Affair with her Bodyguard

Affair with her Bodyguard

last updateLast Updated : 2022-10-14
By:  Darkwritesss  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
41Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Aj needs big money for her father's medication and operation, then he meets a guy and offers her a job that can make her problems solved. She needs to sign a marriage contract and be the wife of the lawyer's client. She doesn't know who her husband is, neither name nor age. Then suddenly someone knocked on her door, a man is standing in front of her, wearing a suit. The man introduced himself as her bodyguard. She had no choice but to accept him. When they started to live together in her husband's house, She became uneasy because of her bodyguard. He makes her uncomfortable because her feelings and desire for him are starting to build up. They happened to have a one-night stand because of her, he stopped her, but she wanted to feel him. That's when she started to have an affair with her mysterious bodyguard. But what if she found out the real identity of her bodyguard? Would she stop wanting him, or would she still let him own her?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

Malaki ang ngiti niya nang maipadala niya na ang mga order ng mga buyers niya. Marami-rami rin siyang naibenta. Naubos ang mga damit na binebenta niya kaya ang gaan ng kalooban niya. May kita na naman kasi siya kahit maliit lang. Malaking tulong na iyon para sa pang-araw araw na gastos sa bahay. Bukas ulit ay magla-live selling siya para maibenta naman niya ang mga cosmetics na binebenta niya. Kailangan niya magsikap dahil siya ang nagta-trabaho sa pamilya nila. Ang kaniyang ama ay may sakit at hindi sila makapunta sa hospital dahil ayaw nito. Nag-aalala na nga siya rito kaya pilit niyang binibilhan ito ng mga vitamins. Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Puro sila mga babae kaya talaga siya ang kumakayod ng husto. 25 years old na siya at ang sumunod sa kaniya ay 18 years old na si Aimee, ang sumunod naman ay 15 years old na si Jane, 13 years old na si Jennilyn at ang bunso ay 11 years old na si Arilyn. Napakahirap maging panganay sa totoo lang, hindi niya naman masisi

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
41 Chapters

PROLOGUE

Malaki ang ngiti niya nang maipadala niya na ang mga order ng mga buyers niya. Marami-rami rin siyang naibenta. Naubos ang mga damit na binebenta niya kaya ang gaan ng kalooban niya. May kita na naman kasi siya kahit maliit lang. Malaking tulong na iyon para sa pang-araw araw na gastos sa bahay. Bukas ulit ay magla-live selling siya para maibenta naman niya ang mga cosmetics na binebenta niya. Kailangan niya magsikap dahil siya ang nagta-trabaho sa pamilya nila. Ang kaniyang ama ay may sakit at hindi sila makapunta sa hospital dahil ayaw nito. Nag-aalala na nga siya rito kaya pilit niyang binibilhan ito ng mga vitamins. Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Puro sila mga babae kaya talaga siya ang kumakayod ng husto. 25 years old na siya at ang sumunod sa kaniya ay 18 years old na si Aimee, ang sumunod naman ay 15 years old na si Jane, 13 years old na si Jennilyn at ang bunso ay 11 years old na si Arilyn. Napakahirap maging panganay sa totoo lang, hindi niya naman masisi
Read more

CHAPTER 1

Maganda ang gising niya dahil may nag message sa kaniya sa social media at balak nitong pakyawin ang mga cosmetics na tinitinda niya. Hindi siya nag live ngayon dahil kahapon ay pinadala niya ang mga products na in-order sa kaniya noong isang araw na nag-live selling siya. Mamayang alas-kwatro ng hapon pi-pick-up in at cash daw ang bayad kaya hindi na siya mahihirapan pa. Nilagay niya sa isang malaking box ang mga cosmetics at sinigurado niyang hindi mapipipi ang mga iyon. Inayos niya ang pagkakasara ng box at nang matapos ay tinabi niya iyon. Nasa 35 thousand pesos din ang total no'n at mga nasa sampung libo naman ang tubo niya. Sobrang laking tulong para sa kaniya. Nagpapasalamat talaga siya sa diyos na kahit anong paghihirap niya at ng pamilya nila ay hindi siya nito pinapabayaan. Pinagluto niya ang mga kapatid niya at dahil malaki-laki ang tubo niya mamaya ay bumili siya ng isang buong manok at nagluto. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya dahil nag fried chicken sila ngayon. S
Read more

CHAPTER 2

Nilibot niya ang paningin niya pagkababa niya ng sasakyan. Isang malaking bahay lang naman ang bumungad sa kaniya. Napaka-ayos ng disenyo at napaka-modern ng style. Parang 'yong nag-isip ng ganitong disenyo ay napaka-professional. Naka-park kasi ang sasakyan ni Francis sa loob kaya kitang kita niya ang bahay. "A-ako lang titirar dito?" 'di pa rin makapaniwalang tanong niya. "Yes. Do you want to hire a maid? I can tell him—" "Hindi! 'di ko 'yon kailangan. Kaya ko naman maglinis at kumilos para naman may trabaho pa akong gawin," tanggi niya rito. Sa laki ng sahod niya dapat lang na siya na ang maglinis ng malaking bahay na 'to. Mas madali pa nga 'to kaysa sa mag-serve ng mag-serve sa customer sa gabi at 'yong mga lasing ay babastusin lang siya. Nagawa niya ring makaalis doon ng mabilis dahil kay Francis. Pumasok sila sa pinakaloob ng bahay at mas lalo siyang namangha sa interior design. Pagpasok mo pa lang ay alam mong lalaki na ang nakatira dahil sa ayos. Napakalinis din laha
Read more

CHAPTER 3

Tumaas ang isang kilay ni Xion nang tumunog ang cellphone niya. Galing sa bank account ang notification na 'yon at kita niya ang halaga ng pera na sinend niya sa kaniyang contract wife ay naibalik."Why?" Francis chuckled at him. "Sabi ko sa'yo, she's interesting," natatawa pang ani nito."Is it too little? Are you sure that she's not going to back out with this deal?" he asked while signing important documents. Hindi na ito p-pwedeng mag-back out dahil na-proseso na ang lahat, nasa kaniya na ang mga naiwan ng lolo niya."She's not that kind of woman, bro. Believe me! If you saw her? She's very simple. Walang luho, hindi mukhang pera at higit sa lahat ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. She's not a gold digger."Kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito. "Do you like her?" he asked seriously."Hmm... should I make a move to get her?"Nag-isang linya ang kaniyang labi at napatigil sa pagpirma. "After 2 years, not now," he hissed.Muli niyang narinig ang tawa nito kaya napailin
Read more

CHAPTER 4

Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya.Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon."Kain," ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala.Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito."Tapos ka na mag-ayos?" tanong niya rito dahil umupo na rin i
Read more

CHAPTER 5

"Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef."Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty."Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out."Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya."Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na."Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pin
Read more

CHAPTER 6

Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang
Read more

CHAPTER 7

Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya."Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan."Ano 'yon?" tanong niya rito."That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na
Read more

CHAPTER 8

Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. "I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. "Let's eat together later," he added. "May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hi
Read more

CHAPTER 9

Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka-trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner.Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho."Stop avoiding me, Aj." Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili."Hindi kita iniiwasan," deretsong sambit niya."Don't lie, I know you're avoiding me since that night. What did I do? Tell me." Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they are too close to each other.She swallowed hard and then looked at him."Hindi," simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya p
Read more
DMCA.com Protection Status