Home / Romance / Fix Marriage with my Online Date / KABANATA 6: Ang Pagbisita

Share

KABANATA 6: Ang Pagbisita

Author: soluna_scrive
last update Huling Na-update: 2024-12-25 19:00:54

PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite.

“Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console.

“What the hell are you doing here, Jace?”

“Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.”

Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig.

“Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?”

Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot.

“Kailan pa ako nag biro?”

“So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib.

“Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.”

“Shut up. It’s just a civil wedding.”

Naglakad na tungo sa sala si Theodore na agad namang sinundan ni Jace.

“Kahit pa! Dapat inimbita—teka, civil wedding lang? Naknang! Naghihirap ka na ba?”

Sinamaan ito ng tingin ni Theodore.

“It was an intimate wedding only exclusive for us.”

Nanliit naman ang mga mata ni Jace.

“Duda. It’s either you want it secret because it’s a fake marriage or….nagpakasal ka sa matandang hukluban.”

Natahimik si Theodore, na ikinasigaw naman ni Jace.

“SO TOTOO NGA?”

“Ang alin?”

“Nagpakasal ka sa matandang hukluban! Naknang, anong gayuma ba nilaklak mo?”

“Isa na lang, Jace Andrious.”

“B-biro lang. Pero saan mo nakilala? Ilang taon? Paanong nagpakasal agad kayo?” Sunod-sunod na tanong ni Jace.

“She’s 22.”

“Oh….ikaw pala ang matandang hukluban," sambit nito ng may nakalolokong ngisi.

“Jace Andrious Morgan!"

MAALIWALAS ANG MANSYON ng mga Morgan. Nakatayo ito sa isa sa mga malawak na lupain ng kanilang pamilya. Sikat na inhenyero ang siyang nanguna sa pagtayo nito at nagsilbing ancestral house ng mag-anak. Pinaghalong disenyo mula sa bansang Espanya at tradisyonal na ukit ng bahay sa Pilipinas ang hulma nito. Mayroon itong malawak na hardin na siyang tinamnan ng iba’t-ibang bulaklak at pananim. Bumaba na ng kotse si Theodore bitbit ang mga bulaklak ng lily, paboritong bulaklak ng kaniyang lola. Binati siya ng mga kasambahay pagkapasok ng magarang mansyon.

Nang makarating sa sala ay agad siyang sinalubong ng kaniyang lola at niyakap. Nasa likod nito ang kaniyang mga personal na tagapag-alaga sa kalusugan.

“Apo, kay tagal na noong huling kita ko sayo. Kumusta ka naman?”

Mainit na yakap ang iginawad ng matanda sa kaniyang apo na sinuklian naman nito. Madalang na lamang magkita ang mag-lola dahil sa mahigpit na iskedyul ni Theodore, at nakaraan lamang ay nasa Amerika ang kaniyang lola para sa personal na pagbisita sa isang doktor na matagal niyang kaibigan. Si Lola Cora Morgan ang siyang tumayong magulang ni Theodore mula nang yumao ang kaniyang mga magulang.

“Kumain ka na ba? Halika at saluhan mo ako. Nagpahanda ako kay Betty noong sinabi mong dadalaw ka.”

Masigla pa kung tutuosin ang hitsura ni Cora Morgan, taliwas sa tunay na nararamdaman nito dulot ng katandaan. Bakas din sa kaniya ang kaniyang kagandahan higit noong siya’y dalaga pa. Mestisa ito at nangungusap ang mga mata.

“Actually there’s something I have to tell you, La.”

Matamang nakinig si Cora sa kaniyang apo. Hindi niya maitago ang galak sa pagbisita nito, at naghahanap din ng tamang panahon upang banggitin ang pagbabalik bansa ng dating kasintahan ng apo na si Margaux.

Sina Margaux at Theodore ay magkaklase noong highschool hanggang kolehiyo. Batid ni Cora ang malalim na pagtingin ng apo kay Margaux na apo rin ng kaniyang matalik na kaibigan, kaya naman botong-boto siya para rito.

“La, I know you’re aware that I’m no longer getting any younger…”

May luksong naramdaman ang matanda. Tila pananabik sa sasabihin ng apo, mukhang ito na ang pagkakataon upang banggitin ang kaniyang plano.

“And it occured to me that at this age, with the life I have, there’s still empty space. Hinahanap-hanap ko, La.” Pagpapatuloy ni Theodore.

“Ang alin, apo?”

“Something stable and permanent. Something I can go home to after a tiring day.”

Pinag-isipan nang maigi ni Theodore ang mga sasabihin bago pumunta rito kaya naman kampante ito.

“It seems like, it’s time to settle down. Gusto ko pong bumuo ng sariling pamilya, La.”

Walang mapagsidlan ang kasiyahan ni Cora nang marinig ang mga katagang binitiwan ng kaniyang apo. Matagal niya rin itong nais marinig mula sa kaniya. Batid ni Cora na tumatanda na siya at ganoon din ang kaniyang katawan. Nag-iisang anak lamang si Theodore kaya nais niyang makasiguro na bago niya lisanin ang mundo, ay masasaksihan niya ang pamilyang bubuohin ng apo na pinagkaitan ng tadhana ng kumpletong pamilya habang lumalaki.

“I’m proud of you, apo. I’m so happy to hear that.”

Ngumiti si Theodore at hinawakan ang kamay ng lola.

“Alam mo apo, I knew from the start na magkakabalikan kayo ni Margaux at bubuo ng sarili niyong pamilya. Kaya naman suportado—”

Agad itong tinama ni Theodore.

“Lola, we’re not back together. Tapos na po kami ni Margaux and there’s no point in bringing back our relationship.”

Kumunot naman ang noo ng matanda, hindi mawari kung ano ang sinasabi ng apo. Kung hindi si Margaux, ano ang sinasabi nitong settle down?

“Apo, naguguluhan ako. Akala ko gusto mo mag settle down na?”

“Tama po kayo, La. Pero not with Margaux.”

Agad namang nakaramdam ng lumgkot si Cora, tila ba sa sinabi ng apo ay nagsilbing kumpirmasyon na tuluyang natapos na ang pag-iibigan nina Theodore at Margaux.

“Paano ka niyan magse-settle down? Kanino? Mahirap ang pagpapakasal apo kung hindi mo tunay na mahal ang pakakasalan mo.”

“Alam ko po, La. But I didn’t marry her just because I want to settle down.”

“A-ano kamo? Didn’t marry?”

“Yes, La.”

“Apo…naguguluhan ako. Ano bang sinasabi mo?”

“La, I’m already married.”

Kaugnay na kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    Paghabi ng Pagpapanggap

    MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim

    Huling Na-update : 2025-01-03
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

    Huling Na-update : 2024-12-24
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

    DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group

    TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 5: Ang Pagkikita

    NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n

    Huling Na-update : 2024-12-25

Pinakabagong kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    Paghabi ng Pagpapanggap

    MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 6: Ang Pagbisita

    PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 5: Ang Pagkikita

    NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group

    TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

    DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

DMCA.com Protection Status