Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

last updateHuling Na-update : 2025-01-03
By:   soluna_scrive  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
13views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

KABANATA 1: Kasal-kasalan

MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
7 Kabanata
KABANATA 1: Kasal-kasalan
MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at
last updateHuling Na-update : 2024-12-24
Magbasa pa
KABANATA 2: Lakas at Kahinaan
DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa
KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil
DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa
KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group
TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa
KABANATA 5: Ang Pagkikita
NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa
KABANATA 6: Ang Pagbisita
PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?”“Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.”Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? Shuta! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “Shut up.
last updateHuling Na-update : 2024-12-25
Magbasa pa
Paghabi ng Pagpapanggap
MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim
last updateHuling Na-update : 2025-01-03
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status