NAPANGISI SI ALEX nang matanawan sa may kanto si Nurse Nelia. Kinawayan niya ito. Nagmamadali namang lumapit ang babae sa kanya. Simula nang mabuntis niya si Janice ay hindi na siya makaiskor gaano rito kaya napagbalingan niya ang Nurse ni Mang Arnulfo. Hindi kagandahan ang nurse pero magaling ito pagdating sa kama. Kaya naman kahit paano ay nag-eenjoy siya rito. Besides, naiisip niyang magagamit niya ito pagdating ng araw. “Pano?” Makahulugang sabi niya, itinapon niya ang hinihithit na sigarilyo saka sumakay na sa kanyang motorsiklo. Umangkas naman si Nurse Nelia sa likuran niya. Mabilis na niyang pahinaharurot ang motor. Humigpit ang pagkakaakap nito sa likuran niya. Ramdam pa niyang bahagya nitong nilaro ang pundilyo ng pantalon niya. “Relax, mababangga tayo sa ginagawa mo. Parang di ka na makahintay ah,” pabiro pang sabi niya rito. Sa pinakamalapit na motel niya ideneretso ang sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ng kuwarto
HABANG papauwi ay tila naririnig pa rin ni Jasmine ang tanong sa kanya ni Janice. “Nainlab na ba sya kay Denver?” Ano ang gagawin sa kanya ni Janice sakaling aminin niya ang totoong nararamdaman para kay Denver? Naiisip pa lamang niyang isang araw ay maghihiwalay sila nito ay parang nagsisikip na ang dibdib niya. Hindi niya inaasahang mahuhulog nang husto ang kalooban niya rito. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat iniisip ang mga bagay na ito. Kung darating ang araw na iyon, at least ay ginawa niya ang best niya para suklian ang pagmamahal ni Denver kay Janice. Besides, para sa Papa niya ang lahat ng ito. Kaagad siyang sinalubong ni Yaya Flora pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya ng gate. “Nandito po si Senyora Agnes,” pabulong na sabi nito sa kanya, “K-kanina pa po kayo hinahanap.” Waring may babala sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Tumango siya saka tumuloy na sa loob ng bahay. Nakaangat ka
“G-GANUON BA. . .O-okay, hindi na lang ako tutuloy.” Pagsisinungaling ni Jasmine. Hindi na niya sinabing nasa loob na siya ng building ng mga Craig. Pabalik na sana siya sa bahay nang biglang bumukas ang elevator at iluwa niyon sina Denver, Mrs. Agnes Craig at ang isang babaeng animo’y modelo sa ganda at tindig. Huling-huli niyang nakikipagtawanan ito kay Denver. “Janice?” Rumihistro ang pagkagulat sa mukha ni Denver, para pa ngang nataranta nang makita siya. Na para bang may ginagawa itong kalokohan na ayaw nitong mahuli niya. Wala pang hatol ay feeling guilty na. Maging ang babaeng kasama nito ay tila nagulat. Ganuon din ang ina ni Denver. Siya naman ay parang napahiya. Pakiramdam niya, isa siyang gate crasher sa pagtitipong ito. “You did not tell me na nandito ka na para mayaya kitang mag-lunch kasama nila,” sabi ni Denver sa kanya. “I-its okay. . .kasalanan ko rin naman na basta-basta na lang ak
“KAUSAP MO ANG EX-GIRLFRIEND mo ng ganitong oras ng gabi? Parang ayaw mo pang malaman ko, ano sa palagay mo ang iisipin ko?” Hindi maitago ni Jasmine ang selos at inis na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Nakalimutan nga niya pansamantala na umaakto lang siya bilang si Janice. “Janice, please let me explain, okay?” Hinawakan siya ni Denver sa magkabilang balikat at tinitigan ng matiim, “Aaminin ko, naguluhan ako nang makita ko sya. Actually, medyo na-excite ako. . .” “M-may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?” Masakit sa dibdib na tanong niya rito. “Wala!” Mabilis na sagot nito sa kanya. Tahimik na minamasdan niya ang mukha nito. God, mahal na mahal talaga niya si Denver. Yumakap ito sa kanya at hinalikan siya sa nuo, “I love you kaya please tanggalin mo na sa utak mo ang tungkol dyan. Gaya nga ng sinabi ko, na-excite akong makita si Rosemarie but it does not mean gusto ko pa rin sya. Marahil na-amuse lang akong makita sya. . .”
UMALIS RAW SI DENVER SABI NG SEKRETARYA nito nang tumawag si Jasmine sa opisina ng lalaki. Hindi siya mapakali sa bahay habang hinihintay ang pagdating ng lalaki lalo pa at maghapon nitong hindi sinasagot ang tawag niya. Hindi rin niya makontak ang number ni Alex na ibinigay sa kanya ng kakambal. Wala siyang magawa kundi ang maghintay na lamang sa pagdating ni Denver. Punong-puno ng takot ang kanyang dibdib. Ngayon pa lamang ay iniisip na niya kung papaano magpapaliwanag rito. Kaya naman napaigtad siya sa kinauupuan nang marinig ang pagdating ng sasakyan nito. Nagmamadali niya itong sinalubong sa may pinto. Matiim ang tingin nito sa kanya. “May. . .may masarap akong nilutong dinner,” aniya rito habang pinakikiramdaman ang bawat galaw nito. “Busog ako,” matabang na sagot nito sa kanya. Parang may gumuhit na kung ano sa dibdib niya, ramdam niyang nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Alam na ba nito kung sino siyang talaga or dah
DINALA SIYA nito sa isang sulok, halos bumaon ang mga daliri nito sa braso niya sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pinipigil na galit ni Denver habang nakatingin sa kanya. “Alam ko na ang sekreto ninyong magkapatid. Paano ninyo ako nagawang lokohin, ha Jasmine?” Nagpupuyos ang kaloobang tanong nito sa kanya. Nag-init ang kanyang mga mata, “D-Denver. . .” “Pagkatapos mo dito sa ospital, dalhin mo si Janice at ang Mama mo sa bahay. Kung hindi kamo sila magpapakita, mapipilitan akong ipakulong kayong lahat. Kasama ng Papa mo. . .at huwag kayong magtatangkang magtago dahil ilalabas ko sa media ang kalokohan ninyong ito!” Nagbabantang sabi ni Denver sa kanya pagkatapos ay nagmamadali na siya nitong tinalikuran. Tumakbo siya at pinigilan ito, “P-pwede bang pakinggan mo ang mga paliwanag ko?” “Dalhin mo si Janice sa harapan ko. Gusto kong magkakaharap tayong lahat kapag nag-usap-u
BAGAMAT NAGPUPUYOS ang kalooban ni Denver, alam niyang hindi niya maaring ipaalam sa kanyang pamilya ang nangyayaring ito. Mas lalong hindi maaring malaman ng kompanya ang tungkol dito. Manganganib ang kanyang posisyon bilang CEO ng company lalo pa at matagal na siyang pinag-iinitan ng Uncle Dom niya na kapatid ng kanyang ama. Nuon pa nito gustong makuha ang posisyon niya bilang CEO ng Craig Incorporations at ilagay ang pinsan niyang si Damian. Kaya kaunting butas ay maari siya nitong mapatalsik. At hinding-hindi niya papayagang mangyari iyon. Hindi niya papayagang mapasakamay sa ganid na mga tao ang Craig Incoporations. “Don’t worry, hindi ko puputulin ang sustento ninyong lahat. As long as mananatiling sekreto ang tungkol dito. At ang Alex Remulla na iyon? Don’t worry, hindi na siya makakapagsalita,” aniya sa mag-iina. “A-anong ginawa mo kay Alex?” May bahid ng pag-aalalang tanong ni Janice sa kanya. May pait sa
“SABI KO NAMAN SAIYO BESHIE, me karma ang lahat ng ginagawa natin, tama man or mali. Gumawa ka ng masama kaya asahan mong masama rin ang aaninhin mo,” pangangaral ng kaibigan sa kanya. “Alam ko namang mali ang pinasok ko. . .pero ginawa ko lang iyon para kay Papa,” katwiran niya rito. “The end does not justify the means, Jasmine!” Giit ng dalaga sa kanya, “Kahit na ginawa mo iyon para sa pagpapagamot sa Papa mo, hindi pa rin nun maalis ang katotohanang niloko ninyong magkapatid si Denver! Kahit ako ang nasa kalagayan ng peke mong asawa, magagalit rin ako saiyo. . .baka nga kaladkarin pa kita sa bilangguan! Pasalamat ka, hindi nya iyon ginawa sa inyo!” Hindi siya umimik pero ayaw tumigil ng mga luha niya sa pagpatak. “So, patuloy ka pa ring magpapanggap bilang asawa nya kapalit ng sustentong ibibigay nya sa pamilya mo? Magpapakamartir ka para sa kanila?” “Kailangan. H-hindi ko kayang suportahan ang pag
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na