Karim Walton, CEO of Walton Pharma Group, offered Adira to marry him for two years. She agreed out of love and got pregnant midway through her two-year contract. The night of his birthday, Karim found her sleeping with his stepbrother while Adira caught him naked and having sex with Ryza. It was a mistake that led Karim to strangle her and lose his unborn son. He had just arrived at the hospital when his bodyguard greeted him. " Boss, Maam Adira has left her room. " " Where is she? " " A powerful rich man took her up. " " What? Find her and bring her back! " “ No way, boss; your wife now is more powerful than you. We are powerless to take her back. ” Five years later, a group of luxury cars passed beside him at the airport. He was stunned upon seeing his wife get out of the luxury car. She was escorted by a group of bodyguards while holding a four-year-old boy who resembled him. When the CEO realized his mistake, he seemed to lose his GAME.
View MoreNakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n
“Wow! Giganto!” Bulalas ni Skyler nang makita malaking Gigantosaurus na pumasok sa bulwagan. Kasalukuyan siyang napapalibutan ng mga Homeless Kids habang kumakanta ng Happy birthday sa kanya. Ngunit saglit niyang nakalimutan ang lahat nang makita si Giganto. Alam niyang ito na ang sorpresa ng Mommy niya.Pati mga bata hindi na natapos ang pagkanta dahil nalulula sila sa Giant dinosaurs na kanilang nakikita. “Giganto!” Tuwang-tuwa na tumakbo si Skyler kay Giganto. Dahil sa sobrang laki ng isa sa paborito niyang character sa Jurasic Park nagtiis lamang siya na yakapin ang paa nito.Ngunit si Karim na nagtatago sa loob ng katawan ni Giganto ay hindi nakatiis. Kinarga niya ang anak dahilan upang magulat ang lahat lalo na ang bata.Upang maiwasan na magduda sa kanya si Adira agad niyang pinindot ang hawak niyang remote control upang palabasin ang personal niyang regalo para sa kanyang anak.“Happy Birthday Skyler.” bati ng isang boses robot.Binalingan ni Skyler kung sino ang bumati sa k
ISANG ORAS ANG NAKALIPAS pumasok si Adira sa silid ng anak. Nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa hawak nito na picture. Tila hindi siya nito naramdaman dahil naka focus ang atensyon nito sa picture. Dahan-dahan siyang lumapit at sinilip mula sa likuran nang anak kung anong picture ang tinitigan nito. Parang piniga bigla ang dibdib niya nang makita ang larawan nilang tatlo na kung hindi siya nagkakamali stolen shot ito na kinuha noong nasa airport sila at hinahabol ni Karim. Sa larawan napaka-intimate ang pagkadikit ng katawan nila ni Karim habang karga naman niya si Skyler at nakatingin naman ito sa ama. Hindi na siya magtataka kung bakit mayroong kopya itong anak niya. Nakakalat sa pahayagan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Karim sa airport noon. May posibilidad na doon kinuha ng kanyang anak ang picture nilang tatlo. Nagpakawala siya ng malalim na hangin nang marinig ang pagsinghot ni Skyler. Umiiyak ang anak niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ito. Mab
“Adira, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakulong ka pala?” Bungad ni Anthony nang makita si Adira na pababa ng hagdan.Hindi na nagtataka si Adira kung bakit sinugod siya ni Anthony nang ganito ka aga sa bahay niya. May freedom itong gawin iyon dahil hinayaan niya. Hindi niya ito pinapansin ng makababa na siya. Diretcho siya sa kusina upang magtimpla ng kape.“Adira, tinatanong kita! Ganito na ba katigas ang puso mo para lang maiwasan ako?” Halata ang inis ni Anthony sa kanya.“At ano naman ang gagawin mo sakaling sinabi ko na nakulong ako?” iritado niyang tanong. Humarap siya sa lalaki.“Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ko? Syempre tutulungan kita na lumabas sa kulungan.” sagot nito.“Is that it? Kaya pala wala kang ginawa kahit alam mo na mismo mula kay Glee na siya ang may pakana sa pagpapakulong sa akin.” Bakas ng patama ang tono ng pananalita niya. Alam niyang nag-uusap ang dalawa.Sandaling hindi nakaimik si Anthony. Nagtataka siya kung paano nahulaan ni Adira ang ginawa niy
“Karim!” Patakbong lumabas ng bahay si Adira nang makitang huminto ang sasakyan ng asawa sa tapat ng mansyon. Halata ang excitement sa kanyang mga mata. Sobrang saya niya dahil hindi siya binigo ng asawa ngayong araw. Ngunit ang tuwang naramdaman niya kanina ay agad naman napalis nang makitang hindi si Karim ang lumabas ng kotse kundi ang personal bodyguard nitong si Sherwin. “Ma’am, ipinahahatid pala ito ni Boss. Hindi raw siya makauwi dahil maraming problema sa opisina.” Ibinigay nito ang dalang bunch of flowers at box of chocolate sa kanya. Malungkot naman niyang kinuha ang mga iyon. “Thank you.”“Pinapatanong din pala ni Boss ang tungkol sa sinabi mong sorpresa mo sa kanya. Pwede mo na rin daw ipadala sa akin at ako na lang ang bahalang magbigay.”Sandaling nag-isip si Adira. Kinapa niya ang papel sa loob ng kanyang bulsa. Mas gusto niyang siya na mismo ang magbigay niyon sa asawa. “Ako na lang ang pupunta sa opisina niya.” Nakangiti niyang sagot.“Kung ganun aalis na po ako, Ma
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments