MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila.
Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at pormalidad. Nakasuot ito ng tuxedo kaya naman higit na tumingkad ang angking kakisigan nito. Tila umurong ang dila ng dalaga sa nasasaksihan ng mga mata. Noo'y sa telebisyon lamang siya nakakakita ng mga makisig na nilalang gaya ng mga aktor o modelo ng ano mang komersyal, subalit sa tagpong iyon, nasa harapan niya na ito. "May dumi ba sa mukha ko, Aya?" Tanong nito, matamang siyang tinitignan. Maski ang pagbanggit ng kaniyang palayaw na Aya ay tila ba tunog mamahalin, may kung anong nakakahalina sa pagbanggit nito. Tunog na kahit kailan ma'y hindi niya narinig, sanay siyang tunog payak lamang ito. "H-ha? Wala naman, ano lang uh..." "Hmm?" "Kako tara na, kailangan ko ng umuwi at baka hinahanap na ako ng kapatid ko." Tumango si Theodore at sumunod kay Ariah patungo sa sasakyan. Agad namang binuksan ni Ariah ang pinto ng sasakyan sa likod at umupo rito. Bagay na nakapagpahinto kay Theodore. "Bakit?" Tanong ni Ariah habang nakakunot ang noo. Hindi sumagot si Theodore, imbes ay binuksan ang pinto ng passenger seat at tila ba hinihintay na may umupo ro'n. "Ha? Okay na ako rito, ayos lang ano ka ba" Turan nito at mahinang tumawa. Seryoso lamang ang tingin ni Theodore saka nagsalita. "Hindi mo ako driver, Aya. I'm your husband. Dito ka na sumakay." "E-eh..." Bago pa makapagsalita si Ariah ay agad na itong sumunod sa pag-aalalang baka magalit ito. Bago pa lamang silang magkakilala kaya naman hindi pa niya lubusang kilala ito. Dagli niyang naalala ang rason kung bakit sila ikinasal na dalawa kaya naman naisip niyang wala siya sa posisyon na galitin ang taong makasasalba sa kaniyang sitwasyon. Nang makasakay na ang dalawa at nasigurong nakasuot ng seat belt ay pinaandar na ni Theodore ang sasakyan. "Hindi ako galit. Gusto ko lang makasigurong nasa tabi kita." Tumango lamang si Ariah, hindi niya mawari kung madali siyang basahin o sadyang ganoon lamang si Theodore. Nang makarating sa kanto ng kalyeng bababaan ni Ariah ay kinausap muna siya ni Theodore patungkol sa mga benepisyong kaniyang makukuha sa relasyon nilang dalawa. Pinarada niya muna ang sasakyan ng maayos saka hinarap si Ariah. “Parte na ng pinirmahan natin ang benefits na makukuha sa set up na ito. Sana nabasa mo ang lahat ng iyan, kasama na ang mga tuntunin at kundisyon,” usal ni Theodore, para bang business meeting ang dating sa tenga ni Ariah. Kaniyang binalikan sa isipan ang limang pahina ng papel na inilatag sa kaniya ni Theodore ilang araw na ang nakararaan. Nilalaman nito ang lihim na kontratang silang dalawa lamang ang may alam. Inilahad ni Theodore ang itim na atm card kay Ariah. “Kalahating milyon ang laman nito, malaya mong gamitin sa kahit anong gusto mo. Kung kulang man, sabihan mo lang ako. Heto naman ang card ng mansyon, provided na rin diyan ang detalyeng kailangan mo. Kung may mga iba ka pang kailangan, tawagan mo lang ako o si Manang Tisay, siya ang mayordoma ng mansyon, kung patungkol sa business naman ay ako o si Claire ang tawagan mo, sekretarya ko. Nariyan na sa telepono mo naka-save ang contact details.” Halos hindi magkandarapa sa pagtanggap ng mga card si Ariah mula kay Theodore. Tila nabingi siya sa mga detalyeng binitiwan nito tungkol sa pera at ibang ari-arian. Dalawang daan at limampung libo piso lamang ang kailangan para sa pagpapagamot ng kaniyang bunsong kapatid, at ang binanggit na halaga ni Theodore ay labis pa sa kaniyang pangangailangan. Halos mangilid ang kaniyang luha sa galak. Noong nakaraang linggo lamang ay hindi niya mawari ang gagawin, limang libo na lamang ang natitira sa kaniyang ipon at kritikal ang lagay ng kapatid niyang si Axel. Sa edad na labing anim na taong gulang ay napasailalim ito sa pagsusuri ng doktor at napag-alamang mayroong cancer. Sanay na sa hirap si Ariah, subalit hindi niya inaasahan na mas may ihihirap pa ang kaniyang buhay. Bagay na nagresulta upang kumapit siya sa pag-asang hindi malinaw sa kaniya. Bagay na nagdala sa kaniya sa piling ni Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group.DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah
DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit
TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi
NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S
MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim

DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah
MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at