Paano kung ang babaeng pinakasalan mo ay matutuklasan mong isa lamang impostor? Kambal Sina Janice at Jasmine. Nang bumalik si Denver sa Pilipinas ay pinakasalan nito ang inaakala niyang kasintahan na si Janice. Ngunit matutuklasan niyang ang kakambal nitong si Jasmine ang nagpanggap na si Janice at ito ang pinakasalan niya. Ang totoong Janice ay nabuntis ng ibang lalaki. At nakipagsabwatan si Jasmine sa kakambal para matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya nito lalo na ang amang may sakit. In short, niloko at pinaglaruan siya ng kambal! Ngunit hindi iyon maaring malaman ng buong pamilya ni Denver kung hindi ay maaapektuhan ang posisyon niya sa kompanya bilang CEO. Kaya inilihim niya ang totoo sa kanyang pamilya at ibang tao. Ang nararamdamang pag-ibig para sa asawa ay nauwi sa pagkamuhi. Tiyempo namang muling bumalik sa buhay niya si Rosemarie, ang kanyang first love. Ipinagtapat niya kay Rosemarie ang lahat at unti-unti ay nagiging malapit silang muli sa isa't-isa. Ngunit habang tumatagal ay narerealize niyang mahal na mahal na niya si Jasmine. Pero paano niya mamahalin ang babaeng pera lamang niya ang habol sa kanya? Habang si Jasmine naman ay nainlab na ng todo kay Denver ngunit paano paniniwalaan ni Denver na tapat ang pag-ibig niya rito lalo pa at sirang-sira na ang pagkatao niya sa paningin nito? Idagdag pang ginugulo ang utak niya ni Damian. Ang pinsan ni Denver na handa siyang tanggapin ano man ang kasalanan at pagkatao niya. Ngunit sa huli, ang pag-ibig pa rin ni Denver ang pipiliin niya.
View MoreNANGANGATAL ang buong kalamnan ni Jasmine habang tinatanggap ang mga halik ni Mr. Denver Craig. Ni sa panaginip ay hindi niya inaakalang ibibigay niya ang kanyang katawan sa isang lalaking kung tutuusin ay wala namang ugnayan sa kanya. Ni wala siyang nararamdaman para dito.
Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Ang pangako niya sa sarili, ibibigay lamang niya ang kanyang sarili sa taong pinakamamahal niya. Ngunit heto at pinapayagan niyang halikan at hawakan ang maseselang parte ng kanyang katawan ng lalaking ito. Napakagat labi siya para pigilan ang pagtatangis na nararamdaman. Hindi naman siya maaring magalit kay Denver dahil ginagampanan lamang naman nito ang tungkulin bilang asawa niya.
Asawa.
Gusto niyang matawa. Kapag nalaman ni Denver ang buong katotohanan, tiyak na isusumpa nito ang buong pamilya niya at manganganib ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal na ama. Alam niyang kahit twenty four hours pa siyang magtrabaho ay hindi niya makakayang gastusan ang pagpapagamot sa ama. Kaya kinakailangan niyang magsakripisyo at ipagkaloob ang kanyang dangal sa lalaking ito.
Kinilabutan siya nang gumapang ang mga labi nito mula sa kanyang mga binti patungo sa pagitan ng kanyang mga hita. Gusto niyang pumalahaw at sabihin dito na hindi siya si Janice. Na hindi siya ang babaeng mahal nito. Oo nga at siya ang babaeng iniharap nito sa dambana, pero sa katauhan ng kanyang kambal at hindi sa kanyang pangalan.
Ngunit tinalo ng kiliting inihahatid nito sa kanyang katawan ang galit na nararamdaman. Bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Wari niya ay dinadala siya nito sa ibang dimension. Unti-unti, nakalimutan niya ang hiya, ang galit at ang pandidiring nadarama para sa sarili. Ang tanging natitira sa kanyang kamalayan ay ang nakakahilo, nakakakiliting idinudulot ng ginagawang iyon ni Denver sa kanyang pagkababae lalo nang maglabas masok ang dila nito sa loob niya.
“Ohh. . .” halos bumaon ang kanyang mga daliri sa mga balikat nito, kusang pumulupot ang kanyang mga binti sa leeg nito.
Nakalimutan tuloy niyang nagkukunwari nga lamang pala siya.
“D-Denver. . .” ang mahihinang ungol ay nauwi sa isang malakas na hiyaw na para bang may kung anong sasabog sa pinakaloob ng kanyang hiyas, “D-Denver,” paulit-ulit na usal niya habang ninanamnam ang sarap na dulot ng ginagawang iyon ng lalaki. Umakyat ang mga labi nito patungo sa kanyang mga labi at hindi niya inaasahan ang kanyang naging tugon sa mga halik nito.
Dahil nasumpungan niya ang sariling sinusuklian ng nag-aalab na damdamin ang mga halik na iyon.
