Share

CHAPTER 3

last update Huling Na-update: 2024-09-22 08:08:59

CHAPTER 3

Helliry POINT OF VIEW

“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.

Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.

Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.

Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki.

Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.

“A-Ate palimos po. Nagugutom po kami.” Nakatingin ako sa kumalabit sa aking bata na may dala dala ring mas maliit pa sa kaniya. Isa pa itong iniisip ko kapag nandito ako, may mga pulubing kahit saan saan ko nakikita. Kung sagana pala ang lugar na ito ay bakit may namamalimos?

Imbis na bigyan ko ng pera ay bumili nalang ako ng pagkain at iyon ang binigay ko sa kanila. Baka kapag pera ang ibinigay ko ay manakaw pa.

Sabagay ay iba nga ang siyodad sa probinsiya. Sa probinsiya ay pupunta ka lang sa bakuran ng bahay may ulam ka na. O 'di kaya makihingi lang sa kapitbahay para mamitas ng gulay ay puwede na.

Umuwi nanaman akong lanta at walang ibang napala kung hindi ang maghintay sa text o tawag nila.

Sa sofa ko nalang isinalampak ang katawan ko at napapikit.

“Kamuata iha? Kamusta ang pamumuhay sa siyodad?” Napabuga ako ng hangin.

“Hindi ko po maintindihan.” Dahil subrang gulo, may mararamdaman kang kapayapaan pero magulo.

“'Wag kang panghihinaan ng loob, malay mo bukas o sa makalawa ay may mahanap ka ng trabaho.”

“Mag janitor nalang po kaya ako?” Nagulat si Ante Dina na siyang may ari nitong apartment.

“Marami po kasing naghahanap ng Janitor sa malaking kumpanya eh.” Paano kaya kung 'yon nalang.

“Marangal ang trabahong Janitor iha. Pero babae ka at hindi mo maiiwasan na ibaba ka ng ibang tao dahil sa trabaho mo.”

KINABUKASAN nga ay inagahan ko ulit ang pagpunta ko sa paghahanap ng trabaho. Nagsuot na ako ng mas pormal na damit na kulay puti. Long sleeve ito na pulo pinaresan ko lang ng high waisted na pantalon.

“Magbaon ka ng extra mong damit iha. Para may pang bihis ka kapag pinagpawisan.” Napangiti naman ako kay ante Dina dahil parang itinuturing niya na akong anak. Natutuwa ako dahil parang nararamdaman ko ulit ang pagkasabik kong maalagaan ng pamilya ko. Alam kong nasa tamang edad na ako pero kasi iba ang iniwan sa naiwan.

Umalis na ako matapos kong madala lahat ng kakailanganin ko.

“God, bigyan niyo po ako ng sign.” Paghiling ko habang nakasilip sa bintana ng bus. Napataas ang kilay ko ng makita ang billboard.

'Panahon na para maghanap ng Asawa, siguradong yayaman ka.'

Napalunok ako ng paulit ulit ang umiling.

“H-Hindi, hindi puwede 'to marami pa akong pangarap sa buhay.” Napasimangot ako dahil humiling ako ng sign at iyon ang binigay sa akin. Kailangan ko ba talagang mag-asawa para yumaman?

“Sinong kausap ineng?” Nakatingin ako sa katabi kong ale at napatawa.

“A-Ah eh. Ito pong bag ko. Nagpapractice po kasi ako sa audition.” Napangiwi ako ng mukhang napaniwala ko siya.

Pagkababa ko ay muli ko nanamang hinaharap ang maraming tao na pabalik balik. Napatingin ako sa bandang gilid ng makita ko ang pamilyar na postura. Napatakbo ako rito dahil napaka-pamikyar niya.

“Da-Dad.” Nanginginig na sabi ko habang pilit siyang hinahanap. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero alam kong siya 'yon.

“D-Dad nandito ka nga.” Napatakbo ako sa tuwa ng makita ko siya na may hinihintay yata. Ngunit iyon nalang ang gulat ko ng may tumakbong maliit na batang babae papunta sa kaniya. Napatigil ako sa pagtakbo ng makitang masaya niya itong sinalubong at binuhat. Sumunod ang babaeng hindi ko kakilala na yumakap sa kaniya.

Tuluyang napatulo ang luha kong kanina ay kasiyahan ang dahilan. Ngayon ay nababalot ako ng sakit at lungkot habang pinagmamasdan ang ama ko na masaya na sa ibang pamilya.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak habang nakatingin sa kanila na masaya at naglalakad paalis habang bitbit ang batang babae. Kahit maraming tao sa paligid ay hindi ko ito pinansin dahil mas nangingibabaw ang sama ng loob na bumabalot sa loob ko.

Bakit? Gano'n na ba ako kadaling iwanan? Kaya niyong iwanan ang sarili niyong anak para sa panibagong pamilya?

“Hindi mo kailangang tumitig sa isang bagay na nagpapaluha sa 'yo.” Napatigil ako sa pag-iyak nang may humarang sa harapan ko at pahirin ang luha ko. Napatitig ako rito dahil sa lalaking maamo ang mukha, malalim man ang boses ngunit mahinahon ito.

“I wonder, kung bakit ang mga tao hindi matigil sa pagtingin sa bagay na alam naman nilang masasaktan sila. Gusto mo bang kumain ng halo-halo. Balita ko masarap ang halo-halo nila sa banda riyan.” Napatulala ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na may tao palang ganito. 'Yong tipong umiiyak ka pero kahit hindi ka kakilala ay tutulungan ka.

Hindi niya na ako hinintay pang sumagot at hinila niya na ako. Pumunta nga kami sa isang restaurant na mamahalin. Sinubukan ko ngang pumasok dito pero hindi ako tinanggap.

Napayuko ako ng makakita ako ng pamilyang kumakain sa isang mesa. Naalala ko nanaman ang nakita ko kanina. Alam kong ang ama ko iyon at hindi ako magkakamali.

Walang nagsalita sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Kahit siya ay hindi na nagtanong. Ngunit bilang pasasalamat ay sasabihin ko sa kaniya ang dahilan.

“2 years ago iniwan ako ng mga magulang ko.” Paninimula ko habang nakayuko. Ramdam ko na napatingin siya sa akin.

“A-At ang nakita ko kanina, ay ang a-ama ko. Kasama ang i-ibang—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa tuluyang pagtulo ng luha ko.

“Tama na. Hindi mo naman kailangang sabihin.” Napatawa ako habang pinapahid ang luha ko. Napakaiyakin ko naman.

“Pasensiya ka na iyakin ako. Pero sinusubukan ko ng hindi inalabas ang iyak ko dahil nakakapagod.” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

“Salamat pala sa pagtulong mo sa akin. Magkano nga pala ito?” Umiling siya sa akin. “Hindi na kailangan. 'Di ako naniningil, tara sa labas.”

Naging magaan ang pakiramdam ko sa pakikipag-usap sa kaniya. Hindi niya na muling nabanggit pa ang tungkol sa nangyari kanina. Nahihiya na nga ako dahil hanggang hapon ay sinamahan niya ako sa paglalakad. Kaya naisipan ko nang umuwi at magpaalam sa kaniya.

“Siya nga pala maraming salamat ha? Pasensiya ka na naabala pa yata kita.” Hinampas niya ako sa balikat na akala mo ay matagal na kaming magkakilala.

“Wala 'yon. Balak ko talagang naglakad lakad. Anyway. . . ” Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay sa akin.

“My name's Stellan. Maybe magkikita pa tayo sa mga susunod na araw.” Napangiti ako at inabot ang kamay ko.

“Ako si Helliry, may tanong ako.”

“Hm? Ano 'yon?”

“Ilan ba ang araw? Bakit sinabi mong sa susunod na araw?” Bigla siyang napatigil at gulat na tumingin sa akin. Napatawa ako at agad binawi. May masama ba sa tanong ko?

“A-Ah 'wag mo nalang pala isipin. Sige natutuwa akong makilala ka. Kailangan ko ng umalis. Maraming salamat.” Pagkaalis ko ay muli nanaman akong nabalutan ng katahimikan at pag-iisa.

“Unti-unti ko nang naiintindihan.”

SPECIAL SCENARIO

(Helliry's update bakit wala pang trabaho)

“Kinakabahan ako baka hindi ako matanggap sa trabaho. Ikaw? Hindi ka ba kinakabahan?” Napatingin ako sa katabi ko na nakaupo ay nakapila. Nagpipila kami sa labas ng office para sa interview rito sa trabaho na papasukan ko.

“Hindi naman. Iisipin ko nalang na kaya ko ito.” Napatingin siya sa akin na parang namamangha.

“Next!” Sigaw ng nasa loob mula sa office.

“A-Ah! Puwedeng siya muna? Natatæ po ako!” Nagulat ako dahil tinuro ako ng katabi ko kanina na siya na sana ang next.

“H-Hoy biro lang. Kinakabahan talaga ako.” Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pumasok sa loob. Napalunok ako ng ilang beses nang bumungad sa akin ang tatlong gurang na hurado. Wait lang? Trabaho ba talaga 'to o mag u-audition talaga ako?

“Ilang taon ka na?” Napalunok ulit ako ng isang beses.

“21 years nang nabubuhay sa mundo.” Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung anong klaseng trabaho ba talaga ang papasukin ko rito. Narinig ko lang kasi na para ito sa mag-aapply ng trabaho. Nakita ko na mahaba ang pila kaya nakipila na rin ako.

Gulong gulo silang tumingin sa papel na binigay ko sa kanila. May mali ba sa papel ko?

“Ano? Madali ba ang tanong?” Bungad sa akin ng katabi ko kanina pagkalabas ko palang. Nag easy hand sign ako sa kaniya.

“Basic, kapag tinanong ka nila ng 2+2 sagutin mo 1, only you. Trust me.” Pagkatapos no'n ay umalis na ako roon.

Akala ko pa naman ay trabaho, ibang pila pala napuntahan ko. Para pala sa magpapagawa ng ID. Hindi ko naman alam.

Kaugnay na kabanata

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 4

    CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako

    Huling Na-update : 2024-09-24
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 5

    CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k

    Huling Na-update : 2024-09-25
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Helliry POINT OF VIEW—ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod.Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon.“Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina.“Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko.“Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto.“Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot.Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging des

    Huling Na-update : 2024-09-26
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O

    Huling Na-update : 2024-09-28
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Helliry POINT OF VIEW—ITO ang pangalawang araw ko bilang isang katukoy pero feeling ko ay isang taon na ako rito dahil sa rami kaagad ng ginawa ko kahapon. Napatingin ako sa orasan habang nakahiga sa kama. Ang mga braso ko ay naka wide open lang, ang sakit kasi ng katawan ko. Nagising nalang akong ganito at hirap igalaw ang buo kong katawan.Alas singko palang naman ng umaga. Buti naman at hindi ako inutusan ng bakuraw na si Ashray. Ang sabi ni Lolo Henry ay wala akong ibang susundin kung hindi siya lang. Gawin ko raw ang makakaya ko para matuto siya sa pinaggagawa niya.Paano ko ba gagawin 'yon eh ang laki niya. Baka nga hindi ko pa siya mabatukan dahil sa height niya.Sinubukan kong gumalaw upang umupo pero halos manlumo lang ako dahil sa sakit. Napaiyak ako ng walang luha dahil bugbog ang katawan ko. Para akong nilalagnat na gusto ko nalang matulog buong araw.Dumating nga ang alas sais at hindi pa rin ako nakakabangon. Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ko. “B-Buk

    Huling Na-update : 2024-09-29
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Helliry POINT OF VIEW—BAGONG umaga nanaman nga ang bumungad sa akin sa pagmulat ko palang ng mata ko. Medyo inaantok pa ako dahil sa pag-iyak ko kahapon. Nakalimutan ko pa ngang hindi pa naghapunan si Ashray ang ending nga ay kailangan kong tumayo para hatiran siya ng makakain. Binigyan ko nalang siya ng nakayuko at walang imik sabay alis para hindi halata na umiyak tayo.Kung bakit naman kasi hindi ko napigilan ang emosiyon ko. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa iisang dahilan lang. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Ashray.Napabuga ako ng hangin at tumayo na. Maliligo na muna ako para gumaan ang pakiramdam ko. Infairness wala pa akong isang linggo rito pero feeling ko nakakapagod na. Pero mas okay na ito kaysa naman araw araw akong umaalis tapos walang makuhang trabaho.Pagdating ko sa kusina ay halos wala pang tao. Pagtingin ko sa orasan ay alas kuwatro palang naman pala. Kumuha ako ng baso para uminom muna.“Timplahan mo a

    Huling Na-update : 2024-10-04
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 10

    CHAPTER 10Helliry POINT OF VIEW—HINDI ko alam kung nakailang linggo na ako rito na nagtitiis sa ugali ni Ashray. Walang pinagbago gano'n pa rin talaga siya. Sa tuwing inuutusan niya nga ako ng walang tigil ay hindi ako magpapatalo. Hindi ko sinusunod ang iba at ang iba naman ay pinapagawa ko na mismo sa kaniya. Iyon ang inutos sa akin Lolo Henry. Ang sabi niya walang ibang puwedeng sundin kong rules kung hindi ang sinabi niya. Siya raw ang boss ko kaya sa kaniya ako makikinig. Wala rin naman akong balak makinig Kay Ashray dahil walang araw na ininis niya ako at pagbuntunan ako ng masasakit na salita. Pero kahit masakit kaya ko naman mag-tiis.Hindi na talaga ako magtataka kung bakit hindi nagtatagal ang kasambahay niya kasi sa ugali niyang ubod ng sama.Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa office ni Lolo. Taray nga at ngayon ko lang nalaman na may sarili siyang office. Hanggang dito palang sa third floor ang napuntahan ko. Ewan ko kung hanggang ilang floor 'to.“Hindi puwed

    Huling Na-update : 2024-10-06
  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 11

    CHAPTER 11Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MAG-UUMAGA na rin pala bago ako makarating sa kuwarto ko. Wala namang nakakita na dumating ako dahil tahimik akong pumasok at nakarating sa kuwarto ko. Hindi ko nalang talaga maintindihan kung bakit ako iniwan ni Ashray roon. Noong una ay ipinahiya ako, tapos iiwanan naman ako pagkatapos. Halata talagang ayaw niya na akong makita pa. Mabuti nalang at may mabuting puso roon para siya na mismo ang naghatid sa akin pabalik. Nakilala ko pala siya, siya pala si Zyrine. May pinsan daw kasi siyang kaibigan so Ashray kaya nakasama niya na ito noon at alam niya ang pangit nitong pag-uugali. Hindi na rin naman na ako tatanggi dahil totoo naman.Kung nagkataong wala akong nakilala roon ibig sabihin habang buhay na ako roon na walang titirhan dahil wala naman akong pera. Kung nagkataon ay hindi na ako babalik dito at hahanap nalang ako ng ibang trabaho.Napayakap ako sa unan ko habang nakatitig sa kawalan. Hindi ako puwedeng umiyak. Ay

    Huling Na-update : 2024-10-06

Pinakabagong kabanata

  • His Slow-witted Maid   EPILOGUE

    EPILOGUE— 4 years later“Say! Mommy!”“Dada!”“Hindi puwede. Dapat mommy 'yan. Ash ano nanamang pinainom mong gatas sa mga ito! Bakit puro ikaw ang binabanggit!” Napanguso ako habang nakatingin kay Ashray.“I didn't, hindi ko pa nga sila pinapainom ng kahit ano.” Gusto kong magpapadyak pero 'wag nalang baka ma apply pa nila.Pagkatapos kong makapag aral sa kolehiyo ay gusto kaagad ni Ashray na ikasal kami. Excited nga masiyado at hindi na ako pinayagang magtrabaho ulit. Oo hindi na rin siya naghintay ng ilang years, ilang buwan lang ay kasal agad. At ito ang naging results. Kambal na babae at lalaki.Nanligaw siya sa akin ng halos 2 years. Mga 1 year and half yata bago ko sinagot. Hindi ko siya sinagot kaagad dahil nga nag-aaral pa ako, pero sinagot ko rin noong gusto ko na. Gano'n lang kasimple. Gaya ng sinabi niya ay babawi siya sa akin. Pero binigyan naman ako ng dalawang inire. Grabe ang sakit kaya.“Naks! Tama 'yan maglaba ka, magluto ka rin pagkatapos dito kakain ang pinakamaga

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 50

    CHAPTER 50— FinaleHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—MATAGAL na panahon na rin yata simula noong umiyak ako ng tudo kasama ang sakit, kabog sa dibdib, kaguluhan sa isip, pag-aalala at halo halo na. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Tipong para na akong namamanhid dahil sa nakikita ko.Noong bata ako ay takot na talaga ako sa dugo, pero hindi gano'n kalala. Kapag kaunting dugo ay hindi naman ako natatakot. Natatakot ako hindi dahil sa parang trauma, natatakot ako rito dahil noong nasugat ako ng malaki ay nagdugo ito at subrang sakit sa pakiramdam. Iniisip ko noon na paano na kaya ang malaking sugat? Baka subrang sakit na. Pero 'yong ganitong nakikita ko ngayon, na halos panligo na ang dugo ay hindi ko kayang tignan.Napasigaw ako at agad na lumapit sa kinaruruunan ni Ashray. Panay ang kalabog ng puso ko at pagtulo ng luha. Ako na mismo ang naghila sa mga first aid kit at pinaalis ang mga paharang harang na nanunuod lang. Hindi ko mapigilang nagalit dahil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nasa loob ng classroom. Wala namang ginagawa na gaano pero hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Ashray. Ngayon lang yata ako hindi sinipon kapag nagpapaulan.“Ano bang ginawa mo kagabi bakit para antok na antok?” Tanong sa akin ni Claies.“W-Wala naman hindi lang talaga ako makatulog kasi hindi pa naman ako inaantok.” Alas dose na nga 'yon pero wala pa akong tulog kaya naisipan ko nalang mag midnight snack, may stock akong mga pagkain at ilang buwan nalang ay mag e-expired na kaya kinain ko nalang.May stock din ako ng mga gatas at kape para kung sakaling matakam ako sa mga ito ay hindi na ako maghahanap kahit saan. Lalo na kapag gabi ay malamig at minsan talaga tinatamad din ako.“Malapit na rin uwian, inaantok din ako. Hindi siguro tayo makakapag bili ng mga street food ngayon. Gusto kong magpahinga, napagod ako kahapon.” Nag unat siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. Kararating niya

  • His Slow-witted Maid   SPECIAL CHAPTER

    SPECIAL CHAPTER Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW—“Demonic Ashray Silveria.” Napatingin ako sa nagtawag sa akin ng buo kong pangalan. Nagsampalan naman si Stellan at Zyrine hanggang sa makarating sila sa akin.“What?”“Laugh first.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Zyrine.“Are you crazy?”“Duhh, we are 'cousin' how dare you to tell me that.” Tinignan ko lang siya at bumalik sa pagkakatingin sa labas ng window glass.“Ah gano'n pala ah. Stell, don't tell him where is Helliry located.” Napatingin ako ng nanlalaki ang mata. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Inirapan ko si Zyrine dahil sa kahit ano anong pinaggagawa niya.“She's here. Pero medyo malayo rito. Sa apartment na malapit sa school ang tinutuluyan niya ngayon. Five to ten minutes ang lakad papunta sa school.” Paninimula ni Stellan.“She told us na 'yon ang unang apartment niya noong naghahanap palang siya ng apartment.” I thought they are are not telling the truth.“Really, is she safe there?” Tanong ko sa kani

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 48

    CHAPTER 48Demonic Ashray Silveria POINT OF VIEW— Continuation of Chapter 42“Itigil mo 'yan Ashray, gusto mo bang masira ang katawan mo dahil sa alak? Akala ko ba nakapag usap na tayo kahapon.” Napatingin ako kay Stellan at inagaw ang bote ng alak na hawak ko.“Baka gusto mo nanamang masapak. Drinking alcohol won't help you to move, hindi ka rin matulungan niyan na maging ayos.” Napatitig ako sa baso.“Okay fine, just give me that last bottle it's too expensive para hindi maubos.” He look at me with a weird look.“You're drunk. You're too wealthy to say that. Hindi mo ako mabibiro sa ganiyan, stop drinking, get up and move your butt tutulungan kita. Be a man bro and know your wrongs.” Sa lahat yata ng nakilala ko ito ang hindi ko mapilit basta. Wala rin naman akong magagawa dahil wala akong gana sa lahat ng bagay susunod nalang ako sa kaniya.“Maligo ka, amoy alak ka,” sabi niya sa akin at tinulak ako.“Kakaligo ko lang.” Tinignan niya ako at napataas ang kilay.“O really? Glad you

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—ILANG araw na ang nakalipas at hindi talaga tumigil si Ashray sa paghintay sa akin. At sa mga araw na nagdaan ay kahit isa sa amin ay walang nagsalita. Parang pareho nga kaming gustong magsalita pero wala talagang nag lakas ng loob.Kaduwagan ang tawag doon. Kung siya balak niyang makipag ayos sa akin ay bakit tinititigan niya lang ako at walang salita na kahit ano. Wala akong balak mag first move dahil una sa lahat siya ang may gusto nito. Pinaalis niya ako at gusto ko lang gawin ang sinabi niya sa akin. Ito na sinusunod ko na, siya ang nagsabi kaya siya rin ang bumawi nang sinabi niya kung gusto niya.Napahilata ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Mabuti nalang talaga at tapos na ang exam kung hindi ang dami ko sanang iisipin. Ang Ashray talaga na 'yon walang ibang ginawa sa akin kung hindi pag-isipin ako mabuti.Tumayo na ako at kinuha ang sling bag ko. Tinawag kasi ako nang dalawa. Si Zyrine at si Stellan, gusto raw nil

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 46

    CHAPTER 46Helliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—KAILAN na nga ba ulit ako nakaramdam ng kakaibang pagtibok ng puso ko, tipong subrang lakas at hinaluan pa ng kaba at panlalamig ng kamay. At sa iisang tao lang ito nangyayari. Sa iisang tao ko lang ito nararamdaman.Ngayon ay may halong kirot at saya sa puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ng mararamdaman ko ngayon habang kaharap siya. Halo halong emosiyon na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito. Ang daming tanong na hindi ko naman masabi dahil hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.Napaiwas nalang ako ng tingin at nagpatuloy maglakad. Baka naman may iba siyang hinihintay rito. Tapos makikisawsaw ako ang sama ko naman tignan kapag gano'n. Nilampasan ko nalang siya dahil wala rin naman siyang sinasabi.“Get in.” Mahina pero narinig ko ang buses niya. Feeling ko tuloy may gusto siyang sabihin pero hindi niya natuloy tuloy.Napatigil ako saglit pero pinagpatuloy k

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 45

    CHAPTER 45—Nalalapit na pagtataposHelliry Chrysopeleia Flieyh Dizon POINT OF VIEW—NAPAHIKAB ako habang nakatutok sa reviewer ko. 10 o'clock na ng gabi at nandito pa rin ako sa reviewer ko. Hindi kasi ako magpupuyat at alas nuwebe palang minsan ay tulog na ako. At madali talaga akong antukin kapag reviewer na ang kaharap ko. Hindi naman siguro masiyadong mahirap 'yong exam dahil nag a-advance ako minsan sa pagbabasa at nakikinig ako sa mga lectures, ang ginagawa ko nalang ngayon ay sinusubukang ibalin sa iba ang attention ko.Ilang araw na pero hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ashray. Sigurado kaya 'yong dalawa sa pinagsasabi nila tungkol kay Ashray na halatang ako ang iniisip. Baka naman hindi eh. Kung gusto niyang mag sorry ay dapat ilang araw na siyang nagpapakita.Ang kapal ko naman magsabi ng ganito samantalang kapag nag sorry siya sa akin hindi ko pa alam kung patatawarin ko ba kaagad. Isa pa ay hindi ako sigurado kung mag so-sorry talaga siya. Pero ano kayang ginagawa ni

  • His Slow-witted Maid   CHAPTER 44

    CHAPTER 44Helliry Chrysopeleia POINT OF VIEW—“Okay got it Helliry? Basta 'wag ka lang mahiya, kaya mo 'yan mataas ang sahod sa modeling at bagay na bagay ka rin talaga.” Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sinabi ni Zyrine. Nakakahiya.Tinuturuan niya nga ako ng mga poses kapag mag momodel na. Model din pala siya kaya pala 'yon ang offer niya sa akin. Tinuturuan niya ako ng mga alam niyang pose bago kami umalis dito. Oo sasama na nga ako sa pagbalik nila. Kailangan ko na ring pumasok sayang naman ang ilang buwan kung drop out ako. 'Tsaka patapos ko na itong second year, ayaw ko nang masayang.“Kayong dalawa, tara na.” Napatingin kami kay Stellan na tinawag kami, naayos niya na pala ang mga gamit namin.Alas nuwebe na nga kami nakaalis dahil naghanap din sila ng maiuuwi nila na sa probinsiya lang madalas makita o mabili. Isa pa ay rush talaga sila, kararating lang kaya nila kahapon tapos kinabukasan uwi ulit. Wala silang reklamo dahil sanay naman na raw sila sa biyahe, mas malala pa

DMCA.com Protection Status