ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, si Adira mismo ang nagluto ng mga paboritong pagkain ni Karim. Maging ang pag design ng cake siya rin ang personal na gumawa para sa kaarawan nito. Sadya siyang nag hired ng event organizer upang ito na ang bahala sa pag setup sa loob at labas ng mansyon. Kahit nakaramdam siya ng pagod sa buong araw na paghahanda sulit naman ang kanyang pagod sa tuwing naiisip na lahat ng ginagawa niya ay para kay Karim. Ngunit akala niya lang iyon dahil hindi niya maramdaman na masaya ito sa lahat ng ginagawa niya.
“Hindi ka na sana nagpakapagod para ipaghanda ang kaarawan ko.” wika nito habang hinuhubad ang suits. Kakauwi lang nito mula sa business meeting.
Ngumiti siya. “Okay lang yun, masaya akong pagsilbihan ka bilang asawa.” tinulungan niyang tanggalin ang sapatos nito.
“No, let me do this. Ingatan mo ang anak ko.” Pinigilan siya agad nito.
Kahit malamig ang paraan ng pagkakasabi niyon sa kanya, sapat na iyon upang maramdaman niyang nag-alala din ito sa kanilang anak.
“Shug,” tawag niya nang matapos itong magpalit ng damit. Malapit na ito ngayon sa pintuan.
Binalingan siya nito na may blangkong ekspresyon sa mukha. “What is it?”
“Ahhhm..wala..never mind.” Gusto sana niyang makausap ito tungkol sa kondisyon ng kanilang anak ngunit nagbago ang isip niya nang maalala ang reaksyon nito last week. Hanggang ngayon hindi niya alam kung masaya itong magkakaanak na sila.
Hindi na ito sumagot. Tuluyan na itong lumabas sa silid dahil unti-unti nang dumarami ang mga bisita. Inayos na rin niya ang sarili at sumunod sa pagbaba ng hagdan.
“Happy birthday Karim. Here’s my gift.” Ang malandi na boses na iyon ang unang pumukaw sa atensyon niya. Agad niyang iginala ang paningin para lang makita na hinahalikan ni Ryza ang asawa niya sa gilid ng labi nito. Kasama nito ang iba pang mga kaibigan nila ni Karim na may mga bitbit ding regalo. May kung anong kirot sa dibdib siyang naramdaman. Hindi man lang siya nito pinag-aksayahan ng oras upang kumustahin o, kahit magpasalamat man lang sa effort na ginawa niya. Pero kay Ryza magawa din nitong ngumiti. Iwinaksi niya ang mga masamang iniisip upang hindi masaktan. Tumulong na lang siya sa pag-asikaso sa mga bisita.
“Bro, ngayon ko lang napansin na maganda pala ang asawa mo. Bakit ba binabahay mo lang ‘yan? Dalhin mo naman paminsan-minsan sa mga event ng kompanya.”
Umigting ang panga ni Karim ng makita ang malagkit na tingin ni Ryder kay Adira. Step brother niya ito kaya alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Pahapyaw niyang sinulyapan ang asawa. Nakasuot ito ngayon ng dress na kulay dilaw at hanggang tuhod lamang ang haba. Off-shoulder ang style ng damit kaya naman lumabas ang magandang cleavage nito sa dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kumulo ang dugo niya sa suot nito. Parang bata siya na nagagalit dahil may nagkakainterest sa pag-aari niya. Muli siyang tumungga ng alak. Sa paraang iyon makakaya niyang kontrolin ang inis niya.
“Don’t mind her.” Wika niya at tinapunan ng masamang tingin si Ryder.
“Ryder, bro, huwag mo nang pakialaman ang asawa ni Karim. Gusto niya yan binabahay dahil natatakot siyang may ibang lalaki na magkakagusto dyan.” Sumingit si Dioric sa usapan. Vice president ito ni Karim sa kumpanya— ang WALTON PHARMA GROUPS.
Pumalatak ng tawa ang lahat na mga kaibigan niya na kasama sa pag-inom dahil sa pagbibiro ni Dioric. Hindi naman nagreklamo si Karim. Sinulyapan niya si Adira na kasalukuyan nag-aasikaso sa ibang bisita. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing lalaking bisita ang nginingitian nito at inaasikaso, kumukulo ang dugo niya. Parang gusto niyang kulungin ito sa loob ng silid.
“Fvck! Bakit pa iyon ang pinili nitong suotin?” Ngayon niya lang naalala na iyon ang iniregalo niya noong anniversary nila. Binalingan niya si Sherwin na kasalukuyang nasa tabi niya.
“Bakit ‘yan ang binili mo kay Adira?”
“Ang alin, Boss?” Takang tanong naman nito.
“Ang suot niya. Masakit sa mata.” Mahina ang pagkakasabi nito ngunit ramdam ni Sherwin na nagagalit na naman ito.
Tiningnan ni Sherwin ang suot ni Adira. “Hindi naman boss ah. Maganda nga siyang tingnan sa suot niya eh. Hindi halatang ordinaryong babae lang siya. Mukhang anak mayaman. Tingnan mo ang kutis, makinis mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda niya boss—”
“Shut up! Tumigil ka kung ayaw mong putulin ko ang dila mo.”
Muntik ng kagatin ni Sherwin ang dila dahil sa biglang pag-udlot ng kanyang pagsasalita. Napailing na lang siya na nagsalin ng alak sa sariling kopita. Minsan hindi niya maintindihan ang kanyang Boss. Kapag nasa harapan nito ang asawa, malamig pa sa yelo ang pakikitungo nito. Ngunit ayaw naman nitong may ibang lalaki na titingin. Di naman pwede dahil sobrang ganda naman talaga ng babaeng Boss niya.
Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Ryza nang makita kung paano tumingin si Karim kay Adira. Nahalata niyang naging possessive na ito pagdating sa babaeng ‘yun. Kailangan mapanatili niyang malamig si Karim sa asawa nito. Tinawag niya si Adira.
“Adira, mayroon pa bang tube ice dyan?”
Matalim ang mga matang tiningnan ni Adira ang babaeng nag-utos ngayon lang sa kanya. Tinalo pa nito ang linta kung makadikit sa asawa niya habang nakaupo ang mga ito sa couch sa sala. Kahit pa palaging sinasabi ni Karim na magkaibigan lang sila ni Ryza, nahirapan siyang maniwala dahil nakikita naman niyang nagugustuhan ni Karim ang lahat ng kalandian ng babae. Hindi man lang ni Karim tinatanggal ang kamay ng babae na nakapulupot sa braso nito.
“Hey, Adira! Kinakausap kita. Ang sabi ko pahingi ng tube ice.”
Nakabalik siya sa sarili nang marinig ang sinabi ni Ryza.
“Bakit? Kailan ka pa nawalan ng kamay at paa, maging ang tumayo at kumuha sa kusina ay hindi mo na alam kung paano gawin?”
Binalingan ni Ryza si Karim dahil hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ng asawa nito. Humihingi siya ng saklolo. “Karim, hindi ko alam na may pagkabastos din pala ang ugali ng asawa mo.
Parang walang narinig si Karim. Patuloy lang ito sa pagsasalin ng alak sa kopita at panay ang lagok niyon. He finds it childish na sumali sa away ng dalawang babae.
Sa inis ni Ryza tumayo ito at nilapitan si Adira.
“Adira, huwag mong subukan na pahiyain si Karim. Kaarawan niya ngayon.”
“Huwag mo rin subukan na ubusin ang pasensya ko dahil sigurado akong hindi ka matutuwa sa gagawin ko sa ‘yo.” pabulong ngunit madiin na pagsagot niya. Gusto na niyang sirain ang pagmumukha nito sa sobrang kapal.
Walang magpapatalo sa dalawa. Tila naghihintay na lang ang lahat ng bisita kung kailan magsisimula ang mga ito sa pag sabunutan.
“Kumare, sino ba talaga diyan sa dalawa ang asawa ng anak mo?” Napalingon si Erlinda at tiningnan kung sino ang itinuturo ng bisita. Lihim na nagngingitngit ang kanyang kalooban nang makita na naman si Adira. Nagtataka talaga siya kay Karim kung bakit sa dinami-dami ng babae dyan si Adira ang napili nito na pakasalan. Hindi nga niya alam kung saang bundok nanggaling ang babae, basta na lang nakilala nito. Naisip niyang puntahan ang dalawa.
“Adira, pati ba naman sa birthday ng anak ko hindi mo pa rin kayang itago ang pagiging asal squatters mo?”
Parehong lumingon ang dalawa dahil sa narinig. Agad na nagpa-awa si Ryza na lumapit sa Donya at niyakap ito. “Tita Erl, how are you? I’m sorry kung pinatulan ko ang babaeng ito. Nakakainis na kasi eh. Nakisuyo lang naman ako dahil alam kong kabisado niya ang loob ng bahay. Ngunit nagalit siya sa akin.” Parang iiyak ito habang nagsusumbong.
“Ang galing talagang umarte.” Sa loob-loob ni Adira. “Oh, kung ganun hindi ka lang pala nawalan ng kamay at paa. Pati alaala nawala na rin sa ‘yo? Sa natatandaan ko sa tuwing umuuwi ang asawa ko, nandito ka rin. Ikaw pa nga ang kusang nagluluto para sa kanya hindi ba? Muntik ko na ngang makalimutan na sa ating dalawa ako ang asawa!”
Lalong namula sa galit si Ryza dahil sa mga pang-iinsulto sa kanya ni Adira kaya niya ito sinampal.
SLAP!
Nagulat ang lahat dahil sa ginawa nito.
SLAP! Gumanti na rin si Adira sa pagsampal kay Ryza. Parang iiyak ang huli dahil sa lakas ng pagkasampal niya. “Isang beses mo pang idikit ‘yang mga palad mo sa pisngi ko, sigurado akong hindi mo na yan mapakinabangan sa kalandian mo!”
“Wow, hanep ang tapang ng asawa mo, Bro.” nakanganga si Ryder, halatang nag-eenjoy siya sa panonood kay Adira ngunit kabaliktaran naman kay Karim dahil kanina pa niya gustong lumabas sa balat niya.
“Adira!” saway ni Erlinda. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito sa babaeng gusto niya para kay Karim. “Bakit ako? Gumanti lang ako, Mom.” “Huwag mo akong matawag-tawag na ina dahil hindi kita gusto para sa anak ko!” “Enough!” Crack! Sigaw ni Karim kasunod ng paghagis nito ng bote sa sahig. Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa nakakarindi na sagutan ng tatlo. Gusto niyang ilabas ang init ng ulo niya. Lalo lamang siyang nainis nang makita ang paghanga sa mga mata ni Ryder habang nakatingin kay Adira. Tila natuwa pa ito dahil sa pagiging palaban ng asawa niya. Bakas ng takot ang mukha ng lahat ng mga bisita nang makita ang namumula sa galit na mukha ni Karim Walton. Ang bagong CEO ng Walton Pharma na sa loob ng mahigit isang taon nagawa na nitong kontrolin ang kalahati ng stock market sa buong bansa. “Ahhh! Aray! Karim nasasaktan ako!” Pilit na nagpupumiglas si Adira mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang asawa sa kamay niya. Halos madurog ang kanyang palapulsuhan ngunit
KINABUKASAN nagising si Adira na ang buong akala mag-isa lang sa kanyang silid. Nakapikit siyang kinapa sa higaan kung pumasok si Karim kagabi at dito natulog sa kanilang silid. Dumilat siya ng mga mata nang may kinapa siyang katabi niya sa higaan. Napabalikwas siya ng bangon nang napagtanto na hindi si Karim ang katabi niya kundi ang step brother nitong si Ryder. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Inikot niya ang paningin nang mapansin na iba ang sapin ng kama. Nandito siya sa guest room? Paano siya nakarating sa guest room gayung malinaw sa ala-ala niya na sa loob ng silid nila ni Karim siya natulog? Hindi siya uminom kagabi….Natutop niya ang labi ng maalala na may ininom siyang juice na hinatid ni Megan—ang batang katulong na anak ni Manang Salve. Iyon lang naman ang ininom niya at agad siyang nakatulog. Akala niya dahil sa sobrang pagod niya lang kaya nakaramdam kaagad siya ng antok. Ngunit may posibilidad na nilagyan ng sleeping pills ang juice niya. Bakit hindi man lang niya ma
Karim, kumusta ang apo ko?”Naudlot ang pagsinghot ni Karim nang marinig ang boses ng kanyang ama. Malaki ang hakbang nito habang papalapit sa kanya.Kasalukuyan siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng operating room nang dumating ang mga ito. Inayos niya ang sarili at humarap sa ama.“I don’t know, Dad.” Nanghihina niyang sagot. Nakakunot ang noo ng Don. “Anong hindi mo alam? Isang oras, mahigit na, simula nang dinala mo rito sa ospital si Adira. Humabol kami sa pagpunta dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ba lumalabas ang Doctor?” Gusto ng mag hysterical ng matandang Don.Planong sumagot ni Karim nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Sabay nilang nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ng Doctor. Agad na hinanap ng mga mata nito si Karim sa kanilang tatlo.Lumapit si Karim. “How’s my wife?”“Mr. Walton, I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi nakaligtas ang baby. But your wife, she’s safe now.”“Ano? Mas pinili n’yo pang
Pagdating ni Sherwin sa Amarah hospital agad niyang pinuntahan ang kilala niyang Department Head of Obstetrics and Gynecology. Sigurado siyang matutulungan siya nito upang alamin kung saan naroon si Adira.“Mike,” bungad niya pagpasok sa opisina nito. Naabutan pa niya itong may hinahanap sa filing cabinet. Lumingon ito sa kanya.“Sherwin, napadalaw ka.” Nakangiti nitong wika bago hinugot ang file na hinahanap nito. “Umupo ka muna.”“Okay lang. Hindi naman ako magtatagal. I need your help.” pagpatuloy niya.Timigil ito sa ginagawa at tinuon ang atensyon sa kanya.“Help? What is it?” Taka nitong tanong. “Mayroong pasyente na inilipat dito mula sa St. Lucian hospitals. Mahigpit na inutos ni Boss na kailangan ibalik ang asawa niya sa St. Lucian sa loob lamang ng ilang minuto, kung hindi daanin niya sa dahas ang hospital sa pagkuha sa asawa niya. Sasampahan pa kayo ng kaso kapag nangyari ‘yun.”“W..wait..wait..I don’t get it.” Naguguluhan na sagot ni Dr. Mike. “Ang sabi mo mayroong pasye
“Mike! Mike!”Naudlot ang pagtawa ni Mike habang kausap ang isang doktor sa loob ng kanyang opisina nang marinig ang malakas na sigaw ng Direktor. Nagtataka siya kung bakit ito naparito sa opisina niya gayung hindi naman nito ginagawa dati. Ngunit bakit galit na galit ito habang nakatingin sa kanya?“Director, good after—”Pak!“Arrgh!” Halos pumutok ang labi ni Mike dahil sa biglang pagsuntok ng director. Hindi na nga niya nagawa na tapusin ang pagsasalita dahil bigla na lang siyang sinugod ng galit na suntok nito. Hinawakan niya ang labi na dumugo. Binalingan niya ang direktor ng may pagtataka. “Why?”“Why!? Why?” Whyley na tayong trabaho dahil sa kagaguhan mo!”Nagdikit ang dalawang kilay ni Mike kasabay ng pag kunot ng kanyang noo nang marinig ang sinabi ng Direktor. “What do you mean?”“This..is..what I mean!” Pak!Muli na naman siyang sinuntok ng director kaya muntik na siyang mapasubsob sa sariling mesa. Mabuti at tinulungan siya ng kausap niyang Doctor kanina. “Fuck!” Napamura
“Sherwin! I’m asking you!”Nakabalik si Sherwin sa sarili ng lumakas ang boses ng boss niya. Ngayon pa lang siya natauhan. “Pabalik na ako, boss.” Sagot niya bago binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi na niya hinayaan pa na magsalita ito. Ngunit sadyang makulit ang boss niya dahil hindi siya nito tinigilan. Muli itong tumawag sa kanya.“Boss,” wika niya ng sagutin ito.“Kailangan pa bang puntahan kita para sabihin mo sa akin kung bakit hindi mo kasama ang asawa ko?”Dahil sa narinig nataranta si Sherwin na lumabas ng sasakyan at hinanap ng kanyang paningin ang kotse ng kanyang boss. “Mula sa di kalayuan, nakita niya ang niningkit na mga mata ng kulay itim na bentley flying spur ng Boss niya. Napabuga siya ng hangin. Inunahan siya ng kanyang boss. Sinundan siya nito. Sinara niya ang kanyang kotse upang puntahan ito.“Anong balita?” bungad niya sa tauhan nang lumapit. Hindi niya gusto ang drawing ng mukha nito.“Hindi pwedeng dalhin si Ma’am Adira, Boss.” “Fuck!” Hinampas niya ang man
Matagal na nagkatitigan ang dalawa habang nakabukas ang elevator. Makita sa mata ng mga ito ang magkaibang galit sa isa’t-isa. “A…Adira,” Sambit niya. Lumabas siya ng elevator upang hawakan ang kamay ng asawa ngunit agad din naman itong tumalikod sa kanya. “Adira sandali! Tinawag niya ito ngunit parang hindi siya nito narinig. “Fuck, wife!” Mabilis niya itong hinabol. Kung ganun hindi totoong na fractured ang katawan nito. Kahit pa na paika-ika ito kapag naglalakad may posibilidad na hindi rin totoong nawala ang ipinagbubuntis nito. Kailangan nilang mag-usap.Kahit masakit ang katawan pinilit pa rin ni Adira ang sarili na lakihan ang kanyang hakbang upang hindi siya maabutan ni Karim. Kahit alam niyang wala siyang panama sa bilis ng hakbang nito, sinubukan pa rin niya ang makakaya. Siya ang nagmamay-ari ng hospital na ito kaya kabisado na niya ang mga exits na pwede niyang puntahan. Sinubukan muna niyang dumaan sa kabilang elevator. “Shit!” Napamura siya nang makita na kasalukuya
“Aba’t, Hoy! Adira!” Mabilis na hinabol ni Erlinda si Adira. Nakita naman ito ni Michael kaya agad din itong sumunod.Napahinto si Adira sa kanyang paglalakad nang marinig ang boses ng matanda. Hindi siya lumingon. Tamang hintay lang siya na pumunta ito sa harapan niya.“Adira, walang hiya ka. Pinaghintay mo kami ng anak ko doon sa St. Lucian hospital dahil buong akala namin malala ang kalagayan mo, ngunit iyon pala niloloko mo lang kami! Siguro niloloko mo rin ang anak ko. Pinalabas mong nakunan ka para makuha ang simpatya n’ya!” Malakas ang boses ni Erlinda kaya nag-agaw ito ng atensyon sa mga pasyente at bisita sa loob ng hospital. Nakaramdam naman ng hiya si Michael kaya agad niyang sinaway ang asawa. “Pssst..Linda! Nakalimutan mo na bang nasa publikong lugar tayo? Paano kung may nakakilala sa ‘tin at makuhanan ng video itong eksena mo, sigurado akong hindi lang anak natin ang mapapahiya kundi pati ako! Hindi ka ba nag-iisip?” Pabulong ngunit puno ng pagkainis sa asawa si Michael
Nakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n
“Wow! Giganto!” Bulalas ni Skyler nang makita malaking Gigantosaurus na pumasok sa bulwagan. Kasalukuyan siyang napapalibutan ng mga Homeless Kids habang kumakanta ng Happy birthday sa kanya. Ngunit saglit niyang nakalimutan ang lahat nang makita si Giganto. Alam niyang ito na ang sorpresa ng Mommy niya.Pati mga bata hindi na natapos ang pagkanta dahil nalulula sila sa Giant dinosaurs na kanilang nakikita. “Giganto!” Tuwang-tuwa na tumakbo si Skyler kay Giganto. Dahil sa sobrang laki ng isa sa paborito niyang character sa Jurasic Park nagtiis lamang siya na yakapin ang paa nito.Ngunit si Karim na nagtatago sa loob ng katawan ni Giganto ay hindi nakatiis. Kinarga niya ang anak dahilan upang magulat ang lahat lalo na ang bata.Upang maiwasan na magduda sa kanya si Adira agad niyang pinindot ang hawak niyang remote control upang palabasin ang personal niyang regalo para sa kanyang anak.“Happy Birthday Skyler.” bati ng isang boses robot.Binalingan ni Skyler kung sino ang bumati sa k
ISANG ORAS ANG NAKALIPAS pumasok si Adira sa silid ng anak. Nakita niyang nakaupo ito sa kama habang nakatingin sa hawak nito na picture. Tila hindi siya nito naramdaman dahil naka focus ang atensyon nito sa picture. Dahan-dahan siyang lumapit at sinilip mula sa likuran nang anak kung anong picture ang tinitigan nito. Parang piniga bigla ang dibdib niya nang makita ang larawan nilang tatlo na kung hindi siya nagkakamali stolen shot ito na kinuha noong nasa airport sila at hinahabol ni Karim. Sa larawan napaka-intimate ang pagkadikit ng katawan nila ni Karim habang karga naman niya si Skyler at nakatingin naman ito sa ama. Hindi na siya magtataka kung bakit mayroong kopya itong anak niya. Nakakalat sa pahayagan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Karim sa airport noon. May posibilidad na doon kinuha ng kanyang anak ang picture nilang tatlo. Nagpakawala siya ng malalim na hangin nang marinig ang pagsinghot ni Skyler. Umiiyak ang anak niya. Umupo siya sa kama at tinabihan ito. Mab
“Adira, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakulong ka pala?” Bungad ni Anthony nang makita si Adira na pababa ng hagdan.Hindi na nagtataka si Adira kung bakit sinugod siya ni Anthony nang ganito ka aga sa bahay niya. May freedom itong gawin iyon dahil hinayaan niya. Hindi niya ito pinapansin ng makababa na siya. Diretcho siya sa kusina upang magtimpla ng kape.“Adira, tinatanong kita! Ganito na ba katigas ang puso mo para lang maiwasan ako?” Halata ang inis ni Anthony sa kanya.“At ano naman ang gagawin mo sakaling sinabi ko na nakulong ako?” iritado niyang tanong. Humarap siya sa lalaki.“Ano pa ba sa tingin mo ang gagawin ko? Syempre tutulungan kita na lumabas sa kulungan.” sagot nito.“Is that it? Kaya pala wala kang ginawa kahit alam mo na mismo mula kay Glee na siya ang may pakana sa pagpapakulong sa akin.” Bakas ng patama ang tono ng pananalita niya. Alam niyang nag-uusap ang dalawa.Sandaling hindi nakaimik si Anthony. Nagtataka siya kung paano nahulaan ni Adira ang ginawa niy