TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin.
Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi niya lang piniling pakinggan dahil hindi naman ito business-related. “Shh marinig kayo! Single nga yata si Sir pero balita ko kakagaling lang sa break up?” “Ay talaga? Wala namang kaso sa akin maging rebound basta CEO ng Morgan Group hihi” “Gaga ka talaga! Pero same…” Hagikgikan ang naghari sa daan mula sa mga empleyado, at nahinto lamang ito ng dumaan ang masungit na sekretarya ni Theodore na si Claire na pinandilatan sila ng mata. Nasa kwarenta na ang edad nito at tinaguriang matandang dalaga ng mga empleyado kaya laging nakasimangot. Strikto rin ito sa trabaho, at pulido gumawa kaya naman panatag si Theodore. Nang makarating sa office ay dumiretso si Theodore sa kaniyang swivel chair at naupo. Hindi pa man siya nakakapag bukas ng dokumento na nakalatag sa kaniyang mesa ay biglang tumunog ang cellphone nito. Hindi nakarehistro sa kaniyang telepono ang numero ng tumatawag, subalit sapat na ang pagtawag nito upang sagutin. bilang lamang sa darili ang nakakaalam ng kaniyang pribadong numero, kaya paniguradong malapit sa kaniya ito o patungkol sa negosyo. Kinuha ni Theodore ang cellphone upang sagutin ang tawag. Subalit mabilis din ang pagsisisi nito nang marinig kung sino ang may-ari ng numero. “Hello? Ang numerong iyong tinatawagan ay…” ani ng nasa kabilang linya. Boses pa lamang at kalokohang linya ay alam na agad ni Theodore sino ang tumatawag. “Wala akong oras makipagbiruan, Jace. Ibababa ko na itong tawa—” “Hep hep! Biro lang naman, Insan. Init mo naman masyado, in heat ka ba? Haha.” Agad na pinatay ni Theodore ang tawag nang muli itong tumunog. “Joke lang naman! May mahalaga akong sasabihin sayo kaya ako tumawag.” Natatawang sabi ni Jace at sumeryoso rin kalaunan. Nanatiling tahimik si Theodore, naghihintay ng sasabihin ng pinsan. “Babalik na siya ng Manila bukas,” Seryosong saad ni Jace. “Do I need to know?” supladong sagot naman ni Theodore. “Malay ko, pero pinarating ko lang sayo ang chismis. Narinig ko kanina sa mga matatanda habang nanananghalian. Pinagpipilitan pa rin ni Lola na magkita kayo at magkaayos.” “Nah. Wala na akong pakialam sa kaniya, Jace. Besides, I don’t think we will see each other as well, there’s no need for that.” “Eh paano kung sabihin ko sayong dadalo siya sa anniversary ng MG bukas?” Seryoso ang boses sa kabilang linya. “Then be it.” Pinaglalaruan ni Theodore ang ballpen na dinukot mula sa bulsa. Mumurahing ballpen ito na binili ni Ariah sa bangketa bago sila ikasal sa huwes. Binanggit pa niya sa kaniya na ito ang brand ng ballpen na siyang naging swerte niya noong ginamit sa entrance exam ng pamantasang kaniyang pinasukan. May kung anong gumuhit sa labi ni Theodore nang maalala ang kadaldalan ni Ariah, na para bang kahit sa estranghero ay kaya niya ikwento ang kaniyang talambuhay. “Bro, ayos ka lang? It’s Margaux we’re talking about and you’re acting casually. Nilalagnat ka ba?” "Clock is ticking, I have important things to do than talk nonsense about this. We broke up already, sa tagalog tapos na kami,” naiinis na sambit ni Theodore. “Alam ko naman, nakakapanibago lang kasi dati isang banggit lang kay Margaux kala mo kayang itaob ang mundo para sa kaniya. Ngayon, ni isang matinong response sayo wala…” Saksi si Jace sa kung gaano kamahal ni Theodore si Margaux, tila ba ginawa niya na itong mundo o dyosang sinasamba. Kahit pa pagod sa pag-aaral noong kolehiyo, nagagawa niya pa ring puntahan ito kung may sakit, o supresahin ng mga regalo at bulaklak kahit pa ordinaryong araw lamang sa kanila. Ilang beses ding nakiusap si Theodore kay Jace upang tulungan siyang makipagbalikan dito noon, subalit noong huli ay hinayaan na lamang ni Theodore si Margaux sa desisyon nitong makipaghiwalay at lisanin ang bansa para sa oportunidad na naghihintay sa kaniya sa Paris. Kaya naman hindi lubos maisip ni Jace na sa isang iglap ay tila nawalan na ng pakialam ang pinsan sa babaeng pinaka mamahal niya noon. “People moved on, haven’t you heard of that?” ani Theodore. “Woah woah, moved on? Sus baka nga umaasa ka pa rin eh, okay lang naman aminin magagawan naman ng paraa—” “I’m married. Stop talking nonsense.” May kung anong malakas na tunog ang narinig sa kabilang linya. Tila ba may nahulog na kung ano, o kung sino. Gusto man matawa ni Theodore ay tumikhim na lamang ito. “ANO?! KASAL KA NA?”NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?”“Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.”Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? Shuta! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “Shut up.
MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim
MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at
DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah
DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n
TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi