Share

CHAPTER 2

Author: Darkwritesss
last update Huling Na-update: 2022-07-15 21:30:02

Nilibot niya ang paningin niya pagkababa niya ng sasakyan. Isang malaking bahay lang naman ang bumungad sa kaniya. Napaka-ayos ng disenyo at napaka-modern ng style. Parang 'yong nag-isip ng ganitong disenyo ay napaka-professional. 

Naka-park kasi ang sasakyan ni Francis sa loob kaya kitang kita niya ang bahay. 

"A-ako lang titirar dito?" 'di pa rin makapaniwalang tanong niya.

"Yes. Do you want to hire a maid? I can tell him—"

"Hindi! 'di ko 'yon kailangan. Kaya ko naman maglinis at kumilos para naman may trabaho pa akong gawin," tanggi niya rito.

Sa laki ng sahod niya dapat lang na siya na ang maglinis ng malaking bahay na 'to. Mas madali pa nga 'to kaysa sa mag-serve ng mag-serve sa customer sa gabi at 'yong mga lasing ay babastusin lang siya. 

Nagawa niya ring makaalis doon ng mabilis dahil kay Francis. 

Pumasok sila sa pinakaloob ng bahay at mas lalo siyang namangha sa interior design. Pagpasok mo pa lang ay alam mong lalaki na ang nakatira dahil sa ayos. Napakalinis din lahat ng pagkaka-ayos. Black, white, gray lang ang konsepto ng kulay ng buong bahay. Mataas rin ang ceiling at may chandelier pa. 

Dalawang palapag lang pero napakalawak ng bahay. Minimalist style, kaya para siyang nasa ibang bansa. Naglakad siya papunta sa kabilang bahagi at nakita niya roon ang malaking glass door, tanaw niya ang glass pool sa kinatatayuan niya. 

"You can do whatever you want here. Basta 'wag ka lang pumunta sa kwarto na mga naka-lock." Sunod sunod ang pagtango niya kay Francis. Kumilos na rin siya para ayusin ang mga gamit niya. Ginaya siya ni Francis sa taas at kanang bahagi na kwarto.

"You can sleep here," ani nito nang makapasok. Bumungad sa kaniya ang malaking kama. May vanity mirror sa gilid at may working desk pa. May sarili ring banyo dahil nakita niya ang pinto. 

"That is a mini walk-in closet, pwede mo na ilagay lahat ng damit mo riyan. If you have a question feel free to text me."

"Salamat, pero 'wag ka mag-alala hindi naman kita iistorbohin," napakamot pa siya ng ulo. 

Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yon at gano'n na lang ang gulat niya nang may mag-send ng 100 thousand sa bank account niyang walang laman.

Napatingin siya kay Francis na nasa harapan niya.

"B-bakit may 100 thousand agad na sinend sa akin?" tanong niya. Hindi pa naman kasi siya nakaka-isang buwan.

"Oh, you already received it? It's a bonus for you because you signed the contract." 

Umawang ang labi niya at napatango-tango. Grabe, sobrang yaman pala ng napangasawa niya dahil may pa-bonus pa! parang 13th month pay ang peg!

"Anyways, i need to go! goodluck!" ngumiti ito sa kaniya at nagpaalam na kaya hinatid niya ito sa labas. Bago pa ito makasakay ng kotse ay bumalik ito sa harapan niya.

"Muntik ko nang makalimutan! This is your wedding ring, just always wear it." Inabot nito ang pulang box bago tuluyan nang magpaalam. Automatic ang sara ng gate dahil mukhang may remote ito. 

Pumasok na siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa tiyaka binuksan ang pulang box. Natulala siya dahil hindi siya pwedeng magkamali, isa iyong diamond ring.

"Wow, iba talaga pag mayaman ka! Hindi mo na kailangan tingnan ang presyo pag bumibili," naiiling na ani sa sarili.

Contract marriage lang naman ang meron pero ang sosyal ng singsing niya. 

Nagpahinga muna siya saglit bago kumilos at ayusin lahat ng gamit niya sa kwarto. Sakto lang naman ang dami ng damit niya ang sapatos naman niya ay isang rubbershoes at sandals lang na mumurahin. 

