Home / Romance / Fix Marriage with my Online Date / KABANATA 5: Ang Pagkikita

Share

KABANATA 5: Ang Pagkikita

Author: soluna_scrive
last update Huling Na-update: 2024-12-25 18:35:37

NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito.

“Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC.

Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas.

Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip ni Ariah, siraulo lamang ang papatol sa scam na iyon. Ngunit sa panahon ng kagipitan, maski ang mga ganitong iskema ay papatulan niya maisalba lamang ang nanganganib na buhay ng kapatid.

“Matalino naman ako, saka marunong sa martial arts…kaya ‘to. Subukan lang natin…” usal niya.

Tatlong araw din ang naging pag-uusap nila Ariah at Theodore sa WDC na application hanggang sa mapagdesisyonang magkita upang pag-usapan ang kontrata.

HALOS MATUYO ang laway ni Ariah dahil hindi siya makapagsalita sa lalaking nasa harap. Kinurap-kurap niya ang mga mata at kinusot ito. Hindi niya maunawaan bakit hindi matandang hukluban ang nasa harap niya bagkus isang makisig na lalaki. Bakas sa hitsura nito ang dugong kanluranin.

“I’m Theodore.”

Inilahad ni Theodore ang kaniyang kamay kay Ariah, at tinanggap naman ito ng dalaga.

“Ariah.”

Napababa ang tingin ni Ariah sa suot na lumang bestida, na onti na lang ay magmumukha na itong daster. Sinadya ito ni Ariah sapagkat ang buong akala niya ay matandang hukluban ang makakausap, kaya naman upang hindi magkagusto sa kaniya ay binihisan ang sarili ng payak na kasuotan, at hindi nag-abalang mag-ayos.

Dumapo naman ang tingin ni Theodore sa babaeng nasa harap. Hindi niya lubos maisip na sa simpleng bistidang asul ay litaw pa rin ang angking ganda ng dalaga. Balingkinitan ang katawan nito, ang kaniyang buhok na kulay tsokolate ay nakalugay at tila ba malayang umaalon ang kulot na buhok. Matangos ang ilong ng dalaga, naaalala ni Theodore ang hulma nito mula sa mga ilong ng renaissance na sining na kaniyang kinagigiliwan noong kolehiyo. Malamlam ang mga mata ni Ariah, nangungusap, at malalim. Tila ba hinihila siya upang titigan pa ito.

Maamo ang mukha nito, subalit mayroong palaban na enerhiya. Tila ba napakaraming hamon sa buhay ang sumubok na sa dalaga.

Nagsimula ang kanilang pag-uusap sa pag-order ng inumin at panghimagas. Hindi sigurado ni Ariah kung sino ang magbabayad ng pagkain, ngunit wala itong problema sa kaniya dahil nagtabi siya ng limang daang piso para bayaran ang sariling pagkain.

“So tell me, why did you agree with our set-up? You’re young, Ariah. Marriage isn’t typically your matter of concern,” kuryusong tanong ni Theodore, saka matamang humigop ng kape.

“Hindi mo siguro mauunawaan, pero kapag walang-wala ka na, basta promising o sasagot sa problema mo, papatusin mo na. Sorry, I may sound desperate but I really am.”

Nanatiling nakikinig si Theodore sa dalaga. Matapang na tinitigan ni Ariah ang mga mata nito.

“Nasa ospital ang kapatid ko, diagnosed siya ng cancer stage 2. Siya na lang ang pamilyang mayroon ako, at mahal na mahal ko ‘yon kaya di baleng mahirapan, maisalba ko lang ang buhay niya. Need ko lang talaga ng malaking pera para sa pampagamot niya, hindi kasi kaya na ipagpaliban pa eh. Buhay nakataya, buhay ng kapatid ko usapan…”

Hindi makaimik si Theodore sa narinig. Lumaki siyang nag-iisang anak lang, at masagana ang buhay. Nawala sa piling nila ang kaniyang ina dahil din sa sakit na cancer, kaya nauunawaan niya ang sitwasyon ni Ariah. Naging mahirap na ito para kay Theodore noon, at hindi niya maatim gaano kahirap ito para kay Ariah, na siyang tanging nagtataguyod para sa kanilang magkapatid.

Tila nahaplos ang puso ng binata.

“I’m sorry to hear that, Ariah. But I must say, that’s really…. courageous and admirable.”

“Salamat. Para lang linawin ko, hindi ko need ang awa ha? I just need a way to have money.”

“I know. I’m not pitying you anyway.”

Tumango lang ang dalaga at saka ininom ang avocado fruit shake.

“Ikaw? Sa hitsurang mong ‘yan, need mo pa talaga ng arranged marriage partner?”

“I know, but I want to keep it civil. Ayoko ng may ma-attach sa akin, I’m not fit for any relationship. I just need a woman to act as my wife. My grandmother is the only person I genuinely value, and her health is deteriorating.”

Ngayon naman hindi makaimik si Ariah. Nais niya tuloy pagalitan ang sarili sa pag-iisip ng masama tungkol sa motibo ni Theodore na magpakasal.

“I want to grant her long time wish, to create a family…”

Nabilaukan naman si Ariah at halos maubo na ang nginuyang cupcake sa narinig.

“P-pamilya? Kala ko ba pretend lang na asawa...”

“Here, water.” Inabot ni Theodore ang baso at agad itong ininom ni Ariah.

“Avoid concluding things. I just said that’s her wish, but doesn’t necessarily mean we will make it happen.”

“Oh…gets.”

“We’ll get civil marriage, that’s for hard proof of marriage just in case. Also, aakto lang tayong mag-asawa in front of them. Behind doors, we can just be civil.”

Tumano muli si Ariah.

“Here are the terms and conditions, also the compensation you’ll receive. Kindly review it before signing.”

Sa bilis ng mga nangyayari hindi matukoy ni Ariah kung nananaginip lamang siya o talagang tunay na nararanasan niya ang nobelang napapanood lamang sa korean drama.

“Uhm Miss Gallano?”

Nabalik siya sa ulirat nang marinig ang boses ng kaniyang interviewer.

“S-sorry po. Ano po uli iyon?”

“No worries. Just checking your basic information before we can proceed sa actual interview questions. Will that be alright?”

“Yes, it is po.”

“Hmm so going back, what’s your highest attainment again?”

“College graduate, with degree in Political Science po.”

“Great! Next, what’s your nationality?”

“Filipino po.”

“How about your marital status?”

“Single— I mean, married po. I’m married.”

Kaugnay na kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 6: Ang Pagbisita

    PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    Paghabi ng Pagpapanggap

    MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim

    Huling Na-update : 2025-01-03
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

    Huling Na-update : 2024-12-24
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

    DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group

    TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi

    Huling Na-update : 2024-12-25

Pinakabagong kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 5: Ang Pagkikita

    NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group

    TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

    DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

DMCA.com Protection Status