaw ko nang masayang.“Kayong dalawa, tara na.” Napatingin kami kay Stellan na tinawag kami, naayos niya na pala ang mga gamit namin.Alas nuwebe na nga kami nakaalis dahil naghanap din sila ng maiuuwi nila na sa probinsiya lang madalas makita o mabili. Isa pa ay rush talaga sila, kararating lang kaya nila kahapon tapos kinabukasan uwi ulit. Wala silang reklamo dahil sanay naman na raw sila sa biyahe, mas malala pa

DMCA.com Protection Status