Tuluyan niyang nakalimutan na substitute nga lamang pala siya sa buhay nito. Na hindi naman siya ang iniisip ng lalaki habang nakikipagtalik sa kanya. Napaigtad siya nang maramdaman ang pagkalalaki nito na pilit na ipinapasok sa masikip ngunit namamasa niyang pagkababae.
At nang tuluyan nitong maisagawa ang penetration ay napahiyaw siya sa hapding dinulot niyon sa kanya kung kaya’t hinaplos nito ang mukha niya at pinupog ng halik, “I’ll be gentle sweetheart. Sabihin mo lang kung hindi mo kaya,” dinig niyang sabi nito habang nakatingin sa mukha niya. Dama niya ang taos pusong pagmamahal nito sa kanya.
Shit. Gusto niyang ma-guilty sa panlolokong ginagawa nila ni Janice sa lalaking ito. Paanong naatim na lokohin ng kanyang kakambal ang lalaking ito?
“I . .it’s okay, s-sweetheart,” mahinang tugon niya rito, pinagtakhan niya ang sarili na kusa iyong lumabas sa bibig niya.
Napalunok siya habang pinipigilan muling mapahiyaw. Ramdam niya ang dahan-dahan nitong paglabas masok sa kanyang hiyas. Hanggang unti-unti ay namalayan na lamang niya ang sariling sinasabayan ito sa pag-indayog. Nawala na rin ang hapdi at napalitan iyon ng nakakalunod na sensasyon. Ni hindi niya inaasahang masasarapan siya sa ginagawa nilang ito.
Hanggang sa sabay nilang marating ang sukdulan ng kaligayahan.
“Ahhhh. . .” halos sabay nilang sambit habang nilalabasan sila. Not even in her wildest dream na inasahan niya ang ganitong pakiramdam. Ganito yata ang sinasabi nilang ‘narating ang langit.’
Humiwalay si Denver sa kanya at pabagsak na nahiga sa kama, hinaplos nito ang pisngi niya at nakangiting tumitig sa kanya, “I love you. . .”
Hindi siya sumagot. Hindi niya kayang bigkasin ang salitang hindi naman niya totoong nararamdaman.
“I know, nasaktan ka. . .I’m sorry. Sa umpisa lang naman iyon sweetheart. Sa susunod, puros sarap na lang ang mararamdaman mo,” malambing at makahulugang sabi nito sa kanya, muli siya nitong hinalikan.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Magpahinga ka na. I know napagod kita ng husto,” sabi nito sa kanya.
Nagkunwa siyang antok na antok na. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumaling patalikod dito dahil parang hindi na niya kayang tingnan ito sa mga mata. “Paano mo naatim na makipagsabwatan para lokohin ang napakabait na lalaking ito?” tila tanong ng konsensya niya sa kanya.
Ngunit sa tuwing naiisip niya ang kanyang Papa, kahit paano ay nababawasan ang guilt feeling na nararamdaman niya.
“I love you,” dinig niyang bulong ni Denver habang hinahaplos ang likuran niya. Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan habang unti-unting nanunumbalik ang naging kasunduan nila ni Janice.
FLASHBACK
“A-ATE. . .g-gusto mong ako ang magpanggap na ikaw sa araw ng kasal nyo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jasmine sa kanyang kakambal na si Janice, “P-pero ate. . .” nagproprotesta ang kanyang mukha nang humarap dito, “Ikaw ang pakakasal pero gusto mong ako ang gumampan ng mga tungkulin mo sa kanya? Hindi ako papayag, ate!”
“Listen Jasmine, nine months lang naman. Hanggang makapanganak ako! Then iiwanan ko saiyo ang anak ko, after! In short, ako ang magiging ikaw at ikaw ang magiging ako sa paningin ni Denver hanggang maisilang ko itong bata.”
Naningkit ang kanyang mga mata, “Gusto mong ako ang umako ng mga kasalanan mo?” Hindi makapaniwalang sumbat niya sa kapatid, “Nang pagtaksilan mo ba si Denver, naisip mo ba ang magiging consequences ng lahat?”
“Nandito na ito, Jasmine. Kahit paulit-ulit pa natin itong pagtalunan, hindi na mababago ang sitwasyon kaya kailangan ko ng tulong mo.” Pakiusap ni Janice sa kanya, “Para rin naman sa atin itong ginagawa ko.”
“Bakit hindi mo na lang aminin sa kanya ang totoo?” Tanong niya rito.
“Nababaliw ka na ba? Napaka-conservative ng buong pamilya nya. Sa palagay mo matatanggap nya ako sa oras na malaman nyang nagkaroon ako ng relasyon sa iba habang nasa Amerika sya? B-besides, ang alam ni Denver, virgin pa ako. Kaya. . .”
“Kaya inaasahan mong ibigay ko ang sarili ko sa kanya?” Galit na galit na sabi niya rito, dumilim ang kanyang mukha, “No. Hindi ako papayag!” mariing tanggi niya.
“Sige, kung hindi ka papayag, mapipilitan akong ipa-abort ang batang ito!” Nanakot na sabi ni Janice sa kanya.
Hindi siya nagpasindak, “G-go ahead,” pangba-bluff niya. Ang totoo, hindi siya makakapayag na ipa-abort nito ang dinadala nito sa sinapupunan. Pero ano nga bang gagawin niya? Sobra naman yata kung ibibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya asawa? Nangako siya sa sarili na ibibigay lamang niya ang kanyang pagkababae sa lalaking pinakamamahal niya. Besides, bakit siya ang kailangang umako ng responsibilidad ng kanyang kakambal?
“Talaga? Balewala lang saiyong ipa-abort ko ang pamangkin mo?” Nangongonsensyang tanong nito sa kanya.
Hindi siya kumibo.
“Jasmine, alam mo naman siguro kung gaano kaimportante sa pamilya natin ang pagpapakasal ko kay Denver. Eh kung isumbong ko kaya kay Mama ang kaartehan mong ito?”
“Go ahead!” Kibit na sabi niya rito saka nagmamadali na itong tinalikuran. Nasa kuwarto siya nang sugurin siya ng kanilang Mama. Sa likod nito ay ang pangisi-ngising si Janice.
“Napakamaldita mong talaga!” Sigaw ng kanyang ina, bago pa siya makapagsalita ay isang malakas na sampal na ang dumapo sa kanya, “Wala kang utang na loob! Nagsasakripisyo si Janice alang-alang sa ating pamilya pagkatapos ikaw, anong ginagawa mo?”
Hindi na siya nakapagtimpi pa, “Really, nagsasakripisyo si Janice alang-alang sa ating pamilya or sa mga luho ninyong dalawa?” Sagot niya rito.
“Talagang wala kang respeto!” Nangangatal sa galit na sabi ng matanda sa kanya, hinila nito ang hanggang balikat niyang buhok, “Hindi mo na nga kami matulungan sa pagkalugi ng ating mga negosyo, ganyan ka pa kabastos! Talagang walang maasahan sa iyo!”
Naghihimutok na tiningnan niya ang ina, “Kung hindi sana kayo nalulong sa sugal, hindi malulugi ang negosyong ipinundar ni Papa!” Sagot niya rito.
“Ganun ba?” Muli siya nitong sinampal saka inginudngod sa sahig. Halos dumugo ang mukha niya habang si Janice ay naririnig niyang humahalakhak habang pinapanuod silang mag-ina, “At anong gusto mong gawin ko rito? Magpakamartir sa pag-aalaga sa baldado mong ama, ha?” sabi nitong pulang-pula sa galit. “Sige, kontrahin mo si Janice sa mga plano niya, tingnan lang natin kung matiis mong makita ang ama mo kapag iniwan namin sya.”
“Ma?”
“Akala mo nanakot ako? Iiwan ko talaga ang Papa mo kapag hindi ka pumayag sa gusto ni Janice! Sawang-sawa na akong makita sya! Hindi ganitong buhay ang ipinangako nya sakin nuong pakasalan ko sya!”
“Hindi nyo magagawa kay Papa yan,” aniyang nakikiusap, nilingon niya ang kakambal, “Tayo na lang ang mayroon si Papa. . .”
“At bakit ang hindi? Palagay mo, kung hindi sa tulong ni Denver para sa pagpapagamot kay Papa, buhay pa kaya sya hanggang ngayon?” Tanong ni Janice sa kanya, huminga ito ng malalim, “At kung malalaman ni Denver ang tungkol sa kalagayan ko, palagay mo papakasalan pa kaya nya ako? Kapag hindi niya ako papakasalan, kaya mo bang matustusan ang pagpapagamot kay Papa sa kakarampot mong kinikita?”
“Ate, Ma, huwag nyo namang gawin sa akin ito,” naiiyak na sabi niya sa mga ito.
“Mamili ka. Ikaw ang susubstitute sa akin hanggang sa makapanganak ako or isasambulat ko kay Denver ang tungkol sa kalagayan ko at magpapakalayo kami ni Mama. Plus, ipapa-abort ko ang batang ito.” Sabi ni Janice sa kanya, “Kaya kung talagang mahal mo si Papa at kung may konsensya kang natitira sa puso mo, susundin mo ang lahat ng mga plano ko.”
Napakurap-kurap siya. Ngayon pa lang ay alam na niyang talo siya.
IYAK NG IYAK SI JASMINE habang mina-massage ang mga kamay ng ama, “I’m sorry Pa kung. . .kung hindi ako gaanong nakakatulong saiyo,” sobra ang guilt na nararamdaman niya habang tinitingnan ang ama. “Siguro nga tama si Mama. “Talaga nga sigurong wala akong silbi sa pamilyang ito. . .” humihikbing sabi niya rito. Narinig niyang umungol ang ama na parang kinokontra ang sinasabi niya. Pinahid niya ang kanyang mga luha at may pait sa mga labing ngumiti rito, “K-kayo lang talaga ang kakampi ko. . .kayo lang ang naniniwala sa akin. Salamat, Papa.”
Nakita niyang pumatak ang mga luha ng ama. Pinahid niya iyon, “I’m sorry Pa kung nagsusumbong ako sa inyo. K-kayo lang kasi ang nahihingahan ko ng mga sama ng loob ko. . .p-pero wag nyo akong alalahanin, Pa. Gusto ko lang umiyak ngayon pero makakayanan ko ito. Makakayanan natin ito. Sabi nyo nga, mana ako sa inyo. Pareho tayong matatag.”
Nakita niyang pinipilit magsalita ng ama. Awang-awang hinalikan niya sa nuo ang matanda. Alam niyang ayaw nitong maging pabigat sa buong pamilya kung kaya’t hangga’t maari ay nilalabanan nito ang paghihirap ng katawan.
“Magpalakas ka Papa. Promise, gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati ang katawan ninyo. . .” aniya sa ama. Kagabi ay napagpasyahan niyang pumayag na sa kagustuhan ng kanyang kakambal. Naisip niyang kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa Papa niya. Hindi yata niya makakayanan kapag ito ang mawawala sa buhay niya.
Bata pa lamang silang magkapatid ni Janice ay ang Papa na niya ang palaging takbuhan niya. Masasaktin kasi siya nuon kung kaya’t ilang beses siyang napapahinto sa pag-aaral. Mainit ang ulo ng Mama niya sa kanya, kahihiyan lang daw ang ibinibigay nito sa buong pamilya habang si Janice ay paborito nito. Palibhasa, matalino si Janice at palaging may awards sa school. Maabilidad rin si Janice, sociable at malakas ang appeal kaya ligawin.
Identical twin naman sila ng kapatid pero di tulad nito, simple lang siyang manamit at madalas ay naka-phony tail lang ang buhok niya. Idagdag pang mataas na ang grado ng kanyang mga mata kung kaya’t palagi siyang may suot na makapal na glasses. Hindi rin siya nakatapos ng college dahil nagkasakit na ang Papa niya nuon kaya priority ng Mama niya na makapagtapos ng pag-aaral si Janice. Sinubukan niyang mag-working student para masuportahan ang kanyang college pero second year college pa lang ay pinahinto na siya ng Mama niya para siya ang mag-alaga sa Papa niya. Nangako si Janice na pag-aaralin siya nito sa college oras na makatapos ito ngunit dalawang taon na itong nakatapos, hanggang ngayon ay nagbibingibingihan lamang ito sa tuwing binabanggit niya ang tungkol sa pangako nito.
Pero hindi siya patitinag. Nag-enroll siya online para makapag-aral siya habang binabantayan ang ama. Sa gabi naman ay nagtratrabaho siya bilang kahera sa isang fastfood chain. Mahirap lalo pa at madalas ay inaatake siya ng kanyang asthma dahil sa sobrang puyat at pagod. Ngunit kailangan. Pasasaan ba at makakatapos rin siya.
“JANICE, ANAK, nakumbinsi mo na ba si Jasmine? Kung hindi pa, hayaan mong ako ulit ang kumausap sa kanya. Akala nya siguro nagbibiro tayo, hmmpt. Talagang handa na akong iwanan ang Papa nyo kapag tumanggi sya sa mga plano natin.” Sabi ni Minerva sa paboritong anak habang nag-sha-shopping sila sa isang first class mall.
“Don’t worry Ma. Ako ng bahala kay Jasmine. Malapit ko na syang mapapayag. Kilala ko ang kambal kong iyon. Alam kong hindi nya gugustuhing iwanan natin si Papa. Mas lalong hindi iyon papayag na ipa-abort ko itong bata,” bumubungisngis na sagot niya sa ina.
Napangisi ang Mama niya sa kanya saka biglang napakurap, “May isa pa tayong problema.”
“Ano iyon Ma?”
“Kailangang mapaniwala mo si Denver na ikaw si Jasmine. Sa kilos at ayos nyang iyon, palagay mo hindi ka nya mabibisto?”
“I know, right? Don’t worry, alam ko na rin ang gagawin ko tungkol, dyan, Mama.”
“Matalino ka talaga, anak. Manang-mana ka sa akin. Salamat at palagi kang nakikinig sa mga utos ko? Paano na lang kung wala ka sa buhay ko? Ang lungkot-lungkot ko siguro, 'nak. Mabuti na lang at kambal kayo. Hindi ko yata alam kung anong gagawin ko kung si Jasmine lang ang anak ko. Dios mio, matagal ko na siguro silang nilayasang mag-ama.”
Napangiti siya sa sinabing iyon ng ina.
PAKIRAMDAM NI JASMINE ay nanunuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang buong katawan ang tingin na iyon ni Denver. Mas lalo siyang kinabahan dahil waring sinusuri siya nitong mabuti habang tinitingnan siya. Nang hawakan nito ang kanyang isang kamay ay bahagya pa siyang napapitlag.
Nangunot ang nuo nito, maya-maya ay bahagyang napatawa, “Sweety, kung makaasta ka ngayon parang ibang babae ang kaharap ko,” anitong hinawakan ang baba niya saka inilapat ang mga labi sa labi niya, “I missed you,” bulong nito sa kanya sa malambing na tinig.
Para siyang kinuryente sa ginawang iyon ng binata. Relax, Jasmine. Alalahanin mong ginagawa mo ito para kay Papa, paalala niya sa kanyang sarili.
“I. . .I missed you too, D-Denver.”pagpapanggap niya, tinamisan niya ang kanyang mga ngiti na parang nang-aakit ayon sa turo ni Janice, “I. . .missed you so much,” may kasama pang paglalandi ng kanyang mga mata. Hindi siya sanay sa suot niyang contact lenses, pero tiis ganda, sabi nga.
Naitulak niya ito ng gumapang ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Ngunit hindi niya maitatangi ang biglang pag-iinit ng kanyang buong katawan. Kakayanin ba niya ang ipinagagawa sa kanyang ito ni Janice.
“I. . .I’m sorry, h-hindi ba sabi ko naman saiyo, ibibigay ko lang ang sarili ko kapag nakasal na tayo?” Halos paanas lamang na sabi niya rito, hindi niya ito matingnan ng maayos dahil nakokonsensya siya sa panlolokong ginagawa niya.
Napangisi si Denver, “Kaya naman mas lalo kitang minamahal eh. Sa kabila ng very modern mong pananamit, conservative ka pa rin pagdating sa mga ganyang bagay. Ang swerte ko talaga saiyo, Janice.”
Mapakla ang mga labing napangiti siya. Kung alam lang nito ang totoo.
HINDI MAPAKALI SI JANICE habang hinihintay ang pagdating ni Jasmine. Umaasa siyang hindi siya bibiguin ng kanyang kakambal. Si Denver ang tutupad sa kanyang mga pangarap kung kaya’t hindi sila nito maaring mabisto, kung hind’y tapos ang kanyang maliligayang araw.
Buwan-buwan ay nakakatanggap siya ng sustento kay Denver bukod pa sa mga mamahaling regalo na ibinibigay nito. Ayaw niyang maputol iyon. Kaya nga bago ito umalis patungong Amerika, sinabi niya rito na “Makukuha lamang nito ang kanyang pagkababae sa oras na makasal sila.”
Ang totoo, nagpretend siyang virgin pa at kung sakali ay ito ang makakauna sa kanya. Gusto kasi niyang maisip nito na iba siya sa mga babaeng nakilala nito. Na hindi niya basta-basta ibinibigay ang kanyang sarili. Na pinakaiingatan niya iyon at ibibigay lamang niya sa lalaking magdadala sa kanya sa altar.
Napangisi siya. Nuon pa man ay naplano na niyang si Jasmine ang gagamitin niya para sa kanyang mga kasinungalingan since alam niyang wala pa itong kahit na anong karanasan.
Tumunog ang kanyang phone. Si Alex ang nasa kabilang linya, nakasimangot siya nang sagutin ang tawag nito, “Hindi ba sinabi ko na saiyong wag kang basta-basta tumatawag.”
“Miss na kita,” malambing na sabi nito sa kanya.
“Miss na rin kita pero alam mo namang hindi tayo pwedeng basta-basta magkita, hindi ba?”
“Akala ko ba iyong kakambal mo na ang. . .”
“Basta sundin mo na lang ako, okay?” Yamot na sabi niya rito, “Next week na tayo magkita. At hintayin mo ang tawag ko. Malilintikan ka sakin sa oras na nangulit ka!” Pagbabanta pa niya bago ini-off na ang hawak na cellphone.
Mahal niya si Alex ngunit alam niyang hindi sila bubuhayin ng pagmamahalan lamang. Isa pa, mahal rin niya si Denver. Ngunit mas lamang ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Alex. Ewan ba niya. Kung tutuusin, maraming mas nakakalamang na katangian si Denver kaysa dito. Iba ang awra ni Denver. Bukod sa napakaguwapo n anito ay napakayaman pa. Pero si Alex talaga ang itinitibok ng puso niya. Siguro ay dahil me pagka-rugged si Alex at parang napakaraming babae samantalang si Denver, ramdam niyang patay na patay sa kanya.
Ganuon nga yata siya. The more na alam niyang marami siyang kaagaw sa buhay nito, the more na tumitindi ang pagkahumaling niya.
At si Denver? Ginagamit lamang niya ito para mabigyang katuparan ang mga kapritso niya. Hah, kaya yatang bilhin ni Denver ang lahat ng magustuhan niya. Kaya nga tuwang-tuwa ang Mama niya nang ipakilala niya ito dito. Tanda pa niyang sabi ng ina sa kanya, “Si Denver ang mag-aahon sa atin sa impyernong kagagawan ng Papa mo kaya wag na wag mo siyang pakakawalan!”
Totoo naman iyon. Hindi lang sila inilipat ni Denver sa isang mamahaling subdibisyon, sinagot pa nito ang pagpapagamot sa Papa niya. Binigyan rin siya nito ng mamahaling kotse, mga branded na damit at mamahaling alahas. Pati Mama niya, nakikinabang rin ng husto dito.
Kaya naman kahit na anong kalokohan ang gawin niya, kinukunsinti lang siya ng Mama niya. Sabi nga nito, siya ang nagdadala ng swerte sa kanilang pamilya habang ang kanyang kakambal na si Jasmine ay walang silbi.
Kaya nang mabuntis siya ni Alex, ang Mama niya ang nakaisip na si Jasmine ang magpanggap na siya pansamantala para magkaroon naman daw ito ng silbi sa Pamilya niya. Alam na alam nila ang kahinaan ni Jasmine kung kaya’t napapayag rin nila ito sa mga plano nila
Ang mahirap lang, kailangan niyang magpanggap bilang si Jasmine sa harapan ni Denver which is napakahirap para sa kanya. In the first place, magkaibang-magkaiba sila ni Jasmine sa maraming bagay. Ni hindi nga niya maatim ang mga damit na isinusuot nito. Sabagay, nine months lang naman ito. Kakayanin niya ang lahat alang-alang sa katuparan ng kanyang mga pangarap.
Napaigtad siya nang marinig ang pagdating ng sasakyan ni Denver. Kanina pa siya bored. Hindi naman siya makaalis ng bahay gamit ang ibinigay na sasakyan ng binata sa kanya dahil ang alam nito, hindi marunong magmaneho si Jasmine.
Mabuti na lamang at saglit lang, natuto ring magmaneho ang kanyang kakambal. Kahit siya, muntik na nitong mapaniwalang ito talaga si Janice base sa kilos at pananamit nito.
Sinong mag-aakalang siya ang tunay na Janice?
Naalala tuloy niya nuong nasa high school sila. Kapag tinatamad siyang magreview, si Jasmine ang pinapakuha niya ng exams para sa kanya. Maski ang Mama niya, naloloko nila.
Ang tataas ng mga grado niya. With honors pa siya nang grumadweyt kahit ang totoo, most of the time, si Jasmine naman talaga ang gumawa niyon para sa kanya. At kapag nagkakasakit si Jasmine, inis na inis siya dahil kinakailangan niyang mag-aral na mabuti. Ayaw niyang magkaroon ng mababang grades. Gusto niya, palaging proud sa kanya ang Mama niya.
Kaya naman siya ang paborito nito.
Habang si Jasmine, sakit at problema lang daw ang palaging ibinibigay sa Mama niya.
“HELLO, JASMINE. . .”
Sabay na napatingin sina Janice at Jasmine kay Denver. Nakita ni Jasmine na tiningnan siya ng masama ni Janice at parang sinasabi nitong: Hey, from now on, huwag mong kakalimutang ako si Jasmine, okay?
Napatungo siya.
“Hello Kuya Denver,” magiliw na sabi ni Janice dito, “Pasensya ka na kung hindi ako pwedeng maging bridesmaid ni Janice sa wedding nyo ha. Baka nga hindi na lang ako maka-attend.”
Kumunot ang nuo ni Denver, “But why? Dalawa lang kayong magkapatid, hindi ka pa pupunta. . .”
“K-kuwan kasi kuya. . .b-buntis ako at madalas sumasama ang pakiramdam ko lalo na kapag maraming tao. . .”
“Buntis ka?” Nagulantang na tanong ni Denver dito.
Bumungisngis si Janice, waring timi na nagsalita, “Maaga kasing lumandi. Napagalitan nga ako ni Ate Janice kasi ibinigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko pa naman asawa.”
Nagulat siya sa sinabing iyon ni Janice. At bakit parang gusto pa nitong siraan ang pagkatao niya kay Denver.
“H-hindi. . .” Ngunit bago pa niya maituloy ang sasabihin ay dumating na ang Mama niya.
“Ay Denver, pasensya ka na. Hindi ko nga pala nasabi saiyong nabuntis ng kung sino itong si Jasmine. Kaya pinagbabawalan ko munang lumabas habang hindi pa nakakapanganak para hindi pagtsismisan ng mga tao. Besides, ayoko namang me masabi ang parents mo. . .”
Pulang-pula ang mukha niya. Pati ang Mama niya, gusto siyang maliitin sa harapan ni Denver.
“Hindi naman ganyan si Jasmine. Me mga bagay lang talaga na wala syang choice dahil mas pinili niyang magmahal,” pagtatanggol niya sa pagkatao ni Jasmine saka tiningnan ng masama si Janice na kuhang-kuha ang mga kilos at pananamit niya.
Napangisi ang Mama niya, “Ikaw talaga Janice, palagi mo na lang ipinagtatanggol ang kakambal mo. Naku, Denver, napakaswerte mo dyan kay Janice. . .”
Nasasaktan siyang kung purihin ng Mama niya si Janice ay sobra-sobra habang siya naman ay pilit nitong hinihila paibaba.
“I know, Tita,” sagot ni Denver dito saka lumingon sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya, “That’s why I’m excited to officially call her my wife.” Sabi nitong tagos sa puso ang pagmamahal sa kanya. Napalunok siya. Muli itong bumaling kay Janice, “By the way Jasmine, don’t worry about what people think of you. Alagaan mo ang baby mo at wag kang magpapa-stress. Kung hindi ka kayang panagutan ng magiging ama nyan, kami na ni Janice ang bahalang sumuporta sa mga pangangailangan mo. Right sweety?”
Napatango na lamang siya.
“Talaga, Kuya?” tuwang-tuwang sabi ni Janice, bigla itong napayakap kay Denver, “Hulog ka talaga sa amin ng langit, Kuya Denver!”
Parang may gustong kumawala na kung ano sa dibdib niya habang nakatingin sa kakambal.
“Naku, napakaswerte ko talaga sa pagkakaroon ng manugang na gaya mo, Denver,” bulalas ng ina niya saka tumingin ng makahulugan sa kanya, “Kaya ikaw Janice, alagaan mong mabuti si Denver at maging mabuti kang asawa sa kanya, ha?” Giit nito habang pinandidilatan sya ng mga mata. Si Janice naman ay ngingisi-ngisi habang nakamasid sa kanya.
Tahimik lamang siya pero deep inside ay nasasaktan siya sa pagbabalewala ng ina sa nararamdaman niya. Si Janice lang ba ang anak nito?
“At from now on Denver, tawagin mo na rin akong Mama,” dagdag pa ng ina niya habang nakatingin sa binata. Hindi maitago ang katuwaan sa mga mata nito. Palihim siyang napaismid. Hulog nga naman ng langit si Denver para sa mga ito.
Sabagay, totoo namang hindi niya kakayanin ang gastusin ng Papa niya kung sakaling iwanan ni Denver ang ate Janice niya.
AT ginanap na nga ang kanilang engradeng kasal. Civil wedding lamang iyon ngunit daig pa ang ikinasal sila sa simbahan sa bonggang selebrasyon. Maraming invited na mga nagmula sa matataas na tao. May mga politicians at mga celebrities pang nagparticipate. Hindi lang mayaman ang mga ninong at ninang nila, makapangyarihan rin.
Lahat ng mga social climbers na kaibigan ni Janice ay naroroon rin. Gusto nga niyang matawa. Dream wedding ito ni Janice pero hayun at nagmumukmok sa kwarto ang kanyang kakambal at ni hindi man lamang nasaksihan ang sarili nitong kasal.
Bumaling siya kay Denver na abot langit ang galak na nararamdaman. Naisip niya, napakaswerte na ng kanyang kapatid sa lalaking ito and yet naatim pa rin nitong pagtaksilan.
At siya, nagawa niyang makipagsabwatan dito para lokohin ang lalaking ito.
Anong klaseng babae siya?
“Bakit parang hindi ka masaya sa araw ng kasal mo? Hindi ba ito naman ang gusto mong mangyari? Ang mapakasalan ng anak ko?”
Napatingin siya sa mommy ni Denver. Tila nanunuot ang mga titig nito sa kanya, “Aren’t you happy na isa ka ng Mrs. Craig ngayon?” may sarcasm sa tono ng pananalita nito, “Babantayan kita,” babala pa nito.
“Hey mum,” dinig niyang sabi ni Denver, lumapit ito sa kanila at hinawakan ang isang kamay niya, “Don’t tell me tinatakot mo na naman si Janice. Don’t you forget she is now officially Mrs. Craig and wether you like it or not, she’s part of our family now so be nice to her, okay mum?” Pakiusap nito sa ina. Isang irap lang ang itinugon dito ni Senyora Agnes Craig.
NAG-IISA na lamang si Jasmine nang magising siya sa kuwarto. N*******d pa rin siya kaya alam niyang hindi isang panaginip lamang ang nangyari sa kanila ni Denver kagabi. Makailang ulit nilang pinagsaluhan ang gabi at pinagtatakhan niyang nasarapan siya sa pakikipagniig dito. Ngunit anduon pa rin ang konsensyang nararamdaman sa tuwing maiisip niyang hindi naman siya ang nasa isip nito sa tuwing ginagawa iyon.
Hinila niya ang kumot at itinapis iyon sa kanyang katawan. Nang tumayo siya ay nakita niya ang dugo sa bed sheet. Hindi na siya berhen. Kagabi lamang ay isinuko niya ang kanyang sarili sa isang lalaking. . .pinilit nyang binura sa kanyang utak ang kung anumang naiisip.
Bago pa siya makapasok sa banyo ay napaigtad siya nang marinig ang tinig ni Denver, “Good morning sweetheart. I prepared breakfast for you,” anito habang hawak ang tray ng mga pagkain. Dahan-dahan nito iyong inilapag sa mesa saka lumapit sa kanya at hinawakan ang baba niya para iharap ang kanyang mukha sa mukha nito, “Mas lalo kang maganda kapag walang make-up.” Sabi nitong akmang hahalikan siya ngunit iniiwas niya ang kanyang mga labi.
“H-hindi pa ako nakakapag-toothbrush,” katwiran niya habang kipkip ang kumot na nakatabing sa kanyang kahubdan. Pulang-pula ang kanyang mukha habang naalala ang namagitan sa kanila kagabi.
“I don’t care. Mahal kita ke nakapagtooth brush ka na ba or hindi,” natatawang sabi nito saka siniil siya ng halik sa kanyang mga labi. Nagulat siya sa kakaibang kilig na inihatid niyon sa kanya, lalo nan ang muli nitong sambitin ang salitang ‘I love you.’
May kung anong takot siyang naramdaman. Umiwas siya ng tingin dito. “H-hindi mo naman ako kailangang ipagluto ng almusal. K-kung tutuusin, a-ako ang dapat gumagawa niyan saiyo.”
“Mahal kita at gusto kitang pagsilbihan, at saka halos iyong chef naman dito sa hotel ang gumawa ng mga yan, ako lang ang nagplating” nakatawang sagot nito sa kanya saka nangunot ang nuo, “Hey, bakit ba hindi mo ako matingnan sa mga mata ko?” tanong nitong kinabig ang bewang niya, “You don’t have to feel guilty, sweetheart. Mag-asawa na tayo kaya yung nangyari satin kagabi, normal lang na ginagawa iyon ng mag-asawa, okay?”
Hindi siya umimik.
Napangisi si Denver, bumaling ito sa bed sheet na namarkahan niya ng dugo, “Kung naiiyak ka dahil nakuha ko ang pagkababae mo, I’m sorry. Pero sa akin ka lang at para sa akin lang yan,” anitong biglang dinakma ang pagkababae niya. Sa pagkagulat ay mabilis niya itong naitulak palayo sa kanya.
“I. . .I’m sorry,” aniya nang marealize ang ginawa, “H-hindi lang ako sanay.”
“I know. . .” nakangising sabi nito, “Pero Mrs. Craig, gusto kong ipaalala saiyo na nandito tayo sa Maldives para mag-honeymoon, okay?” Hinila siya nito pabalik sa kama kaya nabitiwan niya ang nakatapis na kumot sa kanyang katawan.
Hiyang-hiya siya nang malantad dito ang kanyang hubad na katawan.
“Beautiful,” bulong ni Denver habang nakatitig sa kanyang malulusog na s**o, mainit ang mga kamay nito nang hawakan iyon. Napapikit siya sa waring kuryenteng dinulot niyon sa kanya lalo na nang dahan-dahan nitong supsupin iyon. Muling nabuhay ang kung ano sa kanyang pagkababae.
Ni hindi niya alam na lumilikha na pala siya ng mahihinang ungol habang ninanamnam ang sarap ng ginagawa nito sa kanyang katawan. Tuluyan nang nawala ang inhibitions niya.
Kusang bumuka ang kanyang mga labi para halikan ang katawan nito. Hanggang masumpungan na lamang niya ang sarili sa ibabaw ng katawan ni Denver at pinaglalaruan ng kanyang mga labi ang dibdib nito.
“Janice. . .” Narinig niyang sambit nito sa pangalan ng kanyang kakambal. Bigla ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nangangatal ang kanyang buong katawan nang bumitaw siya sa kanyang ginagawa at nandidiring tumakbo siya patungo sa loob ng banyo.
“Janice?” Gulat na tumayo rin si Denver para sundan siya ngunit mabilis niyang naipinid ang lock ng banyo. “Sweetheart, what’s wrong?” Nagtatakang tanong nito.
Hindi siya umimik. Sunod sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Binuksan niya ang shower upang hindi nito marinig ang kanyang pag-iyak.
Kinuskos niyang mabuti ang kanyang katawan ngunit kahit na anong hilod pa ang gawin niya, alam niyang hindi na mababago niyon ang katotohanang isinuko na niya kay Denver ang kanyang pagkababae.
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments