“Adira!” saway ni Erlinda. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito sa babaeng gusto niya para kay Karim.
“Bakit ako? Gumanti lang ako, Mom.”“Huwag mo akong matawag-tawag na ina dahil hindi kita gusto para sa anak ko!”“Enough!” Crack! Sigaw ni Karim kasunod ng paghagis nito ng bote sa sahig. Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nakakarindi na sagutan ng tatlo. Gusto niyang ilabas ang init ng ulo niya. Lalo lamang siyang nainis nang makita ang paghanga sa mga mata ni Ryder habang nakatingin kay Adira. Tila natuwa pa ito dahil sa pagiging palaban ng asawa niya.Bakas ng takot ang mukha ng lahat ng mga bisita nang makita ang namumula sa galit na mukha ni Karim Walton. Ang bagong CEO ng Walton Pharma na sa loob ng mahigit isang taon nagawa na nitong kontrolin ang kalahati ng stock market sa buong bansa.“Ahhh! Aray! Karim nasasaktan ako!” Pilit na nagpupumiglas si Adira mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang asawa sa kamay niya. Halos madurog ang kanyang palapulsuhan ngunit patuloy pa rin ang marahas na paghila nito sa kanya paakyat sa hagdanan. “Karim!” Muling sigaw niya na nasasaktan ngunit parang wala itong narinig. Nang makitang nahihirapan siya sa pag-akyat sa hagdan agad din siya nitong binuhat.“Sige Karim, disiplinahin mo ‘yang asawa mo na kulang sa aruga!”Napalingon si Adira nang marinig ang malutong na halakhak ni Ryza habang nakaupo ito sa couch. Malandi ang paraan ng pagsipsip nito sa wine glass habang nakangiti at nakatingin sa kanya. Kanina pa niya gustong durugin ito ng pinong-pino. Hindi talaga ito tumigil sa pag-ubos ng pasensya niya hangga’t hindi niya pinapatulan.Nakabalik siya sarili nang marinig na nagsara ang pintuan. Nasa loob na pala siya ng kanilang silid. Muntik pang mauntog ang ulo niya sa headboard ng kama nang marahas siyang tinulak ni Karim. Ang lalaking pinili niyang pakasalan kahit pa na dalawang taon lamang ang kontrata ng kanilang kasal. Ngunit sa kanilang dalawa, alam niyang siya lang ang nagmamahal.“Hindi ka ba titigil sa pagpapahiya sa akin, Adira?” Ramdam niyang gusto na naman siya nitong sakalin ngunit nagpipigil lang ito. “Mga bisita ko sila! Nandito sila para samahan akong e-celebrate ang birthday ko!” Kita niya ang paglabas ng berdeng ugat sa leeg nito na tipong isang maling sagot niya lang sasakalin na siya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kanya pa nagagalit si Karim gayung si Ryza naman ang may kasalanan.Mapakla siyang ngumiti dahil sa mga naisip niya. “At ako, huh? Ano ako sa ‘yo Karim? Tau-tauhan mo lang sa loob ng bahay mo para lang may matawag kang asawa? Hindi ba’t ginawa ko naman lahat upang pagsilbihan sila? Hindi naman yata tama na pati babae mo hayaan mo na lang na utus-utusan ako!” Nakita niya kung paano mag-alsahan ang mga matitigas na muscles nito sa katawan. Maging ang paggalaw ng mga panga nito nagpapahiwatig na napupuno na ito sa pagtitimpi sa kanya."Adira, alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Mahina ngunit madiin nitong sagot.Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi nito. Masakit iyon para sa kanya, ano ba ang magagawa niya kung siya lang ang nagmamahal? Ngunit pilitin niya ang sarili na maging manhid. “Of course, hindi ko nakakalimutan kung ano lang ako sa buhay mo. Di ba noon pa sinabi ko na sa’yo na maghiwalay na lang tayo? Bakit hindi mo na lang ako palayain, Karim?”Matagal siya nitong tinitigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nakikita niya ang sakit na gumuhit sa mukha nito dahil sa sinabi niya. “Dahil hindi pa tapos ang kontrata natin! and I pay you billion for that fucking 2 year contract!” sumigaw din ito sa kanya na tila ba inaasahan na lang niyang puputok na ang ugat sa leeg nito.Mahina siyang tumango-tango. “I see. In that case, I'll pay you three times what you paid me to get my freedom.” Nakipagtagisan siya ng matalim na titig kay Karim. Ang alam niya lang pagod na siya sa pagpaparamdam sa lalaki na mahal niya ito. Na hindi mahalaga sa kanya ang pera na binayad nito dahil hindi niya kailangan ang mga iyon. Pumayag siyang magpakasal hindi sa pera kundi umaasa siya na baka sa loob ng dalawang taon magagawa niyang paibigin ito sa kanya. Ngunit sadyang matigas ang puso nito. Maaaring kapag nawala siya maging masaya ito sa piling ni Ryza.“I won't give your fucking freedom till I have my son." Nanlalabo ang mga mata ni Karim sa pagpigil ng hindi maipaliwanag na emosyon niya. Bakit ba napakadali sa babaeng ito na hiwalayan siya?Bam!Napaigtad si Adira sa gulat ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nanlalambot ang kanyang tuhod na umupo sa kama. Saka pa lang niya binuhos ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang mga mata. Tama ang Kuya Allaric niya. Walang maidudulot na maganda ang pagpapakasal sa taong siya lang ang nagmamahal. Gusto naman niyang lunurin ang sarili sa alak tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nag-aaway sila ni Karim. Ngunit nang maalala na buntis pala siya, nagkasya na lamang siya sa pag-inom ng juice. Inayos niya ang sarili at lumabas ng silid. Mula sa ibaba, hindi na niya nakita pa si Karim. Nakaramdam siya ng guilt. Sana nagtimpi na lang siya upang hindi masira ang kaarawan ng asawa niya. Unti-unti na rin nagsi-uwian ang bisita. Tama naman na dumaan si Manang Salve kaya niya ito tinawag.“Manang masama ang pakiramdam ko. Pakidala naman ako ng juice sa kwarto namin ni Karim.”“Ah, sige po, Ma’am.”Agad na siyang bumalik sa silid nila ni Karim. Pabalik na siya nang marinig na may nag-uusap sa veranda malapit lang sa kanyang silid.“Michael, wala ka bang gagawin upang hiwalayan ng anak mo ang babaeng ‘yan? Masyado na siyang perwisyo sa atin.”“Hayaan mo na ang anak natin. Okay naman si Adira. Kung paghihiwalayin mo sila, sino ang gusto mong pakasalan ng anak natin? Si Ryza?”“Eh, di ba, yun naman talaga dapat ang plano? Si Ryza naman talaga ang dapat na pakasalan ni Karim ngunit nagkaroon siya ng ovarian cyst kaya tinanggal ang dalawang ovary niya. Si Adira pinakasalan lang ni Karim para anakan. Kapag nanganak na si Adira hihiwalayan din siya ni Karim at kukunin ang bata. Dalawang taon lang naman ang kontrata nila dahil si Ryza ang talagang papakasalan ni Karim.”“Kung ganyan nga ang plano, ano ang pinagpuputok ng botse mo? Hintayin mo na lang na ang anak natin ang magdesisyon. Huwag mo na siyang pakialaman.”Nanikip ang dibdib ni Adira na bumalik sa silid nilang mag-asawa. Gusto niyang sumigaw upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Ang buong akala niya pinakasalan siya ni Karim upang makuha nito ang posisyon bilang CEO. Siya naman itong si Gaga, ginamit ang pagkakataon at pumayag na magpakasal sa lalaking kailan man hindi siya minahal. Tumatawa siya habang umiiyak. “Mission accomplished, Adira. Napakatanga mo!” Sigaw niya habang nakaharap sa salamin. Huminto siya sa pag-iyak nang bumaba ang paningin niya sa kanyang tiyan. “Hinding-hindi mo makukuha ang anak mo sa akin, Karim. Sinusumpa kong dadaan ka muna sa maraming butas ng karayom bago mangyari ‘yan.”KINABUKASAN nagising si Adira na ang buong akala mag-isa lang sa kanyang silid. Nakapikit siyang kinapa sa higaan kung pumasok si Karim kagabi at dito natulog sa kanilang silid. Dumilat siya ng mga mata nang may kinapa siyang katabi niya sa higaan. Napabalikwas siya ng bangon nang napagtanto na hindi si Karim ang katabi niya kundi ang step brother nitong si Ryder. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Inikot niya ang paningin nang mapansin na iba ang sapin ng kama. Nandito siya sa guest room? Paano siya nakarating sa guest room gayung malinaw sa ala-ala niya na sa loob ng silid nila ni Karim siya natulog? Hindi siya uminom kagabi….Natutop niya ang labi ng maalala na may ininom siyang juice na hinatid ni Megan—ang batang katulong na anak ni Manang Salve. Iyon lang naman ang ininom niya at agad siyang nakatulog. Akala niya dahil sa sobrang pagod niya lang kaya nakaramdam kaagad siya ng antok. Ngunit may posibilidad na nilagyan ng sleeping pills ang juice niya. Bakit hindi man lang niya ma
Karim, kumusta ang apo ko?”Naudlot ang pagsinghot ni Karim nang marinig ang boses ng kanyang ama. Malaki ang hakbang nito habang papalapit sa kanya.Kasalukuyan siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng operating room nang dumating ang mga ito. Inayos niya ang sarili at humarap sa ama.“I don’t know, Dad.” Nanghihina niyang sagot. Nakakunot ang noo ng Don. “Anong hindi mo alam? Isang oras, mahigit na, simula nang dinala mo rito sa ospital si Adira. Humabol kami sa pagpunta dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ba lumalabas ang Doctor?” Gusto ng mag hysterical ng matandang Don.Planong sumagot ni Karim nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Sabay nilang nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ng Doctor. Agad na hinanap ng mga mata nito si Karim sa kanilang tatlo.Lumapit si Karim. “How’s my wife?”“Mr. Walton, I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi nakaligtas ang baby. But your wife, she’s safe now.”“Ano? Mas pinili n’yo pang
Pagdating ni Sherwin sa Amarah hospital agad niyang pinuntahan ang kilala niyang Department Head of Obstetrics and Gynecology. Sigurado siyang matutulungan siya nito upang alamin kung saan naroon si Adira.“Mike,” bungad niya pagpasok sa opisina nito. Naabutan pa niya itong may hinahanap sa filing cabinet. Lumingon ito sa kanya.“Sherwin, napadalaw ka.” Nakangiti nitong wika bago hinugot ang file na hinahanap nito. “Umupo ka muna.”“Okay lang. Hindi naman ako magtatagal. I need your help.” pagpatuloy niya.Timigil ito sa ginagawa at tinuon ang atensyon sa kanya.“Help? What is it?” Taka nitong tanong. “Mayroong pasyente na inilipat dito mula sa St. Lucian hospitals. Mahigpit na inutos ni Boss na kailangan ibalik ang asawa niya sa St. Lucian sa loob lamang ng ilang minuto, kung hindi daanin niya sa dahas ang hospital sa pagkuha sa asawa niya. Sasampahan pa kayo ng kaso kapag nangyari ‘yun.”“W..wait..wait..I don’t get it.” Naguguluhan na sagot ni Dr. Mike. “Ang sabi mo mayroong pasye
“Mike! Mike!”Naudlot ang pagtawa ni Mike habang kausap ang isang doktor sa loob ng kanyang opisina nang marinig ang malakas na sigaw ng Direktor. Nagtataka siya kung bakit ito naparito sa opisina niya gayung hindi naman nito ginagawa dati. Ngunit bakit galit na galit ito habang nakatingin sa kanya?“Director, good after—”Pak!“Arrgh!” Halos pumutok ang labi ni Mike dahil sa biglang pagsuntok ng director. Hindi na nga niya nagawa na tapusin ang pagsasalita dahil bigla na lang siyang sinugod ng galit na suntok nito. Hinawakan niya ang labi na dumugo. Binalingan niya ang direktor ng may pagtataka. “Why?”“Why!? Why?” Whyley na tayong trabaho dahil sa kagaguhan mo!”Nagdikit ang dalawang kilay ni Mike kasabay ng pag kunot ng kanyang noo nang marinig ang sinabi ng Direktor. “What do you mean?”“This..is..what I mean!” Pak!Muli na naman siyang sinuntok ng director kaya muntik na siyang mapasubsob sa sariling mesa. Mabuti at tinulungan siya ng kausap niyang Doctor kanina. “Fuck!” Napamura
“Sherwin! I’m asking you!”Nakabalik si Sherwin sa sarili ng lumakas ang boses ng boss niya. Ngayon pa lang siya natauhan. “Pabalik na ako, boss.” Sagot niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na niya hinayaan pa na magsalita ito. Ngunit sadyang makulit ang boss niya dahil hindi siya nito tinigilan. Muli itong tumawag sa kanya.“Boss,” wika niya ng sagutin ito.“Kailangan pa bang puntahan kita para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo kasama ang asawa ko?”Dahil sa narinig nataranta si Sherwin na lumabas ng sasakyan at hinanap ng kanyang paningin ang kotse ng kanyang boss. “Mula sa di kalayuan, nakita niya ang niningkit na mga mata ng kulay itim na bentley flying spur ng Boss niya. Napabuga siya ng hangin. Inunahan siya ng kanyang boss. Sinundan siya nito. Sinara niya ang kanyang kotse upang puntahan ito.“Anong balita?” bungad niya sa tauhan nang lumapit. Hindi niya gusto ang drawing ng mukha nito.“Hindi pwedeng dalhin si Ma’am Adira, Boss.” “Fuck!” Hinampas niya ang man
Matagal na nagkatitigan ang dalawa habang nakabukas ang elevator. Makita sa mata ng mga ito ang magkaibang galit sa isa’t-isa. “A…Adira,” Sambit niya. Lumabas siya ng elevator upang hawakan ang kamay ng asawa ngunit agad din naman itong tumalikod sa kanya. “Adira sandali! Tinawag niya ito ngunit parang hindi siya nito narinig. “Fuck, wife!” Mabilis niya itong hinabol. Kung ganun hindi totoong na fractured ang katawan nito. Kahit pa na paika-ika ito kapag naglalakad may posibilidad na hindi rin totoong nawala ang ipinagbubuntis nito. Kailangan nilang mag-usap.Kahit masakit ang katawan pinilit pa rin ni Adira ang sarili na lakihan ang kanyang hakbang upang hindi siya maabutan ni Karim. Kahit alam niyang wala siyang panama sa bilis ng hakbang nito, sinubukan pa rin niya ang makakaya. Siya ang nagmamay-ari ng hospital na ito kaya kabisado na niya ang mga exits na pwede niyang puntahan. Sinubukan muna niyang dumaan sa kabilang elevator. “Shit!” Napamura siya nang makita na kasalukuya
“Aba’t, Hoy! Adira!” Mabilis na hinabol ni Erlinda si Adira. Nakita naman ito ni Michael kaya agad din itong sumunod.Napahinto si Adira sa kanyang paglalakad nang marinig ang boses ng matanda. Hindi siya lumingon. Tamang hintay lang siya na pumunta ito sa harapan niya.“Adira, walang hiya ka. Pinaghintay mo kami ng anak ko doon sa St. Lucian hospital dahil buong akala namin malala ang kalagayan mo, ngunit iyon pala niloloko mo lang kami! Siguro niloloko mo rin ang anak ko. Pinalabas mong nakunan ka para makuha ang simpatya n’ya!” Malakas ang boses ni Erlinda kaya nag-agaw ito ng atensyon sa mga pasyente at bisita sa loob ng hospital. Nakaramdam naman ng hiya si Michael kaya agad niyang sinaway ang asawa. “Pssst..Linda! Nakalimutan mo na bang nasa publikong lugar tayo? Paano kung may nakakilala sa ‘tin at makuhanan ng video itong eksena mo, sigurado akong hindi lang anak natin ang mapapahiya kundi pati ako! Hindi ka ba nag-iisip?” Pabulong ngunit puno ng pagkainis sa asawa si Michael
“Kung ganun isa rin si Maam Adira sa nagmamay-ari ng Dela Vega Airlines?” Naudlot ang muntik na pagluha ni Karim nang marinig ang boses ni Sherwin sa likuran niya. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa loob ng kanyang kotse. Muli niyang sinulyapan ang kalangitan. Tuluyan ng nawala sa kanyang paningin ang private plane ng mga Dela Vega. Kasabay ng paglaho nito sa paningin niya ay ang pag-usbong naman ng hindi maipaliwanag na lungkot sa loob ng puso niya. Ang pakiramdam na para bang may kulang. “Ano, boss, inom na lang tayo?” Muli na naman niyang narinig ang nakakaasar na boses ni Sherwin. “Get out,” mahina ngunit madiin na wika niya habang nakahawak sa manibela. “Just want to remind you boss, you have appointment with Mr. Saquian this afternoon.” “Cancel all the appointments I have.” Agaran niyang sagot. Gusto niyang mapag-isa ngayon. Walang nakakaintindi ng nararamdaman niya gayung kahit siya hindi rin maintindihan ang sarili niya. Nawala siya sa focus. Hindi gumagana ang u
Nakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n
“Wow! Giganto!” Bulalas ni Skyler nang makita malaking Gigantosaurus na pumasok sa bulwagan. Kasalukuyan siyang napapalibutan ng mga Homeless Kids habang kumakanta ng Happy birthday sa kanya. Ngunit saglit niyang nakalimutan ang lahat nang makita si Giganto. Alam niyang ito na ang sorpresa ng Mommy niya.Pati mga bata hindi na natapos ang pagkanta dahil nalulula sila sa Giant dinosaurs na kanilang nakikita. “Giganto!” Tuwang-tuwa na tumakbo si Skyler kay Giganto. Dahil sa sobrang laki ng isa sa paborito niyang character sa Jurasic Park nagtiis lamang siya na yakapin ang paa nito.Ngunit si Karim na nagtatago sa loob ng katawan ni Giganto ay hindi nakatiis. Kinarga niya ang anak dahilan upang magulat ang lahat lalo na ang bata.Upang maiwasan na magduda sa kanya si Adira agad niyang pinindot ang hawak niyang remote control upang palabasin ang personal niyang regalo para sa kanyang anak.“Happy Birthday Skyler.” bati ng isang boses robot.Binalingan ni Skyler kung sino ang bumati sa k
ISANG ORAS ANG NAKALIPAS pumasok si Adira sa silid ng anak. Nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa hawak nito na picture. Tila hindi siya nito naramdaman dahil naka focus ang atensyon nito sa picture. Dahan-dahan siyang lumapit at sinilip mula sa likuran nang anak kung anong picture ang tinitigan nito. Parang piniga bigla ang dibdib niya nang makita ang larawan nilang tatlo na kung hindi siya nagkakamali stolen shot ito na kinuha noong nasa airport sila at hinahabol ni Karim. Sa larawan napaka-intimate ang pagkadikit ng katawan nila ni Karim habang karga naman niya si Skyler at nakatingin naman ito sa ama. Hindi na siya magtataka kung bakit mayroong kopya itong anak niya. Nakakalat sa pahayagan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Karim sa airport noon. May posibilidad na doon kinuha ng kanyang anak ang picture nilang tatlo. Nagpakawala siya ng malalim na hangin nang marinig ang pagsinghot ni Skyler. Umiiyak ang anak niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ito. Mab
“Adira, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakulong ka pala?” Bungad ni Anthony nang makita si Adira na pababa ng hagdan.Hindi na nagtataka si Adira kung bakit sinugod siya ni Anthony nang ganito ka aga sa bahay niya. May freedom itong gawin iyon dahil hinayaan niya. Hindi niya ito pinapansin ng makababa na siya. Diretcho siya sa kusina upang magtimpla ng kape.“Adira, tinatanong kita! Ganito na ba katigas ang puso mo para lang maiwasan ako?” Halata ang inis ni Anthony sa kanya.“At ano naman ang gagawin mo sakaling sinabi ko na nakulong ako?” iritado niyang tanong. Humarap siya sa lalaki.“Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ko? Syempre tutulungan kita na lumabas sa kulungan.” sagot nito.“Is that it? Kaya pala wala kang ginawa kahit alam mo na mismo mula kay Glee na siya ang may pakana sa pagpapakulong sa akin.” Bakas ng patama ang tono ng pananalita niya. Alam niyang nag-uusap ang dalawa.Sandaling hindi nakaimik si Anthony. Nagtataka siya kung paano nahulaan ni Adira ang ginawa niy