ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-02-14
Oleh:   Ad Sesa  Tamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
11 Peringkat. 11 Ulasan-ulasan
90Bab
19.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Tinggalkan ulasan Anda di APP

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

CHAPTER 1

Andy, sukob ka na sa payong ko," paanyaya ng isang babaeng maganda na isa ring estudyante sa Sanchi College kay Andy.Subalit kaysa tanggapin ng binatang guwapo ang tulong ay tipid na ngumiti siya’t umiling lamang. Ang lakas kasi ng ulan at wala siyang dala na payong kaya inaalok siya nang mga nakakakita sa kanya.Siya kasi si Andy Pagdatu, ang campus crush ng Sanchi College kahit na first year pa lang siya sa kursong Business Management. Napataob niya noon ang dating campus crush dahil napansin agad ng marami ang kanyang kaguwapuhan. Walang kahirap-hirap na napasakanya ang tronong pagiging campus crush. Iba kasi ang kaguwapuhan niya raw. Nakakakilig o mas tamang salita ay nakakalaglag p*nty raw kaya siya na ang tinitilaan ngayon ng maraming kababaihang estudyante. Isama na ang mga bading na halos mahimatay kapag nakikita siya.Wala rin ang kanyang motor o kotse dahil naki-ride lang siya kanina sa barkada niyang si Patrick. Hindi naman niya akalaing may biglang lakad ang kabarkadang i...

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Janice Aguila
super ganda po sana meron din dito book 2 ms
2024-07-04 17:03:35
1
user avatar
Irene Guelos
hi po saan po pwd Makita ung book2 story nila Andy at yolly po?
2024-03-02 19:08:33
3
user avatar
Sarah B
Salamat po, Author sa napakagandang kwento. Ang ganda ganda. Tawa ako nang tawa hanggang ending hehe
2024-02-12 11:40:27
3
user avatar
Natasha Nicole Saculles
Sana tuloy tuloy ang update po plzz
2024-01-31 14:12:33
2
user avatar
Natasha Nicole Saculles
habang tumatagal mas Nagigustohan ko ang story nla
2024-01-30 14:23:51
1
user avatar
Natasha Nicole Saculles
nakakatawa na nakakaiyak ,, ang ganda ng estorya...next episode po plsss...
2024-01-17 02:24:20
1
user avatar
Mayfe de Ocampo
maganda ang story hindi boring..
2024-01-07 20:12:12
1
user avatar
Wilma V. Capulong
waiting Next episode ...️...️...️
2023-12-29 18:16:58
1
user avatar
Sarah B
Nakakatawa naman nito ...
2023-12-06 15:44:10
1
user avatar
Writing_Eyebags
Nabasa ko 'to noong nasa jhs pa ako sa ibang platfrom. Isa ako sa masugid na naghihintay palagi ng update, it's nice to see the story again. Mukhang kailangan ko na uling i-reread.
2023-12-06 01:43:53
2
default avatar
dennis bonalos
Ang cute ng story na ito. Nakakaaliw basahin hahaha
2023-12-01 09:40:28
2
90 Bab
CHAPTER 1
Andy, sukob ka na sa payong ko," paanyaya ng isang babaeng maganda na isa ring estudyante sa Sanchi College kay Andy.Subalit kaysa tanggapin ng binatang guwapo ang tulong ay tipid na ngumiti siya’t umiling lamang. Ang lakas kasi ng ulan at wala siyang dala na payong kaya inaalok siya nang mga nakakakita sa kanya.Siya kasi si Andy Pagdatu, ang campus crush ng Sanchi College kahit na first year pa lang siya sa kursong Business Management. Napataob niya noon ang dating campus crush dahil napansin agad ng marami ang kanyang kaguwapuhan. Walang kahirap-hirap na napasakanya ang tronong pagiging campus crush. Iba kasi ang kaguwapuhan niya raw. Nakakakilig o mas tamang salita ay nakakalaglag p*nty raw kaya siya na ang tinitilaan ngayon ng maraming kababaihang estudyante. Isama na ang mga bading na halos mahimatay kapag nakikita siya.Wala rin ang kanyang motor o kotse dahil naki-ride lang siya kanina sa barkada niyang si Patrick. Hindi naman niya akalaing may biglang lakad ang kabarkadang i
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-12
Baca selengkapnya
CHAPTER 2
"Eiiiiihhhhhh!" mahabang tili ni Cristine nang makita nito ang picture nina Andy at Yolly sa cellphone ni Yolly. "Ang suwerte mo naman, Insan. Sana pala nagpa-late rin ako nang uwi kanina. Sana sa 'kin nakisabay si Andy my crush. Sana pala sinamahan kita sa library."Natatawa na lang si Yolly sa kanyang pinsan. Parang maloloka na yata. Panay ang halik kasi nito sa screen ng kanyang cellphone. Hinahalikan nito ang guwapong larawan ng binata nang paulit-ulit.Dumiretso siya sa bahay nina Cristine para ipakita lang 'yon, kahit umuulan, dahil alam niyang laglag panga ito sa inggit. At tama nga siya.Tuwang-tuwa siya dahil gumana ang balak niya na inggitin si Cristine. Hindi nasayang ang inilabas niyang kakapalan ng mukha kanina. Ang totoo kasi ay naglakas-loob lang siya kanina na makipag-selfie kay Andy. Ginawa niya iyon para lang may ipagmayabang siya sa pinsan."Unli Facebook ka, Insan?"Tumango siya. Kung si Cristine busy sa larawan ni Andy, siya naman ay busy sa paglamon ng miryendang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-13
Baca selengkapnya
CHAPTER 3
Yukung-yuko ang ulo ni Yolly na dumaan sa mga nagtatawanan na kapwa niya estudyante. Kipkip niya sa dibdib nang mahigpit ang kanyang mga libro na tila sandalan niya ngayon ng lakas para makalampas siya sa mga estudyanteng nagmumura, nagtatawanan at nambabato sa kanya ng kung anu-ano."Ano bang kasalanan ko sa inyo?" mangiyak-ngiyak niyang malakas na tanong. Nagulat na lang kasi siya pagpasok niya na ganoon na ang trato sa kanya ng mga schoolmates niya. Galit na galit sila sa kanya, at hindi niya alam kung bakit.Malakas na "Boooo!!" ang isinagot sa kanya ng marami. Mga lalong nagtawanan."Ang kapal mo!" dinig niyang sigaw sa kanya ng isang bakla."Selfie pa more, pangit!" kantyaw rin ng isang lalaki na maangas."Ambisyosang monkey ka, girl!" panliliit naman ng isang babae sa kanya.Tuluyan nang lumuha si Yolly. Sanay na siya na nilalait dahil aminado naman siya na siya ang kakaiba sa school nila gawa ng naiibang istilo niya sa pananamit at pag-aayos sa sarili. Pero sobra sila ngayon k
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-14
Baca selengkapnya
CHAPTER 4
Pagpasok ni Yolly sa silid-aralan nila ay upuan agad ni Andy ang tiningnan niya, at syempre bakante pa rin iyon dahil maaga pa.Ang aga niyang pumasok dahil ayaw niyang pumasok na naman na maraming estudyante. Siguradong ibu-bully na naman kasi siya. Umiiwas siya sa gulo.Napapabuntong-hininga siya nang umupo siya sa kanyang upuan pagkuwa'y napalingon na naman sa upuan ni Andy. Pangatlong araw na na absent ang binata kung hindi na naman papasok ito ngayon. At guilting-guilty na siya.Hindi kaya totoo na ikinahihiya ni Andy ang picture nila kaya hindi ito pumapasok?Nakakakunsenya naman. Kasalanan niya talaga ang nangyayari. Sana pala ay hindi na lang niya hiniling na mag-selfie silang dalawa noong araw na 'yon. Wala sanang problema na ganito. Sana hindi mag-a-absent si Andy. Tuloy ay napapabayaan na ni Andy ang pag-aaral dahil sa kahihiyan, dahil sa kagagahan niya.“Hindi ka kasi nag-iisip, Yolly. Kainis ka talaga,” paninisi niya pa sa kanyang sarili. Natampal-tampal niya ang kanyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-16
Baca selengkapnya
CHAPTER 5
Kung gaano pahiyain si Yolly ng ilang araw ng mga kapwa niya estudyante ay kabaliktaran naman ngayon dahil parang iniidolo na siya ng mga ito.Sa simpleng pagpapasalamat sa kanya ni Andy kahapon na kumalat sa buong campus ay napakabilis na kinalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa kanilang selfie at hinahayaan na siya ng mga ito.Ganoon kalakas ang hatak ni Andy sa mga estudyante. Iba talaga ang karisma ng binata. Parang siya ang sinusunod ng bawat isang estudyante ng Sanchi College. Talo pa artista."Hi, Yolly," bati sa kanya ng magbabarkdang nakatambay sa dinaanan niya."Good morning, Yolly," bati rin sa kanya ng isa pa na nakasalubong niya.Kiming napapangiti na lang siya sa mga ito. Hindi siya sanay na napapansin kaya napapayuko pa rin siya ng ulo at nahihiya."Sikat ka yata ngayon?" Mayamaya ay bahagya siyang nagulat nang may nagsalita sa likod niya, at nang lingunin niya ay ang mabait pa lang security guard na si Leandro."Hindi naman po," aniya sa laging tagapagtanggol niyan
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-16
Baca selengkapnya
CHAPTER 6
"Talaga bang kailangan kong gawin 'yon? Hindi ba puwedeng simpleng thank you na lang?" Nakabusangot ang mukha ni Yolly. Hindi niya talaga kaya kasi na yayain na kumain sa labas si Andy bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya. "Ano ka ba? Hindi ka na nahiya kung ganoon lang ang gagawin mo? Syempre hindi basta-basta 'yung pagtatanggol niya sa 'yo kaya dapat hindi rin basta-basta sana ang pagpapasalamat mo sa kanya," giit ni Cristine sa idea nito. Napaisip naman si Yolly. Sabagay tama talaga ang pinsan niya. Nga lang ay ngayon pa lang ay nahihiya na talaga siya sa binata. Take note, hindi 'yun basta-basta binata lang. Heartthrob 'yun rito sa school kaya parang ang kapal naman ng panget niyang mukha kung yayayain niya itong kumain. Katatapos lang ng kanyang issue. Gagawa na naman ba siya ng panibago na kanyang ikaka-bully? "Humanda ka na. Dadaan na sila. Patapos na ang miryenda nila," excited na sabi sa kanya ni Cristine habang nakatingin sa pambisig nitong relo. "C
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-17
Baca selengkapnya
CHAPTER 7
"Hop in."Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy."Bakit?"Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.Napakamot-ulo si Andy. "That's okay. Pa-side ka na lang umupo.""Ayoko," giit niyang nahihiya."Sige na.""Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?""Are you sure?""Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante."Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro."Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 8
"Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan."Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito."You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly."Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga.Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "Nagtatawa ulit si Yolly."Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito."Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito."Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-19
Baca selengkapnya
CHAPTER 9
"Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly."Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine."Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay. Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila."Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.Napalabi lang siya sa pinsan."Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pin
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-20
Baca selengkapnya
CHAPTER 10
Ang sarap ng gising ni Yolly. Nakatulog kasi siya nang maayos kaya wala na ang masakit sa kanyang ulo. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, ibig sabihin ay wala siyang pasok. Pero hindi pa siya bumangon. Mas niyakap pa nga niya ang kanyang bolster pillow. Mas pinili niyang munang namnamin ang ganda ng umaga.Ngingiti-ngiti siyang kukurap-kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Napaka-peaceful. Walang iniisip na problema, mapabahay man o mapa-school."'Nak, bumangon ka na r’yan. Mag-almusal ka na nang ako'y maglilinis na rito sa kuwarto mo."Tapos ay may nanay pa siyang sobrang bait at sipag. Saan pa siya?"Mamaya na, 'Nay. Wala namang pasok, eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot."Ay, bahala ka nga r'yan kung maalikabukan ka."Hindi na siya nagkomento. Dumapa siya nang higa. This is her life on Saturdays. Thank God it's Saturday."Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon na ba ang mga ito?"Hindi na niya talaga pinansin ang nanay niya. Ganito naman talaga ang nana
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-11-21
Baca selengkapnya
DMCA.com Protection Status