Lies After Marriage

Lies After Marriage

last updateLast Updated : 2022-06-30
By:  iamangielouCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
50Chapters
3.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Her ultimate mistake was marrying a man who couldn't keep his word-a man who would make her grieve as well as be terrible. At the end of the day, her desire of becoming a wife and mother will transform her into someone filled with anger and vengeance. ******** Helena Beatrice Manlupa married a man she believes is capable of providing her with a complete and happy family. Despite the accident she has gone through, she still trust her husband. Rowan Anderson Hidalgo broke his vow to his wife. His sexual condition is wrecking chaos in their marriage. He couldn't get away from his lust. He didn't realize that every time he had sex with another woman, he was turned into an immoral and irresponsible man. What if Helena discovers the truth, is she capable of forgiving herself?

View More

Chapter 1

Chapter 01: The Proposal

"Helena Beatrice Manlupa Will you marry me?" tanong nang aking nobyo.

'Di ko inaasahan ang araw na ito. Wala sa plano namin na magpakasal ngayon na kakatapos palang namin sa kolehiyo.

"Yes! Magpapakasal ako sa'yo Rowan Anderson Hidalgo!" Naluluha kong sagot.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa oras na 'to. Sobra ang kagalakan na nararamdaman ko. Napapanood ko lamang ito noon sa mga pelikula pero ngayon sa akin na nangyayari.

Ganito pala ang feeling na mag po-propose na ang lalaking pinakamamahal mo. Iyong lalaking pinapangarap ko lang noon magiging asawa ko na ngayon

Pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at sobrang swerte ko na sa kanya sa paraan na iyon. Marami ang nagsasabi na pinaglalaruan niya lang ako. Kumbaga ginawang katuwaan. Malabo raw na magkagusto siya sa tulad kong dukha at pangit.

Kaya minsan napapaisip ako kung bakit ako? Bakit ako na wala naman ipagmamalaki?

Hindi ako maganda.

Hindi ako sexy.

At mas lalong hindi ako mayaman.

Kaya bakit ako?

Pero bakit nga ba ako magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao? Eh, alam ko naman sa sarili ko na mahal din ako ni Rowan.

Tatlong taon na kaming magkarelasyon. Siguro sapat na ang panahon na 'yon para pumayag ako na magpakasal sa kanya.

"Yes! Akala ko hindi ka papayag sakin na magpakasal." Aniya, sinuot niya ang singsing sa daliri ko. Mukhang mamahalin pa base sa desensyo nito. Tiningnan ko ang maliit na dyamante talagang nakakamangha ang ganda.

"Hindi na ako makapaghintay na tawagin kang misis ko." Kininditan niya ako nang sabihin niya iyon.

"Sus, bolero!" Pinitik ko ang noo niya, "Nakukuha mo pang mambola, ha. Baka naman sa susunod na araw magbago ang isip mo. Naku, Mr. Hidalgo malilintikan ka talaga sa akin."

"Hanggang ngayon ba naman pinapansin mo pa rin ang sinasabi ng ibang tao?" Ginulo niya ang buhok ko. "Nandito ako oh. Relasyon natin 'to. Wala silang pakialam sa ating dalawa. Naiintindihn mo ba 'iyon, Mrs. Hidalgo?" Hinila niya ako palapit sa kanya.

Normal na pagkaguluhan si Rowan dahil sa gwapo nitong mukha at magandang katawan. Kaya natatakot ako na baka iwan niya ako sa era at ipagpalit sa ibang mas sexy at magandang babae.

"Wow! Congratulations Ms. Manlupa at Mr. Hidalgo. Hindi namin inaasahan na ngayon ka mag po-propose sa iyong girlfriend. Halos lahat ng taong dumalo sa inyong graduation halatang nagulat at hindi makapaniwala sa iyong surpresa. Pero syempre hindi rin maiiwasan ang mga bulung-bulungan na kanina ko pa naririnig." Mahaba niyang turan habang tumatawa ng nakakainsulto.

"Thank you po, dean. Matagal ko ng plano na mag propose sa kanya at ngayong araw ang naisip ko." Sagot ni Rowan.

"Sigurado na ba talaga kayong dalawa sa desisyon niyong 'yan? Kakagraduate niyo palang at pag-aasawa na agad ang nasa isip niyo. Mali ata na ngayon mo 'yan ginawa Rowan. Wala ka pang trabaho. Paano mo siya bubuhayin lalo na kapag nagkaroon kayo ng anak. Anong ipapakain mo sa kanila? Anong itutustos mo? Iyong pinaghirapan ng ama mo, ganoon ba?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung masaya siya o pinipigilan si Rowan na pakasalan ako.

"Ano po ba ang gusto mong palabasin ninong? Na mali ang naging desisyon ko?"

"Hindi ko sinasabi na mali ang naging desisyon mo na pakasalan siya. Ang akin lang sa-"

"Wala po kayong karapatan na panghimasukan ang buhay ko. Kaya kung maaari lang sana huwag na kayong mangialam." Matapang na sagot ni Rowan na kinagulat ko.

Tiningnan ako ni Rowan at inagaw ang microphone ng host. Saka ito umakyat sa stage at nagsalita.

"Nakikita niyo ba siya?" Turo niya sakin.

"Siya ang babaeng papakasalan ko. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Siya lang at wala ng iba pa."

Matapos niyang gawin 'yon inilapag nalang sa kung saan ang hawak niyang microphone. Tumakbo siya palapit sa akin at hinalikan ang noo ko.

Naghiyawan at tilian naman ang ibang manonood na dumalo sa graduation. Ngunit hindi naman nakalusot ang matatalim na mga mata ng mga kababaihan na patay na patay sa boyfriend ko-my future husband.

Habang naglalakad nahagip ng mga mata ko ang nanay ni Rowan.

"Helena,iha, magsabay na lang kayo ni Rowan. Mauuna na kami sa bahay upang makapag ayos pa. Huwag kang mawawala sa dinner okay? Para makapag celebrate na rin tayo ng graduation at proposal sa iyo ng anak ko."

"Opo Mrs. Hidalgo makakaasa po kayo." Nginitian ko siya.

"Iho, pwede bang hiramin ko muna si Helena? Alam mo na babae sa babae para makapag usap naman kami." pagpapaalam niya kay Rowan.

Tumango lang siya bilang sagot dahil abala siya sa pakikipag-usap kay dean.

"Nako, iha. Huwag mo na akong tawagin na ma'am. Tita na lang. Tita Nelia." aniya, saka nakipag beso beso sa akin.

"Pasensiya na po, ti-ta."

Ramdam kong hindi ako gusto ng mama niya. Nagiging anghel lang ito kapag kasama ko si Rowan. Kaya mas gusto ko pa si tito Luciano kaysa sa kanya. Si tito totoo. Hindi ako tinuring na iba.

"Napakaswerte mo. Para kang nanalo sa lotto na hindi ka naman tumataya. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nagustuhan ng anak ko. 'Di hamak na mas bagay sila ni Victoria."

Si Victoria Gray ang nalilink sa aking nobyo. May something sa kanilang dalawa noon. Nililigawan palang siya ni Rowan nang mahuli niya itong may kasiping na ibang lalaki dahil sa kahihiyan na ginawa niya tumira siya sa ibang bansa at 'di na muling bumalik pa.

Base sa kwento ni Rowan magandang babae si Victoria. Balingkinitan ang katawan. Mayaman. May pangalan sa industriya. Kaya mas gusto pa siya ni tita Nelia para sa anak niya.

"Hindi ko po alam kung anong nagustuhan sakin ng anak niyo. Siguro mas mabuting siya na lang ang tanungin mo." Lahad ko saka pilit na ngumiti. "Para po sa kaalaman mo tita hindi po ako tumataya sa lotto. Pero hayaan niyo tataya ako para sa inyo tapos kapag nanalo ako babalatuhan ko kayo."

"Alam mo kahit anong gawin mo hindi kita matatanggap para sa anak ko. Alam mo bakit? Dahil isa kang dukha. Kaya bagay sa'yo ang apilyido mo. MANLUPA. Nararapat ka sa lupa at hindi sa buhay marangya."

"Oho, mahirap lang po ako pero hindi ako mapagmataas na tao." Saad ko. "Kung inggit ka sa apelyido ko magpapalit ka na rin. Imbes na Mrs. Hidalgo bakit hindi mo gawin na Mrs. Impyerno. Because you deserve to be there!" Giit ko.

Kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga at ang nanlilisik nitong mga mata. Bagay lang naman sa kanya iyon. Kung gusto niya ng bastusan hinding hindi ko siya uurungan.

Ilang sandali pa nakataas na ang kaliwa niyang kamay. Agad ko naman iyon hinawakan.

"Sige, sampalin mo ako! Nakakalimutan mo ba na napapaligiran tayo ng mga tao? Paano nalang kung makita ka ng anak mo na sinasaktan ako?"

"Wala akong pakialam! Wala kang kwenta! Kahit kailan hindi kita tatanggapin para sa anak ko!" Nagulat ako nang sampalin niya ako gamit ang kanan niyang kamay.

Hindi ko napansin ang isang kamay nito dahil naka focus ako sa kanya at hawak ko ang isa niyang kamay.

Tumahimik ako nang maramdaman ko ang mabigat na palad niya sa pisngi ko.

"Ano? Bakit hindi ka magsalita ngayon? Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kabastos sa ina ng magiging asawa mo. Ngayon palang ang pangit na ng pinapakita mo paano pa kaya kung magkasama na kayo sa iisang bubong!"

Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang akong tahimik habang nakatingin sa mga taong kanina pa nanonood sa amin.

Nagsisimula na sila mag bulong-bulungan tungkol sakin. Ganyan naman talaga ang ibang tao hanggat may pagu-usapan active na active ang mga 'yan. Hindi magkamayaw sa pagkakalat ng chismis pero sarili nila hindi nila magawang ipagkalat.

"Ambisyosa! Ganyan na ba talaga kadesperada ang mga mahihirap pati anak ko nagawa mong guyamahin. Eh, kanino ka ba magmamana? Edi sa walang kwenta mong ina!"

Ayos lang sakin na maliitin ako ng ibang tao. Wala akong pakialam kung siraan nila ako pero hindi ako makakapayag na pati ang nanay ko ay madamay sa gulong pinasok ko.

Matagal ng wala ang aking ina. Walang nakakaalam kung nasaan siya maski ako hindi ko pa siya nakikita. Tanging ang lolo't lola ko lamang ang kasama ko sa buhay. Sila na ang kinalakihan ko at kinikilalang magulang.

Nakakapagtaka lang bakit parang kilala niya ang ina ko.

"Kung sa tingin mo hahayaan kitang makasal sa anak ko, pwes, nagkakamali ka. Hindi mangyayari iyon. Hindi ako makakapayag na maging miyembro ka ng pamilya ko!"

"Ma,tumigil kana! Tigilan mo na si Helena! Huwag ka ng mangialam sa relasyon namin!"

Agad akong hinila ni Rowan paalis sa kanya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya at hindi ako makapag timpi. Wala akong pakialam kahit nanay pa siya ng lalaking mahal ko.

"Anak, makinig ka sa akin. Hindi mo deserve ang babaeng 'yan. May mga babae pa riyan na mas bagay sayo. Si Vic-"

"Ma! Tama na okay? Tama na. Kahit anong sabihin mo si Helena lang ang mamahalin ko. Huwag mong hintayin na piliin ko siya kaysa sa'yo."

"Ano bang nakita mo sa babaeng yan pati ang sarili mong magulang nagawa mong bastusin?"

"Nakita ko iyong hindi nakita ni papa sa'yo. Alam mo ba kung ano? Respeto at mabuting pagu-ugali."

"Bastos ka!"

"Wala ng mas babastos pa sa ginagawa mong pagpapahiya sa babaeng pinakamamahal ko. Sinabihan na kita. Subukan mong saktan pa siya ako na ang makakalaban mo. Wala akong pakialam kung ikaw pa ang nanay ko dahil sa totoo lang hindi mo deserve na tawagin na ina."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa sinabi ni Rowan. Wala naman siyang kinekwento tungkol sa kanyang ina. Hindi malapit si Rowan at ng nanay niya. Mas binibigyan pa ni Nelia ng pansin ang pera, materyal na bagay at iba pang luho niya.

Pansin kong naglalakad na sa gawi namin si Tito Luciano. Wala akong ideya kung saan nagpunta si tito basta nagpaalam lang siya kanina na may pupuntahan.

"Iha,umuwi na kayo sa mansyon. Ako na ang bahalang magpakalma kay Nelia."

Tumango ako saka mabilis akong hinila ni Rowan palayo sa kanila.

"Nakakahiya ka Nelia! Sana hindi ka nalang pumunta rito. Wala talaga akong maaasahan sa yo!" narinig kong sinabi ni tito Luciano sa kanyang asawa.

Lakad takbo ang ginawa niya upang makasabay sa amin sa paglalakad. Habang naiwan naman ang bruhang Nelia na 'yon na nagsisigaw at pinagtatawanan ng ibang mga estudyante at magulang.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa sayo ng asawa ko." Paghingi niya ng dispensa.

"Ayos lang po* tito. May mali rin naman ako dahil binastos ko siya at hindi ko siya nirerespeto."

"Wala kang ginawang mali. Nararapat lang sa kanya iyon!" sabat ni Rowan.

"Rowan, hayaan mo na. Ina mo pa rin siya. Ako na lang ang kakausap sa kanya at mauna na kayo sa mansyon. Gamitin niyo itong sasakyan ko at doon naman ako sa kabilang sasakyan."

"Paano po si tita?" Tanong ko.

"Hayaan mo siyang mag commute pauwi." sabi ni tito na kinatawa ko.

Nang makasakay kami sa sasakyan pinakalma ko muna ang sarili ko. Ayaw kong mapahiya sa harap ng mga bisita na pupunta dahil sa iringan namin ni Nelia.

Pagkawala ni tito luciano gamit ang sasakyan niya nagpasya na kaming umuwi. Ang plano sana namin kanina pagkatapos ng seremonya agad kaming magtutungo sa five star hotel upang mag celebrate. Kaya lang 'ang eskandalosa na ina ni Rowan gumawa pa ng eksena. Hindi tuloy kami nakaalis ng mas maaga.

Three Hours After At Hidalgo's Mansion

Pagkauwi namin sa mansyon ready na ang lahat. Mula sa catering at other designs na nagpapaganda pa sa malawak na hardin.

May iilan na kaibigan at kamag anak ang dumalo sa pagdiriwang. Ngunit kagaya nga nang inaasahan ko nagsimula na naman magbato ng mga salita si Nelia tungkol sa akin.

"Kailan niyo ba balak magpakasal?" tanong ni Tito Luciano.

Nakaupo na kaming lahat at magkakasama sa mahabang mesa.

"Gusto ko sana na maikasal na agad kaming dalawa." Sagot ni Rowan.

"Hindi ba masyadong maaga naman ata 'yang nasa isip mo anak? Maganda siguro kung pagplanuhan niyo muna. Mag-usap muna kayo. Baka naguguluhan ka lang o nape-pressure dahil nga ilang taon na rin kayo ng magkasintahan ni Helena."

"Pa,matagal ko ng plano na pakasalan si Helena." Sagot ni Rowan at sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa mesa, "At sigurado na ako sa kanya. Sigurado na ako na siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay."

"Sige anak. Hahayaan na kita. Ikaw naman ang masusunod. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang iyong asawa. Pero maiba tayo saan naman kayo tutuloy pagkatapos ng kasal ninyo?"

"Basta ako na ang bahala roon pa. Wala kang dapat ipag-alala dahil planado ko na ang lahat." Mayabang na sagot ni Rowan sabay ngisi.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at nang biglang tumingin sakin ng makahulugan si Nelia.

"Mukhang matagal pa naman ang kasal niyo anak. Pwede ka pa umatras. Tayo-tayo lang naman ang nandito at tayo lang din ang nakakaalam kung sakali na iwanan mo siya." sabat ni Nelia.

"Ma, please tumigil kana."

"Rowan,ikaw ang tumigil. Kayo ang tumigil dahil mali ang ginagawa mo. Mali ang desisyon mo na pakasalan 'yang pobreng babae na iyan. Eh, hindi mo nga alam kung anong totoong pakay niya sayo. Baka kasabwat lang iyan ng mga na balitang magnanakaw o baka nagpapanggap lang siya para manmanan ang mga kilos natin."

"Please ma, ako na ang nakikiusap sayo. Kung magsisimula ka na naman ulit 'wag ngayon. Hintayin mong matapos itong gabi at sa loob ka ng bahay magreklamo."

"Ana-"

"Lubayan mo kami ma, lubayan mo na kami ni Helena. Lubayan mo na siya. Please lang ma, konting respeto nalang ang meron ako sa'yo huwag mo ng sagarin pa."

Sinusubukan kong pigilan ang bibig ko na magsalita. Kahit na gustong gusto ko magbigay ng komento sa sinasabi ni Nelia. 'Di bale nang manahimik ako na parang walang naririnig kaysa patulan ang baliw na babaeng iyon. Nakakahiya sa mga bisita.

Ayaw kong masira ang gabi na 'to dahil lang sa bitter na nanay ni Rowan. Ayaw kong mainis o magalit lalo na ngayong araw. Hanggat maaari pipigilan ko ang bibig ko na magsalita ng kung ano-ano. Bilang pag respeto na rin kay tito Luciano na puro kabutihan ang pinapakita sa akin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-06-29 10:31:17
2
50 Chapters
Chapter 01: The Proposal
"Helena Beatrice Manlupa Will you marry me?" tanong nang aking nobyo. 'Di ko inaasahan ang araw na ito. Wala sa plano namin na magpakasal ngayon na kakatapos palang namin sa kolehiyo."Yes! Magpapakasal ako sa'yo Rowan Anderson Hidalgo!" Naluluha kong sagot.Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa oras na 'to. Sobra ang kagalakan na nararamdaman ko. Napapanood ko lamang ito noon sa mga pelikula pero ngayon sa akin na nangyayari.Ganito pala ang feeling na mag po-propose na ang lalaking pinakamamahal mo. Iyong lalaking pinapangarap ko lang noon magiging asawa ko na ngayonPinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at sobrang swerte ko na sa kanya sa paraan na iyon. Marami ang nagsasabi na pinaglalaruan niya lang ako. Kumbaga ginawang katuwaan. Malabo raw na magkagusto siya sa tulad kong dukha at pangit.Kaya minsan napapaisip ako kung bakit ako? Bakit ako na wala naman ipagmamalaki?Hindi ako maganda.
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 02: The Bride's Fault
After two weeks"Good morning honey!" Masiglang bati sa akin ni Rowan."Anong ginagawa mo rito? Diba sinabi ko na sayo na huwag na muna tayo magkita.""Parang hindi naman ata tama na hindi tayo magkita, Helena.""Jusko naman, Rowan, ikakasal naman na tayo bukas pagkatapos no'n parati na tayong magkasama. Pero sa ngayon umuwi ka na muna." Pagtataboy ko sa kanya."Hindi ako aalis- dito na lang ako, gusto kitang makasama." "Hindi pwede, Rowan. May pamahiin na hindi pwedeng magkita ang groom at bride bago ang kasal. Sige na, umuwi kana baka hindi pa matuloy.""Naniniwala ka pala sa mga pamahiin? Hindi naman iyon totoo. Kung gusto talaga natin matuloy ang kasal gagawa tayo ng paraan. Hindi iyong maniniwala ka sa mga walang kwentang pamahiin." Lumapit siya at niyakap ako."Rowan, stop it! Baka may makakita sa atin dito at kung ano na naman ang isumbong sa nanay mo.""Wala akong pakialam. Huwag mo silang pans
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 03: The Groom Explosion
Pakiramdam ko napakabigat ng buong katawan ko-parang namamanhid kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay at binti ko. Anong nangyari?"Hel-ena!"Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Naliligo siya sa sariling dugo na galing sa kanyang braso na ginawa niyang panangga."Helena!" Nahihirapan na siyang magsalita. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nanlalambot ako. "Helena, bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Nanatili siyang nakangiti. Nakakaawa ang itsura niya. May mga sugat na dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan."Helena, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?""Hindi ko maigalaw ang kamay at binti ko. Rowan, anong gagawin ko? Baka hindi na ako makalakad." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Kumalma ka, Helena, makakalakad ka. Tulungan mo akong alisin 'tong bakal." Pikit mata kong tiningnan ang sinasabi niya ngunit mas nawalan ako ng pag-asa na m
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 04:, Her Threat
Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa hospital napagdesisyunan ko na umuwi na lamang. Maayos na si Rowan. Magaling na siya. Pero ako? Ewan. Hindi ko alam.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagamit ng wheelchair. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pabigat sa kanya. “Honey, may problema kaba?” Tanong niya. Inaayos niya ang mga gamit ko. Bandang alas tres ng hapon uuwi na kami sa mansyon.“Wala naman.” Malamya kong sagot sa kanya. Nakakahiya na. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nag asikaso sa kanya pero dahil sa lintik na binti ko na 'to hindi ko siya magawang pagsilbihan.“Sabihin mo sa akin. Anong problema? Ginugulo ka pa rin ba ni mama?”Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed. Tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.“Naisip ko lang.” Huminto ako saglit at huminga ng malalim. “Paano kung tama ang mama mo? Paano kung hindi talaga tayo para sa isat-
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 05: The Husband Instinct
“What's wrong, hon?” Tanong ni Rowan nang makalabas siya sa banyo. Naka half naked siya habang pinupunasan ang kanyang buhok.Sasabihin ko ba sa kanya?Pero ayaw ko na mag-alala siya. Ayaw ko na mag isip pa siya ng dahil lang sa walang kwenta na threat note."Hon, what's the matter? You look pale. May ginawa na naman ba sa iyo si mama?" I shrugged my shoulder and smile bitterly. "Tell me, hon, what's gotten in your mind?" the way he looks at me, mukhang hindi niya ako titigilan na malaman ang nangyari."Helena, I love you. I always do. Please, tell me, para naman magawan ko ng paraan. I don't want you to suffer because of my mother.""I'm okay, hon. It's just-I'm tired.""No, you looks frustrated and scared, hon. Ano ba talagang nangyari?"Huminga muna ako ng malalim bago inabot sa kanya ang letter."Shit! Who could be it?" Nilamukos niya ang papel. Galit siya. Umalis siya sa tabi ko at kinuha ang kany
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 06: Angel in Disguise
"Selena?""Mm. Bakit po ma'am, Helena?""May itatanong sana ako."I have no right to ask her about the threat note pero katulong siya sa bahay. Maaaring may kinalaman siya rito."No'ng mga araw na nasa hospital ako may napansin ka bang kakaiba?"Kumunot ang noo niya. Kasing edad ko lang si Selena at magkasabay kaming lumaki. There's a possibility that she knows the person behind this threat notes. Ayokong magbintang pero iyon ang kutob ko."Ka-kaiba? Ano pong kakaiba?" Naguguluhan niyang tanong. Sinalinan niya ng juice ang baso na nasa tabi ko. Alas syete na ng gabi at inaya ko na si Rowan na kumain dahil nagugutom na ako. "Pumunta ba rito si mama?" Tanong ni Rowan-binaba niya ang kobyertos na hawak niya. Masama ang tingin niya kay Selena."Hindi po sir Rowan. Bakit niyo po naitanong?" "Wala. Nevermind." Sagot ni Rowan-nagpatuloy na siya sa pagkain."May ipag-uutos pa po ba kayo sir
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 7: Secret Affair
R18! Warning!Third Person POV“Ano ba ang kailangan mo?”“Ops. Chill ka lang. Mukhang nanghahamon ka ng away, ah.”“Wala akong oras para makipagbiruan sa iyo. Bakt kaba tumatawag?”“Ay. Bakit? Wala na ba akong karapatan para tawagan ka?”“Wala ka talagang karapatan na tawagan ako.”“Wait. What did you say?”“Bingi ka ba o nagtatanga tangahan ka?”“Sumusobra kana, ha. Hindi na nakakatuwa 'tong mga sinasabi mo.”“Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa iyo? Sa tingin mo nakikipaglokohan ako? Ang kapal ng mukha mong tumawag sa akin.”“Ha? Wait. Hindi mag sink in sa utak ko mga sinasabi mo. Teka. Nagpo-process palang–hindi naman ako na inform na bawal ka pala tawagan.”“Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin? Kung ganoon aalis na ako.”“Wait, Rowan!”“What? Bitiwan mo nga ako!”“Woah. Ang arte ha. Mukha ba akong bacteria at diring diri ka sa akin.”
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 08: Beginning of Lies
“Good morning, my lovely wife. Kumusta ang tulog mo?Are you comportable with our new home?” When I heard my husband's voice, I immediately opened my eyes wide. I gave him a warm glance.“Yes. How about you? Anong oras ka umuwi kagabi?” Sumandal ako sa edge ng kama. Inayos ko ang buhok ko. Mukhang kakatapos lang niya maligo.“Late na rin ako nakauwi, hon. After kasi ng meeting namin tinawagan ako ng tropa. Alam mo na–ang hirap naman tanggihan.“Mm. Kumain kana ba? May pupuntahan kaba ngayon?” Pag-iiba ko sa usapan.“Hindi pa. Sabay na muna tayong kumain bago ako pumasok sa kompanya.”He assisted me into the restroom when he finished getting dressed. I washed my face and cleaned my teeth. Perhaps after I eat, I'll take a shower.“Let's go, hon.” Saad ko nang matapos akong magbihis–nagsuot lang ako ng white shirt at short.Marahan niya akong binuhat pababa patungo sa dining area. “Good morning, sir Rowan." Selena greets him. As I expected she would
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more
Chapter 9: Doubtful Wife
I wanted to scream, but I wasn't able to. I'm only able to cry. I'm not sure if the letter is true or if the person behind this letter is just trying to destroy us. I'm extremely confused.“Helena!” She makes a hand gesture in front of my face. I give her a horrible look. “What's the matter? Kanina kapa tulala, ha, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig.”“Are you interested in my husband?” I addressed her with a blunt question. I'm not in a position to ask her about my husband's infidelity, but I'm curious. I'd like to get to the bottom of things as quickly as possible.“Ano?” She laughed. “Baliw kaba? Hindi ko type ang asawa mo at mas lalong hindi siya pasok sa standard ko.”“Sure ka na hindi siya pasok sa standard mo?” Paninigurado ko.“Helena, alam kong hindi tayo close pero hindi naman ibig sabihin noon pwede ko ng sirain ang buhay mo. Wala akong gusto sa asawa mo, okay?”“I just want to know the truth.
last updateLast Updated : 2022-05-27
Read more
Chapter 10: Ruin their mood
Alam kong may pagkukulang ako ngayon bilang asawa sa kanya pero may rason ako kung bakit hindi ko maibigay ang gusto niya. Paano ako makikipagsiping sa kanya kung ganito ang mga binti ko?Sana lang hindi totoo ang mga inisiip ko. Sana lang hindi niya ako niloloko.“Hon, bakit gising kapa? Diba sinabi ko naman sayo na huwag mo na akong hintayin.” Pasado alas dose na nang umuwi si Rowan. “Hindi pa ako inaantok,eh.” Pagsisinungaling ko. Actually kanina ko pa gustong matulog. How can I sleep comfortably if something is bothering me?“Sure ka? Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Selena. May masakit ba sa'yo?” Hinubad na niya ang suot niyang coat at inilagay nalang sa kung saan. Pagod siyang humiga sa tabi ko.“Just let me know if you need anything, hon; I'm taking a nap.” I sighed.He seemed exhausted. What if I'm wrong? That he's not cheating on me. Like--- he's just a normal husband who works hard to give a better life for his wife. “
last updateLast Updated : 2022-05-28
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status