Share

CHAPTER 7

Author: Ad Sesa
last update Last Updated: 2023-11-18 12:53:41

"Hop in."

Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy.

"Bakit?"

Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.

Napakamot-ulo si Andy. "That's okay. Pa-side ka na lang umupo."

"Ayoko," giit niyang nahihiya.

"Sige na."

"Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?"

"Are you sure?"

"Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."

Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.

Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante.

"Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.

Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro.

"Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong.

"Wait lang," imbes na sumagot ay sabi ni Andy. Walang anu-ano ay pinaandar ang motor at umalis.

Nagtatakang sunod-tingin siya rito. Saan pupunta 'yon? Biglang nagbago ang isip?

Napakamot siya sa ulo. "Aisst! Sabi ko na nga ba, eh. Sino ba kasing guwapong lalaki na makikipag-date sa isang tulad kong pangit? Asa ka pa, Yolly?!" at saka tukso niya sa sarili na napailing-iling.

Himala na sa halip mainis siya ay gusto niya pang matawa.

"Ano, Miss, sasakay ka ba o tutunganga na lang diyan?" pagsusupladong silip sa kanya ng driver nang bumaba ang salamin ng taxi.

"Ah, eh, hindi na—" Ang isasagot niya sana ay ‘Hindi na po’, pero may umunang nagsalita sa kanya kaya naputol.

"Sasakay po kami, Kuya." At si Andy iyon.

Napatangang napalingon siya sa binata. Totoo ba ito? Binalikan siya ni Andy?

"Ipinark ko lang 'yung motor," nakangiting paliwanag naman nito sa kanya. "Let's go?"

"Huh?" ang tanging nasambit niya tapos ay napalunok. Hindi siya makapaniwala, eh.

"Sabi ko’y tara na. Gutom na ako." Napahawak pa sa sariling tiyan si Andy bago pinagbuksan siya ng pinto. "Get in."

Napangiwi siya. "Uhm... sa susunod na taxi na lang ako," tapos ay aniya na nailang. Mas hindi niya ma-imagine na makakatabi niya sa taxi ang binata. Baka mahimatay siya. Diyos ko!

"Dito na tayong dalawa."

"Gusto mo bang magkatabi tayo riyan?" Parang siya pa ang nahihiya. Kasi naman parang wala talaga siyang lakas na makitabi sa guwapong binata.

"Oo naman. Ayaw mong sumakay sa motor ko, eh, kaya dalawa na lang tayo rito sa taxi. Okay lang naman, 'di ba?"

"Pero baka may makakita sa 'tin?"

"Wala 'yan. Saka medyo tinted naman ang salamin ng taxi kaya sakay na. Papakasaya tayo."

Kamot sa ulo si Yolly. Pero sa huli ay sumakay na rin siya. Ang arte na niya kung aangal pa siya.

Magkatabi nga sila ni Andy, at hindi niya mailarawan kung anong pakiramdam niya. Para siyang nalulusaw na ewan. Para rin siyang nabato sa kinauupuan. Magulo.

"Sa Timog tayo, Kuya," sabi ni Andy sa driver ng taxi bago naging kampante na sa pagkakaupo.

Siya ay pasulyap-sulyap naman sa katabi. Kampanteng-kampante kasi si Andy na nakaupo sa tabi niya. Parang hindi talaga nandidiri sa kapangitan niya ang binata.

Ibang klase. Ibang-iba ito sa mga ibang lalaki. Tapos isipin pang guwapo at sikat ito kaya naman hindi siya lalo makapaniwala.

"What?" bigla ay pansin tuloy sa kanya ng binata. Nahuli siya na patingin-tingin siya rito.

"W-wala." Biglang baling siya ng tingin sa labas ng bintana. Nakakahiya.

"Inom tayo, ha?"

"Huh?!" Balik-tingin siya sa binata. Nanlalaki ang mga mata niyang natatabingan ng malaki niyang eyeglass.

"Don't tell me you don't drink?"

Inosenteng umiling siya. Hindi talaga siya umiinom. Takot lang niya sa nanay niya.

"Ah, hindi nga. Sige ako lang ang iinom. Basta samahan mo lang ako, okay na ‘yun.” Pagkasabi niyon ay ipinikit na ni Andy ang mga mata nito at isinandal ang ulo sa headrest ng kinauupuan. Alam nito kasing matagal pa ang byahe nila dahil traffic.

