Share

CHAPTER 5

CHAPTER 5

Helliry POINT OF VIEW

Hindi ko alam na may ganito palang sinasahod bilang isang maid dito sa Pilipinas. O baka sadyang 'di ko lang talaga alam na nage-exist sila kahit saan.

Napatingin ako sa langit na makulimlim. Kanina ay maaraw lang.

“Ngayon pa talaga, kailangan ko na kaagad umalis.” Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinicturan ito. Nakalagay naman dito ang contact number at kahit email. Pati na rin ang address.

Pagkatapos kong mapicturan ay tinakbo ko na ang daan pabalik sa park. Madali lang naman akong makaalala sa mga daanan kahit minsan ko palang nakita. Ang ginagawa ko kasi ay naghahanap ako ng puwede kong gawing palatandaan. Nasanay ako sa pagiging gano'n dahil kapag niyayaya ako ni Kiro gumala kahit saan ay siya pa ang naliligaw.

Pagkarating ko sa park ay naghanap kaagad ako ng shed para may masilungan. Umaambon na rin kasi, maya maya ay uulan ito ng malakas, wala pa akong dalang payong.

Muli kong tinignan ang pinicturan kong hiring. Malaki ang sahod kung tutuusin. Mas maganda kaysa sa nasa palengke ako o hindi kaya sa mga grocery store. Kung tatanggapin ko ito siguradong mapapaaral ko ang sarili ko.

“Pero 'di ko pinangarap maging kasambahay.”

Tatayo na sana ako ng bigla kong mabangga ang isang matanda. Agad ko siyang kinapitan dahil sa lakas ba naman ng pagkabangga ko ay muntik na siyang matumba.

“S-Sorry po Lolo. Nasaktan ko po ba kayo? Pasensiya na po talaga.” Napayuko ako at paulit ulit na humingi sa kaniya ng paumanhin. Napatawa siya kaya tumingin ako sa kaniya.

“Wala 'yon iha. Ayos lang ako. Ano palang ginagawa mo sa lugar na ito papaulan na?” Tinignan ko ang paligid at halos wala na ngang tao. Umupo ako muli.

“Kayo po dapat ang tinatanong ko Lolo. Ano pong ginagawa niyo rito? Wala po ba kayong kasama?” Napalingon ako sa paligid at mukhang wala talaga siyang kasama.

“Gusto ko kasing madama ang ulan. Napansin ko 'yang mga papel na hawak mo. Para saan 'yan?” Turo niya sa mga papeles na hawak ko para sa pagta-trabaho.

“Para po sa pag-apply ko sa trabaho. Hanggang ngayon wala pa po akong nakitang trabaho. Hindi pala gano'n kadali.” Tinignan niya ako at napatawa lang.

“Minsan talaga kailangan mong kumapit sa patalim.” Napatingin ako rito at taka siyang tinignan.

“Ha? Nakakapitan po ba ang patalim?” Gulat siyang tumingin sa akin at tinawanan ako. Ang magandang ito tinatawanan lang ako.

“May trabaho akong iaalok sa iyo pero isang kasambahay. Gusto mo bang maging isang kasambahay?” Napangiti ako ng napipilitan.

“Hindi ko po pinangarap maging kasambahay. Pero kung 'yon ang para sa akin ay bakit hindi. May nakita rin po pala ako kanina sa daan.” Pinakita ko sa kaniya ang picture sa cellphone ko na nakita ko kanina sa harap ng malaking bahay.

“Aba nga naman at halatang itinadhana ka. Riyan ako nakatira sa bahay na 'yan iha!” Bigla akong nabuhusan ng kahihiyan.

“Kung gano'n po? Kayo ang magiging boss ko kapag nag-apply ako?”

“Oo naman. May hinahanap din kami na higit pa sa pagiging isang kasambahay. Dadagdagan ko ang sagod mo basta manatili ka lang sa trabaho mo.” Napatingin ako sa kaniya.

“Seryuso po kayo?”

“Aba't oo naman. Masiyado na akong matanda para mag biro. Gawin ko ng 15 thousands sa isang buwan mo.” Nanlaki ang mata ko at hindi ko alam ang isasagot.

“Ang gagawin ko naman po roon ay maglilinis ng bahay hindi ba?” Paniniguro ko. Pero iniisip ko palang kung gaano kalawak ang lupa at bahay na lilinisan ko araw araw ay aabutin yata ako ng 1 year.

“Oo, at pag-aalaga na rin. Ito ang number ko. Tawagan mo ako kapag nakapag-isip ka na.” Tumayo siya at binuksan ang payong na dala. Binigay ko rin sa kaniya ang phone number ko.

“Medyo tumitila na rin ang ulan. Mauuna na ako iha.” Napakaway nalang ako sa kaniya hanggang sa maiwan ako rito sa upuan na tinitignan ang card na binigay niya.

Kung tutuusin ay maganda na itong offer at hindi ko na kailangang magpabalik balik at maghintay ng tawag. Ako na mismo ang tatawag. Ano naman kaya ang ibig sabihin niya sa pag-aalaga? May hayop ba sila na marami?

“Helliry!” Napatingin ako sa nagtawag. Si Stellan pala kasama ang kapatid niya.

“Anong ginagawa mo riyan? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?” Tinago ko sa sling bag ko ang card at itinabi ang mga papeles.

“Wala naman. Siya nga pala may tanong ako.”

“Ano 'yon?” Tinignan nila akong dalawa at hinintay ang sasabihin ko.

“Naranasan niyo na bang maging kasambahay?” Kita ko ang pagkagulat sa kanilang mata at biglang napatawa.

“Nagpapatawa ba siya kuya?”

“Hindi pa namin naranasan Helliry. Bakit mo natanong?” Umiling ako sa kanila at napatitig nalang sa kawalan. Tatanggapin ko ba?

“Bakit pala kayo nandito?” Tanong ko at tumayo para maglakad lakad. Tumila na kasi ang ulan.

“Free time namin ngayon gusto ka naming makita,” sagot ng kapatid ni Stellan.

“Gumalang ka nga Shaun, mas matanda pa rin sa 'yo 'yan.” Naglakad ako papunta sa isang street food, nakasunod lang sila sa akin.

“Ilang taon ka na ba Helliry?”

“21 na ako.”

“Tignan mo na! 17 ka palang. Gumalang ka.”

“Age doesn't matter kuya kung mahal niyo ang isa't isa. Aray!” Napatawa nalang ako sa bangayan ng dalawa. Naoingit tuloy ako, gusto ko ng kapatid.

“Anong tinatawa mo riyan?” Lumingon ako kay Stellan.

“Wala naman. Iniisip ko lang kung anong pakiramdam na magkaroon ng isang kapatid. Pabili po ako ng kwek-kwek.” Baking ko sa tindiro.

“Oh ito. Masarao 'to.” Tinignan lang nila ang inaabot ko sa kanilang kwek-kwek.

“Ano na ulit 'yon kuya? Kwep-kwep?” Hindi ko mapigilang matawa sa binulong ni Shaun.

“I never tried that. What's that?” Isa pa itong si Stellan.

“Naks mga rich kid. Pero masarap 'to subukan niyo. May itlong Ito ss loob.” Tumuhog ako ng Isa at isusubo ko na sana kay Stellan pero tinitigan niya lang ito.

“I found it weird lalo na sa kulay niyang orange—whaksisijdnd.” Hindi niya na natuloy ang pagsasalita dahil sinubo ko na ito sa kaniya. Lumipat ako kay Shaun at siniksik ko sa bunganga niya ang kwek-kwek.

“Masarap 'di ba? Try pa natin 'yong iba. Ang laki niyo na 'di niyo pa nata-try kumain ng street foods.”

“To-Torture ba 'to? Muntik kong 'di nalunok siniksik ba naman sa bunganga ko.”

Dumating nga ang hapon bago kami natapos sa paglibot. Sinulit ko na dahil sa tingin ko ay hindi ko na sila makikita kapag nagtrabaho na ako, 'wag ko na ring sabihin dahil, wala lang ayaw ko lang sabihin.

“Mauuna na ako. Marami pa akong gagawin eh.” Paalam ko sa kanila.

“Sigurado kang ayaw mong magpahatid?”

“Hindi na nga. Kaya ko namang umuwi.” Pagkatapos no'n ay nagpaalam nalang kami sa isa't isa.

Pagkarating ko sa apartment ay hindi ko pa man nadidikit ang puwet ko sa upuan ay may tumawag agad sa cellphone ko.

“Hello?”

[“Iha, ako ito.”] Napa 'O' ako dahil siya pala 'yong matanda kanina na nakita ko.

“Namimiss niyo ako agad Lolo?” Narinig kong napabungisngis siya.

[“Siya nga pala iha. Kapag nakapag-isip ka na, rito ka na tumira. Kung sakali lang naman. May mga kuwarto na rito at matagal na talaga naming pinapatira mismo sa bahay namin ang mga kasambahay.”] Napatango tango ako kahit hindi niya naman nakikita.

“Sige po Lolo. Sasabihan po kita.” Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Ibig sabihin ay makikita ko na ang loob ng bahay na 'yon at para na akong nakatira sa palasiyo.

“May iba po ba kayong kasama sa mansion niyo?”

[“Oo, ako ang nag-iisa kong apo at ibang kasambahay.”] Muli akong napa 'O' sa sinabi niya.

“Sa laki po ng bahay niyo parang dalawa lang talaga kayong nakatira?” Narinig ko siyang napatawa.

[“Oo naman. Kaya nga kailangan namin ng maraming kasambahay.”]

“Sige po Lolo. Sasabihan kita kapag nakapagdesisiyon na ako.” Pgkapatay ko ng tawag ay siyang pagdating ni ante Dina.

“Mukhang nakahanap ka na ng trabaho mo ha?” Bungad niya sa akin.

“Mukhang gano'n na nga po. Ante, okay lang po ba na umalis sa apartment niyo? Doon na raw po kasi ako titira kapag doon ako nagtrabaho.” Ginulo niya ang buhok ko at tumango.

“Aba't oo naman, mas maganda na iyon para mabawasan ang iisipin mong gastusin. Mag-iingat ka sa trabaho mo ha? Huwag kang papahila sa pag-ibig na kahit mali ay okay lang.” Iniwan nanaman ako ni ante Dina sa sofa na gulong gulo ang isip. Kapag ba matatanda na hindi na maintindihan ang sinasabi?

SPECIAL SCENARIO

Helliry being Helliry

“Manood tayo ng cine.” Masayang sabi ni Shaun.

“'Wag, mas magandang mag arcade.” Tutol naman ni Stellan.

“Kuntra bida ka talaga kuya sa pagmamahalan namin ni Helliry, 'di ba Helliry?” Tumingin lang ako sa kaniya.

“Ha?”

“Bahala ka riyan Shaun basta sa Arcade ako.”

“Bahala ka rin diyan kuya basta sa cine ako.” Bigla silang nagkahiwalay at tila nalimutan nilang kasama ako.

Naiwan tuloy akong nakatayo rito sa loob ng mall habang pinagmamasdan silang papalayo na magkaiba ang pupuntahan. Siguro dapat dito nalang ako hanggang mamaya para maghintay.

Dumaan ang ilang minuto at mukhang nakaramdam na ang dalawang hunghang at nagtatakbong binalikan ako. Napacross arms ako habang nakatingin sa kanila.

“H-Helliry.” Napapakamot na ani ni Stellan.

“Si kuya kasi masiyadong ano, tara na nga lang kumain.”

“Akala ko ba hindi niyo na ako babalikan. Nakakangalay kaya tumayo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status