Her Secret Dark Life

Her Secret Dark Life

last updateLast Updated : 2023-08-16
By:   MDD  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
905views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Warning: contains violence and explicit s*x scene When the kind and gorgeous woman Anastasha crossed paths with Keilton, she thought she finally met her man. But she's wrong because she found out that everything happened as Keilton planned. ****" Anastasha no longer expect to meet a man who would love her. At the age of 37, she is afraid to enter a relationship because she know there's a pain in it. How ever, something changed after Anastasha meet kielton Comez, security guard of GHA Company. Keilton is the first man was Anastasia fantasy. And they did not expect that they felt inlove to each other. Time passed by, Anastasia discovered the plan of Keilton, Ang Keilton na kilala niya na simpleng lalaki ay pagmamay-ari pala ang isang kompanyang kaaway nila simula pa. The love she felt exchanged into anger. Darating ba ang panahon na mapapatawad niya ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng lubos? Na ang lalaking una niyang minahal ay pinaglaruan lang siya? Subaybayan ang kwento nina Keilton at Anastasha. At kung saan ba matatapos ang relasyon nilang nagsimula sa mali.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Mariing pinikit ni Tasha ang mga mata niya. Pinilit niya ang sariling huwag ipakita sa ina ang mukha niya. Naririnig niya lang naman ang sigaw ng Mommy niya sa loob at kaaway nito ang ama niya at pinag-aawayan na naman ang tungkol sa babae nito, ang pagiging babaero nito na lagi nilang problema dalawa. Ang lalo pang kinagagalit niya sa sarili ay alam niya ang lahat, alam niya kung sino ang babae ng ama niya pero araw-araw ay nagpapanggap siya at ngumingiti sa taong 'to na parang hindi niya alam. Nanginginig ang labi at pinunasan niya ang sariling luha. Sinandal niya ang likod at tumingala habang pinipigilan ang sarili na lumuha."Bigyan mo naman ng kahihiyan ang anak mo, Alfonso. Si Tasha, a-anong sasabihin niya sa’yo kapag nalaman niya 'to? Hindi ka pa rin marunong makuntento? Kahit utang na loob Alfonso ang tanda na natin. Bakit hanggang ngayon siya pa rin?" sabi na garalgal na ang boses ng Mommy niya. Malamang ay may nakapagsabi na naman sa nanay niya. "Baba-e ang anak mo tapos g...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
13 Chapters
Chapter 1
Mariing pinikit ni Tasha ang mga mata niya. Pinilit niya ang sariling huwag ipakita sa ina ang mukha niya. Naririnig niya lang naman ang sigaw ng Mommy niya sa loob at kaaway nito ang ama niya at pinag-aawayan na naman ang tungkol sa babae nito, ang pagiging babaero nito na lagi nilang problema dalawa. Ang lalo pang kinagagalit niya sa sarili ay alam niya ang lahat, alam niya kung sino ang babae ng ama niya pero araw-araw ay nagpapanggap siya at ngumingiti sa taong 'to na parang hindi niya alam. Nanginginig ang labi at pinunasan niya ang sariling luha. Sinandal niya ang likod at tumingala habang pinipigilan ang sarili na lumuha."Bigyan mo naman ng kahihiyan ang anak mo, Alfonso. Si Tasha, a-anong sasabihin niya sa’yo kapag nalaman niya 'to? Hindi ka pa rin marunong makuntento? Kahit utang na loob Alfonso ang tanda na natin. Bakit hanggang ngayon siya pa rin?" sabi na garalgal na ang boses ng Mommy niya. Malamang ay may nakapagsabi na naman sa nanay niya. "Baba-e ang anak mo tapos g
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
Chapter 2
"Mahal ko siya," sagot ng Mommy niya. Mariing pumikit si Tasha. Pinilit niya na lang itikom ang bibig kaysa sa magsalita at baka masaktan niya pa ang ina. Baka may masabi siyang hindi maganda na ikasakit pa lalo nito. "I’m sorry, I did everything I can already para lang matutunan niya akong mahalin, anak. Ang sakit-sakit na tiniis ko lahat ng ginawa niyang pambabae dahil naniniwala akong matutunan niya rin akong mahalin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako. Ang kapatid ko pa rin." Dahan dahan yumakap si Tasha sa ina. “Ibig sabihin ay simula pa lang ay si Tita Lorena na talaga ang mahal ni Daddy? Simula dati pa? Ibig sabihin naunang nagkakilala sila ni tita Lorena?” At dahil sa mga nalaman niya ay bigla sumakit ang ulo niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit umabot sa ganito, Mommy. Every time na naiisip ko si Daddy at tita ay nagagalit ako, lalong-lalo na kapag naiisip kung magkapatid kayong dalawa ni tita."Malungkot lang na ngumiti ang Mommy niya, pinunasan nito ang sariling l
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
Chapter 3
Marahang natawa siya at napailing. Inubos niya ang laman ng baso at saka nagpasyang tumayo. "Opss." Natawa siya nang muntik pa siyang natumba. Mabuti at nabunggo niya ang lalaki at napahawak siya sa braso nito. Nasinghot niya pa ang pabango nito, gustong-gusto niya 'yon pero mas gusto niyang sumayaw. Umiikot na ang paningin niya sa daming nainom. Pero ayaw niya pa na umuwi. Gusto niya pa niya na sumaya at makalimutan ang sakit na nararamdaman. Pilit na dinilat niya ang mga mata, inalis niya ang kamay sa braso nito at pasuray-suray na naglakad sa mga taong sumasayaw. Nagtagumpay siya kahit na muntik na naman siyang matalisod. Mabuti talaga at hindi naman siya pinabayaan ng panginoon sa mga panahong ito. At dahil ang gusto niya lang ay maalis ang sakit sa puso niya kahit ilang minuto lang. Ang tanging gusto niya lang sa ngayon ay maging masaya. Pero sa hindi maiwasan na pangyayari ay napaluha na naman ang mga mata niya, kaya bago pa talaga siya maiyak ay nagsimula na siyang sumayaw.
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
Chapter 4
Nagising si Tasya dahil sa kiliting nararamdaman niya. Parang may naglalaro sa kanyang pagkababae, dinidilaan dahilan nang pagliyad ng likod niya at napaungol. Tuluyan na ngang nawala ang antok niya ng mapagtanto kung ano ang hinahawakan niya na nasa gitna ng mga hita niya. Ulo ng isang lalaki. Nanlaki ang mga matang dumilat siya, kaagad siyang napatingin sa ulong hawak hawak at napasabunot pa nga sa buhok nito. Sa gulat niya ay kaagad niya itong sinipa dahilan nang pagkahulog nito sa kama sabay tumili nang tumili habang tinatakpan ang katawan ng unan dahil wala siyang mahagilap na kumot. "S*t! sino ka? anong ginawa mo sa' kin?" Inilibot niya ang paningin sa buong kwarto at mas lalo lang siyang nakaramdam ng takot dahil hindi pamilyar sa kanya. Malutong lang na mura ang narinig niya sa lalaki. Nang tingnan niya ito ay nakahawak ito sa balakang at ang isang kamay ay kumakamot sa ulo. Nangunot ang noo niya dahil parang kilala niya naman ang lalaki. "Hindi ako makapaniwalang sinipa
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
Chapter 5
Katahimikan ang sumalubong kay Tasha pagkapasok niya ng gate. Hindi na siya nagtaka nang wala siyang makitang mga kasama nila sa bahay. Tiyak ay pinauwi na naman ng mommy niya ang mga ito o hindi kaya sa Cavity, sa kabilang bahay nila. Nang hindi makita ang ina sa sala ay umakyat siya sa taas para hanapin ito sa kwarto, pero wala 'don ang ina. Nasa kabilang kwarto pala, kwarto ng daddy niya. Bata pa lang siya ay magkahiwalay na ang kwarto ng mga magulang niya. Ang akala niya noon ay okey lang 'yon. Na natural lang 'yon sa mag-asawa. Pero ngayon ay alam niya na ang katotohanan. Nakahiga ang ina sa kama at nakatingin sa kisame, isang tingin pa lang alam niyang nakatulala lang ito. Hindi siya napansin ng ina hanggang sa paglapit niya rito. Namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak at sigurado siyang wala ring tulog ang ina. "Mommy," tawag niya. Marahan na hinawakan niya ang kamay nito para kunin ang atensiyon ng ina. Dahan dahang napatingin ang ina sa kanya, at ang mga luha nito
last updateLast Updated : 2022-10-20
Read more
Chapter 6
Ilang taon na ang lumipas ay iginugol ni Tasha ang atensiyon sa ina at kompanya. Ang mommy niya naman ay patuloy na nagpapagaling. Pero nagbago ang mommy niya, palagi pa rin itong nakatulala. Minsan na lang siya nito kinakausap at ang sagot pa ay tango lang. Araw araw ay dinudurog ang puso niya sa tuwing nakikita ang ina, nasasaktan siya pero hindi niya ito pinapakita sa ina. Kailangan niyang lakasan ang loob para dito. Para hindi ito mawalan ng pag-asa. "Ito na po ang dinner niyo." Inilapag niya ang hawak hawak na plato at humalik sa pisngi ng ina bago umupo. Nawala ang ngiti niya bigla nang makita ang ina na nakatulala at tumutulo pa ang luha. Kaagad na lumingon siya para iiwas ang mukha sa ina. Mariing pumikit at pinipigilan niya ang sarili. Aaminin niyang pagod na siya, pagod na siya sa kompanya at ganito pa ang maabutan pag-uwi, pero wala siyang magagawa, kailangan niyang tiisin ang lahat sa pamamagitan ng patagong pag-iyak. "Mommy kailangan niyo na pong kumain dahil iinom na
last updateLast Updated : 2022-12-03
Read more
Chapter 7
12 years later "Maam, lahat po ng appointment niyo ngayon ay nae-cancel ko na. Naihanda ko na rin po ang masasakyan niyo papunta sa factory na nasunog kagabi."Kaagad na tumayo siya. Isinuot niya ang blazer suit at binitbit ang bag. "Salamat Sarah. Lahat na mga documents na kakailanganin ko ay pakihanda na lang para pagbalik ko ay titingnan ko. Siguraduhin mong lahat ng tungkol sa branch ay ilalabas mo para hindi na kita matawagan." "Opo maam." "Hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik dito, pwede ka ng umuwi pag natapos mona ang pinapagawa ko.'' "Opo maam, thank you,'' ani nito. Tumango siya tsaka tumalikod na sa kanyang secretary. Nagmamadali ang bawat kilos para mapuntahan niya na ang lugar kung saan nasunog ang bagong building. Sumasakit ang ulo niya sa nangyari, million million ang nawala sa kanya dahil sa aksidente. Ang pinagpapasalamat niya na lang ay walang taong nadamay. "Maam, andoon na po ang pulis naghihintay sa'tin." "Thank you po, pakibilisan na lang manong,"
last updateLast Updated : 2022-12-19
Read more
Chapter 8
Hindi alam ni Tasya kung gaano siya katagal na nakatingin sa mga mata ng binata habang magkalapit ang mukha nilang dalawa. Tinatanggal nito ang helmet na suot niya, at sana nga lang ay hindi nito napansin na kanina pa siya nakatingin. At ang klase nang pagtibok ng puso niya ay parang gustong lumabas sa katawan niya. Naninibago siya lalo na at ngayon lang nagkaganito ang puso niya na sa sobrang lakas akalain mong maririnig ng kaharap mo. Nawala lang siya sa pagkatulala ng tumikhim ito. Nakakainis lang dahil nahuli siya nito. Pasimpleng napakagat labi na lang siya at mariing pumikit sa kahihiyan. "Salamat," ani niya at tumikhim para pakalmahin ang sarili. Napatingin siya nang marinig ang pagtawa ng binata. Hindi niya na naman mapigilang mapatingin sa mga mata nitong bumihag sa kanya. "Your welcome." Ngumiti ito na kay tamis. Nagulat pa siya sa pag-angat ng kamay nito pero hindi na siya nakagalaw ng lumapat ang hintuturo ng lalaki sa ibaba ng ilong niya at may pinunasan 'don. "May p
last updateLast Updated : 2022-12-21
Read more
Chapter 9
Hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang imahe ng lalaki, palaging naglalaro sa isip niya ng mga mata nito at labi. Mariing pinikit niya na lang ang mga mata at naiinis na ginulo ang buhok. Bakit pa kasi ngayon pa siya nagkakaganito kung kailan lampas na ng kalendaryo ang edad niya? akala mo teenager eh. Nagmumukha na lang tuloy siyang tanga at baliw. "Tasha. Ayusin mo ang buhay mo, malabong maging kayo dahil mas bata siya at lalong hindi ka niya papatulan dahil hindi ka niya gusto, kailangan mo siyang kalimutan. bulong niya sa sarili. Binalik niya ang mata sa mga papeles na nagkalat sa lamesa. Bumalik siya sa pagkaaayos nang upo at sinusubukang ituon ulit ang atensiyon sa trabaho. Anong oras na siyang nag-lunch dahil tinapos niya pa ang lahat ng trabaho. Pero tatayo pa nga lang siya nang tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang kaibigan. Kaagad niya namang sinagot. "Tasha... tulungan mo ako," bungad nito pagkasagot niya. Kaagad naman na nagsalubong ang kilay niya dahil sa bo
last updateLast Updated : 2022-12-22
Read more
Chapter 10
"Papa, hindi po ba talaga ikaw ang papa namin?'' "Hindi siya kaya wag mona siyang tawaging papa." Saway ng batang lalaki sa kakambal. Ang lalaki naman ay tiningnan siya na nakataas ang kilay, pinipigilan ang sariling sumagot sa batang lalaki. Nginitian niya naman ito, para siyang nanay na inaalo ito para hindi pumatol. Tiningnan niya ang batang babae. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagkasabik na makita ang ama. Nakakalungkot lang isipin dahil lumalaki silang walang kinikilalang ama. Ang bata ang mas nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Kaya hindi maunawaan ni Tasha ang mga lalaking ginagawa ang bagay na 'to. Kung ayaw niya pa pa lang magkaroon ng anak bakit hindi gumamit ng protection? Kung hindi talaga kayang pigilan pwede namang makipagtalik na safe, bakit kailangang gawin ang bagay na sa huli ay hindi mo naman pananagutan. Hahayaan ang babaeng magbuntis at iiwan. Nakakainis 'yong ganitong mga klaseng lalaki. "Wag ka ng malungkot." Itinaas niya ang kamay at marahan na pinunasa
last updateLast Updated : 2022-12-24
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status