Si Yolly naman ay hindi alam kung paano kikilos. Naninigas na talaga ang kanyang mga tuhod. Pinapatigas niya dahil kapag nadidikit sa binata ay para siyang nakukuryente. Ang tingin niya kasi kay Andy ay kay linis-linis at siya naman ay kay dumi dahil sa kapangitan niya.

At mas nanigas pa ang buo niyang katawan nang biglang natumba sa balikat niya ang ulo ng binata. Muntik na siyang mapasigaw.

Luh! Nakatulog agad?

She went still. Natutop na lang niya ang kanyang bunganga. Gusto niyang ilayo ang sarili pero matutumba naman si Andy kaya hinayaan na lang niya.

"Gisingin mo na lang ako kapag nandoon na tayo. I'm just going to take a nap. Inaantok kasi ako," mahinang sabi ni Andy. Hindi pa pala tulog.

“O-okay.” Lalo siyang nanigas. Hindi na siya gumalaw pa kahit konti lang. Kahit may makati ay tiniis niyang huwag kamutin. Mga eyeballs lang niya ang gumalaw buong byahe huwag lang maistorbo si Andy sa pagtulog nito. Nilibang na lang niya ang sarili sa pag-amoy ng mabangong pabango ng binata. Ewan niya kung buhok pa lang 'yon ni Andy ang mabango. Basta gustong-gusto niya 'yung amoy. Panglalaki pero hindi matapang. Ang sarap sa kanyang ilong.

"Nandito na tayo? Saan ba rito ang punta niyo?" nang sa wakas ay tanong na sa kanya ng driver.

"Wait lang po." Nataranta siya. Hindi niya alam kung saan gusto kumain ni Andy pero paano niya ito gigisingin? Tulog na yata talaga.

"Gisingin mo na ang boyfriend mo," sabi ng driver.

"Po? Naku hindi po. Hindi ko po siya boyfriend," gulat niyang pagtatama.

"Mga kabataan talaga. Oh, siya sige na, gisingin mo na 'yang kaibigan mo."

"Hindi ko rin po siya kaibigan."

"Ay, naku kahit ano mo pa 'yan! Gisingin mo na!" Nairita na sa kanya ang driver.

Napanguso naman siya. Totoo naman na hindi niya boyfriend o kaibigan si Andy, eh. Tinatama niya lang ito, siya pa galit. Eh, di wow.

"Geh na at naaabala niyo na ako," sabi pa ng driver.

"Opo," sagot niya rito na nataranta. Kaya lang ay hindi niya naman alam kung paano ito gigisingin. Itinaas niya ang kanyang kamay pero kahit buhok ni Andy ay parang hindi niya kayang hawakan.

Napalunok siya nang ilang ulit bago nagkaroon ng lakas-loob. "Andy, gising na. Nandito na tayo."

Kumilos naman ang binata pero umayos lang pala. Lalong idinikit ang ulo sa kanyang leeg.

Nakagat niya ang lower lip niya. Aatakihin siya sa puso nito, eh.

Akmang hahawakan niya ulit sana ito sa buhok pero hindi na niya talaga kaya.

"Kuya?" paghingi na niya ng saklolo sa driver. Bahala nang magalit ito sa kanya.

"Oh?"

"Puwede ikaw na lang po ang gumising sa kanya?"

Maang na napatingin sa kanya ang driver. Takang-taka ang naging tingin nito sa kanya. "Gisingin lang hindi mo pa magawa sa boyfriend mo?"

"Hindi ko nga po kasi siya boyfriend!" Napataas na rin ang boses niya. Ang kulit, eh.

"Ay, ewan ko sa inyong mga bata kayo." Napakadaling kinalabit ng driver ang tuhod ng binata. "Boss, nandito na tayo."

Nagising naman agad si Andy. Pupungas-pungas itong inayos ang buhok at mukha tapos tumingin-tingin sa paligid.

"Yeah, dito na kami. Magkano?" anito na nilabas ang wallet nang ma-confirm ang lugar.

"Ako na." Inunahan ni Yolly ang binata. Madaling kinalkal niya ang kanyang shoulder bag.

"No. Ako na," pero pinigil siya ni Andy.

"Hindi ba treat ko ang lakad na ito?" Napamaang siya.

Ngumiti ang guwapong binata. "'Yung pagkain mamaya ang sa iyo pero ngayon ako muna," saka sabi nito at binayaran na nga ang taxi driver. Keep the change pa kaya tuwang-tuwa ang driver.

"Thank you, Ma'am, Sir. Ingat kayo," biglang bait din.

Napangiwi si Yolly. Ang plastik ni Kuya.

Bumaba na sila ni Andy sa taxi. Todo alalay ito sa kanya. Syempre kinilig na naman siya dahil hindi lang pala mabait ito kundi gentleman din. Ngunit anong pamimilog ng mga mata niya nang makita niyang disco bar pala ang pupuntahan nila ni Andy.

"Let’s go?”

"Ayoko."

"But why?"

"Hindi ako pumapasok diyan."

"Bakit naman?"

"Basta ayoko."

Gustong matawa sa kanya si Andy. "Huwag kang matakot, akong bahala sa 'yo. "I assure you, you will enjoy it here."

"Ayoko talaga."

"Tara. Masaya rito". Bigla ay hinuli ni Andy ang kanyang isang kamay at hinila na siya.

"Baka may makakita sa 'tin?"

"Wala, at kung meron man ay wala silang pakialam. Basta mag-enjoy tayo rito ngayon."

Walang nagawa si Yolly kundi ang magpatianod. Ilang na ilang siya na pumasok sa lugar na iyon. Medyo madami na kasing tao na mga kaedad lang nila ang naroon. May nagsasayawan na sa maliit na stage na mukhang mga lasing na kahit kakaumpisa palang ng gabi. Ang dilim din ng paligid, at hindi siya sanay. Feeling niya ay makakaapak siya ng paa anumang oras.

"Dito tayo."

Sa isang sulok sila umupo ni Andy.

"Inom ka, ha?"

Umiling siya.

"Basta iinom ka."

"Ayoko nga."

Ngumiti na lang si Andy sa kanya at tinawag na ang waiter. Ang daming in-order. Parang last supper na nila.

"Makakain mo lahat 'yan?"

"Oo naman. Matakaw kaya ako," pagyayabang ng binata.

"Hindi naman halata," aniya dahil payat si Andy.

Natawa si Andy. "Nag-aalala ka ba sa bayad? Don't worry, treat ko 'to ngayon. Sa ibang araw na lang 'yung treat mo sa 'kin."

"Huh?"

"Ayaw ko kasing umuwi kaya sasamahan mo akong buong gabi. Okay lang naman, 'di ba?"

"Pero—"

"Kung ayaw mong uminom ay kumain ka na lang nang kumain. Para sa iyo talaga ang mga in-order ko."

Hindi na siya umimik. Bahala na nga.

"Do you want to try?" mayamaya ay alok sa kanya ni Andy nang magsimula na itong magpakalasing.

"Mapait 'yan, 'di ba? Bakit gustong-gusto niyo?"

Natawa si Andy. Muntik nang maibuga ang alak sa bunganga. "Inosente ka nga talaga, ano?"

"Ayoko lang ng mga ganito," pagtatanggol niya ulit sa sarili.

"That's why I like you. Ibang-iba ka sa mga babaeng kakilala ko."

"Sinasabi mo?"

Natawa ulit ang binata. Mas gumaguwapo ito 'pag tumatawa. Ang cute. "I mean I like you because I knew I am safe with you. Hindi mo ako iri-rape kasi guwapo ako."

"Anong akala mo sa akin?” apila niya. “Alam mo akala ko mabait ka. Mayabang ka rin pala talaga.”

Mas malakas ang naging tawa ni Andy.

"Sorry, pero promise totoong safe ang pakiramdam ko sa 'yo. Magaan ka kasing kasama."

“Talaga?” Ngumiti na rin siya rito. Iyon naman pala. Mabuti nang malinaw.

"Friends?" Inilahad ni Andy ang kamay nito sa kanya. Nakikipagkamay.

"Sige, friends," alinlangan man ay pagpayag niya. Sino naman siya para tumanggi, ‘di ba?

Nagngitian sila habang nagse-shake hands.

"Inom ka?" mayamaya ay pilit na naman ni Andy sa isang bote ng alak sa kanya.

"Ayoko nga niyan."

"Sige na. Celebration na rin natin ang gabing ito kasi magkaibigan na tayo kaya hindi naman puwede na ako lang ang umiinom," pagpipilit pa rin ni Andy.

Napalabi siya. "Ano bang lasa niyan at bakit sarap na sarap kayo?"

"Mapait nga pero 'pag nagtagal parang juice na."

"Weh?"

"Try mo kasi kahit konti lang."

Nagdalawang isip man ay inabot na niya ang bote ng alak. Inamoy niya at napangiwi siya.

Napahalakhak si Andy. "Iniinom 'yan hindi inaamoy kasi."

Natawa na rin siya. Hindi lang pala mabait at gentleman si Andy, masarap ding kasama. Suplado sa tingin pero kapag nakasama mo na ay kalog din pala. Sobrang kulit pati.

Nakangiti niyang tinungga ang bote. "Eekk..." At ngiwing-ngiwi siya dahil ang pangit talaga ng lasa. Ang pait.

"Okay, 'di ba?" nakatawa pa ring tanong ng binata.

Nakangiwing tumango siya kahit ang totoo ay parang may gumuhit na ewan sa kanyang lalamunan, at hindi iyon okay.

"Isa pa."

"Ayoko na."

"Sige na. Paano mo malalaman na parang juice na lang ang lasa niyan kapag nagtagal?"

Wala na naman siyang nagawa kundi ang sumimsim na naman sa alak.

Pangalawang lagok.

Pangatlo.

Pang-apat.

Hanggang sa parang juice na nga sa kanyang panlasa ang alak. Tama nga si Andy.

Hindi nagtagal ay parehas na silang nagtatawanan ni Andy. Ang mahinhin na si Yolly ay wagas na kung makatawa. Wala na silang hiya-hiya dahil sa epekto ng alak.

"Isa pa," at si Yolly na ang nagsasabi n'on.

"Dahan-dahan lang. Hindi ka mauubusan ng alak, oy," natatawang saway ni Andy. Taga-lagay na lang siya ng alak sa baso ni Yolly. Siya na tuloy ang hindi makainom dahil nag-alala siya na baka sobrang malasing silang dalawa at hindi makayanang umuwi.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Lilan
NXT chapter
goodnovel comment avatar
MuycoMariel
Continue plzzzz
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 8

    "Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan."Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito."You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly."Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga.Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "Nagtatawa ulit si Yolly."Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito."Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito."Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na

    Last Updated : 2023-11-19
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 9

    "Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly."Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine."Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay. Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila."Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.Napalabi lang siya sa pinsan."Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pin

    Last Updated : 2023-11-20
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 10

    Ang sarap ng gising ni Yolly. Nakatulog kasi siya nang maayos kaya wala na ang masakit sa kanyang ulo. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, ibig sabihin ay wala siyang pasok. Pero hindi pa siya bumangon. Mas niyakap pa nga niya ang kanyang bolster pillow. Mas pinili niyang munang namnamin ang ganda ng umaga.Ngingiti-ngiti siyang kukurap-kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Napaka-peaceful. Walang iniisip na problema, mapabahay man o mapa-school."'Nak, bumangon ka na r’yan. Mag-almusal ka na nang ako'y maglilinis na rito sa kuwarto mo."Tapos ay may nanay pa siyang sobrang bait at sipag. Saan pa siya?"Mamaya na, 'Nay. Wala namang pasok, eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot."Ay, bahala ka nga r'yan kung maalikabukan ka."Hindi na siya nagkomento. Dumapa siya nang higa. This is her life on Saturdays. Thank God it's Saturday."Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon na ba ang mga ito?"Hindi na niya talaga pinansin ang nanay niya. Ganito naman talaga ang nana

    Last Updated : 2023-11-21
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 11

    "Oh, bote mo." Pilyong abot ni Andy sa bote ng gatorade sa kanya."Jeez, nakakahiya talaga!" sa loob-loob naman ni Yolly kasabay nang pahablot na pagkuha niyon. Hindi na talaga mailarawan ang kanyang mukha. Para siyang nakakain ng kalamansi o para siyang natatae na ewan ang hitsura niya. Pinagpapawisan na kasi siya ng malapot. Hindi ba talaga bubuka ang lupa nang kainan na siya? Naman, eh!"Samahan mo ako," dikawasa'y parang wala lang kay Andy ang lahat na anito.Napalabi siya na nayakap sa kanyang dibdib ang bote ng gatorade. "Saan tayo pupunta?""Kahit saan basta 'yung tahimik na lugar. Gusto kong magpakalayo-layo." Mababakas na ang lungkot sa mukha ng binata."Bakit ano’ng nangyari sa 'yo?"Tumaas ang mga balikat ni Andy. "Basta I need your company now," pero ang sabi lang naman nito kasabay ng pagbaba rin ng mga balikat. "Let's go?"Tinaasan niya ito ng isang kilay. Hindi ba nito kita na nakapantulog pa lang siya? Saka wow! Kung magyaya ay parang close na close na sila, ah?"You'l

    Last Updated : 2023-11-23
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 12

    "Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy."Salamat, ha? I somehow feel better.""Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko.""At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya."Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya."Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy."Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.Nagkatinginan sila."Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata."Okay, pabili ako

    Last Updated : 2023-11-24
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 13

    Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?""Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito.""Kumalma ka nga.""Tara na kasi?""Hindi ako puwede.""Bakit naman? I thought we were already friends?"Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku."Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya."Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna."Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po.""Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh.”Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito."Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito.Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "’Nay, may pupuntahan ka?""Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?"Sinulya

    Last Updated : 2023-11-25
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 14

    Napahawak sa kanyang ulo si Yolly. Naramdaman agad niya paggising niya na masakit ang kanyang ulo. Para ba'y mabibiyak."Ano bang nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" paungol niyang sabi sabay bangon.Ngunit anong dilat ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may mabigat sa kanyang ibabaw. At bunbunan ng isang lalaki ang kanyang unang nasilayan.May nakadagan sa kanya!"Aaahhh!!" awtomatiko na malakas na sigaw niya kasabay nang buong lakas niyang pagtulak sa sinumang lalaki na iyon."Oy!" Biglang balikwas ng bangon ang lalaki na nakahiga sa kanyang ibabaw. Subalit hindi agad ito nakabangon dahil nagkatumba-tumba ito sa sobrang pagkataranta. Muntik pang nahulog ito sa kama."Eiiihhh!" tili ulit ni Yolly nang makitang wala sila parehas pang-itaas na saplot ng lalaki. Agad niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan ang kanyang nakapang kumot.Takang-taka na nagkatinginan sila ng lalaki. Lalaki na si Andy pala! Holy sh*t!"A-Andy?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Tapos ay bumaba a

    Last Updated : 2023-11-27
  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 15

    Gugulohin ang buhok, tapos mapapahilamos sa kanyang mukha, saka mapapangiwi. Paulit-ulit na ganoon ang gesture ni Andy kanina pa."Dude, okay ka lang?" pansin na sa kanya ni Patrick.Nasa condo unit siya ng kaibigan dahil gusto niya ng kausap. Gulong-gulo kasi ang isip niya. Malapit-lapit na siyang mabaliw."Dude, naranasan mo na bang ma-block out sa inuman?"Nag-isip si Patrick. "Hindi pa naman. Bakit?""Dude, na-block-out yata kasi ako kagabi. Naparami yata ang inom ko kaya ayun paggising ko ay hindi ko na alam ang nangyari. I can't recall anything.""Talaga ba? But I thought you were used to drinking? Humina ka na?" kantyaw sa kanya ni Patrick."Ewan ko ba. This is the first time this has happened to me.”Tinapik ni Patrick ang isang balikat niya. "Okay lang 'yan.""Hindi nga okay, Dude.""Bakit naman?""Kasi hindi ko alam kung nagalaw ko siya o hindi.""P*tcha!" napamura si Patrick sa inamin niya. "Mahirap nga talaga 'yan," pero sa huli ay natawa rin ito.Napapalatak na lang siya

    Last Updated : 2023-11-28

Latest chapter

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 3

    "’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 2

    Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   EPILOGUE 1

    "Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   LAST CHAPTER

    May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 86

    "Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 85

    As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 84

    "Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 83

    "Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil

  • ANG NABUNTIS KONG PANGIT   CHAPTER 82

    Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya

DMCA.com Protection Status