Share

CHAPTER 4

Author: Darkwritesss
last update Last Updated: 2022-09-07 23:17:48

Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya.

Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon.

"Kain," ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala.

Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito.

"Tapos ka na mag-ayos?" tanong niya rito dahil umupo na rin ito sa lamesa para kumain.

"Yes," tipid na tugon nito.

"Englishero ka talaga?" tanong niya. Hindi niya mapigilan punain ang pagsasalita nito. "Mayaman ka 'no?" dagdag na tanong niya pa.

"English language can use by any people. No status is needed." Tumawa siya dahil sa kaseryosohan nito.

"Alam ko naman! Ito naman hindi mabiro." Inubos niya ang kinakain niya at ang kape na iniinom. "Aalis pala ako ng 12 noon, 1pm kasi ang duty ko ngayong araw. Kahit hindi mo na ako ihatid at bantayan dahil malapit lang naman iyon, pwedeng lakarin," nakangiting sambit niya rito habang nililigpit ang pinagkainan.

"No worries. It's my... job," sagot nito. Hindi na siya nagreklamo pa at tumango na lang. Tinapos niya ang hugasin dahil kailangan niya na maligo at mag-ayos pa.

"Maliligo lang ako," paalam niya rito pero nakita niya ang iritadong mukha nito.

"Just do whatever you want. You don't need to tell me what you're going to do." Nanlaki ang mata niya dahil mukhang iritado talaga ito sa kaniya.

"S-sinabi ko lang naman..." Gusto niya lang kasing sabihin dahil baka magtaka ito kung bakit siya biglang aakyat.

"That's the problem! You still don't know me and you easily trust me," ani nito at binaba ang kutsara at tinidor tiyaka siya tiningnan.

"Sinabi ko lang naman na maliligo ako —"

"That's the problem, you're like inviting me to have a shower with you." Nag-init ang kaniyang pisngi dahil sa sinabi nito. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagkataranta.

"H-hindi gano'n ang pinaparating ko!" she exclaimed. Pakiramdam niya ay kulay kamatis na ang mukha niya dahil sa kahihiyan.

Hindi na ito umimik kaya mabilis niya itong tinalikuran at umakyat papunta sa kwarto niya. Para siyang hinihingal pagdating niya sa loob ng kwarto. Naiiling pa siya dahil sa mga naiisip. Gusto niya maging ka-close ito dahil makakasama niya ito ng matagal sa iisang bubong.

Dumeretso na siya sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi niya mapigilan na ma-imagine na kasama ito sa loob ng cr. Napasuklay siya sa basang buhok at pinikit niya ang mata niya. Umagang-umaga ay ginugulo siya agad nito.

"Ano ba itong naiisip ko!" impit tili niya. Winaksi niya ang nasa isipan at pinagpatuloy na lang ang pagligo. Nang matapos siya ay nagbihis siya ng itim na pants at t-shirt. May iaabot naman sa kaniyang pantaas na uniform basta ang kailangan lang ay naka close shoes siya at black pants.

Pagkatapos niya magpatuyo ng buhok ay bumaba na siya para maghanda ng tanghalian para makakain man lang bago sila umalis. Pagkababa niya ay hindi niya nakita ang binata kaya dumeretso na lang siya sa kusina para magluto ng adobo. May ingredients pa naman kaya 'yon na lang ang lulutuin niya.

Habang naghihintay siya na lumambot ang baboy at kumuha muna siya ng juice sa ref para inumin. Umalis siya sa kusina para pumunta sa sala at manood saglit. Isang oras niya pa kasi papakuluan ang baboy para sobrang lambot.

Saktong pag-upo niya ay bumukas ang pinto kaya napalingon siya roon. Nasamid naman siya sa iniinom nang makitang pumasok ang binata na walang saplot pantaas. Naka-sweatshort ito at nakasuot ng sapatos, ang katawan nito ay pawis na pawis.

Tuloy-tuloy ang pag-ubo niya kaya napatayo siya at dali-daling pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Are you okay?" Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kaniya. Tango lang ang tugon niya at nag-thumbs up dito. Hindi niya ito nilingon dahil baka maubo na naman siya.

"N-nag jogging ka sa labas?" tanong niya habang hindi pa rin ito nililingon. Ramdam na ramdam niya pa rin ang mainit na presensiya nito.

"Yes," tipid na tugon nito. Hindi na siya sumagot at tinuon ang pansin sa niluluto. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi dahil kinakabahan talaga siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya sa oras na ito.

Tumigil ka Aj! Katawan lang 'yan...

"A-ano... ah... Kumakain ka naman nito 'no?" walang kwentang tanong niya rito. Hindi ito sumagot kaya roon na siya napalingon, nakita niya itong seryoso na nakatingin sa cellphone. Mayamaya ay tumayo ito at hindi man lang siya pinansin, mukhang may tinatawagan.

Sa totoo lang ay nahihiwagaan siya rito hindi lang dahil mukha itong mayaman kun'di ang bawat kilos ay sumisigaw na hindi ito basta-basta na simpleng tao. Pero hindi na rin siya magtataka kung ganito talaga ito, kung sobrang yaman talaga ng asawa niya ay paniguradong mga professional ang mga nasa paligid nito.

Napatango-tango siya sa naisip. Pinatay niya ang apoy nang matapos magluto. Inihain niya iyon sa lamesa pati na rin ang kanin. Bumalik muna siya sa kwarto niya para ayusin ang gamit niya, medyo maaga pa naman para kumain siya. Pagkatapos niya sa ginagawa niya ay lumabas na siya ulit ng kwarto at sakto na lumabas din ang binata sa katapat na kwarto niya, iyong isang guest room.

"K-kain na muna tayo bago umalis," sambit niya rito. Nautal pa talaga siya dahil nagsalubong ang kanilang paningin. Tumango naman ito kaya kahit papaano ay napangiti siya dahil sumagot ito. Siya ang naunang naglakad pababa para tumungo sa kusina. Nakasunod lang ito sa kaniya at nang makaupo sa dining table ay umupo na rin ito.

"Anong oras ang labas mo?" tanong nito habang nagsasandok ng pagkain. Napatitig naman siya sa isang kamay nito na hawak-hawak ang isang bowl. Ang ugat nito sa kamay pataas sa siko ay halatang-halata. Napalunok siya dahil sa natatanaw. Siya lang ba iyong mahilig sa mga halatang ugat ng lalaki? Gusto niya kasi iyong mga manly at malalakas tingnan.

"You're spacing out." Halos mapatalong siya nang marinig ang boses nito.

"H-ha? A-ano 'yon?" mabilis na tanong niya. Binasa nito ang labi habang nakatingin sa kaniya kaya napalunok siya. Binaba nito ang bowl ng kanin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

"I'm asking you, what time is your out." Mukhang nawalan ito lalo ng mood dahil wala man lang siyang expression na makita sa mukha nito.

"10pm," sagot niya agad. Tango lang ang tugon nito at kumain na ng tahimik. Siya rin ay tinuon na lang ang pansin sa pagkain dahil nadidistract na siya sa binata.

Oo nga pala! Hindi ko pa pala naiitatanong ang pangalan nito.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" basag niya sa katahimikan. Nilunok niya ang pagkain at uminom ng tubig.

"Xion, you can call me Xion," sagot nito nang maiangat nito ang tingin sa kaniya. Umawang ang labi niya ng kaunti dahil sa maganda nitong pangalan.

"Ang ganda naman ng pangalan mo!" ngiting sambit niya. "Ako kahit Aj lang ang itawag mo sa akin, short for Aimar Joyce," dugtong niya pa.

"Okay." Napanguso siya dahil mukhang hindi naman ito interesado sa pangalan niya. Tinuloy niya na lang ang pagkain at nang matapos ay naghugas agad siya at bumalik sa kwarto. Hindi niya na ito inimik dahil mukha namang ayaw siya kausapin.

Napaka-boring ko ba kausap kaya gano'n siya? Tsk.

Nag-ayos siya ng sarili at naglagay ng kaunting makeup para maging presentable siya tingnan. Ngumiti-ngiti pa siya sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto para bumaba. Pagkalabas niya ng bahay ay nakaandar na ang makina ng kotse sa garahe.

"Are you good now? Wala ka ng nakalimutan?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya at ngumiti rito.

"Okay na, pwede na tayong umalis." Pumasok sila sa kotse, doon siya umupo sa harapan dahil hindi naman siya madam para sa likod kahit na bodyguard niya pa ito.

"Seatbelt," sambit nito sa kaniya nang makapasok din. Agad naman siyang kumilos para isuot ang seatbelt kaso ayaw makisama no'n, hinahatak niya pero mukhang naka-stock dahil hindi iyon humahaba.

Nahigit niya naman ang hininga nang biglang humawak si Xion sa headrest ng inuupuan niya. Napatingin siya sa mukha nitong kaunti lang ang layo sa kaniya. Kitang kita niya ang natural nitong mahabang pilik mata pati ang matangos nitong ilong at mapupulang labi.

Sobrang lakas ng tibok ng puso niya na parang hindi na siya makahinga ng maayos.

Kumunot ang ang noo nito habang inaayos ang seatbelt na nasuot na sa kaniya.

"I can hear your heartbeat, are you okay —" Doon na siya nanigas ng husto nang lumingon ito at nagtama ang ilong nila. Halata ring nagulat ito dahil nakita niya sa mata nito. Napatitig siya sa abong mata nito na para siyang hinahatak sa kung saan.

Hindi niya alam kung ilang segundo silang nagtitigan pero parang ilang minuto 'yon dahil parang kakawala na ang puso niya sa ribcage ng katawan niya.

"Fuck," he mumbled. Mabilis itong umalis sa gano'ng posisyon at inayos ang sariling seatbelt. Tumikhim pa ito na parang nagbara ang lalamunan kaya siya rin ay napatikhim. Nag-inhale exhale pa siya dahil sa pagpigil niya kanina sa paghinga.

Kalma Aj! Kumalma ka! Hindi naman siguro ako mao-hospital dahil sa ganitong klaseng kaba 'di ba? Wala pa naman sigurong kaso na lumabas ang puso sa katawan dahil sa kakaibang pagwawala ng puso?

Napapikit siya ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili. Nababaliw na ata siya dahil kung ano-ano ang mga pinag-iisip niya.

Pasimple siyang tumingin sa binata nang mag-drive ito palabas, Muli pa siyang napalunok dahil sa labi nitong mapupula. 

Related chapters

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 5

    "Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef."Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty."Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out."Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya."Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na."Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pin

    Last Updated : 2022-09-07
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 6

    Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang

    Last Updated : 2022-09-08
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 7

    Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya."Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan."Ano 'yon?" tanong niya rito."That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na

    Last Updated : 2022-09-08
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 8

    Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. "I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. "Let's eat together later," he added. "May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hi

    Last Updated : 2022-09-09
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 9

    Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka-trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner.Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho."Stop avoiding me, Aj." Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili."Hindi kita iniiwasan," deretsong sambit niya."Don't lie, I know you're avoiding me since that night. What did I do? Tell me." Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they are too close to each other.She swallowed hard and then looked at him."Hindi," simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya p

    Last Updated : 2022-09-09
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 10

    Kasalukuyan siyang naka-duty ngayon, medyo busy sila dahil marami-rami ang customer dahil sabado. Mabuti na lang din talaga ay may mga intern sila na makakatulong.May panibagong pumasok na customer at awtomatikong binati niya ito. Inasikaso niya ang isang lalaki para makaupo sa bakanteng table."Good evening po, ito po ang menu, sir," nakangiting sambit niya at inabot ang menu."Oh?" Napatingin siya sa lalaki dahil nakakunot itong nakatingin sa kaniya. "You're the girl in the ramen restaurant. The one who stared at me obviously," he laughed. Nanlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaki."You remember me?" nakangiting tanong pa nito. Nahihiyang tumango siya rito at iniwas ang tingin sa lalaki."So, I'll order one triple cheese baked mac, hot stone steak, and one can of coke zero." Nilista niya ang mga sinabi nito para hindi makaligtaan."Noted sir. I'll be back with your order," sambit niya at yumuko rito. Tinanguan lang siya nito habang nakangiti. Pinasa niya agad ang order sa kit

    Last Updated : 2022-09-10
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 11

    Nagising siya ng masakit ang ulo, ayaw niya pa sana bumangon pero nakaramdam na siya ng tawag ng kalikasan. Kahit masakit at mabigat ang ulo niya ay pinilit niyang makatayo at dumeretso ng banyo. Halos nakapikit pa siya nang biglang mapadilat dahil iba ang scent ng banyo niya ngayon.Nilibot niya ang paningin at laking gulat dahil hindi naman ito ang guest room na tinutulugan niya. Pagkatapos niya umihi ay agad siyang nag flush at tiningnan ang mga gamit. Puro panlalaki iyon kaya binuksan niya agad ang pintuan at halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung kaninong kwarto ito.Napasabunot siya sa buhok at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Siguro ay nag lakad siya papunta rito at dahil tinamaan na siya ng alak ay hindi niya na alam kung saan siya pumasok. Napatampal siya sa noo at nailing na lang. Mabuti ay wala si Xion dahil kung hindi lagot siya.Bumalik siya sa kama at napahiga muli dahil masakit pa talaga ang ulo niya. Napatulala siya sa kisame dahil

    Last Updated : 2022-09-10
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 12

    Halos magtago na siya sa loob ng bahay dahil sa ginawa ni Maceh. Na-surpresa niya nga ang magulang niya at mga kapatid pero siya naman ang na surpresa sa ginawa ng kaibigan. May liga pala sa kanila at sa street nila may grupo ng mga manlalaro na wala pang muse kaya ang ginawa ni Maceh ay nilista ang pangalan niya kaagad para walang kawala."Labas na!" sigaw ni Maceh habang tumatawa."Ayoko! Masiyadong maiksi itong palda na 'to!" sigaw niya pabalik. Sa kwarto siya nagtatago para hindi siya mahatak nito."Isa! Sisigaw pa ba ako rito? Nagpapahinga na si tito oh? Tiyaka payag naman sila tito at tita lalo na mga kapatid mo." Napapadiyak siya sa inis. Totoong naiinis na talaga siya dahil ayaw niya nga ng ganito. Bigla tuloy umasa ang mga kapitbahay nila na may muse na ang grupo.Kilala naman niya ang mga manlalaro dahil may iilan siya roon na naging schoolmate at classmate. Hindi lang talaga siya confident magsuot ng ganito. Naka-tuck-in ang jersey na suot sa hapit na palda na maiksi."Naka

    Last Updated : 2022-09-12

Latest chapter

  • Affair with her Bodyguard   EPILOGUE

    Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya. Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas. ‘Xavia Cosmetics’ Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa. “Are you happy?” She smiled when Xion hugged her. “Hey! I’m here mama, papa! Give your princess a hug too!” Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso. Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 39

    Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon.Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. ‘Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas.Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya.Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya.

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 38

    Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd.Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito.“Baby… Please eat. Kahit kaunti lang,” ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit.“I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano,” dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang k

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 37

    Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa k

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 36

    Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date."Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup."Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap."Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya."Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib."Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas n

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 35

    Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na 'yon. Napapangiti na lang siya at animo'y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 34

    Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun'di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at 'yon ang natamaan ng paa niya.Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na 'yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito.Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala.Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya."You awake... Good morning,

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 33

    Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 32

    Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis

DMCA.com Protection Status