MIREYA, The Miracle Heiress

MIREYA, The Miracle Heiress

last updateLast Updated : 2023-11-14
By:  CALLIEYAH  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
46 ratings. 46 reviews
114Chapters
38.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

HIDING THE MIRACLE HEIRESS BOOK 1 MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS BOOK 2 Mireya Ballarta ay isang miracle heiress. Isa siyang mabuting anak at kapatid. Mayaman ang pamilya nila pero mas pinili niyang humiwalay manirahan sa isang maliit na apartment. She wants a simple and peaceful life. Mas pinili niyang maging mag-isa dahil nais niyang maranasan na mamuhay ng normal kagaya ng karaniwang mga tao. Pangarap niyang maging isang mahusay na doktor. Nakatakda rin siyang ikasal sa kanyang kasintahan. Ngunit niloko siya nito. At doon niya makikilala si Alexandro Santillan na isa sa mga driver nila at siyang ring magbabago sa buhay ni Mireya. Isa ba siyang kakampi o isang kaaway?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

MIREYA'S POV"Mom, okay lang po ako dito. Don't worry about me. Kaya ko po ang sarili ko. I will take care of myself." Kausap ko ngayon si mommy."Nami-miss na kita, anak. Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom." Paalala niya sa akin kaya napangiti naman ako."Opo, uuwi ako this weekend kaya 'wag na po kayong malungkot—""Miss, matagal kapa ba? Ang haba na nga pila bibili ka ba o makikipag-usap ka lang d'yan sa phone mo." "Bye mom, call you later." Nagpaalam na kaagad ako kay mommy.Napalingon ako doon sa lalaking nagsasalita sa likuran ko. Halatang nagagalit na ito sa akin. Kaya mabilis akong bumili at umalis na kaagad. I'm living in a small community. I'm currently renting a small apartment and I worked in our company factory. Many people say that I am a heiress. Yes it's true dahil nag-iisang babae lang ako sa pamilya namin. But for me I want to live a simple life, a peaceful life. Malayo sa gulo at gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko. My parents are very support

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
CALLIEYAH
MIRACLE SERIES 1. HIDING THE MIRACLE HEIRESS 2. MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS ***SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER
2023-11-29 02:27:47
7
user avatar
Aoki Gonzaga
Highly recommended
2023-11-21 02:13:20
3
user avatar
Tamz Amiel
magaganda ang akda ni author mttpos ko n lahat ng books nya n komppeto..good luck ang power
2023-11-15 20:36:55
5
user avatar
Yanne bueno
highly recommended guys
2023-11-13 19:23:11
1
user avatar
Gerlie M. Lumanglas
highly recomended po....ang ganda talaga ng mga story...hindi po masa2yang mga oras nyo sa pagba2sa ng ganitong kwento....Congrats po
2023-11-12 11:13:35
1
user avatar
Xienne Gutierrez
The saddest part has come and reach it's End....But happy too that they will be a happy family after all!
2023-11-07 18:43:24
1
user avatar
Rechell Ann
Exciting part I love it!
2023-11-07 05:00:23
1
user avatar
Xienne Gutierrez
I can't wait for the weeding to happen and the babies to come out....Go Mireya live happily ever after!
2023-11-07 02:09:33
1
user avatar
CALLIEYAH
BOOK 1 - HIDING THE MIRACLE HEIRESS
2023-11-02 02:29:49
1
user avatar
Gene Darden
Isa sa pinaka hinahangaan ko writer, one of my favorite, masipag mag update, laging exciting bawal chapter at kaabang abang.
2023-11-01 04:39:17
1
user avatar
Queenms
Sipag mhieee...
2023-10-29 00:18:03
2
user avatar
Xienne Gutierrez
so far so good and I don't want to end it yet! It's so addicting ............️...️...️
2023-10-28 21:39:59
2
user avatar
CALLIEYAH
Salamat po sa lahat ng gems, comments at nag-add sa library. ingat po kayo palagi
2023-10-23 00:57:21
2
user avatar
CALLIEYAH
BOOK 1 HIDING THE MIRACLE HEIRESS
2023-10-22 19:16:29
1
user avatar
Aoki Gonzaga
Thank you Author
2023-10-22 19:15:35
2
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
114 Chapters

Chapter 1

MIREYA'S POV"Mom, okay lang po ako dito. Don't worry about me. Kaya ko po ang sarili ko. I will take care of myself." Kausap ko ngayon si mommy."Nami-miss na kita, anak. Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom." Paalala niya sa akin kaya napangiti naman ako."Opo, uuwi ako this weekend kaya 'wag na po kayong malungkot—""Miss, matagal kapa ba? Ang haba na nga pila bibili ka ba o makikipag-usap ka lang d'yan sa phone mo." "Bye mom, call you later." Nagpaalam na kaagad ako kay mommy.Napalingon ako doon sa lalaking nagsasalita sa likuran ko. Halatang nagagalit na ito sa akin. Kaya mabilis akong bumili at umalis na kaagad. I'm living in a small community. I'm currently renting a small apartment and I worked in our company factory. Many people say that I am a heiress. Yes it's true dahil nag-iisang babae lang ako sa pamilya namin. But for me I want to live a simple life, a peaceful life. Malayo sa gulo at gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko. My parents are very support
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

MIREYA'S POVHabang nakatingin ako sa dalawang tao na naghahalikan ay naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ako pumasok at nanatili ako sa kinatatayuan ko. Pinanood ko lang sila at hinayaan ko sila sa ginagawa nila. They betrayed me. Hindi ko alam na inaahas na pala ni Andrea ang fiancee ko. Sa likod ng napakahinhin at inosente niyang mukha ay nagawa niyang patulan ang boyfriend ko.Tumalikod ako at bumababa na. Kaagad akong pumasok sa kotse at doon ako umiyak. Wala akong pakialam kahit na makita ako ni Alexandro. Nang maging okay na ako ay kaagad kong inutusan si Alexandro na umuwi na kami. Pasalamat naman ako dahil tulog na ang parents ko pagdating ko sa bahay."Salamat," saad ko kay Alexandro."Trabaho ko po 'yon, Miss." Sagot niya sa akin. Ngayon ko lang narinig ang mahinahon niyang boses. Ngumiti ako at umakyat na. Dito sa kwarto ko itinuloy ang pag-iyak. Nasasaktan ako dahil minahal ko siya pero paano niya ito nagawa sa akin? Ano bang dahilan niya para gawin ito sa akin? Malapit
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

MIREYA'S POVBumiyahe kami papunta sa Tagaytay. Hindi ako sumakay sa kotse ni Eric. Hinayaan ko si Andrea ang makasama niya. Gusto ko ipakita sa kanila na nagtitiwala ako sa kanila at para isipin nila na hindi ako naghihila sa pagtataksil nila sa akin. Si Alexandro ang driver namin ni Zio."So, what's your plan, Ate?" Tanong sa akin ng kapatid ko."My plan?" Kunwari nag-iisip ako sa tanong niya."Ate," tawag niya ulit sa akin."Secret, hayaan mo na lang na sila mismo ang maglantad sa mga sarili nila. Pupunta tayo doon para mag-enjoy." Sabi ko sa kanya.Narinig ko si Zio na nagbuntong hininga. Ako naman ay natulog lang habang nasa biyahe kami. Nagising na lang ako nang makarating na kami at gingising ako ng kapatid ko. Lahat kami ay tig-isang silid. Nasa vacation house kami nila Eric. "Hon, excited na ako sa kasal natin." Sabi sa akin ni Eric."Ako rin naman, hindi na rin ako makapaghintay." Nakangiti na sagot ko sa kanya pero sa loob ko ay sasabog na ako. I'm against to violence kay
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

MIREYA'S POV"Hon," tawag niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at wala akong ipinakitang emosyon."Please, let me explain." aniya sa akin."Explain? Para ano? Sabihin mo sa akin ang mga kasinungalingan mo?" Sarcastic na tanong ko sa kanya."I'm sorry, pero ikaw talaga ang mahal ko. Inutusan lang ako ni Andrea. Please, honey." Sabi niya sa akin na kinatawa ko."Really? Huwag mo akong tawagin ng ganyan. Akala ko pa naman mahal mo ako. But I'm wrong, because you love me only for my MONEY. Hindi naman ako mayaman, ang kayamanan na gusto mo ay pagmamay-ari ng parents ko. So, stop now. Stop acting like you love me. Because you're not. I can't marry you," sabi ko sa kanya at mabilis na tumalikod para lumabas na sa simbahan.Pipigilan pa sana niya ako pero hindi siya hinayaan ng mga kapatid kong lalaki. Paglabas ko ay kaagad akong sumakay sa kotse. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Kaagad kong hinubad ang suot kong veil. "Saan po tayo pupunta, Miss?" Tanong sa akin ni Xandro.I pr
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

MIREYA'S POV"What's the meaning of this, Mireya?!" Galit na tanong sa 'kin ni daddy."I'm sorry, Sir. Ako po ang may kasalanan." Biglang sabi ni Xandro."No, dad. Lasing po ako/kami." Nahihiya na sagot ko kay daddy."Magbihis na kayo at hihintayin ko kayo sa baba," seryoso na sabi ni daddy bago lumabas sa silid ko.Tahimik lang na sumunod ang mga kapatid ko palabas. Si mommy naman ay ngumiti sa akin pero alam ko na hindi 'yon ngiti na masaya. Lumabas na silang lahat at kami na lang ni Xandro ang naiwan dito sa silid ko.Ramdam ko pa rin ang sakit ng nasa pagitan ng hita ko. I'm really sore down there. Hindi ko rin matandaan ang mga nangyari sa aming dalawa. Kapwa kami tahimik at walang may nais na magsalita. Hanggang sa tumikhim ako."Xandro, kahit anong mangyari ay huwag kang pumayag sa nais ni daddy." Sabi ko kay Xandro pero hindi siya sumagot.Nang lingunin ko siya ay isang mapusok na halik ang sinalubong niya sa akin. This is my first time na mahalikan ng ganito. Maybe hindi tala
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

MIREYA'S POVAng bilis ng mga pangyayari dahil sa isang iglap lang ay may asawa na ako. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pero wala na akong magagawa pa. Nandito kami ngayon ni Xandro sa loob ng silid ko. Dahil inaayos ko ang mga gamit ko."Are you sure na kaya mong tumira sa bahay ko?" Tanong sa akin ng asawa ko."Oo naman, hindi naman ako maarte." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Okay," tipid na sagot niya sa akin bago labas sa silid ko.Tahimik lang siya at cold kaya nasanay na ako. Bumaba siguro siya para makipag-inuman sa mga kapatid ko. Hindi rin naman bongga ang kasal namin kanina. Isang simpleng kasal lang.Ako naman ay itinuloy ang ginagawa ko. Hanggang sa matapos na ako. Tumayo na ako sa kama ko para sana pumasok sa banyo pero biglang dumating si Mommy. "Sigurado ka ba na sasama ka sa kanya?" Tanong sa akin ni mommy."Opo, mommy. Gusto kong subukan, dahil malay mo maging maayos naman kami. Mabait naman si Xandro kahit na madalas siyang tahimik. Alam ko na hindi niya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

MIREYA'S POVHabang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ni Xandro ay bigla na lang dumilat ang mga mata niya. Kaya mabilis naman akong pumikit para magpanggap na tulog pa ako. Nakiramdam lang ako pero wala naman kaya nang idilat ko ang mga mata ko ay nagtama kaagad ang mga mata namin ni Xandro. Bumilis ang t*bok ng puso ko. Habang nakatingin ako sa kanya at siya ay napaka-seryoso lang ng ekspresyon niya. Kaya ngumiti ako sa kanya at binati ko siya ng good morning. At natuwa naman ako dahil ngumiti rin siya sa akin. Hinalikan niya ako sa labi bago siya bumangon. Nakatingin lang ako sa kanya bago siya pumasok sa loob ng banyo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil aaminin ko na kinilig ako.Kahit noon ay cold talaga siyang tao kaya wala namang problema sa akin. At alam ko na magiging malambing rin siya balang araw. Hindi man ngayon pero soon. Paglabas niya ay bagong linggo na siya at talagang ang hot niya. Umiwas ako ng tingin dahil alam ko na nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kay
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

MIREYA'S POV Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa may pintuan."Love," tawag ko kay Xandro.Kaagad naman siyang lumingon sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya. Nang tumingin ako sa kausap niya ay bumungad sa akin ang babaeng kinulang yata sa tela dahil sa sobrang iksi ng damit at nakaluwa pa ang malaki nitong dibdib. Sobrang pula pa ng nguso niya. Kumunot ang noo ko dahil nakahawak pa ang kamay niya sa braso ng asawa ko. Mabilis akong kumapit sa braso ni Xandro kaya napabitaw ito."Love, sino siya?" Malambing na tanong ko sa asawa ko."Love?" Kunot noo na tanong nang babae."Hi, ako pala si Mireya ang asawa ni Alexandro." Pakilala ko sa sarili ko dahil wala yatang balak itong asawa ko na magsalita.Tahimik lang kasi siya. Kung sabagay ay palagi naman siyang tahimik. Wala namang araw na hindi siya tahimik."Asawa? Kailan pa? Alex, totoo ba? Bakit?" Hindi makapaniwala na tanong nang babae."Kahapon lang po, kahapon kami ikinasal." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Alex?!"
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9

MIREYA'S POV"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Xandro dahil bigla itong dumating."Alex, sinampal ako ng asawa mo. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Gusto ko lang naman makipag-usap pero bigla niya akong hinamak at sinaktan." Umiiyak na sumbong niya sa asawa ko.Hindi ako umiimik dahil hinihintay ko na tanungin ako mismo ni Xandro."Hindi siya mananakit kung wala kang ginawa sa kanya. Please lang, Flor umalis kana. Tapos na tayo dahil may asawa na ako at hindi na tayo puwede. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya kayang lokohin." Sabi niya kay Flor."Pero mahal na mahal kita." Umiiyak na saad ni Flor."Minahal rin kita pero hindi na kasi tayo tulad ng dati." Sabi pa ni Xandro sa babae."Xandro, handa akong maging kabit m—"Hindi ko na siya hinayaan na tapusin pa ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya ulit. Ang lakas ng loob niya na sabihin 'yon sa harapan ko. "Ang kapal din talaga ng mukha mo. Hindi kana nahiya, talagang sa harapan ko pa. Maghanap ka na lang ng ibang lalaki." G
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 10

MIREYA'S POVNagising ako na masakit ang ulo ko ganun rin ang katawan ko. Unang hinanap ng mga mata ko ay ang asawa ko. Pero wala na siya sa tabi ko. Bumangon na ako at lumabas papunta sa kusina dahil baka nandoon lang siya. Pero wala siya. Nakita ko na may pagkain na sa mesa kaya naisip ko na baka pumasok na siya sa company at hindi na niya ako inisturbo. Naligo muna ako bago ako nagpasya na maglinis sa buong bahay. At pagsapit ng tanghalian ay nagluto ako ng lunch dahil balak kung puntahan ang asawa ko sa trabaho niya.Masaya ako habang nagluluto. Masasabi ko na marunong rin naman ako magluto dahil noon pa man ay tinuruan na ako ng mommy ko. Kaya masasabi ko na ang mommy ko ang the best mom in the world. Dahil talagang tinuruan niya kami ng mga bagay na dapat ay alam namin lalo na ako dahil babae ako. Palagi niyang sinasabi na kailangan malakas ang loob ko. Lagi niyang paalala na huwag akong tumulad sa kanya.Pero doon ako hindi naniwala. Dahil para sa akin siya ang pinakamalakas sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status