Home / Romance / Lies After Marriage / Chapter 03: The Groom Explosion

Share

Chapter 03: The Groom Explosion

Author: iamangielou
last update Huling Na-update: 2022-04-27 22:28:23

Pakiramdam ko napakabigat ng buong katawan ko-parang namamanhid kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay at binti ko. Anong nangyari?

"Hel-ena!"

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Naliligo siya sa sariling dugo na galing sa kanyang braso na ginawa niyang panangga.

"Helena!" Nahihirapan na siyang magsalita. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nanlalambot ako.

"Helena, bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Nanatili siyang nakangiti. Nakakaawa ang itsura niya. May mga sugat na dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan.

"Helena, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"

"Hindi ko maigalaw ang kamay at binti ko. Rowan, anong gagawin ko? Baka hindi na ako makalakad." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Kumalma ka, Helena, makakalakad ka. Tulungan mo akong alisin 'tong bakal." Pikit mata kong tiningnan ang sinasabi niya ngunit mas nawalan ako ng pag-asa na makakaalis pa kami ng buhay.

Ito na ang sinasabi nila. Hindi ko dapat hinayaan si Rowan na makita akong suot ang gown.

"Paano kita tutulungan kung hindi ko maigalaw ang mga kamay ko? Nagpapatawa kaba, Rowan? Hindi na tayo makakaalis ng buhay dito."

"Helena, subukan mo, baka ngalay lang iyan o baka namamanhid lang."

"Kasalanan mo 'to, eh, kasalanan mo, Rowan, kung bakit tayo andito."

"Helena, manahimik ka nalang."

"Paano ako mananahimik kung hindi na ako magkakaroon ng normal na buhay?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko, mag-isa niyang inalis ang bakal na nakaharang sa paanan namin. Napasigaw ako nang gawin niya iyon. May bahid na pagkagulat sa kanyang mukha.

"Hele-na."

"Kasalanan mo ito, Rowan, kasalanan mo!"

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang mapansin siyang lumabas sa sasakyan. Umikot siya patungo sa akin. Pwersahan niyang binuksan iyon at binuhat ako.

"Ro-wan.."

"Hihingi ako ng tulong, Helana, hintayin mo ako rito."

"Rowan, huwag mo akong iwan."

Bumalik siya sa sasakyan. May apoy sa likod ng sasakyan na kinagulat ko.

"ROWAN!"Pinilit kong tumayo palapit sa kanya ngunit huli na ang lahat.

Tuluyan nang sumabog ang gamit namin na sasakyan. Napaluhod ako dahil sa panlulumo.

"Rowan!"

"Rowan!"

"Rowan!"

Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan niya.

"Rowan!"

Hindi pa ako handa.

Hindi pa ako handa na mawala siya.

Hindi pa ako handa na maiwan na naman mag-isa.

Kailangan ko pa siya.

Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang niya lalo na kay Nelia- tiyak na papatayin niya ako kapag nalaman niyang wala na ang anak niya.

"Hindi! Hindi! Hindi maari!" Pinilit kong tumayo at dahan dahan na naglakad palayo. Hihingi ako ng tulong.

"Helena, saan ka pupunta?" Napahinto ako dahil sa gulat. Hinarap ko siya. Paikaika na naglalakad habang hawak hawak ang kanyang braso. "I-iwanan mo na ba ako?" Niyakap ko siya.

"Sorry! Sorry! Akala ko wala kana."

"Hindi ako mawawala, Helena. Mabilis kong nakuha ang cellphone kaya hindi ako napasama sa sumabog na sasakyan pero mas napuruhan ata ang braso ko." Tiningnan ko ang braso niya. Tiyak na mahapdi at masakit iyon.

Sampung minuto rin kami naghintay bago dumating ang ambulansiya. Sinamahan ni Nelia si Rowan patungong hospital samantalang nagprisinita si tito Luciano na alalayan ako patungo sa malapit na hospital.

Sa awa ng diyos medyo nagagalaw ko na ang mga kamay at binti ko. Sabi ng doctor kailangan kong magpahinga upang tuluyan na gumaling ang bali. Binigyan ako ng saklay at nilagyan ng bandage ang braso ko.

"Walang hiya ka talaga!"

"Ti-ta."

"Huwag mo akong matawag tawag na tita, Helena. Malas ka talaga!"

"Nasasaktan na po ako."

"Tama lang na masaktan ka. Kulang pa iyan sa sakit na natamo ng anak ko dahil sa kalandian mo."

Masakit pa ang katawan ko. Hindi ako makalaban sa kanya. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko.

"Sinabihan na kita sa oras na may mangyaring masama sa anak ko," Huminga siya ng malalim, "Ikaw ang mananagot."

Hindi pa rin siya tumitigil sa paghila sa buhok ko. Masakit sa anit.

"Nelia!"

"Nelia!"

"Ano ba, Nelia!?"

"Tumigil kana!"

Masama ang tingin ni Nelia sa kanyang asawa nang hilahin niya ito palayo sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Papatayin mo ba siya? Talagang magagawa mong patayin ang asawa ng anak mo!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Luciano? Muntikan ng mamatay ang anak mo dahil sa babaeng iyan."

"Aksidente ang nangyari, Nelia. Kung titingnan mo ang sitwasyon nilang dalawa mas napuruhan si Helena. Ilang buwan pa siya gagamit ng saklay bago siya makalakad muli."

Napayuko ako sa sinabi ni tito. Tama siya. Lubos na napuruhan ang mga binti ko dahil sa bakal. Ilang linggo ko rin titiisin ang magsuot ng bandage sa kaliwa kong braso.

"Tama lang sa kanya iyan. Tama lang. Sana namatay nalang ang babaeng iyan!" Tatalikod na sana si Nelia nang hilahin siya ni tito. Sinampal siya nito.

"Aray! Bakit mo ako sinampal, Luciano?"

"Kulang pa iyan, Nelia. Kulang na kulang pa iyan sa lahat ng masasakit na pinagsasabi mo kay Helena. Kulang na kulang pa ang isang sampal para matauhan ka sa kahibangan mo."

"Talagang kakampihan mo pa ang babaeng 'yan? Sa ating dalawa ako ang mas nakakilala sa anak natin. Mas alam ko kung ano ang mas makakabuti sa kanya. Alam ko kung sinong babae ang babagay sa kanya."

"Shut up, Nelia. Manahimik kana. Lubayan mo na ang anak mo. Lubayan mo na ang asawa niya."

"Hindi, Luciano. Hindi ako titigil hangga't hindi umaalis sa buhay natin ang babaeng iyan." Lahad ni Nelia at tinalikuran na ang kanyang kausap. Sumunod naman sa kanya si tito Luciano. Pinagbuksan siya ng pinto.

Akala ko ayos na. Akala ko umalis na sila. Pero ilang minuto palang ang lumipas nang bumalik si Nelia.

"Gagawin ko ang lahat mawala ka lang sa buhay ng anak ko, Helena. Tandaan mo ang sinabi ko ngayong araw. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nawawala sa paningin ko."

Tinalikuran na niya ako. Napangisi ako sa sinabi niya. Anong karapatan niya para sabihin sa akin iyon?

"Pinagbabantaan mo ba ako, Nelia? Pwes hindi ako natatakot sa'yo. Hinding hindi ako mawawala sa panangin mo kaya masanay kana ngayon palang." Matapang kong sabi sa kanya na kinataas ng kilay niya.

"Magiging impyerno ang buhay mo. Sa oras na tumuntong ka sa mansyon huwag kang umasa na matatanggap kita. Kahit kailan hindi ko magagawang tanggapin ang anak ng babaeng sumira sa buhay ko. Hindi ngayon. Hindi bukas. Hindi na, Helena."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino ang tinutukoy niya? Anong kinalaman ko sa nakaraan niya?

"Kung ano man ang nakaraan mo, huwag mo akong idamay. Kung may galit ka sa isang tao huwag mong ibunton sa akin."

"Malas ka, Helena. Malas ka sa buhay ko. Malas kayong dalawa sa buhay ko. Bakit hindi ka nalang nawala? Bakit hindi ka nalang sumama sa kanya? Bakit nandito kapa? Sana namatay ka nalang." Sunod sunod na turan niya.

Hindi ko siya maintindihan.

Gusto kong intindihin ang sinasabi niya pero hindi ko magawa.

Gusto kong maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin pero hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

Sino ba siya sa palagay niya?

Sino ba siya para diktahan ako?

Sino ba siya para utusan ako na umalis sa buhay ng anak niya?

"Makipag hiwalay kana sa anak ko habang maaga pa, Helena. Pagkalabas mo ng hospital magpakalayo layo kana muna. Ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin mo. Umalis ka lang sa buhay namin."

"Ha!" Pilit akong tumawa, "Kakaiba ka talaga, Nelia. Kakaiba ka." Sa sobrang daming pumapasok sa isip ko hindi ko na masabi lahat sa kanya. Naiinis lang ako sa inaasta niya. Ano siya batas?

"Oo, kakaiba talaga ako. Ibig sabihin lang no'n magkaiba kayo ng anak ko. Hindi kayo pwede. Hindi kayo bagay ng anak ko. Hindi ka nararapat para sa anak ko.

"Talagang pinasok mo pa iyan sa usapan, Nelia, ha? Ang galing mo talaga. Napakagaling mong ina!" Pagdidiin ko.

"Magkano ba ang kailangan mo? Name your price, Helena. Umalis ka lang sa buhay namin."

"Aba, talagang gusto mo pa akong bilhin, Nelia." Pang-aasar ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang tubig na nasa gilid ng mesa na katabi ko.

"Bibilhin kita kung kinakailanga, Helena."

"Hindi mo ako kailangan bilhin, Nelia. Hindi mo ako kayang bilhin. Hindi mo afford ang halaga ko." Nilapag ko na sa mesa ang baso. Inayos ko ang buhok ko.

"Name your price. Kayang kaya kitang bilhin. Baka nakakalimutan mo mayaman ako."

"Baka nakakalimutan mo rin, Nelia. Hindi lahat ng tao mabibili mo. Hindi sa lahat ng sitwasyon pera ang gagawin mong solusyon."

"Sa ganitong sitwasyon alam kong pera lang ang habol mo sa anak ko. Kaya huwag ka ng mahiyang sabihin kung magkano ang gusto mo. Tatlong milyon ba? Limang milyon? Name your price. I can give it to you now."

"You can't afford my worth, Nelia. Tanggapin mo nalang na magiging daughter in law mo na ako. Tanggapin mo nalang na magkakasama na tayo sa isang bubong."

"Well, let's see, Helena. Tingnan natin kung makakayanan mo pang manatili sa tabi ng anak ko. Tingnan natin ang tapang mo."

Matapos niyang sabihin iyon tuluyan na siyang umalis. Isang oras na ang lumipas pero wala ng Nelia ang pumasok sa silid kaya mas nakahinga ako ng maayos.

Kaugnay na kabanata

  • Lies After Marriage    Chapter 04:, Her Threat

    Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa hospital napagdesisyunan ko na umuwi na lamang. Maayos na si Rowan. Magaling na siya. Pero ako? Ewan. Hindi ko alam.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagamit ng wheelchair. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pabigat sa kanya. “Honey, may problema kaba?” Tanong niya. Inaayos niya ang mga gamit ko. Bandang alas tres ng hapon uuwi na kami sa mansyon.“Wala naman.” Malamya kong sagot sa kanya. Nakakahiya na. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nag asikaso sa kanya pero dahil sa lintik na binti ko na 'to hindi ko siya magawang pagsilbihan.“Sabihin mo sa akin. Anong problema? Ginugulo ka pa rin ba ni mama?”Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed. Tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.“Naisip ko lang.” Huminto ako saglit at huminga ng malalim. “Paano kung tama ang mama mo? Paano kung hindi talaga tayo para sa isat-

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Lies After Marriage    Chapter 05: The Husband Instinct

    “What's wrong, hon?” Tanong ni Rowan nang makalabas siya sa banyo. Naka half naked siya habang pinupunasan ang kanyang buhok.Sasabihin ko ba sa kanya?Pero ayaw ko na mag-alala siya. Ayaw ko na mag isip pa siya ng dahil lang sa walang kwenta na threat note."Hon, what's the matter? You look pale. May ginawa na naman ba sa iyo si mama?" I shrugged my shoulder and smile bitterly. "Tell me, hon, what's gotten in your mind?" the way he looks at me, mukhang hindi niya ako titigilan na malaman ang nangyari."Helena, I love you. I always do. Please, tell me, para naman magawan ko ng paraan. I don't want you to suffer because of my mother.""I'm okay, hon. It's just-I'm tired.""No, you looks frustrated and scared, hon. Ano ba talagang nangyari?"Huminga muna ako ng malalim bago inabot sa kanya ang letter."Shit! Who could be it?" Nilamukos niya ang papel. Galit siya. Umalis siya sa tabi ko at kinuha ang kany

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Lies After Marriage    Chapter 06: Angel in Disguise

    "Selena?""Mm. Bakit po ma'am, Helena?""May itatanong sana ako."I have no right to ask her about the threat note pero katulong siya sa bahay. Maaaring may kinalaman siya rito."No'ng mga araw na nasa hospital ako may napansin ka bang kakaiba?"Kumunot ang noo niya. Kasing edad ko lang si Selena at magkasabay kaming lumaki. There's a possibility that she knows the person behind this threat notes. Ayokong magbintang pero iyon ang kutob ko."Ka-kaiba? Ano pong kakaiba?" Naguguluhan niyang tanong. Sinalinan niya ng juice ang baso na nasa tabi ko. Alas syete na ng gabi at inaya ko na si Rowan na kumain dahil nagugutom na ako. "Pumunta ba rito si mama?" Tanong ni Rowan-binaba niya ang kobyertos na hawak niya. Masama ang tingin niya kay Selena."Hindi po sir Rowan. Bakit niyo po naitanong?" "Wala. Nevermind." Sagot ni Rowan-nagpatuloy na siya sa pagkain."May ipag-uutos pa po ba kayo sir

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Lies After Marriage    Chapter 7: Secret Affair

    R18! Warning!Third Person POV“Ano ba ang kailangan mo?”“Ops. Chill ka lang. Mukhang nanghahamon ka ng away, ah.”“Wala akong oras para makipagbiruan sa iyo. Bakt kaba tumatawag?”“Ay. Bakit? Wala na ba akong karapatan para tawagan ka?”“Wala ka talagang karapatan na tawagan ako.”“Wait. What did you say?”“Bingi ka ba o nagtatanga tangahan ka?”“Sumusobra kana, ha. Hindi na nakakatuwa 'tong mga sinasabi mo.”“Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa iyo? Sa tingin mo nakikipaglokohan ako? Ang kapal ng mukha mong tumawag sa akin.”“Ha? Wait. Hindi mag sink in sa utak ko mga sinasabi mo. Teka. Nagpo-process palang–hindi naman ako na inform na bawal ka pala tawagan.”“Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin? Kung ganoon aalis na ako.”“Wait, Rowan!”“What? Bitiwan mo nga ako!”“Woah. Ang arte ha. Mukha ba akong bacteria at diring diri ka sa akin.”

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Lies After Marriage    Chapter 08: Beginning of Lies

    “Good morning, my lovely wife. Kumusta ang tulog mo?Are you comportable with our new home?” When I heard my husband's voice, I immediately opened my eyes wide. I gave him a warm glance.“Yes. How about you? Anong oras ka umuwi kagabi?” Sumandal ako sa edge ng kama. Inayos ko ang buhok ko. Mukhang kakatapos lang niya maligo.“Late na rin ako nakauwi, hon. After kasi ng meeting namin tinawagan ako ng tropa. Alam mo na–ang hirap naman tanggihan.“Mm. Kumain kana ba? May pupuntahan kaba ngayon?” Pag-iiba ko sa usapan.“Hindi pa. Sabay na muna tayong kumain bago ako pumasok sa kompanya.”He assisted me into the restroom when he finished getting dressed. I washed my face and cleaned my teeth. Perhaps after I eat, I'll take a shower.“Let's go, hon.” Saad ko nang matapos akong magbihis–nagsuot lang ako ng white shirt at short.Marahan niya akong binuhat pababa patungo sa dining area. “Good morning, sir Rowan." Selena greets him. As I expected she would

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Lies After Marriage    Chapter 9: Doubtful Wife

    I wanted to scream, but I wasn't able to. I'm only able to cry. I'm not sure if the letter is true or if the person behind this letter is just trying to destroy us. I'm extremely confused.“Helena!” She makes a hand gesture in front of my face. I give her a horrible look. “What's the matter? Kanina kapa tulala, ha, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig.”“Are you interested in my husband?” I addressed her with a blunt question. I'm not in a position to ask her about my husband's infidelity, but I'm curious. I'd like to get to the bottom of things as quickly as possible.“Ano?” She laughed. “Baliw kaba? Hindi ko type ang asawa mo at mas lalong hindi siya pasok sa standard ko.”“Sure ka na hindi siya pasok sa standard mo?” Paninigurado ko.“Helena, alam kong hindi tayo close pero hindi naman ibig sabihin noon pwede ko ng sirain ang buhay mo. Wala akong gusto sa asawa mo, okay?”“I just want to know the truth.

    Huling Na-update : 2022-05-27
  • Lies After Marriage    Chapter 10: Ruin their mood

    Alam kong may pagkukulang ako ngayon bilang asawa sa kanya pero may rason ako kung bakit hindi ko maibigay ang gusto niya. Paano ako makikipagsiping sa kanya kung ganito ang mga binti ko?Sana lang hindi totoo ang mga inisiip ko. Sana lang hindi niya ako niloloko.“Hon, bakit gising kapa? Diba sinabi ko naman sayo na huwag mo na akong hintayin.” Pasado alas dose na nang umuwi si Rowan. “Hindi pa ako inaantok,eh.” Pagsisinungaling ko. Actually kanina ko pa gustong matulog. How can I sleep comfortably if something is bothering me?“Sure ka? Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Selena. May masakit ba sa'yo?” Hinubad na niya ang suot niyang coat at inilagay nalang sa kung saan. Pagod siyang humiga sa tabi ko.“Just let me know if you need anything, hon; I'm taking a nap.” I sighed.He seemed exhausted. What if I'm wrong? That he's not cheating on me. Like--- he's just a normal husband who works hard to give a better life for his wife. “

    Huling Na-update : 2022-05-28
  • Lies After Marriage    Chapter 11: A crazy alibi

    Eight o'clock in the morning nang magising ako. Wala na si Rowan sa tabi ko. I think, wala na rin ang kabit niya. Marahil sabay silang nagising at hinatid niya ang babaeng iyon.“Ma'am, Helena, gising kana pala.” Nagulat ako nang biglang sumulpot si Selena sa dulo ng kama. May hawak siyang walis.“Anong ginagawa mo?” Kunot noo kong tanong sa kanya.“Naglilinis po, ma'am.” Kinagat ko ang ilalim ng labi ko sa sagot niya. “Bakit, Helena, may ipag-uutos kaba?”“Nasaan ang sir mo?”“Nasa baba po ma'am naghahanda ng pagkain. Nakakapanibago nga po, eh.”“Talagang nakakapanibago kung may kasalanan na ginawa.”“May sinasabi ka po ba ma'am?”“Don't call me like that, Selena. Magkasing edad lang naman tayo so you can call me Helena. Anyways, tawagin mo ang sir mo para alalayan akong bumaba.” Umalis na siya at iniwan ang mga gamit pang linis.Dahil malapit lang sa gilid ng kama ang wheelchair tinulungan ko nalang a

    Huling Na-update : 2022-05-28

Pinakabagong kabanata

  • Lies After Marriage    Chapter 50: To Love Again

    Malaking bagay ang tulong na ginagawa sa akin ni Emerson. ‘Di ko rin alam kung paano ko siya nakontak basta nakita ko lang ang landline number ng bahay niya kay Simon. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Kung paano ko makakalimutan lahat ng nangyari. Kung sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko silang lahat. Para akong binabangungot.Hindi ko magawang tanggapin na wala na si Rowan, na wala na si Simon. Ang hirap. Ang hirap hirap na maiwan ng mag-isa. Parehas silang nangako sa akin. Ngunit parehas din nila akong iniwanan. Kasabay ng paglisan nila ang pagkawala ng batang nasa sinapupunan ko–ang anak namin ni Simon. ‘Yun na nga lang ang tanging magpapaalala sa akin sa kanya nawala pa.“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Helena? Bakit nagpatayan sila Rowan at Simon?”Dapat ko bang sabihin na ako ang pinagmulan ng lahat? Na dahil sa'kin nagawa nilang magpatayan. Nagawang pumatay ng dalawang lalaking mahal ko sa buh

  • Lies After Marriage    Chapter 49: Her senses

    Two years later...“How is she?”“She's not okay. She's experiencing depression.”“Is there a cure? Can she make it”“I don't think so. There's no cure in depression. The only way para ma-realize niya na nag e-exist pa siya sa mundong ‘to is to make her feel that she's not alone. That you're with her.”“Paano ko magagawa iyon? Hindi ko siya makausap ng maayos. She's always out of her mind. Para siyang baliw. What if, ipa-rehab ko siya? Maybe, it works.”“Mas lumala lang ang kondisyon niya nu'ng pina-rehab mo siya. Siguro, isama mo nalang siya sa bahay mo.”“No. No way! I won't allow her sa buhay ko. She might bring bad luck to me.”“Pero ikaw nalang ang natatanging pag-asa niya. Baka kapag pinakita mo na may pakialam sa kanya bumalik ang dati niyang sigla.”“No. That will never happen. I won't allow a murderer in my house. Never. I'll leave her sa bahay ampunan o ipa-rehab ko nalang ulit siya.”“Bro, you should understand her situation. Aba, g

  • Lies After Marriage    Chapter 48: He's slowly dying

    Mabilis na kumabog ang puso ko sa gustong mangyari ni Selena. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin at pati na rin kay Simon. Hindi pwedeng maiwan siya rito. Hindi pwedeng hindi kami magkasama. “Ano, Helena? Gusto mong makita si Rowan, diba? Hawak mo na ang susi pero iiwan mo sa'kin si Simon.”Bumalik sa pagkakaupo si Selena na nakadikwatro pa. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang bigla nalang nagbago ang paniniwala ko na may deperensiya siya sa pag-iisip.“Kung ayaw mo, edi akin na ang susi at kalimutan mo na rin si Rowan.” Binalingan ko ng tingin si Simon. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako na baka may gawing hindi maganda si Selena sa kanya.“Buntis ako, Selena, kailangan ko si Simon sa tabi ko. Kailangan ko siya.”“Alam kong buntis ka, Helena, kaya nga maiiwan sa'kin si Simon.”“Hindi pwede ang sinasabi mo, Selena, kailangan ko siya sa tabi ko. Wala namang dahilan para maiwan siya rito kasama ka.”“Baka nakak

  • Lies After Marriage    Chapter 47: He's in Underground

    Wala na akong pakialam kung makita kong buhay o patay si Rowan. Ang gusto kong malaman ay kung saan siya dinala ni Selena. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon. Kaninang umaga pagkagising ko dumiretso agad ako sa kuwarto ni Selena upang tanungin siya sa kinaroroonan ni Rowan. Wala siyang maisagot sa akin. Pilit niyang tinatanggi na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng aking asawa.Ilang beses ko rin na kinumbinsi si Simon na pilitin si Selena upang ibigay ang susi patungo sa underground. Ngunit, sa tuwing pumapasok siya sa kuwarto baril ang sumasalubong sa kanya.Hindi ko alam kung bakit may hawak na baril si Selena. Natitiyak kong kinuha niya ‘yon sa gamit ni Luciano. Inamin sa akin ni Simon na nagmamay-ari ng iba't ibang klaseng baril si Luciano. Nagulantang ako na aminin niyang si Luciano ay kasapi sa isang sindikato. Ngayon ko lang napagtanto na ang kompanya na pinamamahalaan nila ay hindi basta-basta na kompanya. Kundi may

  • Lies After Marriage    Chapter 46: His True Motive

    Biglang naghina ang buong katawan ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Simon. Inalalayan niya akong umakyat sa itaas. Pagkarating namin sa kwarto, napansin niya ang dugo sa binti ko. Hinayaan ko siyang gamutin iyon at palitan ang damit ko. Wala talaga akong lakas na kumilos. Ilang minuto na rin akong tulala. Naririnig ko siyang nagsasalita pero wala akong maintindihan.“Mahal, matulog kana.” Hinihimas niya ang buhok ko. “Matulog kana muna. Kalimutan mo muna ang nangyari ngayong araw.”Malabo ata na makalimutan ko ang nangyari ngayong araw. Malabo na makalimutan ko lahat nang nangyari sa loob ng mansyon na ‘to. Para na akong mababaliw sa dami ng mga nangyayari. Hindi ko ginusto ang buhay na ganito. Hindi ko hiniling na magkaroon ng ganitong kagulo na buhay. Paulit-ulit kong hihilingin na magkaroon ako ng masaya at buo na pamilya. Paulit-ulit ko ring kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan na ang lahat sa lalong madaling panahon.Gusto ko na

  • Lies After Marriage    Chapter 45: She died in my arms

    Papalit palit ang tingin ko kina Celine, Simon at Selena. Natitiyak kong may tinatago silang tatlo sa akin at gusto kong malaman kung ano ang pina-plano nila para sirain ako.“Tumigil kana, Celine! Tigilan mo na ang pagsisinungaling mo lalo na kay Helena. Mahiya ka naman.” Giit ni Selena.Nanatiling nakatayo Si Celine–katabi niya si Selena at nasa tabi ko naman si Simon. “Bakit hindi ikaw ang tumigil, Selena? Bakit hindi mo aminin sa kanya na magkapatid kayong dalawa? For sure walang alam si Helena sa bagay na iyon dahil tinakwil siya ng sarili niyang ina.”Parang hindi nag si-sink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan. Nahihirapan na rin akong huminga.“Wag kang gumawa ng kwento, Celine. Sa ating dalawa alam mong ikaw ang may masamang motibo sa kanya.” Patuloy parin nagbabangayan ang dalawa habang kami ni Simon tahimik lang na nakikinig sa kanila. Katulad ko hindi rin makapagsalita si Simon –hula ko

  • Lies After Marriage    Chapter 44: Between us

    Sa kalagitnaan nang pag-uusap naming dalawa paunti-unti ko siyang naiintindihan. Marahil malaki ang kasalanan na nagawa ng mga magulang ko sa magulang niya kaya ganoon na lamang siya kapursigido na maghiganti.“Pero gusto ko lang sabihin na tunay ang pagmamahal ko sa'yo at handa akong patunayan ang sarili ko ano mang oras.”Higit dalawang oras na siyang nagmamaneho at pansin ko ring iniinda niya 'yung sakit ng kanyang ulo dahil sa pagpalo ko sa kanya. Ini-insist ko na ako nalang ang mag drive pero hindi siya nakikinig sa akin. “Gustuhin ko man na makilala kapa pero hindi na ako sigurado kung totoo ba o kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin.” Malamya kong sagot.Andoon pa rin ‘yung doubt na nararamdaman ko. Kahit na gaano ko pa siya kagusto na makilala, kung may pumipigil sa akin na gawin iyon wala ring kwenta. Bukod sa hindi ko na kilala ang mga taong nasa paligid ko, mas higit na naguguluhan na ako sa aking sarili. Naguguluhan na ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Na para bang

  • Lies After Marriage    Chapter 43: The Confession I've been looking for

    Nanginginig ang kamay ng aking ina sa isang pamilyar na boses. Magkahalo ang kaba at takot na nararamdaman ko gayundin ang matandang babae na tila'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita.Inalalayan kong makatayo si Ina ngunit pawang nanlalambot na ang magkabilang tuhod niya. Mabuti nalang agad ko siyang nahawakan at nailayo sa papalapit na si Simon.“Si-mon, anong ginagawa mo rito?” Pinatili ko ang matapang na tono upang hindi niya mahalata ang takot na nararamdaman ko. Ngayon pang alam ko na ang totoo, alam ko na kung ano ang totoong pagkatao niya. Na nagsisinungaling lang siya sa akin kagaya ng pagkakasabi ni Celine at Selena.“Anong ginagawa ko rito? Ikaw anong ginagawa mo rito sa liblib na lugar na 'to?” Seryoso ang boses niya nang ibalik niya ang tanong sa akin. “Oh. Buhay pa pala ang nanay mo, Helena, bakit hindi mo sinabi sa akin agad para naman pormal ko siyang niligawan.”Pinaatras ako ni Ina at siya ang humarap kay Simon–blangk

  • Lies After Marriage    Chapter 42: The truth among the truth

    Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati baka posible pang magkaroon ako ng masayang buhay. Kung hindi lang pinatay ni Luciano ang aking ama, baka may chance pa kami ni Rowan na mamuhay ng matiwasay.“Bakit ngayon ka lang dumalaw?”Nakangiti ko siyang tinitigan. Inakap ko siya patalikod at inayos ang kanyang buhok.. Ilang taon din kaming nagkawalay. Ilang taon kong tiniis ang pangungulila sa aking ina. “Ginawa ko ang pinag-uutos mo sa akin, ina, patay na sina Luciano at Nelia.”Maaga akong umalis ng mansyon. Inakala kong hindi na ako makakalabas ng buhay dahil sa planong pagpatay sa akin ni Celine. Pero nagkamali ako, inunahan na siya ni Selena. Pinainom niya ng pills ang babaeng iyon kaya ako nakalabas. 'Di ko na rin naabutan na gising si Simon kaya hindi na ako nag abala pa na ipaalam sa kanya ang distinasyon ko. Baka maging mahirap sa akin na lisanin ang lugar na iyon.“Pinatay mo ba sila?” Abala sa pananahi ang aking ina. Ni hindi niya nga

DMCA.com Protection Status