Share

chapter 2

Author: Michelle Vito
last update Last Updated: 2024-04-23 14:09:12

NANG MAKABALIK sa Pilipinas mula sa kanilang honeymoon ay idiniretso siya ni Denver sa ipinatayo nitong mansion para sa kanilang dalawa.  “Hmm, bakit parang ang tahimik mo?  Ito iyong design na gusto mo, hindi ba?” tanong ni Denver sa kanya, “Kung hindi mo gusto ang design pwede naman nating palitan para sa taste mo.”

                Nilingon niya ang binata, “I. . .i like it p-pero hindi ba masyadong malaki ang bahay na ito para sa ating dalawa?”

                “Hindi ba iyon naman ang gusto mo?” Nakangising sabi ni Denver sa kanya, hinapit nito ang bewang niya at hinalikan ang kanyang mga labi.  Ilang lingo pa lamang sila nitong magkasama pero pakiramdam niya ay nasasanay na siya sa kalambingan nito. “Saka marami tayong mga maids kaya wala kang dapat ipag-aalala kung inaakala mong ikaw ang maglilinis nito.  Gaya ng hiling mo, magbubuhay prinsesa ka sa piling ko,” pagbibigay assurance pa nito sa kanya.

                May pait sa mga labing napangiti siya.  Actually, kung siya talaga ang masusunod, mas gusto niyang sa simpleng bahay lamang siya titira.  Iyong tahimik, may magandang garden at kayang-kaya niyang linisin na mag-isa.  But since hindi naman siya si Janice at hindi naman siya permanenteng maninirahan dito, sumang-ayon na lamang siya.

                “For the meantime, si Yaya Flora muna ang makakasama natin dito.  Sya iyong yaya ko since bata pa ako.  I think you’ve met her already, right?”

                Hindi niya alam kung tatango or tatanggi dahil di naman niya alam kung nakilala na nga ba ito ni Janice.  “I. . .I’m not sure.  Medyo nagiging makakalimutin ako lately.  H-hindi lang siguro ako sanay sa. . .sa buhay may-asawa,” pagsisinungaling niya.

                Natawa si Denver, “Kaya nga tinawagan ko kaagad si Yaya Flora para samahan tayo dito. Don’t worry, parating na rin naman this coming Friday iyong mga maids na kinuha ko sa agency.  Si Yaya Flora naman, maya-maya lang nandito na rin iyon.”

                “Okay. . .” mahinang sabi niya.

                “By the way, duon nga pala tayo kina Mommy magdi-dinner ngayon.  Masanay ka na sa kanya na gusto kang palaging nakikita para mas kilatisin pang mabuti.  Pero pasasaan ba, oras na mabigyan mo iyon ng apo, hundred percent sure na buong-buo ka na nilang matatanggap.  Ganun lang naman sila. . .tingnan mo si Brigette, dati tutol sila dito kaya nagawang magtanan ni Kuya Fred. . .pero ngayong nabigyan sila nito ng apo, hayun at mas mahal pa nila si Brigette kesa kay Kuya Fred.  Kaya kapag nagkaanak tayo, for sure ganun rin ang mangyayari saiyo.”

                Natigilan siya sa sinabing iyon ng lalaki.

                Anak?

                Ngayon lang niya naisip na hindi sila gumagamit ni Denver ng contraceptive sa tuwing magtatalik sila kaya hindi imposibleng mangyari nga iyon.  Anong gagawin niya sakaling magbunga ang pinasok niyang ito?

                Natatakot na napatingin siya sa lalaki.

                Waring naramdaman naman nito ang takot niya, “’Wag kang mag-alala, ngayong asawa na kita, paniguradong unti-unti ka na ring magugustuhan nina Mommy, okay?”

                Pilit na pilit nang tumango siya.  Actually, hindi siya nag-aalala tungkol sa mga magulang nito dahil pansamantala lang naman siyang magiging si Janice.  Ang talagang inaalala niya ngayon ay paano kung magdalantao siya?  Bakit nga ba hindi kaagad niya naisip iyon nang pumayag siya sa gusto ng kakambal?

                “By the way, I have something for you,” he pulled out something from his pocket.  Isang maliit na red box iyon.  Nang buksan nito ang box, nakita niya ang gold necklace na may hugis pusong diamond.  Itinalikod siya nito para isuot iyon sa kanya.  Bahagya pa nitong hinawi ang buhok sa batok niya.

                “Janice?” Pagulat na tanong nito sa kanya, “Ngayon ko lang napansin na may balat ka pala sa batok?” Nagtatakang tanong nito sa kanya, “I never see this before.”

                Nanlamig ang kanyang mga talampakan.  Naramdaman niyang bahagya pa iyong kinuskos ni Denver. 

                Kung may ipinagkaiba man sila ni Janice sa kanilang pisikal na anyo, iyon ay ang kulay pulang marka niya sa kanyang batok.  Tanging ang mga magulang at ang bestfriend niyang si Danica ang nakakaalam ng lihim na iyon.

                “Ha. . .ah eh madalas kasi nilalagyan ko yan ng make-up lalo na kapag n-nakapusod ang buhok ko at. . .naka-sexy dress ako,” pagsisinungaling niya rito, humarap siya at pinaseksi ang mga ngiti.  Plakadong-plakado gaya ng turo sa kanya ni Janice.  Naisipan pa niyang iangkla ang kanyang mga braso sa mga balikat nito, “Na-eembarass kasi ako sa tuwing makikita ko ang birthmark na yan kaya madalas tinatakpan ko ng make-up.” Aniya saka pilit na iniba ang usapan, “Thank you very much. . .ang ganda ng necklace na ito.  Paniguradong sobrang mahal nito.”

                “Basta para saiyo, sweetheart. . .I want you to be happy.”

                Muling naghinang ang kanilang mga labi.  Unti-unti ay binuhay na naman nito ang kamalayan sa kanyang pagkababae.  Hindi nga niya inaakalang para pala siyang isang microwave na napakabilis mag-init.  Ganito rin kaya ang mararamdaman niya kung hindi si Denver ang lalaking gagawa nito sa kanya?

Related chapters

  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 3

    “YOU LOOK DIFFERENT,” Puna ni Mrs. Agnes Craig sa kanyang bagong manugang nang tingnan niya ito mula ulo hanggang paa. May naramdaman siyang kakaiba dito ngunit hindi niya matukoy kung ano. Pero ang feeling niya, kakaibang tao ang kasamang ito ni Denver. Alam niyang may kakambal si Janice ngunit hindi pa niya ito nakikilala dahil wala naman ito sa araw ng kasal nina Denver. Napailing siya sa naisip. Imposible namang hindi si Janice ang kaharap niya ngayon. Walang dahilan para gawin iyon. Naninibago lang marahil siya dahil ngayon, hindi na lamang ito basta girlfriend ng kanyang anak. Asawa n anito ngayon ang babaeng ito. Part na ito ng kanilang pamilya. Isa na rin itong Craig. “B-bakit nyo naman po nasabi. . .M-mommy?” tanong ng babae sa kanya, “Siguro ay dahil wala akong make-up ngayon?” “Yeah!” Bulalas niya, “Hindi ako sanay makita kang walang burluloy sa mukha!” “Mas gusto po kasi ni Denver ang ganitong simple

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 4

    “HEY, WHAT’S WRONG? May nasabi ba akong di mo nagustuhan? Janice, sweetheart,” dinig na sabi ni Denver sa labas ng kuwarto habang kumakatok sa may pinto. Hindi siya makapaniwala sa sarili sa kanyang narealize pero hindi naman kasi imposibleng mangyari iyon lalo pa at labis ang kabutihan at pagmamahal na ipinapakita sa kanya ni Denver. Pero hindi dapat. Hindi niya dapat na kalimutan na substitute lang siya sa palabas na ito at anytime ay maaring kuhanin ni Janice ang katotohang ito. Iniisip pa lamang niya iyon ay para ng bumabaligtad ang sikmura niya. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi siya dapat nagpapatalo sa emosyon na nararamdaman niya. Nang masamsam ang sarili ay tumayo na siya at pinagbuksan ito ng pinto. M++aluwang na ang ngiting nakaplaster sa mukha niya habang nakatingin dito. “I’m sorry. . .h-hindi pa lang siguro ako sanay s-sa buhay may asawa,” pagsisinungaling

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 5

    SINAMANTALA NI JASMINE na nasa trabaho si Denver para makipagkita kay Danica. Pinuntahan na rin nila si Janice para sabay nilang maipaliwanag nang maayos ang sitwasyon. “So pumayag ka sa kagagahang yan ng kambal mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Danica sa kanya sabay baling kay Janice, “Balewala lang saiyong mapahamak si Jasmine?” “Kung di mo ititikom yang bibig mo, talagang mapapahamak sya! Saka sino ka ba para makialam sa mga buhay namin, ha? Ikaw ba ang nagpapalamon samin? Kaya mo bang sagutin ang pagpapagamot kay Papa?” Sumbat ni Janice dito. “Ate. . .” awat niya sa kapatid saka muling binalingan si Danica, “Please Danica, gawin mo ito alang-alang kay Papa. . .at sa magiging pamangkin ko, okay?” Napahinga ng malalim si Danica saka napailing. Maya-maya ay hinila siya nito sa isang sulok, “Hindi ako makapaniwalang parang laro lang saiyo ang buhay mo. Hindi mo ba naiisip ang mga consequences ng ginagawa mo, ha? A

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   Chapter 6

    NASA OPISINA SI Denver nang muling magbigay ng notification ang bangko tungkol sa joint account nila ni Janice. Nagulat siyang malaman na nag-withdraw na naman ito ng four million pesos. Kahapon lang ay kumuha na ito ng ten million pesos. Ano bang pinagagamitan nito ng pera samantalang ibinibigay naman niya ang lahat nitong mga pangangailangan? Sabagay, baka nahihiya lang itong magsabi sa kanya. Anyway, asawa na niya ito at gaya ng sinabi niya rito, lahat ng sa kanya ay pag-aari na rin nito. Isa pa, hindi matutumbasan ng kahit na anong salapi ang kaligayahang nararamdaman niya dahil sa kanyang asawa. Kaya nga ganado siya palaging umuwi ng bahay. “Sir, eto na po iyong set ng alahas na in-order nyo,” anang kanyang sekretarya, ipinatong nito sa mesa niya ang isang box na naglalaman ng isang set ng mga alahas. Worth 50 million pesos ang halaga niyon. Gusto kasi niyang sorpresahin si Janice. Ipinasadya niya iyon sa isang jewelry shop

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 7

    “SOBRA-SOBRA na ang pang-aabusong ginagawa mo, Ate Janice. Twenty five million pesos sa loob ng isang lingo? Hindi ba parang ninakawan mo na si Denver nyan?” Sita ni Jasmine sa kakambal nang dalawin niya ang mga ito habang nasa opisina si Denver. “Twenty five million pesos ang winidraw mo, pagkatapos four million lang ang ibinigay mo sakin?” Sita naman ni Minerva kay Janice, “Anak, akala ko ba magkakampi tayo?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jasmine ang ina, “Ma, hindi ba kayo nakokonsensyang sa halip na sawayin nyo si Ate Janice, kayo pa ang nagtutulak sa kanyang gumawa ng ganyan!” “Tumigil kang maldita ka! Ako ang nanay mo. Kami ang pamilya mo kaya dapat kinakampihan mo kami!” Talak ng ina sa kanya. “Barya lang naman kay Denver ang twenty five million. . .saka kailangan kong maging wise dahil di ko alam kung saan tayo pupulutin oras na magkabistuhan na,” paliwanag naman ni Janice sa kanya, nakairap na sinulyapan ni

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 8

    NAPANGISI SI ALEX nang matanawan sa may kanto si Nurse Nelia. Kinawayan niya ito. Nagmamadali namang lumapit ang babae sa kanya. Simula nang mabuntis niya si Janice ay hindi na siya makaiskor gaano rito kaya napagbalingan niya ang Nurse ni Mang Arnulfo. Hindi kagandahan ang nurse pero magaling ito pagdating sa kama. Kaya naman kahit paano ay nag-eenjoy siya rito. Besides, naiisip niyang magagamit niya ito pagdating ng araw. “Pano?” Makahulugang sabi niya, itinapon niya ang hinihithit na sigarilyo saka sumakay na sa kanyang motorsiklo. Umangkas naman si Nurse Nelia sa likuran niya. Mabilis na niyang pahinaharurot ang motor. Humigpit ang pagkakaakap nito sa likuran niya. Ramdam pa niyang bahagya nitong nilaro ang pundilyo ng pantalon niya. “Relax, mababangga tayo sa ginagawa mo. Parang di ka na makahintay ah,” pabiro pang sabi niya rito. Sa pinakamalapit na motel niya ideneretso ang sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ng kuwarto

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 9

    HABANG papauwi ay tila naririnig pa rin ni Jasmine ang tanong sa kanya ni Janice. “Nainlab na ba sya kay Denver?” Ano ang gagawin sa kanya ni Janice sakaling aminin niya ang totoong nararamdaman para kay Denver? Naiisip pa lamang niyang isang araw ay maghihiwalay sila nito ay parang nagsisikip na ang dibdib niya. Hindi niya inaasahang mahuhulog nang husto ang kalooban niya rito. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat iniisip ang mga bagay na ito. Kung darating ang araw na iyon, at least ay ginawa niya ang best niya para suklian ang pagmamahal ni Denver kay Janice. Besides, para sa Papa niya ang lahat ng ito. Kaagad siyang sinalubong ni Yaya Flora pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya ng gate. “Nandito po si Senyora Agnes,” pabulong na sabi nito sa kanya, “K-kanina pa po kayo hinahanap.” Waring may babala sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Tumango siya saka tumuloy na sa loob ng bahay. Nakaangat ka

    Last Updated : 2024-04-23
  • The Substitute Mrs. Craig   chapter 10

    “G-GANUON BA. . .O-okay, hindi na lang ako tutuloy.” Pagsisinungaling ni Jasmine. Hindi na niya sinabing nasa loob na siya ng building ng mga Craig. Pabalik na sana siya sa bahay nang biglang bumukas ang elevator at iluwa niyon sina Denver, Mrs. Agnes Craig at ang isang babaeng animo’y modelo sa ganda at tindig. Huling-huli niyang nakikipagtawanan ito kay Denver. “Janice?” Rumihistro ang pagkagulat sa mukha ni Denver, para pa ngang nataranta nang makita siya. Na para bang may ginagawa itong kalokohan na ayaw nitong mahuli niya. Wala pang hatol ay feeling guilty na. Maging ang babaeng kasama nito ay tila nagulat. Ganuon din ang ina ni Denver. Siya naman ay parang napahiya. Pakiramdam niya, isa siyang gate crasher sa pagtitipong ito. “You did not tell me na nandito ka na para mayaya kitang mag-lunch kasama nila,” sabi ni Denver sa kanya. “I-its okay. . .kasalanan ko rin naman na basta-basta na lang ak

    Last Updated : 2024-04-23

Latest chapter

  • The Substitute Mrs. Craig   EPILOGUE

    “MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 98

    “MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 97

    ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 96

    “DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 95

    "Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 94

    “UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 93

    UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 92

    PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 91

    MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na

DMCA.com Protection Status