"Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.
Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef.
"Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty.
"Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out.
"Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya.
"Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na.
"Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pinupunasan ang top table ng receiving area.
"H-hindi... may inaasikaso kasi siya," ani niya rito. Lagi kasi nito nakikita si Xion na hatid sundo siya at talagang kinikilig naman ito. Siyempre, sino ba naman hindi kikiligin kahit makita lang ang binata. Totoo naman kasing malakas ang dating nito.
"Kaibigan mo lang talaga 'yon?" tanong ulit nito.
"Oo! Kaibigan lang..." Ayaw niya kasi sabihin na may asawa na siya at bodyguard niya ito. Baka magtanong pa ang mga ito kung sino ang asawa niya at bigla wala siyang masagot dahil maski siya ay hindi kilala ang asawa.
Hindi na siya nakipagdaldalan dito at kumilos na agad. Nagpunas lang siya ng mga lamesa at inayos niya lang ang mga upuan na bakante bago siya makapag-out. Hindi siya masusundo ni Xion dahil may importante raw itong trabaho at utos iyon ng asawa niya. Dalawang araw ito wala at hindi niya alam kung bakit matagal.
Hindi ko naman siya hinihintay... Nagtataka lang talaga ako kung bakit dalawang araw talaga... O-oo! Iyon ang dahilan ko.
Kahit may pagkasungit ito sa kaniya at mukhang work-a-holic ay naaappreciate naman niya ang paghatid sundo nito sa kaniya. Nasabi niyang work-a-holic dahil parang mina-maximize nito ang oras na may magawa. Paano ba naman pagkatapos siya ihatid ay pagkasundo nito sa kaniya ay iba na ang damit at napaka-formal, ang dahilan nito ay nagta-trabaho rin ito para sa asawa niya.
Naisip niya tuloy na napaka-loyal nito sa asawa niya dahil bumabalik pa rin kung saan para lang pagsilbihan ang boss.
Siguro naman kaya pang kumuha ng asawa niya ng panibagong bodyguard, pero baka rin naman na sadiyang magaling talaga si Xion at hindi mabitawan ng asawa niya.
Tinanggal niya ang tali ng buhok nang makalabas na ng restaurant. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay para hindi naman buhaghad tingnan.
Naghintay siya ng jeep o taxi dahil iyon lang ang masasakyan niya hanggang sa gate ng village. Ang taxi naman ay pwedeng makapasok sa loob ng village pero kailangan mag-iwan ng driver ng i.d.
Napakamot siya sa noon ang walang dumadaan na jeep o taxi man lang. 10:30 na ng gabi at medyo madalang talaga ang dumadaan doon. High end kasi ang lugar na 'yon at puro kotse ang dumadaan. Napagdesisyunan niya na lang na maglakad, tutal malapit-lapit lang naman at sanay naman siya sa mga lakaran.
Tiningnan niya ang cellphone niya nang makatanggap siya ng mensahe.
From Xion,
Are you going home now?
Nireplyan niya naman ito agad.
To Xion,
Oo, naglalakad na ako.
Itatago na sana niya ang cellphone nang nag-ring na iyon, nakita niyang si Xion ang tumatawag. Sinagot niya naman iyon agad.
"Hel—"
"Why are you walking? You said that you're going to ride a taxi!" he fumed. Oo nga pala, nakalimutan niya palang nagpumilit ito na may papalit sa kaniya ng dalawang araw pero hindi niya ito pinayagan dahil okay lang naman talaga na siya lang mag-isa at sasakay na lang siya ng taxi.
"Malapit lang naman kasi—"
"No. It's a 10-minute walk, it's not near!"
"Ito naman, galit ka na naman sa aki—" Napatigil siya sa pagsasalita nang may sumigaw na babae doon sa malapit na eskinita. Naibaba niya agad ang cellphone at mabilis na tumakbo patungo roon. Nakita niya ang isang babae na hinahatak ng isang lalaki.
"Bitawan mo ako! Hayop ka!" sigaw nito. Hindi na siya nagdalawang isip at mabilis na nilapitan ang babae at hinawakan ang isang kamay nito para hatakin palayo sa lalaki.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw niya rito. Napalunok pa siya sa kaba dahil may kalakihan ito.
