MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.
Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito.
"Are you even listening?"
"H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.
Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito.
"Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito.
Tumango si Ariah.
"Tama."
"What is it then?"
Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan.
"Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah.
Tumikhim lamang si Theodore at nanatili ang tingin sa dalaga.
"I-ibig kong sabihin, syempre kailangan na hindi tayo mabibisto na nagpapanggap lang tayo ano. Dapat masigurong kilala natin ang isa't-isa."
"Exactly."
Inabot ni Theodore ang brown na envelope. Naglalaman ito ng mga dokumento patungkol sa pekeng impormasyon kung paano sila nagkakilala. Matalas mag-isip si Theodore, nahinuha agad nito ang mga posibleng mangyari kung isasapubliko ang kanilang relasyon. Upang makatakas sa mga mapanuring paningin ng ibang mga tao, higit sa kaniyang pamilya, sinugurado niyang may nakalatag na istorya ng kanilang pag-iibigan. Sa ganitong paraan, hindi sila pagdududahan, lalo ng kaniyang lola... at ng makulit na si Jace.
"Ipapalabas natin na parte ka ng foundation na tinutulungan ng aming kompanya, isa kang boluntaryo sa mga naging proyekto namin. Tutal mas sakto ang description na iyon sayo. I saw your background, you volunteered for the victim of typhoons last year, and you also helped tutoring those orphans sa Bahay Aruga sa Obando."
"P-paano mo nalaman?"
"I have my resources, Ariah."
'Sabagay. Nagtaka ka pa talaga, Aya?' bulong nito sa sarili.
"Nakuha mo ang atensyon ko when I saw you helping the elderly. Then that's where we start talking. Syempre noong una, hindi mo pa ako pinapansin dahil nahihiya ka. After all, I'm the CEO of Morgan Group. Gwapo at mayaman, at well, mas nakatatanda sayo nang onti lang naman, syempre nagduda ka sa simula."
Natawa nang bahagya si Ariah, "Ang hangin ah?"
Sinamaan lamang ito ng tingin ni Theodore.
"Eventually, dahil sa pagkakapareha natin na walang tumayong magulang, naging close tayo at niligawan kita for two weeks."
"Teka nga, dalawang linggo lang? Aba, ang easy to get ko naman sa naratibo mo tsong!"
"What do you mean? Mahaba na nga 'yon."
Nakakunot noo si Theodore, nalilito sa sinabi ni Ariah na para bang hindi niya inaasahan ang reaksyon nito.
Halos mapanganga si Ariah sa narinig.
"Seryoso ka ba? Paano ka ba manligaw? Limang araw? Tatlo?"
"Hindi ako nanliligaw."
Tuluyang nalaglag ang panga ni Ariah sa sagot nito.
"Ha? Hindi ka ba nagka-nobya dati?"
"Hmm pero sabagay, sabi mo nga, mayaman ka, CEO, at well, m-may h-hitsura, kaya hindi na ako magtataka kung hindi mo na kailangan no'n...sasagutin ka agad."
Umayos ng upo si Theodore, at matamang hinawakan ang basong nasa mesa bago uminom mula rito. Nasa sala sila ng magarang bahay na kaniyang pagmamay-ari sa Makati. Tumatagos ang liwanag ng araw sa malaking bintanang humahalik mula sa kisama hanggang sa sahig. Manipis ang kurtina nito, at bahagyang sumusunod sa hangin na pumapasok sa loob. Alas tres ng hapon, at sinundo ni Theodore si Ariah pagkatapos ng dinaluhang business meeting upang paghandaan ang nalalapit na pagpapakilala niya sa kaniyang pamilya.
Naalala niya ang binanggit ng kaniyang Lola Cora noong sinabi niyang kasal na siya.
"Hindi ako natutuwang hindi mo sinabi sa aming kasal ka na, Apo..."
"Pero natutuwa akong sa wakas ay may kabiyak ka na sa buhay," nangingilid ang luha ng matanda.
"Dalhin mo siya rito sa pasko, sakto at dobleng selebrasyon ang paghahandaan natin..."
NABALIK sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Theodore.
"I had one ex girlfriend. Hindi ko siya niligawan, naging kami agad when I asked her out."
Tango lamang ang naisagot ni Ariah, 'Modern person pala ang matandang 'to. Feeling Gen Z, hindi nakaka-demure huh? Gusto instant agad...Anyway, ano bang pake ko?'
"I don't believe in courtship..."
"Noong naging kami na, araw-araw ko siyang niligawan."
Natameme naman si Ariah.
"Anyway, let's not talk about it. Going back, basahin mong maigi mga nakalagay na script diyan, saka mga impormasyon tungkol sa atin. I had my secretary search for what's trending sa mga romance movies na napapanood niya or drama. I just did some checking and proof reading. Let me know anong gusto mong manatili, feel free tanggalin mga ayaw mo, kung meron man."
Naging abala si Ariah sa pagbabasa ng mga impormasyon, mga bagay na gusto at ayaw nilang dalawa. Karamihan ay sakto sa kaniyang personalidad, tila ba nilalarawan lang siya. Ganoon din sa detalyeng nakalagay sa ilalim ng profile ni Theodore. Tila nagsilbing bionote ang mga dokumento. Nilipat niya ang susunod na pahina at namangha na may mga larawan ding nakasama rito, tila inspirasyon sa hinabing kwento ng kanilang pagsasama. Narito rin ang timeline ng pagkikita nila, mula noong foundation event, senaryo noong nagsimula silang mag-usap, ano mga pinuntahang pasyalan, mga paborito nilang pagkain, mga sagot sa posibleng itanong ng mga taong malalapit sa kanila.
"Grabe, ang detalyado..."
"I know," proud na sagot ni Theodore.
Noong Sabado niya ito pinatrabaho sa kaniyang sekretarya, na siyang pinagtaka ni Claire. Wala sa personalidad ni Theodore ang manghingi ng mga impormasyon tungkol sa napapanahong love story sa mga palabas o nobelang binabasa ni Claire. Kung saan-saan tuloy napadpad ang utak niya sa posibleng rason bakit ito ang pinapatrabaho ng kaniyang boss, sa halip na kunin ang monthly report ng kanilang kompanya. Subalit hindi na siya nagtanong pa, at ginamit ang pagkakataong ito upang mawili sa panonood at pagsearch ng mga trending k-drama series.
Hindi lingid sa kaalaman ni Theodore na hopeless romantic ang sekretarya, at kaniya itong ginamit upang makakuha ng swak na impormasyong hihiramin bilang parte ng kanilang istorya.
Sa katunayan, general na impormasyon lamang ang binigay ni Claire, gaya ng plot, at mga kadalasang ganap sa pag-iibigan. Ang mga espisipikong detalye ay si Theodore na ang trumabaho. Ayaw lamang niyang ipaalam ito kay Ariah, sa hindi niya ring malamang dahilan.
"May mga katanungan ka ba?" Tanong ni Theodore, dahil ilang minuto ng abala si Ariah sa pagbabasa at pag-check ng mga dokumento. Mukhang nawiwili rin ang dalaga, may pagkakataon pang tila mayroon siyang tinatama o binabago.
"Hmm maayos ang flow ng kwento, detalyado. May mga adjustment lang akong ginawa, ipapabasa ko sayo once matapos ko."
"Good. We're all set for today then."
"Ah wait, nga pala....hindi ka ba maglalagay ng bed scene dito? Para kasing kulang, syempre we're married if ako magsusulat ng kwento syempre may--"
"Anong bed scene?"
"You know, R-18 stuff. Kunyari lang naman pero mas nakakadagdag kasi iyon ng---"
Agad na nag-init ang mga tenga ni Theodore nang maunawaan ang nais ipahiwatig ni Ariah.
"Ariah, stop. People don't need to know if we already did that or not."
"Just in case lang nama---"
Agad na sinubuan ng sliced cake ni Theodore ang bibig ni Ariah nang matigil sa pagsasalita. Hindi niya mawari paano gumagana ang utak ng dalaga at talagang naisip pa ang bagay na ito.
"Insist once again, and we won't need to make false story about it."
MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at
DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah
DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit
TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi
NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S
MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim