Malaki ang ngiti niya nang maipadala niya na ang mga order ng mga buyers niya. Marami-rami rin siyang naibenta. Naubos ang mga damit na binebenta niya kaya ang gaan ng kalooban niya. May kita na naman kasi siya kahit maliit lang. Malaking tulong na iyon para sa pang-araw araw na gastos sa bahay.
Bukas ulit ay magla-live selling siya para maibenta naman niya ang mga cosmetics na binebenta niya. Kailangan niya magsikap dahil siya ang nagta-trabaho sa pamilya nila. Ang kaniyang ama ay may sakit at hindi sila makapunta sa hospital dahil ayaw nito. Nag-aalala na nga siya rito kaya pilit niyang binibilhan ito ng mga vitamins.
Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Puro sila mga babae kaya talaga siya ang kumakayod ng husto. 25 years old na siya at ang sumunod sa kaniya ay 18 years old na si Aimee, ang sumunod naman ay 15 years old na si Jane, 13 years old na si Jennilyn at ang bunso ay 11 years old na si Arilyn.
Napakahirap maging panganay sa totoo lang, hindi niya naman masisisi ang magulang dahil hindi rin ginusto ng mga ito na magkasakit. Ang ina niya ay wala namang sakit pero medyo mahina ito kaya ayaw niya na pagtrabahuin pa, isa pa't wala ring mag-aalaga sa mga kapatid niya kung magta-trabaho pa ito.
Lahat ay iniinda niya kahit mahirap. Positibo lang siya sa mga bagay bagay dahil alam niyang malalagpasan nila ang ganito kahirap na buhay.
Dumeretso siya sa grocery store para mamili ng mga pagkain, para kahit papaano ay may stock sila ng mga canned foods. Isang libo lang ang ginastos niya dahil iyon lang ang nasa budget niya, marami pa siyang bayarin katulad na lang ng renta, tubig, kuryente at mga kailangan ng mga kapatid niya dahil mga nag-aaral ito. Tipid talaga sila kung tipid. Naaawa man siya sa mga kapatid niya pero wala na talaga siyang magagawa.
Umuwi na siya para surpresahin ang mga kapatid niya sa mga pagkain na dala, bumili rin kasi siya ng kaunting tsokolate na mumurahin lang. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ang ngiti niya ay napawi dahil naabutan niyang umiiyak si Jane, Jennilyn at Arilyn. Naibagsak niya ang hawak hawak at nilapitan ang mga ito. Niyakap niya si Arilyn para patahanin ito habang ang mata niya ay nakatuon kay Jane.
"Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak at bakit may basag na baso rito?" pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na dumadagundong na ang puso niya sa kaba. Pakiramdam niya namumutla na siya dahil sa kaba kahit hindi niya pa alam ang nangyari.
"S-si papa po, ate... Si papa po umubo ng dugo tapos bigla na lang siyang bumagsak dahil hindi makahinga. Nagpatulong po si mama at ate Aimee para dalhin sa ospital si papa," paliwanag ni Jane habang umiiyak. Nanginig ang kamay niya habang hinahawakan ang tatlong kapatid.
"Tumahan na kayo, okay? nasa ospital na 'yon at panigurado gagaling din si papa. 'Wag na kayong umiyak at mag-pray na lang kayo." Niyakap niya ang mga ito at pagkatapos ay humiwalay rin para kunin ang cellphone niya sa bag. Nanginginig ang kamay niya habang tinatawagan ang kaniyang mama para malaman kung nasaan ang mga ito.
"Hello ma? nasaan kayo? papuntan ako," ani niya nang sumagot ito.
"A-anak... a-anak ang papa mo," humagulgol ito kaya nakagat niya ang labi para pigilan din ang sarili humagulgol.
"Magiging okay lang po si papa, ma. Sabihin niyo po sa akin kung nasaan kayong ospital para puntahan ko kayo."
"Nandito kami malapit sa munisipyo na hospital, anak."
"Sige po ma, pupuntahan ko na po kayo riyan." Pinatay niya ang tawag at muling nilapitan ang tatlong kapatid.
"Jane, marunong ka na magluto 'di ba? ipaghain mo ang dalawa mong kapatid, pupunta lang ako sa ospital. Ibibilin ko na rin kayo kay Maceh para kung may kailangan kayo ipaalam niyo sa kaniya, okay?" Sabay sabay tumango ang tatlo kaya muli niyang niyakap.
Pagkalabas niya ay saktong nasa tindahan si Maceh, ang kaibigan niya sa street na ito.
"Aj! nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo, okay na ba siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya nang makalapit siya.
"P-papunta pa lang ako sa ospital, hindi ko pa alam Maceh," kinakabahang sambit niya. "Pwede bang pakitingnan naman ang tatlo? babalik din kami pag-okay na," pakiusap niya rito. Ala-sais na kasi ng gabi at kahit marunong ang tatlo maiwan sa bahay ay lagi niya itong pinapatingnan kay Maceh.
"Walang problema! Magkatabi lang naman tayo ng bahay, sige na at mag-iingat ka!"
"Maraming salamat, Maceh." Tumalikod siya agad dito at patakbong pumunta sa pila ng tricycle. Sumakay siya kahit special na ang bayad basta makaalis lang agad at makapunta roon sa ospital.
Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mata niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga kapatid niya, ayaw niyang nakikita ng mga ito na mahina siya. Kailangan niyang magpakatatag lalo na ngayon.
Nakarating siya sa ospital at kita niyang umiiyak pa rin ang kaniyang ina. Nakatayo ang mga ito sa labas ng emergency room. Nang makita siya ng kaniyang kapatid ay sinalubong siya ng yakap nito.
"Ate, s-si papa..." Hinaplos niya ang likod nito para pakalmahin bago puntahan ang kaniyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinaplos ang buhok.
"Tama na ma, alam kong nag-aalala ka ng sobra pero baka naman ikaw ang mapano dahil sa kakaiyak mo. Baka mas lalo na akong bumigay pag pati ikaw magkasakit pa," ani niya sa malungkot na boses. Hindi niya na kakayanin na pati ang ina niya ay magkasakit din.
Ngayon ay naglalakas lakasan lang siya dahil hindi siya pwedeng maging mahina. Siya ang inaasahan ng lahat kaya hindi siya pwedeng bumigay.
"Sino po ang guardian ni Mr. Roilan Balansag?" napalingon siya at agad silang napalapit sa lumabas na doctor.
"Ako po ang asawa," sambit ng kaniyang ina. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito habang nakaharap sa doctor.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mrs. Ang iyong mister ay may stage 2 lung cancer at may kalakihan ang tumor niya sa lungs. Kailangan niya dumaan sa proseso para gumaling. Kailangan niya magpa-chemoteraphy bago siya ma-operahan."
She bit her lips and tried to stopped her tears. Her mother hugged her and cried again. Maski siya nanlulumo sa mga balita. She can't lose her father, hindi niya kakayanin at mas lalong hindi kakayanin ng ina at mga kapatid niya.
"G-gagawin po namin iyon doc," baling niya sa doctor.
"Pero hija, kailangan mo ilipat sa mas malaking ospital ang iyong ama. Kulang kami sa gamit dito at walang surgical oncologist na mag-oopera sa ama mo. Kung gusto niyo ay tutulungan ko kayo ilipat siya sa manila pero malaki ang gagastusin niyo. May kilala kasi ako roon na pwedeng umasikaso sa ama mo," paliwanag ng doctor.
"Mga magkano po kaya doc?" lakas loob na tanong niya.
"He will undergo chemoteraphy and radiation. Atleast prepared 1 million pesos." Nahigit niya ang hininga niya. Saan siya ngayon hahagilap ng malaking pera ng isang bagsakan? Hindi niya nga kaya iyon kahit isang taon pa niya pagtrabahuan.
"O-okay po doc."
"Kailangan niya na mag-start ng chemo within 5-6 weeks dahil hindi basta basta ang lagay niya. Ililipat na siya sa isang kwarto, pwede niyo siya mapuntahan doon." Natulala na lang siya at tanging tango na lang ang kaniyang tugon ng magpaalam ang doctor.
Tila ba nanigas ang buong katawan niya at parang lutang ang pag-iisip niya. Na-blanko siya at hindi alam ang dapat gawin.
Isang milyon? Paano niya kikitain iyon?
"Umuwi muna kayo ni mama, ako na ang bahala rito," utos niya kay Aimee.
"Ma, magpahinga ka at bukas ka na lang pumunta rito. Ako na ang magbabantay kay papa—"
"Hindi, ako ang magbabantay sa kaniya. Umuwi ka na dahil alam kong pagod ka pa." Tututol sana siya rito nang magsalita ang kapatid niya.
"Sasamahan ko si mama ate, 'wag ka mag-alala okay lang kami rito. May trabaho ka pa bukas ng gabi, wala naman din akong pasok bukas kaya okay lang na nandito ako."
Wala na siyang nagawa kun'di sundin ang mga ito. May duty pa siya sa bar after live selling niya ng hapon bukas.
Hanggang sa makauwi ay tulala siya, hindi na nga siya nakakain ng maayos dahil wala talaga siyang gana. Pinaliwanag niya sa mga kapatid ang sitwasyon ng kanilang ama pero sinigurado niya na gagaling ito at nangako siya sa mga ito.
Ako ang gagawa ng paraan... Gagaling ang papa ko at kahit ano ay gagawin ko para lang maipagamot siya.
Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog dahil sa kakaisip ng problema. Inasikaso niya ang mga kapatid niya bago niya gawin sa kwarto ang pagla-live selling niya. May kaliitan lang ang sarili niyang kwarto at doon siya nagla-live selling.
Dati katabi niya ang dalawang kapatid pero nagpaubaya ang mga ito na matutulog na lang sila sa sala para may sarili siyang pwesto at makapag-live selling ng maayos.
Napaka-intindihin talaga ng mga kapatid niya at proud na proud siya sa mga ito. Kahit anong hirap ay pinipilit din nilang maging positibo. Pamilya niya ang motivation niya para kumayod pa ng husto.
Kahit papaano ay may benta ulit siya ngayong hapon kahit kaunti lang. Binalot niya na agad iyong mga benta para maipadala bukas sa mga buyers.
Pagkatapos niya ay nagpahinga lang siya ng ilang minuto at kumilos na agad para magluto ng pagkain. Pagkalabas niya ng kwarto ay napangiti siya nang makita si Arilyn na nagsaing na, si Jane at Jennilyn naman ay naghahanda ng gulay.
"Ate magluluto lang kami ng gisadong gulay na may kauntin hinimay na isda," ani ni Jane.
"Ako na dapat ang magluluto eh," sambit niya sa mga ito at nilapitan.
"Sabado naman ngayon ate, wala kaming pasok tiyaka tinapos na namin ang assignments namin kanina!" pagmamalaki na sambit ni Jennilyn.
"Ang babait talaga ng magaganda kong kapatid!" tuwang-tuwa na saad niya.
"Siyempre ate! Kami pa ba?" bulalas ni Arilyn.
"Sige na ate, magpahinga ka muna o matulog dahil may pasok ka pa mamayang gabi."
Tumango siya sa mga ito at hinayaan na ang mga ginagawa. Kahit kasi mga bata pa ito ay natuto na ito magluto, lalo na si Jane na gustong maging chef paglaki. Magaling ito magluto kaysa sa kaniya kaya ito talaga ang nagpe-prisinta na magluto kahit ang mga ingridients lang nila ay limitado.
Bumalik siya ng kwarto at humiga sa kama. Nakaligo na rin naman siya kaya sakto lang ang gising niya ng 7pm para kumain at magbihis ng uniform. 8pm kasi ang duty niya sa bar mamaya hanggang 1 ng madaling araw.
Puyat puyat man pero okay lang basta may sasahurin.
Mabilis siyang dinalaw ng antok at nagising sa alarm niya. Bumango na rin siya agad at kumain tsaka muling naghilamos at nag-ayos ng mukha. Kahit papaano ay marunong siya mag-make up kaya mukha na siyang disente tingnan.
Saktong alas-otso umalis na siya para kung sakaling traffic man ay hindi siya mamroblema.
Hindi na siya nagulat na traffic ngayon, sabado kasi at maraming tao na nasa labas.
Pagkarating niya ay marami-rami na agad ang customer nila. Sa likod siya dumaan para deretso tagos sa room kung nasaan ang mga locker at pwesto ng mga waitress.
Binati niya ang manager pagkapasok pati na rin ang isang ka-work niya. Nagpalit na siya ng damit sa cr. Fitted polo shirt at pencil skirt ang uniform nila rito. Hindi man komportable pero okay na rin, wala naman siyang magagawa.
Nag-serve agad siya ng mga alak at tinulungan ang kasama niya. Hindi man sobrang laki ng bar na ito pero okay naman ang disenyo at malinis naman lagi. May maliit din na bar counter kung gusto ng mga customer magpa-timpla ng mga alak.
Nanlaki ang mata niya nang masagi siya ng isang malaking lalaki, akala niya matutumba na siya nang may humawak sa braso niya. Agad niya iyon tiningnan, isang lalaking formal ang suot at mukhang mayaman.
"T-thank you," ani niya rito at tumayo ng maayos. Tumango lang ito at 'di na nagsalita. Sinundan niya ito ng tingin at pumunta sa bar counter.
Binalingan niya naman ng tingin ang suot niya at pasimpleng binaba ang skirt na medyo tumaas.
"Miss! Isang bucket pa ng beer!" tawag sa kaniya ng isang customer. Kumilos siya at kumuha ng bucket ng beer at pinuntahan ang mga ito. Kinuha niya rin ang bayad at inabot sa kahera nila.
Habang wala pang umo-order ay naglinis siya ng mga table na may mga kalat. Ang iba kasing customer ay umalis na. Mabilis lang ang oras at alas dose na ng umaga.
Dumaan siya banda roon sa bar counter at nakita niya pa rin na umiinom ang lalaking tumulong sa kaniya. Ngayon pa lang niya nakita ito dahil ito lang ang pumunta rito na naka-formal attire.
Her body froze when she felt a hand in her butt. Napaatras siya at napatingin sa lalaking lasing.
"Hi miss? pwede ba kitang i-table?" nakangising ani nito habang pasuray suray na ang kilos. Nagsitawanan ang mga kasama nitong lasing na rin.
"S-sorry po pero hindi po," tanggi niya rito at hinatak ang kamay niya pabalik.
"Ito naman miss—"
"If you don't want to go to jail, stop what you're doing." Napalingon siya sa lalaking nagsalita sa likod niya. Iyon ang lalaking nakasalo sa kaniya kanina.
Umatras naman ang lalaking nambastos sa kaniya at parang natakot sa lalaking nasa likod niya. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na nanlaban ang lasing.
Nilingon niya ang lalaki at nagpasalamat dito.
"Maraming salamat talaga." Umupo ito ulit sa kinauupuan.
"Is it hard?" natigilan siya sa tanong nito.
"Huh?"
"Working here. Maraming nambabastos dahil sa mga walang hiya na lalaki. They are sexualizing some of the waitress because of your clothes. Don't get me wrong, wala naman sa damit niyo 'yon, talagang bastos lang ang ibang mga customer pag mga lasing," paliwanag nito.
Napatango naman siya at lumapit dito.
"Mahirap. Lahat naman ng trabaho mahirap," ani niya at tumawa pa. "Pero kailangan ko kayanin kasi kailangan ko ng pera," dugtong niya pa.
"Ako, sinasanay ko na lang ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Marami akong problema lalo na ngayon na hospital pa ang papa ko. Wala akong pangpa-opera! magiging-choosy pa ba ako sa trabaho ko? highschool graduate lang ako kaya wala akong choice!" pagku-kuwento niya. Mukha naman itong mabait at panigurado hindi ito taga rito kaya okay lang na maglabas siya ng problema sa isang estranghero.
"I can offer you a better job," saad nito habang nagbabayad sa cashier. Napasunod siya rito dahil sa sinabi.
"Anong trabaho, sir?"
"Be my client's wife," natigilan siya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa matawa siya.
"Sir! ikaw pabiro ka talaga! Anong klaseng trabaho 'yon—"
"I'm not kidding. I am finding a woman to be my client's wife for 2 years. For me you're suitable for that, you're pretty and i think your personality too."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya dahil mukhang seryoso talaga ang lalaking kaharap niya.
"Are you in or not?"
Umiling siya rito dahil hindi nagpo-proseso sa utak niya ang offer nito.
Naghahanap ito ng babaeng mapapangasawa ng client nito? parang pakiramdam niya ay ibebenta niya ang sarili niya pag pumayag siya.
"No, sir. Pasensiya na po pero hindi ko gusto ang offer mo, salamat na lang po."
Maganda ang gising niya dahil may nag message sa kaniya sa social media at balak nitong pakyawin ang mga cosmetics na tinitinda niya. Hindi siya nag live ngayon dahil kahapon ay pinadala niya ang mga products na in-order sa kaniya noong isang araw na nag-live selling siya. Mamayang alas-kwatro ng hapon pi-pick-up in at cash daw ang bayad kaya hindi na siya mahihirapan pa. Nilagay niya sa isang malaking box ang mga cosmetics at sinigurado niyang hindi mapipipi ang mga iyon. Inayos niya ang pagkakasara ng box at nang matapos ay tinabi niya iyon. Nasa 35 thousand pesos din ang total no'n at mga nasa sampung libo naman ang tubo niya. Sobrang laking tulong para sa kaniya. Nagpapasalamat talaga siya sa diyos na kahit anong paghihirap niya at ng pamilya nila ay hindi siya nito pinapabayaan. Pinagluto niya ang mga kapatid niya at dahil malaki-laki ang tubo niya mamaya ay bumili siya ng isang buong manok at nagluto. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya dahil nag fried chicken sila ngayon. S
Nilibot niya ang paningin niya pagkababa niya ng sasakyan. Isang malaking bahay lang naman ang bumungad sa kaniya. Napaka-ayos ng disenyo at napaka-modern ng style. Parang 'yong nag-isip ng ganitong disenyo ay napaka-professional. Naka-park kasi ang sasakyan ni Francis sa loob kaya kitang kita niya ang bahay. "A-ako lang titirar dito?" 'di pa rin makapaniwalang tanong niya. "Yes. Do you want to hire a maid? I can tell him—" "Hindi! 'di ko 'yon kailangan. Kaya ko naman maglinis at kumilos para naman may trabaho pa akong gawin," tanggi niya rito. Sa laki ng sahod niya dapat lang na siya na ang maglinis ng malaking bahay na 'to. Mas madali pa nga 'to kaysa sa mag-serve ng mag-serve sa customer sa gabi at 'yong mga lasing ay babastusin lang siya. Nagawa niya ring makaalis doon ng mabilis dahil kay Francis. Pumasok sila sa pinakaloob ng bahay at mas lalo siyang namangha sa interior design. Pagpasok mo pa lang ay alam mong lalaki na ang nakatira dahil sa ayos. Napakalinis din laha
Tumaas ang isang kilay ni Xion nang tumunog ang cellphone niya. Galing sa bank account ang notification na 'yon at kita niya ang halaga ng pera na sinend niya sa kaniyang contract wife ay naibalik."Why?" Francis chuckled at him. "Sabi ko sa'yo, she's interesting," natatawa pang ani nito."Is it too little? Are you sure that she's not going to back out with this deal?" he asked while signing important documents. Hindi na ito p-pwedeng mag-back out dahil na-proseso na ang lahat, nasa kaniya na ang mga naiwan ng lolo niya."She's not that kind of woman, bro. Believe me! If you saw her? She's very simple. Walang luho, hindi mukhang pera at higit sa lahat ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. She's not a gold digger."Kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito. "Do you like her?" he asked seriously."Hmm... should I make a move to get her?"Nag-isang linya ang kaniyang labi at napatigil sa pagpirma. "After 2 years, not now," he hissed.Muli niyang narinig ang tawa nito kaya napailin
Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya.Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon."Kain," ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala.Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito."Tapos ka na mag-ayos?" tanong niya rito dahil umupo na rin i
"Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef."Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty."Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out."Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya."Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na."Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pin
Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron.Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit.Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama.T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo!Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang
Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya."Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan."Ano 'yon?" tanong niya rito."That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na
Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya. Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya. Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito. "I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito. "Let's eat together later," he added. "May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform. Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya! Hi
Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya. Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas. ‘Xavia Cosmetics’ Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa. “Are you happy?” She smiled when Xion hugged her. “Hey! I’m here mama, papa! Give your princess a hug too!” Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso. Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at
Months passed and today they are celebrating her birthday. Naging okay na rin ang lahat at sa lumipas na araw ay puro magaganda ang nangyayari sa buhay niya. Naipakilala niya na rin sa magulang at mga kapatid si Xion at pinaliwanag niya na ito ang dahilan kung bakit nabayaran nila ang utang at napagamot ang ama sa madaling panahon.Ang sarap sa pakiramdam na wala ka ng tinatago sa pamilya mo. ‘Yong pakiramdam na magiging maayos na rin ang lahat sa wakas.Kumpleto ang pamilya niya at ang pamilya ni Xion, nasa isa silang resort para sa birthday celebration niya. Ayaw niya na sana mag celebrate ng ganito ka bongga dahil kasal na nila ni Xion next month. Ito lahat ang gumastos dahil ayaw siya nito pagastusin kahit anong pilit niya.Para sa kaniya, bongga ang mag-birthday sa isang private resort pero sa pamilya ni Xion at sa asawa ay ito na ang pinakasimple dahil hindi naman daw marami ang inimbita. Hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng bagay nito na masiyadong mataas na para sa kaniya.
Nakatulala lang siya sa isang tabi at hindi magawang umimik. Iniisip niya pa rin ang lahat ng nangyari. Hindi siya makakain ng maayos dahil wala siyang gana. Parang hindi maayos nagpo-proseso ang utak niya at gusto niya na lang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin siya makapaniwalang sa isang iglap ay makikita niyang nag-aagaw buhay si Lloyd.Kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagharang nito kaagad nang mabilis na iputok ni Alora ang baril habang nakatutuok kay Xion. Halos madurog ang puso niya nang makita ang kalagayan nito. Aaminin niya na nakaramdam din siya rito ng galit pero naiintindihan niya ang rason ng pagrerebelde nito.“Baby… Please eat. Kahit kaunti lang,” ani nito sa kaniya nang makapasok sa loob ng kwarto nila. May dala itong porridge at tubig sa tray na bitbit.“I ordered a food that is easy to eat. Alam kong wala kang gana pero kailangan mo kumain kahit papaano,” dugtong pa nito. Nang maibaba nito ang tray sa kama ay nilapitan siya nito tiyaka tumabi at hinawakan ang k
Nag-umpisa na ang business niya at tuwang-tuwa siya dahil marami agad ang bumili sa kaniya. Ang mga suki niya noon at ang mga katrabaho niya sa restaurant dati ay sinuportahan siya. Nag-post din siya sa social media para kumalat pa ang page niya. As a reseller ng mga magagandang cosmetics marami ang bumibili sa kaniya dahil hindi fake ang mga tinda niya.Ilang araw pa lang pero busy na talaga siya. Gusto pa nga siya kunan ng assistant ni Xion pero hindi siya pumayag dahil nag-uumpisa pa lang siya. Hindi siya pumayag na ito ang magpapasahod para lang magkaroon ng assistant sa Negosyo niya. Kaya niya pa naman dahil madali-dali lang ang pagbabalot ng mga orders. May printer na rin sa bahay at hindi siya mahihirapan mag-print ng mga information ng mga customer niya.Gumagamit din kasi siya ng shopping app para hindi na siya mahirapan kung sakaling may mag-order din sa kaniya sa app na 'yon, ang mga nagde-deliver kasi ang pumi-pick up para mai-deliver ang order. Ngayon ay may kumontak sa k
Magkahawak kamay silang naglalakad sa park ni Xion. Naisipan kasi nila na gumala ng gabi at sa park siya nag-aya. Masaya siya ng ganito lang, simpleng date."Do you want some ice cream?" tanong nito sa kaniya at tinuro ang stall ng ice cream. Tumango siya rito kaya tumungo sila sa stall. Bumili ng isang ice cream na nasa malaking cup."Just one spoon," ani nito sa tindera. "Subuan mo ako," baling nito sa kaniya. Nailing na lang siya dahil sa kakulitan nito. Siya ang umabot sa ice cream na brownies fudge flavor. Tinikman niya kaagad at napapikit dahil sa sarap."Let me taste it," sambit nito kaya sumandok siya pero bago niya pa mataas ang kutsara ay nagulat siya ng halikan siya nito ng mariin sa labi. Nanlaki ang mata niya nang kagatin nito ang labi niya para makapasok ang dila nito sa bibig niya."Hmm... sweet," wika nito nang maghiwalay ang labi nila. Siya naman ay natulala ng ilang segundo bago hampasin ito sa dibdib."Baliw ka ba! Nasa park tayo, ang daming tao!" mahinang bulalas n
Hindi niya maitago ang ngiti niya nang makitang nagluto talaga ng almusal ang asawa para sa kaniya. Maaga itong umalis dahil may trabaho pa ito. Marami itong kailangan na asikasuhin at naiintindihan niya iyon. Lalo na noong magkaaway sila ay lagi lang itong nasa bahay nagta-trabaho.Ilanga raw ang lumipas at kahit ayos na sila ay nililigawan pa rin siya nito. Pinaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal at dahil doon ay mas lalo siyang nahuhulog sa asawa. Parang naging extra sweet pa ito sa kaniya ngayon.Late na rin siya nakabangon dahil pinuyat siya nito kagabi, mabuti na lang na hindi sila inabot ng umaga dahil kailangan pa nito matulog dahil sa trabaho. Kung hindi ito aalis panigurado siya hanggang umaga talaga sila, literal na palitaw na ang araw.Alam niya kung gaano kataas ang stamina nito pagdating sa bagay na 'yon. Napapangiti na lang siya at animo'y baliw dahil kinikilig. She feels so delighted.Habang kumakain ay tumunog naman ang cellphone niya at si Xion iyon kaya agad
Ayaw niya sana lumabas pa ng kwarto pero nauuhaw na siya kaya wala siyang magawa kun'di lumabas. Pagkalabas niya ay muntikan na siyang mapatid nang may matamaan ang paa niya. Bumaba ang tingin niya sa sahig at nakita nyang may bouquet doon ng white roses, nasa basket iyon at 'yon ang natamaan ng paa niya.Natigilan siya saglit bago yumuko at kunin ang basket na 'yon. Naalala niya na naman ang sinabi nito kagabi, biglaan iyon at hindi siya makapaniwal. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba siya ng binata o talagang totoo ang mga sinabi nito.Natatakot siya dahil ayaw niyang umasa at mas lalo pang masaktan. She let out a heavy sighed before she walk and goes down. Pagkababa niya ay may naamoy siyang mabangong pagkain. Natanaw niya sa kusina si Xion na naka-apron at busy sa pagluluto ng kung ano. Nilapag niya ang bulaklak sa isang tabi, mamaya niya na ilalagay iyon sa vase sa sala.Napalingon naman ito sa gawi niya marahil ay naramdaman ang presensiya niya."You awake... Good morning,
Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos."Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon."Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot
Lumabas siya ng cubicle at hinugasan ang kamay niya. Nag-cr lang siya saglit dahil medyo hindi na siya makahinga sa mga tanong ng kamag-anak ni Xion.Paanong hindi siya magiging komportable kung hindi niya alam ang isasagot niya sa mga katanungan tungkol sa kanila. Pagkatapos kasi nila kumain ay marami ng lumapit sa kanila katulad na lang ng mga tito at tita ng binata na kinakamusta ang buhay mag-asawa nila. Binibiro pa sila ng lahat na nag-solo sila sa kasal dahil walang nakaalam."Ibang klase ka na pala ngayon." Natigilan siya nang makalabas ng comfort room. Kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakasandal sa pader at mukhang hinantay talaga siya makalabas."Big time ka na pala! Dati lang ay todo kayod ka para magkaroon ng pera kaya pati ako hindi mo na napagtutuunan ng pansin," tawa nito sa kaniya."Ibang klase ka rin, ganiyan pa rin ang ugali mo. Pero atleast nagtatrabaho ka na ngayon, tumigil ka na ba sa panggogoyo mo ng mga babae at binabae?" she scoffed. Mukhang nainis