"Bitawan mo ang asawa ko!" sigaw nito habang hindi pa rin binibitawan ang babae. Binalingan niya ng tinging ang babae at nanginginig ito sa takot.
"S-sinasaktan niya ako... ayoko na sa kaniya," iyak nito at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. Kita niya ang mga pasa sa mukha nito na ngayon niya lang napansin. Mas hinigpitan niya ang kapit dito at tiningnan ng masama ang lalaki.
"Asawa?! Asawa pero sinasaktan mo? Gago ka pala eh!" sigaw niya kasabay ang paghatak niya ng malakas sa babae. Nakawala naman ito sa pagkakahawak ng lalaki at mabilis na nagtago sa likuran niya.
"Miss, 'wag kang makikialam sa away mag asawa, baka gusto mo ikaw ang saktan ko," galit na bulalas nito sa kaniya.
"Bakit hindi ako mangingialam eh nananakit ka na ng babae!" sigaw niya pabalik. Pilit niyang pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay talagang natatakot na siya rito lalo na ng humakbang pa ito papalapit sa kanila.
"Ayoko na sa'yo! Anim na buwan pa lang pero pinapakita mo na ang tunay mong anyo! Lagi mo akong sinasaktan at binubugbog dahil sa walang kwentang pagseselos mo! Nagta-trabaho ako para may makain tayo dahil puro luho lang ang iniisip mo!" sigaw ng babae habang umiiyak.
"Nagta-trabaho ka habang nanlalalaki! Hinatid ka pa talaga ng hayop na 'yon? Ano kayo na ba?! Bakit mas magaling ba siya sa akin?!"
"Napakakitid ng utak mo! Hinatid niya ako dahil sobrang gabi na ng out naming at pareho lang naman ang daan papunta sa bahay nila— ahhhh! Bitawan mo ako!" Nataranta siya dahil hinablot ng lalaki ang damit ng babae at hinatak ito papalayo sa kaniya pero dahil mabilis siya nakapag-react ay sinipa niya ito sa hita pero mukhang hindi man lang ito nasaktan at nagawa pa siyang tulakin ng malakas. Nagulat ang babae habang napatingin sa kaniya. Mas nagwala ito at pinagsasapak ang lalaki para makawala sa pagkakahawak.
"Siraulo ka! Nananakit ka pa ng ibang babae! Bitawan mo ako!" Napadaing siya sa kamay niya dahil kumirot iyon. Mukhang naapektuhan ang ugat niya sa kamay dahil iyon ang itinukod niya ng bumagsak siya. Nakagat niya ang ibabang labi at muling tumayo para hampasin ang mukha ng lalaki ng bag na dala.
"Hayop ka, bitawan mo siya! Mukha ka namang unggoy, akala mo kung sinong gwapo!" hiyaw niya habang pinaghahampas ito ng malakas. Nabitawan nito ang babae at siya naman ang hinawakan sa kwelyo. Napaubo siya dahil nasasakal siya sa ginagawa nito.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may narinig siyang mabilis na sasakyan galing sa likod niya. Nabitawan siya ng lalaki kaya bumagsak siya ng malakas sa sahig.
"Sino ka?" sigaw ng lalaki. Hindi siya makatingin sa likuran niya dahil hinahabol niya pa rin ang paghinga niya. Napatingin siya sa gilid ng may dumaan at bago niya pa maiangat ang tingin niya bumagsak na ang lalaki sa harapan niya.
"Who I am? I'm the one who will fucking kill you, asshole!" Natigilan siya saglit at mabilis na inangat ang tingin at kita niya ang mukha ni Xion na galit na galit habang nakakuyom ang mga kamao.
May nagdatingan din na police kaya tiningnan niya na ang babaeng nawalan ng malay. Mukhang nanghina na ito ng tuluyan dahil sa ginawa ng lalaki.
"I told you! Don't walk at this hour," galit na sambit sa kaniya ni Xion at umupo para mapantayan siyang nakaupo sa sahig. Kinuha nito ang kamay niya pero napadaing siya ng malakas dahil sa kirot at sugat ng kamay niya.
"That fucker," bulong nito at akmang pupuntahan pa ulit ang lalaki nang hinawakan niya ito sa braso gamit ang isang kamay.
"H-hayaan mo na 'yon..." Pinilit niyang tumayo pero hindi siya makatayo dahil pati ang balakang niya ay napuruhan ata dahil sa malakas na pagkabagsak.
"Sir, dadalhin na po namin sa presinto ang lalaki. Nandiya na rin po ang ambulansiya para dalhin ang babae. Pwede ko po ba kayong matawagan bukas para itanong ang buong pangyayari ma'am?" baling sa kaniya ng isang police.
"Opo, pupunta po ako. Paki-asikaso na lang po 'yung babae. Asawa niya 'yong nangbugbog, 'wag po sana hayaang makalapit 'yong lalaki sa asawa," nag-aalalang sambit niya rito.
"Makakaasa po kayo, ma'am. Maraming salamat po ulit, ma'am, sir." Hindi na siya nakasagot dahil bigla siyang binuhat ni Xion. Napatingin siya sa mukha nito at na nakabusangot. Sinakay siya nito sa sasakyan at umikot ito para makasakay naman sa drivers seat.
Doon niya lang napansin na mas formal ang suot nito. Aakalain mo na para itong boss na galing sa isang business meeting at hindi bodyguard.
"Hindi ka kasi nakikinig, masiyadong delikado maglakad ng gabi at wala ka pang kasama," pagalit na sambit nito habang pinapaandar ang sasakyan.
"Okay lang naman kasi talaga ako—"
"Okay? You're not fucking okay! Look at you, you can't even walk properly!" Napasuklay siya sa buhok niya, para siyang pinapagalitan ng tatay niya.
"Basta 'wag mo na lang sabihin ito sa asawa ko," ani niya rito. Ayaw niyang mamroblema pa ito dahil sa nangyari sa kaniya. Baka isipin pa no'n ay mahilig siya pumasok sa gulo. Hindi lang naman kasi niya kayang lagpasan ang nangyayari. Lalo na ang mga pang-aabuso na mga gano'n.
"Why? Ayaw mong malaman niya na makulit ka?" galit na bulalas nito.
"Hindi sa gano'n! Alam mo naman na matanda na 'yon, baka mamroblema pa at lalong magkasakit," sambit niya habang tinitingnan ang mga gasgas sa kamay. Muntikan naman siya sumubsob sa harapan, kung wala siyang suot na seatbelt ay tumama na ang mukha niya sa harap.
"What?!"
"Hoy! Bakit ka bigla huminto?" kinakabahang sita niya rito. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso niya.
"You think your husband is a rich old man?" Kunot noo itong bumaling ng tingin sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil baka nagkamali siya at baka hindi naman ito sobrang tanda. Paano na lang kung mabuking siya nito na hindi pa talaga sila nagkikita ng asawa niya.
"A-ano... matanda na siya siyempre... pero hindi naman sobrang tanda 'di b-ba?" tumawa siya ng pagak at iniwas ang tingin sa binata. Pinikit niya ang mata niya para makaiwas dito, baka magtanong pa ng kung ano-ano at mas lalo siyang mabisto.
Ang daldal mo talaga Aj! Sikreto nga 'di ba?! Sikreto!
Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang
Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya."Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan."Ano 'yon?" tanong niya rito."That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na
Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. "I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. "Let's eat together later," he added. "May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hi
Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka-trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner.Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho."Stop avoiding me, Aj." Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili."Hindi kita iniiwasan," deretsong sambit niya."Don't lie, I know you're avoiding me since that night. What did I do? Tell me." Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they are too close to each other.She swallowed hard and then looked at him."Hindi," simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya p
Kasalukuyan siyang naka-duty ngayon, medyo busy sila dahil marami-rami ang customer dahil sabado. Mabuti na lang din talaga ay may mga intern sila na makakatulong.May panibagong pumasok na customer at awtomatikong binati niya ito. Inasikaso niya ang isang lalaki para makaupo sa bakanteng table."Good evening po, ito po ang menu, sir," nakangiting sambit niya at inabot ang menu."Oh?" Napatingin siya sa lalaki dahil nakakunot itong nakatingin sa kaniya. "You're the girl in the ramen restaurant. The one who stared at me obviously," he laughed. Nanlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaki."You remember me?" nakangiting tanong pa nito. Nahihiyang tumango siya rito at iniwas ang tingin sa lalaki."So, I'll order one triple cheese baked mac, hot stone steak, and one can of coke zero." Nilista niya ang mga sinabi nito para hindi makaligtaan."Noted sir. I'll be back with your order," sambit niya at yumuko rito. Tinanguan lang siya nito habang nakangiti. Pinasa niya agad ang order sa kit
Nagising siya ng masakit ang ulo, ayaw niya pa sana bumangon pero nakaramdam na siya ng tawag ng kalikasan. Kahit masakit at mabigat ang ulo niya ay pinilit niyang makatayo at dumeretso ng banyo. Halos nakapikit pa siya nang biglang mapadilat dahil iba ang scent ng banyo niya ngayon.Nilibot niya ang paningin at laking gulat dahil hindi naman ito ang guest room na tinutulugan niya. Pagkatapos niya umihi ay agad siyang nag flush at tiningnan ang mga gamit. Puro panlalaki iyon kaya binuksan niya agad ang pintuan at halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung kaninong kwarto ito.Napasabunot siya sa buhok at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Siguro ay nag lakad siya papunta rito at dahil tinamaan na siya ng alak ay hindi niya na alam kung saan siya pumasok. Napatampal siya sa noo at nailing na lang. Mabuti ay wala si Xion dahil kung hindi lagot siya.Bumalik siya sa kama at napahiga muli dahil masakit pa talaga ang ulo niya. Napatulala siya sa kisame dahil
Halos magtago na siya sa loob ng bahay dahil sa ginawa ni Maceh. Na-surpresa niya nga ang magulang niya at mga kapatid pero siya naman ang na surpresa sa ginawa ng kaibigan. May liga pala sa kanila at sa street nila may grupo ng mga manlalaro na wala pang muse kaya ang ginawa ni Maceh ay nilista ang pangalan niya kaagad para walang kawala."Labas na!" sigaw ni Maceh habang tumatawa."Ayoko! Masiyadong maiksi itong palda na 'to!" sigaw niya pabalik. Sa kwarto siya nagtatago para hindi siya mahatak nito."Isa! Sisigaw pa ba ako rito? Nagpapahinga na si tito oh? Tiyaka payag naman sila tito at tita lalo na mga kapatid mo." Napapadiyak siya sa inis. Totoong naiinis na talaga siya dahil ayaw niya nga ng ganito. Bigla tuloy umasa ang mga kapitbahay nila na may muse na ang grupo.Kilala naman niya ang mga manlalaro dahil may iilan siya roon na naging schoolmate at classmate. Hindi lang talaga siya confident magsuot ng ganito. Naka-tuck-in ang jersey na suot sa hapit na palda na maiksi."Naka
Tinungga niya ang alak na nasa mini fridge ng hotel room ni Xion. Inis na inis siya dahil akala niya may gagawin ito pero pagkatapos nitong punitin ang jersey na suot ay tinakluban naman siya ng coat.Inaamin niya na umasa siya na may mangyayari. Mas lalo lang nitong ginulo ang isipan niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Tumunog ang cellphone niya kaya tiningnan niya iyon. Si Maceh at Aimee ang nag-text sa kaniya dahil hinahanap siya. Nag-text siya sa mga ito na hindi siya makakauwi at bukas na lang at sinabing safe naman siya kung nasaan man siya.Mabuti na lang hindi na nagtanong ang mga ito. Bumukas muli ang pinto at pumasok si Xion, hindi niya ito nilingon dahil naiinis siya."Stop drinking, It's not good for your health." Napairap naman siya sa kawalan. "The clothes arrived. Pina-dry clean ko lang para makapagpalit na tayo ng damit," dugtong pa nito."Saan ako matutulog? Isa lang ang kama!" pasigaw na tanong niya dahil nabi-bwisit pa rin siya rito."Why are you so mad? Because I d
Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya. Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas. ‘Xavia Cosmetics’ Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa. “Are you happy?” She smiled when Xion hugged her. “Hey! I’m here mama, papa! Give your princess a hug too!” Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso. Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at
Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon.Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. ‘Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas.Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya.Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya.
Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd.Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito.“Baby… Please eat. Kahit kaunti lang,” ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit.“I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano,” dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang k
Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa k
Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date."Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup."Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap."Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya."Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib."Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas n
Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na 'yon. Napapangiti na lang siya at animo'y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad
Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun'di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at 'yon ang natamaan ng paa niya.Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na 'yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito.Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala.Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya."You awake... Good morning,
Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot
Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis