DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya.
“Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah at niyakap ang lalaki, na siyang ikinagulat niya ring gawin. “P-pasensya ka na, masyado lamang natuwa. Sobra-sobra na itong bigay mo, Theodore. Thank you ha?” Ani Ariah, kaniyang ginawaran ng matamis na ngiti ang lalaki. “Wala iyon. Parte lamang ito ng napagsang-ayunan natin. Isa pa, mag-asawa na tayo mula ngayon. Ano mang mayroon ako ay sayo na rin.” Batid ni Theodore ang dahilan bakit sumang-ayon si Ariah sa pagpapakasal. Alam nitong mahirap ang sitwasyon ng dalaga, kalusugan at buhay ng kapatid nito ang nakasaalang-alang, kaya naman nauunawaan niya na kahit pa magtrabaho ito ay hindi sasapat ang kikitain sa dagliang pangangailangan sa salapi. Kung si Ariah ay nangangailangan ng salapi para sa pagpapagamot ng kapatid kaya ito pumayag sa pagpapakasal, si Theodore naman ay nangangailangan ng pakakasalan dahil batid niyang hindi na rin maganda ang kalusugan ng minamahal na lola. Kaya naman nais nitong tuparin ang kaniyang tanging hiling na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Lumaki sa lola si Theodore dahil labing-apat pa lamang siya ng mamatay ang kaniyang ina dahil sa breast cancer, at dahil sa labis na kalungkutan ay nagpakalango sa alak ang ama nito hanggang sa sumunod na buwan ay nabalitaan na lamang na naaksidente ito sa sasakyang minamaneho. Kahit ulila sa mga magulang, naranasan niya ang tagos na pagmamahal ng lola nito at iba pang kamag-anak na siyang tumulong upang mabuhay muli ang kompanya ng pamilya. Kapwa ulila sa mga magulang sina Theodore at Ariah, kaya naman hindi na rin nagdalawang isip si Theodore nang malaman na interesado si Ariah sa kaniyang alok na pagpapakasal. “Una na ako, Theodore. May kukunin lang na mga gamit at didiretso na rin ng ospital,” pagpapaalam ni Ariah. “Hintayin na kita rito. Saglit ka lang namang may kukunin kaya ihahatid na kita sa ospital.” “Ha? Ano ka ba, mauna ka na at baka may meeting ka pa. Isa pa, isang jeep lang ‘yon dito ano.” Tinanggal na ni Ariah ang seatbelt at akmang lalabas na ng pigilan siya ni Theodore. “Skeptical dito sa lugar niyo, mahirap na. Kailangan mo makarating nang ligtas sa kapatid mo kaya ihahatid na kita.” “Osiya siya, sige na. Clingy mo ah?” Pabirong banat ni Ariah na hindi na pinansin ni Theodore. Ang kaniyang pokus ay sa kung gaano kadelikado ang kalye na kinaroroonan nila dahil maliban sa masikip ang daan, papundi-pundi rin ang mga ilaw. Tiyak delikado sa gabi kung naglalakad, mainit sa mata ng mga mandurukot o masamang loob. Mabilis na nagbihis si Ariah pagkarating ng apartment, mula sa mahal na puting bestidang suot patungong kupas na t-shirt at jeans. Hindi siya mapalagay at nangangati sa tela nito. Wari niya’y hindi lamang siya sanay magsuot ng mga bestida, lalo pa’t may iregular na disenyo ito. Maingat niyang tinupi ang damit at nilagay sa supot. “Saka kita lalabhan pagkauwi ko para maibalik sa amo mo…” bulong niya sa sarili. Kinuha lamang ni Ariah ang ilang gamit ng kapatid at saka sinara ang pinto upang bumalik muli ng sasakyan. NAIHATID ni Theodore si Ariah sa hospital at nagpaalam na magkikita na lamang sila sa mansyon pagkauwi. Naglakad na papasok si Ariah sa pampublikong ospital na kinaroroonan ni Axel. Bibong bata ang kapatid nito kahit pa tahimik paminsan. Siya na lamang ang kinakapitang lakas ni Ariah upang magpatuloy sa buhay, kaya naman hindi niya makakaya kung pati ang kapatid ay mawala pa sa kaniyang piling. Para sa kaniya, gagawin niya ang lahat gumaling lamang ang kapatid. Pagkarating sa silid na kinaroroonan ni Axel, nadatnan niya itong may hawak na libro habang nakahiga sa kama at kausap ang babaeng kasing-edad niya rin. “Ate, nandiyan ka na pala,” usal nito at ngumiti. Napawi ang pagod na naramdaman ni Ariah nang masulyapan ang kapatid na siyang nagsisilbing lakas niya sa panahong nakakapanghina.DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit
TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi
NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?”“Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.”Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? Shuta! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “Shut up.
MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim
MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit
DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah