CHAPTER 6
Helliry POINT OF VIEW — ITO ang araw na nakapagdesisiyon na ako na roon na magtatrabaho. Wala na akong ibang pagpipilian dahil paubos na ang pera ko tapos ang hirap hirap pa mag hanap ng trabaho. Kung hihintayin ko pa ang tawag ng mga inapplyan kong trabaho ay baka abutin pa ako ng siyam-siyam. Mahirap na rin baka biglang bawiin ng Lolo 'yong offer niya. Mataas pa naman. Minsan lang ako makakita ng gano'ng kataas na sahod. Kasalukuyan na akong bumababa para magpa-alam kay ante Dina. Kakagising ko nga lang at kagabi ako nakapagdesisiyon. “Ante, aalis na po ako.” Hindi ko alam kung bakit biglang natawa si ante Dina. “Kahapon mo pa sinabi iyan iha.” Napakamot ako sa pisnge ko. “Kahapon pa po ba?” Umiling nalang ako at nagpaalam ulit bago pumunta sa kuwarto. “Ii-impake ko nanaman kayo.” Pag-kausap ko sa mga gamit ko na akala mo ay may buhay o sasagot. Habang nag-iimpake ako ay biglang nag ring ang cellphone ko. Si Lolo pala ang tumawag. Nasabi ko na rin sa kaniya ang naging desisiyon ko. “Ano po 'yon?” [“Papunta na kami riyan iha. Kasama ako sa pagsundo sa 'yo.”] Hindi ko na nagawang sumagot pa nang magpaalam ba kaagad siya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas sais palang ng umaga. “Hala si Lolo excited. 'Yong magsisilbi pa talaga sa kanila ang susunduin niya.” Nataranta ako bigla sa pag-iimpake ng mga gamit. Hindi ko na nga gaanong naayos basta ang mahalaga sa akin ay makuha ko lahat ng gamit ko. Hindi nga ako nagkakamali at hindi pa ako tapos sa pag-iimpake at nandiyan na kaagad sila. “Lo, sandali! 'Di pa ako naka suklay eh!” Sigaw ko mula sa bintana. Mabuti nalang talaga at nakaligo ako saglit, ayan tuloy hindi ko natapos ang pag-iimpake ko. “It's okay iha! No pressure!” Napaatras ako at bumalik sa ginagawa. “Ano raw? Low pressure?” Mabilis kong na impake ang natitira ko pang gamit. Nakasulay na rin ako at masasabi kong handa na akong umalis. Bumalik ako sa higaan at isinalampak ang sarili. “Mamimiss kita higaan ko kahit ilang weeks lang.” Napayakap ako sa naging drawer ko at kahit sa pader. “Helliry, matagal ka pa ba? Bumaba ka na riyan! Naghihintay ang amo mo!” Napakamot ako sa ulo at tumayo. “Nag e-emote pa ako eh. Pababa na po!” Binuhat ko na ang mga bagahe ko at nadatnan ko na nag-uusap sila sa baba. May kasama pala si Lolo, taka ko silang tinignan dahil bakit gano'n ang mga mukha nila. Naka over all block tuxido na naka mask ng itim. “Lo, sino ang mga 'to? Ninja ba sila?” Napatawa si Lolo sa sinabi ko. “Bodyguards ang mga 'yan iha.” Namangha ako sa sinabi niya. “Naks, rich kid talaga kayo, Lo.” Kinuha ng mga bodyguards ni Lolo ang bagahe ko at nauna ng lumabas. “Magpakabait ka roon Helliry ah.” Bilin sa akin ni Ante Dina. Kahit saglit lang kami nagkakilala ay grabe na ang pinagsamahan namin kaya nalulungkot ako na umalis. “Oo naman po. Siya nga pala Lolo. Artista ka ba? Bakit may mga bodyguards ka?” Gulat akong tinignan ni Lolo at gusto pa sana akong hampasin. “Artista lang ba ang puwedeng magkaroon ng bodyguards?” Kumaway si Lolo kay Ante Dina. “Sige po ante Dina aalis na po ako.” Nagpaalam na ako sa kaniya hanggang sa makasakay ako sa mamahaling sasakyan ni Lolo. May sarili rin siyang driver at sa loob palang ay maaamoy mo na ang karangyaan. Hindi ako sanay sa kulob na sasakyan tapos may aircon kaya halos masuka ako. Buti nalang at napansin 'yon ni Lolo at pinapatay niya nalang ang aircon at pinabukas ang bintana. “Ako nga pala si Henry Silveria. Tawagin mo lang ako sa Lolo ayos lang kung doon ka kumportable.” Tumango ako sa kaniya habang lumalanghap ng Vicks dahil nahihilo pa rin ako. “Anong pangalan mo iha?” Nakapikit akong bumaling sa kaniya. “H-Helliry Dizon po.” Hindi ko na nasabi ang buong pangalan ko. Kung puwede lang ilabas ang ulo ko mula sa bintana ay ginawa ko na, pero ang daming dumadaan na sasakyan. “Mukhang hindi ka talaga sanay sa ganitong sasakyan. Tiisin mo iha. Malapit na tayo.” Maya maya pa ay hindi nga nagsisinungaling si Lolo Henry dahil nakarating na kami kaagad. Pagkalabas ko sa kotse at halos malanta ako dahil sa pagkahilo. Lumanghap ako ng sariwang hangin hanggang sa maging maayos ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa taas sa may bintana ng parang may sumilip. Pamilyar ang pustura niya. Inilibot ko ang paningin sa lugar. Sinasabi ko na nga ba at subrang ganda rito. Sa labas palang ay sumisigaw na ang kagandahan. Pagkarating sa loob ay mamamangha ka nalang talaga dahil bukod sa may falls maraming kakaibang bulaklak sa mga gilid. Na-imagine ko tuloy na nasa fantasy novel ako at ako 'yong nawawalang prinsesa. Malawak ang garden at may pathway pa sila. Kahit ang daan papunta sa main door ng bahay na 'to ay talagang kakaiba at binuhusan ng effort. Pagkatapat namin sa malaking pintuan ay kailangan ko pang tumingala para makita ng buo ang pintuan. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Wala akong idea sa anak niya at kung paano ko lilinisin ang buong bahay kung pintuan palang ay malaki na. “'Wag kang kabahan iha. Bukas ka pa naman magsisimulang magtrabaho.” Napalunok ako at inisip ang mangyayari bukas. Kung bukas pa ako magsisimula sigurado ay mapupuno na ang trabaho ko. Pagkabukas ng pintuan ay nagulat ako ng maraming kasambahay ang nakahelira. Tumingin ako kay Lolo at bumulong. “Akala ko po ba ako lang magiging kasambahay. 'Tsaka bakit nandiyan po sila?” “May kaniya kaniya silang trabaho. At ganiyan na talaga sila kapag dunadating ako o ang anak ko.” Napa 'Ahh' ako sa sinabi niya, magugulat na sana ako dahil sa pag-aakala ko ako ang dahilan ng pag-ganiyan nila. Dala ng pagka-hiya ay unti unti akong umatras at nakasunod lang sa likuran niya habang naglalakad. Pero hinigit niya lang ako pabalik sa tabi niya. “Maligayang pagbalik señor.” Napahawak ako sa dibdib. Kakaiba naman ang mga tao rito. Napangiti ako bigla sa naisip ko. Ibig sabihin ay gagawin ko rin 'yan? Para lang talaga akong nasa palasiyo na pinagsisilbihan ang Hari at Reyna. Napatingin ako sa mga uniform nila. Kahit uniform lang ay bunga na hindi mo mahahalata na kasambahay. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay namangha ako sa lawak nito mahabang hagdan na may red carpet. Sa paglibot pa ng mga mata ko ay halos kulay kumikinang na ginto ang nakita ko. Napatingala ako at nakita ko roon ang chandelier na pagkalaki. “Umupo ka muna iha at ako na mismo ang maglilibot sa 'yo sa buong bahay,” sabi ni Lolo kaya kinuha ko na ang mga gamit ko sa mga bodyguards. Inaamin ko na hindi ako madaling maligaw dahil mabilis kong natatandaan ang dinadaanan ko, pero sa bahay na 'to kailangan ko yata ng mapa dahil halos magkakapareha ang desinyo. Hindi ko pa nasisilip kung ano ang loob pero sigurado ako na malaki iyon. “Dito ka muna iha at may titignan lang ako sa kusina.” Napatango ako kay Lolo kaya naiwan akong nakatayo. “Ikaw pala ang binabanggit ni sir Henry. Ako si Manang Lira, sana magtagal ka rito, umupo ka muna iha kukuwentuhan kita.” Napangiti ako dahil mukhang mabait naman pala ang mga tao rito. Sa hitsura niya palang ay masisiguro ko na siya ang namamahala sa mga kasambahay rito. Halos mahingal pa ako nang makarating kami sa sofa. Tinulungan niya naman ako magbuhat ng gamit ko kaso sadyang marami akong dalang gamit kaya mabigat pa rin. “Hehe, pasensiya na po, hindi ko po kasi kayang iwanan mga gamit ko.” Napatawa naman siya bago kami tuluyang makaupo. Pagka-upo ko ay subrang lambot ng sofa. Ang laki pa at sa palibot rito sa living area ay parang kasing laki na ng apartment na tinuluyan ko. May sofa kami noon at living area pero hindi ganito kalaki. “Talagang ganito po ba sila kayaman?” Pagtatanong ko sa kaniya. “Oo, sa totoo lang ay nasa loob ka ng hacienda ng pamilyang Silveria.” Hindi na ako magtataka dahil sa labas palang ay mahaba na kaagad ang bakod. “Hindi mo na kailangang mag-isip ng tatrabahuhin mo rito, dahil sa totoo lang ay magiging parang babysitter ka.” Nanlaki ang mata kong tumingin kay manang Lira. “Seryuso po?” “Oo, nabanggit sa akin ni Sir Henry na ako na ang magsabi sa'yo, ang mangyayari ay mag-aalaga ka, naku napakapasaway ng batang 'yon, sana lang talaga ay magtagal ka rito. Napakahirap pa naman maghanap ng babysitter.” Walang duda kaya pala dinagdagan ang sahod ko. Pero ano naman kayang klaseng bata siya? Kapag subrang pasaway ay hindi pa naman ako makapagtimpi. “Sisiguraduhin ko po sa inyo na tuturuan ko ng leksiyon ang bata. 'Wag po kayong mag-alala dahil hindi po ako aalis. Kung aalis man ako ay sigurado akong successful kong naturuan ang bata.” Lagot sa akin ang batang iyon kapag pasaway siya. Hihingi nalang ako ng permiso kay Lolo kung puwede kong bigyan ng leksiyon ang bata. Pero hindi rin ako sigurado sa sarili ko kahit kasi bata kapag pasaway nababatukan ko. “Siya sige ikaw ang bahala iha. Sasama ako mamaya sa paglilibot niyo rito. Ituturo mamaya ni Sir Henry ang kuwarto mo at sasamahan kita.” Napatango ako sa kaniya at ngumiti. Sir Henry pala ang tawag nila kay Lolo nakakahiya naman at Lolo lang tawag ko sa boss. Dapat ko na rin ba siyang tawaging sir Henry? “Maiiwan muna kita saglit at sasamahan ko sila sa pagluluto.” Iniwan ako ni manang Lira kaya napatulala nalang ako. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon kung bukas pa ako magsisimulang magtrabaho. “Hi! Ikaw 'yong bago 'di ba? Matagal na akong kasambahay rito kaya puwede mo akong tanungin sa mga bagay.” Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa gilid ko. Isa siyang babae at ka edad ko lang yata siya. “Ako pala si Nicka ikaw ba?” “Helliry pangalan ko, gaano ka na ulit katagal dito?” Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. “Dalawang taon na rin. Kahit papaano naging maayos naman buhay ng pamilya ko simula noong dito ako nagtrabaho. ”Sa pagkuwento niya palang ay mukha ngang tama ang desisiyon kong dito magtrabaho. “Ilang taon ka na ba ngayon?” Hindi niya ako sinagot sa tanong ko at napatulala sa harapan namin. “Hoy, ano ba 'yang tinitignan mo?” Tumingin ako sa harapan at hagdan lang naman ang nakikita ko. “Tumayo ka bilis.” Dalawa kaming tumayo at napatingin sa may hagdan. Doon lumabas ang isang lalaki na napakapamilyar sa akin. Sa tingin mo ay nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa puwesto ko. Sa pagtingin palang niya ay ramdam ko na agad ang malamig na tingin niya sa akin. At kahit ang pagtingin niya ay parang sinasabi na hindi niya ako tanggap dito. Napayuko ako dahil hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang nanlilisik at masamang nakatingin habang papalapit dito. “S-Sino ba siya?” Bulong ko sa tabi ko. “Siya ang apo ni Sir Henry. Mag-iingat ka sa kaniya. Hindi mo magugustuhan ang ugali niya.” Ramdam ko ang kaba sa pananalita niya palang. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang tensiyon sa paligid dahil nasisilip ko na napatigil ang mga kasambahay para padaanin siya. Nararamdaman ko ang mabibigat na pagyapak niya na papunta sa puwesto ko. Nang makalapit siya ay roon lang ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maunawaan. “You are new.” Sa pagsasalita palang niya ay ramdam ko na kaagad ang pagka istrikto niya. Dahan dahan akong tumingin sa kaniya at tumango. “I have something to tell you before you can do stupid things here.” Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya at nanatiling nakatingin sa masama niyang aura. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kaniya, kahit sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan. “Know your place.” Sa mga oras na 'yon ay nasiguro ko na may kadiliman din pala akong haharapin sa pagta-trabaho ko sa marangyang pamilya. At nasiguro kong hindi magiging maganda ang unang pagtatrabaho ko sa siyodad.CHAPTER 7Helliry POINT OF VIEW—“Ashray. What are you doing?” Napatigil ako mula sa pagkakatitig at para akong nabunutan ng tinik sa pagkawala ng tensiyon. Napatingin ako kay Lolo Henry dahil niligtas niya ang buhay ko.“I'm just welcoming her, Lolo.” Tinignan lang ni Lolo ang nagngangalang Ashray. Napaupo naman ako ng umalis na siya sa harapan ko. Kahit simpleng pagtingin niya lang ay para na akong matatakot. Pero Sino ba siya para katakutan ko.“Pasensiya ka na. Hindi na bago iyon lagi kasi siyang ganiyan kapag may bagong magta-trabaho rito. Lalo na sa mga babae, hindi ko alam kung bakit gano'n siya.” Tinignan ko ang nagngangalang Nicka na kasambahay rin dito. Halos makalimutan ko na rin na nandito siya.Lumingon ako ulit sa likod at buti nalang malayo na sila ni Lolo.“Ayos lang. Hindi naman ako magpapatalo roon, nagulat lang ako. Ashray pala ang pangalan niya?” Pagtatanong ko sa kaniya na tinabihan ako sa pag-upo.“Oo, ang buo niyang pangalan ay Demonic Ashray Silveria.” Napa 'O
PROLOGUEIsang malamig na hangin sa gabi ang dumampi sa balat ko habang nakatayo sa gilid ng bintana ng malaking bahay. Hindi ko inaakala na tatagal ako ng ganito sa mansion na ito, na kahit mali ang pagtrato sa akin ni Ashray ay okay lang. Ano bang magagawa ko kung tuluyan na akong nalamon ng nararamdaman ko sa kaniya.“Iha, hindi ka pa ba babalik sa kuwarto mo? Gabing gabi na.” Tumingin ako kay manang na matagal na rin dito nagtatrabaho.“Hindi pa po. May hinihintay po kasi ako eh.” Ngumiti ako sa kaniya at muling tumingin sa labas upang pagmasdan ang buwan. “Sigurado ka ba iha sa gagawin mo? Nag-aalala lang ako sa 'yo kasi alam mo naman noong malaman niyang may gusto ka sa kaniya, mas gumaspang ang ugali niya.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at pekeng napatawa. Handa na akong harapin kung ano ang sasabihin niya at mananatili pa rin akong umaasa na magugustuhan niya rin ako kahit alam kong malabo. Sa pag-sabi pa nga lang sa kaniya na nagugustuhan ko siya ay lumala lang ang
CHAPTER 1Helliry POINT OF VIEW“Tabi! Tabi! Manang ito na po 'yong mga gulay!”“Kalahating kilong carrots nga mare.”“Ang dami mong bibilhin ngayon ah.”“Oo mare, birthday kasi ng anak kong bunso. Pabili na rin ako ng repolyo.”Maaga palang at marami na ang tao rito sa palengke. Magkabilaan ang ingay at pag-uuna sa pagbili ng mga fresh na gulay. Maaga nga rin akong pumasok sa trabaho ko upang magtinda ng mga gulay dahil Biyernes ngayon at siguradong marami ang tao.Hindi nga ako nagkakamali dahil kanina pa ako palipat lipat sa bumibili at pagkikilo. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil siguradong mataas ang sahod ko ngayon.“Helliry! Kamusta ang araw?” Napangiti ako kay Kiro na papunta rito, kaibigan ko at madalas kong kasama sa pagtitinda ng kakanin.“Mukha ba akong araw, Kiro? Tanungin mo kaya siya,” sagot ko dahil totoo naman 'di ba? Hindi naman ako araw, puntahan niya nalang tutal siya naman may tanong. Nawala ang ngiti niya at napakamot sa ulo. “Ibig kong sabihin kamusta ang
CHAPTER 2Helliry POINT OF VIEW“5 thousands sa isang buwan dito Ineng, kaya ba?” Napangiwi ako at napahawak sa batok.“Pag-iisipan ko nalang po. Babalik po ako maya-maya.” Umalis na kaagad ako roon. Sampong libo lang ang natira kong pera at ipagkakasiya ko 'yon sa isang buwan hanggang sa makahanap ako ng trabaho. Kanina pa ako lumilibot dito para maghanap ng apartment pero mahal lahat. Kung hindi 4 thousands ay umaabot ng 6. Parang hindi kakayanin ng pera ko. Hindi naman ako namomroblema pagdating sa sabon at gamit ko sa paglinis sa katawan dahil nagdala ako. Ang iisipin ko ay pang tatlong araw ko lang na bigas at uulamin ang dala ko. Kung wala akong makikitang mura na apartment at maayos na trabaho hanggang sa susunod na linggo ay siguradong mangangayayat ako.“Ang hirap naman pala maghanap ng apartment. Akala ko ay trabaho lang mahirap hanapin.” Habang naghahanap nga ako ng apartment ay nagtatanong na rin ako ng available na trabaho. Karamihan nga lang na sagot nila ay kasambahay.
CHAPTER 3Helliry POINT OF VIEW“Hintayin mo nalang ang tawag namin.” Napatango nalang ako at pinigilan ang pagbuntong hininga bago umalis sa harapan ng boss na papasukan ko sanang trabaho.Wala namang pinagbago dahil nakailang restaurant, cafe, grocery store at iba pa ay walang ibang sinabi sa akin kung hindi ang maghintay ng tawag nila. Pero iyong mga nakaraang araw pa na sinabi sa akin iyon ay hanggang ngayon wala pa rin.Napasipa sipa nalang ako sa mga bato na nadadaanan ko dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.Hindi pala talaga kagaya sa probinsiya na sila pa aalok sa 'yo na magtrabaho ka sa kanila. Mapili talaga ang karamihan dito at gusto nila iyong nakapagtapos na sa kolehiyo. Hindi ko naman kasi masabing simple lang lahat ng nandito dahil kahit 'yong restaurant ay subrang laki. Maraming foreigners sa daan. Mga kotse na kaliwa't kanan ang dumadaan at maraming tao araw araw. Halos mag-iisang linggo na ako rito pero wala pa rin akong trabaho.“A-Ate palimos po.
CHAPTER 4—Pagsisimula ng lahat.Helliry Point of View —“'Wag mo nga akong hawakan! Lumayo ka sa akin. Dahil kahit anong nangyayari hindi tayo magkakabalik.”“Mommy! Daddy! Tumigil na kayo!”“Isa ka pang bata ka! Nang dahil sa 'yo sa murang edad ko nabuntis ako!”ISANG malakas na alarm clock ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakabangungot. Napaupo ako saka napayakap sa tuhod. Hindi nabanggit sa akin ng mga magulang ko ang dahilan ng pag-aaway nila. Basta isang araw ay bigla nalang silang nagkalabuan. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.“Bakit ko ba iniisip ang panaginip lang. Hahanap nanaman ako ng trabaho.”Napatakbo ako ng mabilis sa banyo ng makitang natanghalian ako nagising. Nakalimutan ko pang palitan ang alarm clock ko kaya pala.—“Siguraduhin mong tama ang mga contact number mong nilagay mo rito.” Tanong sa akin ng nag-iinterview para sa trabaho.“Opo. Sigurado po ako.”“Sige, tatawagan ka nalang namin kapag makakapasok ka na sa trabaho. Puwede ka ng umalis.” Matamlay ako
CHAPTER 5Helliry POINT OF VIEW—Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan. Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address. Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod k