Share

CHAPTER 4

Author: Ad Sesa
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Pagpasok ni Yolly sa silid-aralan nila ay upuan agad ni Andy ang tiningnan niya, at syempre bakante pa rin iyon dahil maaga pa.

Ang aga niyang pumasok dahil ayaw niyang pumasok na naman na maraming estudyante. Siguradong ibu-bully na naman kasi siya. Umiiwas siya sa gulo.

Napapabuntong-hininga siya nang umupo siya sa kanyang upuan pagkuwa'y napalingon na naman sa upuan ni Andy. Pangatlong araw na na absent ang binata kung hindi na naman papasok ito ngayon. At guilting-guilty na siya.

Hindi kaya totoo na ikinahihiya ni Andy ang picture nila kaya hindi ito pumapasok?

Nakakakunsenya naman.

Kasalanan niya talaga ang nangyayari. Sana pala ay hindi na lang niya hiniling na mag-selfie silang dalawa noong araw na 'yon. Wala sanang problema na ganito. Sana hindi mag-a-absent si Andy. Tuloy ay napapabayaan na ni Andy ang pag-aaral dahil sa kahihiyan, dahil sa kagagahan niya.

“Hindi ka kasi nag-iisip, Yolly. Kainis ka talaga,” paninisi niya pa sa kanyang sarili. Natampal-tampal niya ang kanyang noo.

Ilang minuto siyang nakukonsensiyang mag-isa sa classroom nila. Nag-iisip. What if puntahan niya na lang si Andy? What if kakausapin niya na pumasok na, na gagawa na lang siya ng paraan para mawala sa isip ng mga kapwa nila estudyante ang nakakahiyang picture nilang iyon?

"Tama." Tiwala sa sariling napatayo siya sa pagkakaupo. "Kakausapin ko siya. Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Magsu-sorry ako sa kanya."

Muli niyang isinukbit ang bag niya at kinipkip ang kanyang mga libro nang mapagdesisyunan ang gagawin. Akmang aalis na siya.

"Ay, multo! Este guwapo pala! Este ano!” Subalit para siyang nakakita ng multo nang makita niya si Andy na nakatayo sa may pintuan. Nagkabulol-bulol tuloy siya sa gulat. Paano'y ang seryoso nang pagkakatingin sa kanya ng binata habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"A-Andy?" Humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang mga libro.

Oh, Lord, huwag naman sana siyang kainin ng buhay ni Andy. Hindi siya masarap. Promise!

Kumurap ang guwapong binata. Ang sama pa rin ng tingin sa kanya. Hanggang sa maangas na humakbang palapit sa kanya.

"Iyong picture, delete it," at saka kaswal nitong sabi sa kanya.

"H—hindi ako ang... ang nag-upload niyon. M—maniwala ka,” nanginginig niyang sabi. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso niya. Ngani-ngani ay atakihin na siya’t maglupasay sa sahig.

"I know. Pakisabi na lang sa nag-upload na si Cristine na burahin na niya 'yon. Hindi kamo nakakatuwa." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang binata. Tinungo na ang upuan nitong ilang araw ring bakante.

"Sorry sa nangyari. Hindi ka tuloy nakapasok ng ilang araw,” natigilan man at natatakot ay senserong paghingi niya pa rin ng paumanhin sa binata.

Ang kaso ay hindi na siya pinansin ni Andy. Umupo na ito at hindi na umimik pa. Naging busy na sa pagge-games sa cellphone nito.

Napapalabi na lang si Yolly na bumalik na rin sa kanyang upuan. Panaka-naka ay napapalingon siya sa binatang suplado. Lihim na nagpapasalamat siya dahil pumasok na ito. Kahit paano ay gumaan na ang bigat na dinadala niya sa dibdib gawa ng guilt.

At ilang minuto rin na sila lang dalawa ang nasa loob ng classroom. Ang daming gusto niyang sabihin o itanong sa binata ngunit nauunahan siya ng hiya kaya pinipigil niya ang sarili. Bandang huli, nakontento na lang siya sa paglingon-lingon dito.

"What?” Kaya lang ay nahuli siya ni Andy nang minsan pa ay lingunin niya ulit ito.

"Ah, eh, wala. Nagtataka lang ako bakit ang aga mo." Alam niyang nag-blush siya. Sh*t, nakakahiya.

"Ayoko lang mapag-tsismisan nang kay aga-aga," nanunumbat ang tinig ni Andy na sagot.

"S—sorry talaga. Hindi na mauulit." Kagat ang labing napayuko siya ng ulo.

Tumirik naman ang mga mata ni Andy bago itinuloy ang paglalaro sa cellphone. Hindi na nito pinansin talaga ang dalaga. Masakit na sa tainga ang paulit-lit na sorry ni Yolly. Unlimited na sorry na kasi.

Mayamaya pa'y isa-isa nang dumating ang mga kaklase nila.

"Oy!" Hindi makapaniwalang pansin agad nila kay Andy pero natitigil ang sasabihin nila kapag tinitingnan sila ng masama ng binata.

Mayroon mga sumisilip pang mga taga ibang klase makita lang na totoong pumasok na nga ang guwapong binata. Ang crush nilang binata.

Napapabuga lang naman ng hangin si Andy. Habang si Yolly ay ayun na naman iyong feeling niya na hiyang-hiya. Yukong-yuko ang ulo niya. Buti na lang at sanay na ang leeg niya kakayuko kaya hindi na siya nangangawit.

Hanggang sa dumating sina Patrick at Karen. Sabay ang dalawa na pumasok sa classroom.

"Dude...” Nagkamayan si Patrick at Andy. "Musta? Tagal hindi pumasok, ah?"

Tipid na ngiti lang si Andy bilang sagot. Nawala na siya sa nilalaro kaya ibinulsa na niya ang cp niya. Humalukipkip at padikuwatrong umayos ng upo.

Agad nagpa-cute naman ang maarteng si Karen sa kanya. "Bakit ang tagal mong hindi pumasok, Andy? What happened?"

All eyes na kay Andy ang mga kaklase nila. Gusto ring malaman kung anong dahilan ng binata bakit dalawang araw itong hindi pumasok.

"Wala lang,” ngunit tipid na sagot ni Andy sa ex-girlfriend.

"Nah, I don't believe you.” Humalukipkip si Karen. "Siguro dahil sa picture na ipinost ng isang panget d'yan kaya hindi ka pumasok,” at parinig nito kay Yolly. “I am right, aren't I?”

"True!” sabay-sabay na segunda ng iba nilang kaklase ta's nagtawanan ang lahat.

Lalong napayuko naman ng ulo si Yolly. Halos masugatan na pati ang lower lip niya kakakagat niya.

"Dapat kasi, Andy, huwag kang nagpapakuha ng selfie sa mga pangit. 'Yan tuloy, laman ka ng tsismis ngayon dito sa campus. Hindi raw bagay sa kaguwapuhan mo na dumikit sa mga baduy at panget na babae. Dapat sa tulad ko lang na maganda." Nag-wave pa ng buhok ang papansin na si Karen.

Nagtawanan ulit nang malutong ang buong klase.

Naiiling na lang si Andy. Pasimpleng tinitingnan ang kinakawawang si Yolly. Yukong-yuko ang ulo ng dalaga sa sobrang pagkakapahiya.

Hindi pa talaga nakuntento si Karen. Lumapit pa talaga ito kay Yolly. "Narinig mo ang sinabi ko, Yolly?"

Mangiyak-ngiyak na tumango si Yolly. Wala siyang makakapitan ngayon dahil wala ang pinsan niyang si Cristine. Ang malas talaga niya dahil ngayon pa um-absent ang bruhang iyon.

"Mabuti naman kung gano'n," nakataas ang isang kilay na turan ni Karen. Itinulak ang ulo ni Yolly bago maarte at pakendeng-kendeng ang balakang na bumalik sa upuan nito.

Patuloy ang tawanan at bulungan ng buong klase. Hanggang sa narindi na si Andy. Habang nilalagnat siya ng dalawang araw ay na-realize niyang walang kasalanan si Yolly. Sa halip ay dapat pa nga siyang magpasalamat sa dalaga dahil kung hindi sa payong ni Yolly, as in sa payong na malaki ni Yolly, ay baka hindi lang lagnat ang inabot niya kung mas naulanan siya noong uwian na iyon.

"Shut the f*ck up!" malakas ang boses na awat ni Andy sa mga kaklase nila sabay tayo. Maangas na nakubukol sa kanyang pisngi ang dila niyang pumamulsa.

Natigilan naman ang lahat at napatingin sa binata. Mga nahintakutan.

Tumingin si Andy kay Yolly. "Yolly?" at tawag niya rito.

"Huh?" Napalingon naman si Yolly na takang-taka.

Ngumiti si Andy sa dalaga. "Salamat, ha?"

Nanlaki ang mga mata ng lahat. Hindi mga makapaniwala.

"Salamat kasi nandoon ka noong umuulan. Kung wala ka siguro ay kung ano na ang nangyari sa 'kin," panimula ni Andy para lang maipagtanggol ang dalaga. Yolly doesn't deserve to be laughed at just because of that nonsense picture of them. "Alam mo bang nilagnat ako ng dalawang araw dahil siguro naambunan ako. Iyon ang dahilan kaya hindi ako nakapasok, pero okay lang 'yon kaysa mas malala ang nangyari sa 'kin sana kung hindi mo ako pinasukob sa payong mo. Salamat talaga, Yolly. I’m over the moon grateful to you. Gusto mo mag-selfie ulit tayo?"

Unti-unti ay nagliwanag ang mukha ni Yolly. Hindi niya akalaing ipagtatanggol siya ni Andy sa ganoong paraan. For the first time ay kinilig siya. Ayeii!

Ang mga kaklase nila ay napanganga naman. Sila naman ang napahiya, nagyuko ng ulo, at hindi makatingin sa kanya.

Kaugnay na kabanata

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 5

    Kung gaano pahiyain si Yolly ng ilang araw ng mga kapwa niya estudyante ay kabaliktaran naman ngayon dahil parang iniidolo na siya ng mga ito.Sa simpleng pagpapasalamat sa kanya ni Andy kahapon na kumalat sa buong campus ay napakabilis na kinalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa kanilang selfie at hinahayaan na siya ng mga ito.Ganoon kalakas ang hatak ni Andy sa mga estudyante. Iba talaga ang karisma ng binata. Parang siya ang sinusunod ng bawat isang estudyante ng Sanchi College. Talo pa artista."Hi, Yolly," bati sa kanya ng magbabarkdang nakatambay sa dinaanan niya."Good morning, Yolly," bati rin sa kanya ng isa pa na nakasalubong niya.Kiming napapangiti na lang siya sa mga ito. Hindi siya sanay na napapansin kaya napapayuko pa rin siya ng ulo at nahihiya."Sikat ka yata ngayon?" Mayamaya ay bahagya siyang nagulat nang may nagsalita sa likod niya, at nang lingunin niya ay ang mabait pa lang security guard na si Leandro."Hindi naman po," aniya sa laging tagapagtanggol niyan

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 6

    "Talaga bang kailangan kong gawin 'yon? Hindi ba puwedeng simpleng thank you na lang?" Nakabusangot ang mukha ni Yolly. Hindi niya talaga kaya kasi na yayain na kumain sa labas si Andy bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya. "Ano ka ba? Hindi ka na nahiya kung ganoon lang ang gagawin mo? Syempre hindi basta-basta 'yung pagtatanggol niya sa 'yo kaya dapat hindi rin basta-basta sana ang pagpapasalamat mo sa kanya," giit ni Cristine sa idea nito. Napaisip naman si Yolly. Sabagay tama talaga ang pinsan niya. Nga lang ay ngayon pa lang ay nahihiya na talaga siya sa binata. Take note, hindi 'yun basta-basta binata lang. Heartthrob 'yun rito sa school kaya parang ang kapal naman ng panget niyang mukha kung yayayain niya itong kumain. Katatapos lang ng kanyang issue. Gagawa na naman ba siya ng panibago na kanyang ikaka-bully? "Humanda ka na. Dadaan na sila. Patapos na ang miryenda nila," excited na sabi sa kanya ni Cristine habang nakatingin sa pambisig nitong relo. "C

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 7

    "Hop in."Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy."Bakit?"Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.Napakamot-ulo si Andy. "That's okay. Pa-side ka na lang umupo.""Ayoko," giit niyang nahihiya."Sige na.""Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?""Are you sure?""Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante."Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro."Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 8

    "Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan."Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito."You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly."Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga.Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "Nagtatawa ulit si Yolly."Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito."Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito."Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 9

    "Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly."Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine."Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay. Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila."Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.Napalabi lang siya sa pinsan."Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 10

    Ang sarap ng gising ni Yolly. Nakatulog kasi siya nang maayos kaya wala na ang masakit sa kanyang ulo. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, ibig sabihin ay wala siyang pasok. Pero hindi pa siya bumangon. Mas niyakap pa nga niya ang kanyang bolster pillow. Mas pinili niyang munang namnamin ang ganda ng umaga.Ngingiti-ngiti siyang kukurap-kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Napaka-peaceful. Walang iniisip na problema, mapabahay man o mapa-school."'Nak, bumangon ka na r’yan. Mag-almusal ka na nang ako'y maglilinis na rito sa kuwarto mo."Tapos ay may nanay pa siyang sobrang bait at sipag. Saan pa siya?"Mamaya na, 'Nay. Wala namang pasok, eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot."Ay, bahala ka nga r'yan kung maalikabukan ka."Hindi na siya nagkomento. Dumapa siya nang higa. This is her life on Saturdays. Thank God it's Saturday."Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon na ba ang mga ito?"Hindi na niya talaga pinansin ang nanay niya. Ganito naman talaga ang nana

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 11

    "Oh, bote mo." Pilyong abot ni Andy sa bote ng gatorade sa kanya."Jeez, nakakahiya talaga!" sa loob-loob naman ni Yolly kasabay nang pahablot na pagkuha niyon. Hindi na talaga mailarawan ang kanyang mukha. Para siyang nakakain ng kalamansi o para siyang natatae na ewan ang hitsura niya. Pinagpapawisan na kasi siya ng malapot. Hindi ba talaga bubuka ang lupa nang kainan na siya? Naman, eh!"Samahan mo ako," dikawasa'y parang wala lang kay Andy ang lahat na anito.Napalabi siya na nayakap sa kanyang dibdib ang bote ng gatorade. "Saan tayo pupunta?""Kahit saan basta 'yung tahimik na lugar. Gusto kong magpakalayo-layo." Mababakas na ang lungkot sa mukha ng binata."Bakit ano’ng nangyari sa 'yo?"Tumaas ang mga balikat ni Andy. "Basta I need your company now," pero ang sabi lang naman nito kasabay ng pagbaba rin ng mga balikat. "Let's go?"Tinaasan niya ito ng isang kilay. Hindi ba nito kita na nakapantulog pa lang siya? Saka wow! Kung magyaya ay parang close na close na sila, ah?"You'l

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 12

    "Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy."Salamat, ha? I somehow feel better.""Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko.""At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya."Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya."Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy."Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.Nagkatinginan sila."Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata."Okay, pabili ako

Pinakabagong kabanata

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 3

    "’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 2

    Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 1

    "Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   LAST CHAPTER

    May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 86

    "Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 85

    As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 84

    "Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 83

    "Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 82

    Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya

DMCA.com Protection Status