Mabilis lang din siya nakapag-ayos at nang matapos ay humiga siya sa malaking kama. Damang dama niya ang kalambutan noon at parang gusto niya ulit maging bata at talunan iyon.  Hindi niya pa nagagawa ang ganong bagay dahil noong bata  siya ay manipis na foam o kaya naman banig ang hinihigaan niya. 

Napahawak siya sa tiyan nang kumulo ang tiyan niya. Awtomatikong napabangon siya at dumeretso sa kusina. Napanguso siya nang walang pagkain na makikita sa ref at kung saang cabinet. 

Ala-singko pa lang naman ng hapon kaya lalabas muna siya at pupunta sa mall na malapit. Dahil hindi niya kabisado ang lugar ay napilitan siyang mag-taxi nang may dumaan. May isang libo naman siya sa wallet niya kaya okay lang at isa pa may pera na siya sa inaamag niyang bank account.

Bibili na rin siguro siya ng mga kailangan niya pang gamit at stock ng pagkain. Nang makarating siya sa mall ay habang naglalakad ay tinawagan niya si Jane.

"Hello, Jane? Nagluto na ba kayo ng pagkain niyo?" tanong niya agad sa kapatid.

"Hindi pa ate, kakauwi lang namin. Binisita namin si papa sa hospital! Ang laki ng hospital tapos may sariling kwarto si papa na parang sa hotel," pagk-kwento nito.

"Panigurado pagod kayo sa byahe. Bumili ka na lang ng lutong ulam diyaan sa kanto natin."

"Eh ate hindi naman karinderya 'yon kaya mahal do'n! Kami na lang magluluto rito." Umiling siya rito kahit hindi siya nito nakikita.

"Huwag nang makulit, 'yong iniwan ko sa inyong pera ay bawasan mo na. Kahit umabot 'yan ng 500 pesos okay lang! magpapadala ako kay Aimee ng pera. Tiyaka kung gusto niyo bumili kayo ng tig-iisang chocolate, ako na ang bahala!" 

Napapikit siya ng marinig ang tili ni Arilyn at Jennilyn na mukhang nakikinig din pala.

"Tala ate ha? wala ng bawian!" singit ni Arilyn.

"Ano ka ba! paano kung wala ng pera si ate?" rinig niyang sambit ni Jane.

"Ay, oo nga! sige 'wag na." Napangiti siya dahil sa usapan ng mga ito. Talagang napakaintindihin ng mga ito sa kaniya.

"May pera ako! Kaya bumili na kayo ng pagkain at ng tsokolate niyo. Basta ang gusto ko lang ay mag-aral ng mabuti ha? Bibilhan ko kayo ng tig-iisang cellphone pag grumaduate kayo ng may honor!" sambit niya. 

"Salamat po ate! Kahit wala ng cellphone basta po mag-iingat ka lang. Hindi po namin papabayaan ang pag-aaral! Pag kami nakatapos, ikaw naman ang magiging prinsesa!" Nakagat niya ang labi dahil sa sinabi ni Jennilyn. 

Miss niya na agad ang mga ito. Ang mga kapatid niya lang ang nagpapakilig sa kaniya ng ganito.

"Walang anuman. Lahat gagawin ni ate para lang sa inyo. Sige na at mag-ingat sa paglabas ng bahay. Pasama kayo kay Aimee ha? Si mama pala?"

"Opo ate! si mama nasa labas kausap ang kaibigan niya." 

"Oh sige, sige. Ingat!" 

Pinatay niya na ang tawag at pinasok na ang cellphone sa maliit niyang bag. Napagdesisyunan niyang kumain sa isang korean restaurant. Minsan lang naman siya mag ganito at parang reward niya na rin sa sarili. 

Pagkapasok niya ay may nakabangga sa kaniya kaya natigilan siya. Isang lalaking naka-sumbrero na itim. Dahil matangkad ito ay napatingala pa siya habang hawak hawak ang braso niyang natamaan.

"Okay lang po—" naputol niya ang sasabihin nang nilagpasan na siya nito na parang walang nangyari. Napakunot siya ng noo at sinundan ng tingin.

Mabango pa naman sana pero napaka suplado naman! Siya na nga ang nakabangga, ako pa ang lalagpasan? 'di man lang nag-sorry?!

Tuluyan na siyang pumasok sa restaurant at sa wakas ay nakakain na rin. Pinicture-an niya pa ang mga pagkain niya para may memories siya sa bago niyang phone. 

Buong araw ay masaya siya. Pagkatapos niya kumain ay nag-grocery siya ng mga pagkain at mga gamit na kailangan niya. Umuwi rin siya agad dahil gabi na, nag-taxi ulit siya dahil wala siyang choice, bukas na lang niya kakabisaduhin ang lugar at kung paano mag-commute. 

***

Nakahinga ng maluwag si Xion nang makitang maayos na ang marrige contract niya. Wala na siyang po-problemahin kun'di mag-focus pa sa kaniyang trabaho.

"What's up!" napaangat ang tingin niya kay Francis nang makapasok ito. 

"You will have a meeting with attorney Diaz tomorrow morning, maipapasa na sa pangalan mo ang lahat ng iniwan ng lolo mo." 

"That's good. Be sure that Lloyd will not know about this," sambit niya.

"Of course! Your step-brother will do anything to make your reputations go down. At isa pa your wife is kind of interesting," Francis chuckled and gave him a amused look. 

"How interesting? well i don't care. I just care to my grandfather's will and company." Hindi niya nga tiningnan kung sino ang naging asawa niya sa kontrata. May tiwala naman siya rito sa kaibigan niya kaya ito ang pinakilos niya para hanapan siya ng babaeng papayag sa ganitong sitwasyon. 

He already build his name and his reputation. May sarili siyang pera dahil sa sariling galing, hindi siya umaasa sa mga naiwan ng kaniyang lolo pero ayaw niya pabayaan iyon at mapunta lang sa kamay ni Lloyd, ang step-brother niya. 

Simula nang makilala niya ito ay puro problema na lang ang dinala sa pamamahay nila kaya naging maayos lang ang lahat ng umalis na ito sa mansyon. 

"You'll see if you meet her."

Umiling siya rito at tumayo. Tinanggal niya ang coat na suot at kinuha na ang bag niya para umuwi sa penthouse niya. Hindi siya makakauwi sa sariling bahay dahil doon niya pinatira ang babae dahil pag nag-imbestiga ang attorney ng kaniyang lolo at hindi nakita ito sa sariling bahay niya ay baka magkaroon pa ng problema.

"Not interested," he answered. Lumabas na silang office at sumunod naman ito sa kaniya. 

"Let's drink. Stop being work-a-holic, man. Kaya wala kang lovelife!" pang-aasar nito. Nang makarating sila sa parking lot ay pinatunog niya ang kaniyang sasakyan para bumukas.

"Work is my lovelife," ani niya at pumasok na sa kotse. "Next time. I have to work more in my penthouse," dugtong pa nito at tinaas ang kamay para magpaalam sa kaibigan.

"Soon, you'll find someone that can make you change. Tatawanan na lang talaga kita pag nalaman kong nagpa-cancel ka ng mga meetings dahil lang sa isang babae," sigaw nito at kumaway na rin sa kaniya. 

He manuevered the car and pressed the horn in the car. Bumusina rin si Francis sa kaniya para magpaalam. 

Uuwi man siya pero magta-trabaho pa rin siya kahit nasa bahay. 

He loves to work and what Francis told to him earlier? It's impossible. He can't cancel his meetings because of a woman.

Very impossible...

Kaugnay na kabanata

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 3

    Tumaas ang isang kilay ni Xion nang tumunog ang cellphone niya. Galing sa bank account ang notification na 'yon at kita niya ang halaga ng pera na sinend niya sa kaniyang contract wife ay naibalik."Why?" Francis chuckled at him. "Sabi ko sa'yo, she's interesting," natatawa pang ani nito."Is it too little? Are you sure that she's not going to back out with this deal?" he asked while signing important documents. Hindi na ito p-pwedeng mag-back out dahil na-proseso na ang lahat, nasa kaniya na ang mga naiwan ng lolo niya."She's not that kind of woman, bro. Believe me! If you saw her? She's very simple. Walang luho, hindi mukhang pera at higit sa lahat ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. She's not a gold digger."Kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito. "Do you like her?" he asked seriously."Hmm... should I make a move to get her?"Nag-isang linya ang kaniyang labi at napatigil sa pagpirma. "After 2 years, not now," he hissed.Muli niyang narinig ang tawa nito kaya napailin

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 4

    Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya.Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon."Kain," ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala.Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito."Tapos ka na mag-ayos?" tanong niya rito dahil umupo na rin i

    Huling Na-update : 2022-09-07
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 5

    "Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef."Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty."Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out."Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya."Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na."Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pin

    Huling Na-update : 2022-09-07
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 6

    Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang

    Huling Na-update : 2022-09-08
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 7

    Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya."Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan."Ano 'yon?" tanong niya rito."That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na

    Huling Na-update : 2022-09-08
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 8

    Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. "I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. "Let's eat together later," he added. "May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hi

    Huling Na-update : 2022-09-09
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 9

    Hiyang-hiya siya hanggang sa makauwi sila sa bahay. Paano ba naman ay paniguradong nagtataka ang lahat ng mga ka-trabaho niya at mga interns kung bakit nai-reserved ang buong restaurant ng dalawang oras para lang makakain siya ng maayos na dinner.Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito mga katrabaho."Stop avoiding me, Aj." Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ito. Paakyat na sana siya sa taas para pumunta sa kwarto at doon ikulong ang sarili."Hindi kita iniiwasan," deretsong sambit niya."Don't lie, I know you're avoiding me since that night. What did I do? Tell me." Hinatak nito ang kamay niya kaya napaharap siya rito. She was stunned for a second when she realized that they are too close to each other.She swallowed hard and then looked at him."Hindi," simpleng saad niya habang nakatingin siya sa mga mata nito. Taas noo siyang nagsisinungaling harap-harapan. Kung sasabihin niyang iniiwasan niya ito ay paniguradong manghihingi ito ng rason sa kaniya. Hindi naman niya p

    Huling Na-update : 2022-09-09
  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 10

    Kasalukuyan siyang naka-duty ngayon, medyo busy sila dahil marami-rami ang customer dahil sabado. Mabuti na lang din talaga ay may mga intern sila na makakatulong.May panibagong pumasok na customer at awtomatikong binati niya ito. Inasikaso niya ang isang lalaki para makaupo sa bakanteng table."Good evening po, ito po ang menu, sir," nakangiting sambit niya at inabot ang menu."Oh?" Napatingin siya sa lalaki dahil nakakunot itong nakatingin sa kaniya. "You're the girl in the ramen restaurant. The one who stared at me obviously," he laughed. Nanlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaki."You remember me?" nakangiting tanong pa nito. Nahihiyang tumango siya rito at iniwas ang tingin sa lalaki."So, I'll order one triple cheese baked mac, hot stone steak, and one can of coke zero." Nilista niya ang mga sinabi nito para hindi makaligtaan."Noted sir. I'll be back with your order," sambit niya at yumuko rito. Tinanguan lang siya nito habang nakangiti. Pinasa niya agad ang order sa kit

    Huling Na-update : 2022-09-10

Pinakabagong kabanata

  • Affair with her Bodyguard   EPILOGUE

    Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya. Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas. ‘Xavia Cosmetics’ Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa. “Are you happy?” She smiled when Xion hugged her. “Hey! I’m here mama, papa! Give your princess a hug too!” Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso. Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 39

    Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon.Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. ‘Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas.Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya.Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya.

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 38

    Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd.Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito.“Baby… Please eat. Kahit kaunti lang,” ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit.“I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano,” dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang k

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 37

    Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa k

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 36

    Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date."Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup."Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap."Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya."Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib."Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas n

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 35

    Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na 'yon. Napapangiti na lang siya at animo'y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 34

    Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun'di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at 'yon ang natamaan ng paa niya.Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na 'yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito.Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala.Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya."You awake... Good morning,

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 33

    Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot

  • Affair with her Bodyguard   CHAPTER 32

    Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis

DMCA.com Protection Status