Sa pagtatakasil ng kaniyang boyfriend ay naisipan niyang ikama ang ibang lalaki, ang hindi niya inaasahan ang lalaking naikama niya ay ang tito ng kaniyang ex-boyfriend at ang CEO ng kompanyang pinagtra-trabahuan niya. Pinilit siya ng madrasta niya na mag-asawa ng ibang lalaki para hindi niya maagaw kay Diane ang step-sister niyang umagaw sa boyfriend niya, ang hindi inaasahan ay binayaran ng lalaking nakatalik niya ang lalaking dapat magiging asawa niya at ito ang pumalit dito. Ang CEO ng kompanya ay ang kaniyang asawa at ng malaman ito ng madrasta at step-sister niya ay hindi sila makapaniwala
View MoreTahimik na nakaupo si Jhaira sa tabi ni Lola ni Zach habang iniisip kung paano ipapaliwanag ang lahat. The old woman's presence was comforting, but the weight of everything still pressed down on her. Hindi niya alam kung paano magsisimula, pero alam niyang wala na siyang ibang kakapitan.Sa huli bumuntong hininga siya sinimulan ang pag e-explain mula sa pinaka-umpisa hanggang sa humantong na nawalan ng alalala si zach"Lola..." she started, her voice slightly shaky. "S-si A-ace-----kilala niyo po ba siya?"Napakunot-noo ang matanda. Bago ito bumuntong hininga, hinawakan ng matanda ang kamay niya"Ace is zach's childhood friend, bata palang sila ay magkasama nila... Ace liked my grandson ever since pero hindi siya gusto ni zach that's why nagkahiwalay na din sila paglaki nila, but i'm surprise na pati si Ace ay ginagamit ng asawa ko para makuha niya ang gusto niya sa apo namin... I felt sorry for zach and also for you jhaira, I'm sorry"Napakuyom ng kamao si Jhaira. "He wants me out of
Jhaira's hands trembled as she clenched them into fists, her nails digging into her palms. Ang buong katawan niya ay nanginginig sa galit habang nakatitig sa babaeng mahigpit pa ring nakahawak kay Zach—si Ace. Hindi na niya kaya. Hindi niya hahayaang may ibang babaeng umaangkin sa lalaking siya mismo ang pinakasalan.Hindi siya nagdalawang-isip. Sa isang mabilis na kilos, hinila niya si Ace palayo kay Zach, dahilan upang mabitawan nito ang braso ng lalaki. Halos napasigaw si Ace sa gulat, pero bago pa ito makasigaw ng protesta, hinila na siya ni Jhaira palabas ng kwarto.Pagkasara ng pinto, binitiwan niya ito nang malakas, halos matumba ito sa sahig."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Ace, pilit inaayos ang sarili niyang postura.Matalim ang tingin ni Jhaira rito, punong-puno ng poot at determinasyon. Hindi siya makakapayag. Hinding-hindi."Huwag na huwag mong nilalapitan ang asawa ko," madiin niyang sabi, ang boses niya ay mababa pero puno ng pananakot. "For your
Nakahinga nang malalim si Jhaira bago lumapit kay Zach. Pilit niyang nilalabanan ang kaba sa dibdib, pero habang palapit siya, mas lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Parang may bumabalot na malamig na hangin sa paligid, s********p sa natitira niyang lakas. Ang tibok ng puso niya ay parang kulog na umaalingawngaw sa loob ng kanyang dibdib.“Zach…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas ang boses niya. Pakiramdam niya, isang maling hakbang lang ay guguho na ang mundo niya.Napatigil ang babae sa tabi ni Zach at tumingin sa kanya. Isang mabilis na pagsipat lang, pero sapat para maramdaman niya ang bigat ng tingin nito. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Ang gusto lang niya ngayon ay makita si Zach, makausap siya, yakapin siya. Ang tanging nais niya ay marinig ang boses nito, maramdaman ang init ng kanyang presensya.Pero hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.Dahan-dahang lumingon si Zach sa kanya, ngunit ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi ang pamilyar na titig na puno ng pa
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng sasakyan, pero hindi iyon sapat para pakalmahin si Jhaira. Pawis na pawis siya kahit na halos sagad na sa lamig ang aircon. Nanginginig ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit, habang ang puso niya ay parang binabayo ng napakabilis na tibok."Diyos ko, please… huwag namang mapahamak si Zach..."Napapikit siya ng mariin, pilit nilalabanan ang matinding takot na bumabalot sa kanyang sistema. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaba niya—pero hindi niya rin alam kung paano niya iyon pipigilan.Naiisip niya pa lang ang posibilidad na nasaktan si Zach nang malubha, parang gusto na niyang mawalan ng malay.Kailangan niyang makita ito. Kailangan niyang marinig mismo mula kay Zach na ayos lang siya.Bumagal ang sasakyan, hudyat na narating na nila ang ospital. Sa sobrang pagka-atat, hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng driver. Agad niyang binuksan ang pinto at bumaba, halos hindi na iniinda kung sumasakit
"Zach… do I really have to stay?"Mahinang tanong ni Jhaira habang nakaupo sa kama, nakatingala kay Zach na kasalukuyang nagsusuot ng coat. Kanina pa niya ito pinagmamasdan—mula sa paraan ng pagbuhol ng necktie, pag-aayos ng coat, hanggang sa pagsuyod ng mga daliri nito sa buhok. Kahit hindi pa ito umaalis, parang nararamdaman na niya ang malamig na pakiramdam ng pagiging mag-isa.Napahinto si Zach sa pagsasara ng coat at lumapit sa kanya. Dahan-dahang itinukod nito ang tuhod sa gilid ng kama, hinawakan ang kanyang pisngi, at hinaplos iyon gamit ang mainit nitong palad. Ang init na iyon—ang pamilyar na lambing sa mga kilos nito—ay tila gustong pakalmahin ang lungkot sa kanyang mga mata."Baby, I need to be there," he murmured softly, pinapakalma ang nadarama niya. "Gising na si lola… I need to see her."Alam ni Jhaira iyon. Naiintindihan niya. Of course, it’s his grandmother. Matagal na nilang ipinagdarasal ito, kaya dapat ay masaya siya ngayon. Pero kahit anong pilit niyang ikumbinsi
"Anak, kumain ka na ba?"Malambing ang tinig ni Jaem habang marahang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhaira. May dala siyang tray ng pagkain—isang bagay na bihira niyang gawin noon, pero mula nang malaman niyang buntis ang anak niya, hindi na siya mapakali kapag hindi ito natututukan.Napatingin si Jhaira sa ina. Matamlay ang ngiti niya habang bahagyang umayos ng upo sa kama. "Hindi pa po, Ma… parang wala akong gana."Mabilis ang naging kilos ni Jaem. Nilapag niya ang tray sa bedside table at naupo sa gilid ng kama. Walang pag-aalinlangan niyang hinawakan ang kamay ng anak, marahang hinimas iyon, para bang gusto niyang iparamdam kung gaano siya nag-aalala."Jhaira, you can’t skip meals," mahinahong sabi niya, pero may bahid ng pag-aalala sa tono. "Hindi lang ikaw ang pinapakain mo, anak, pati ang baby mo."Napayuko si Jhaira, marahang tinapik ang tiyan niya. Ilang linggo pa lang, pero parang ang dami nang nagbago sa kanya. Hindi lang sa katawan, kundi pati sa emosyon niya. Madalas siya
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan, pero hindi dahil sa kakulangan ng tunog. Sa katunayan, naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso niya, ang bahagyang pagsinghot niya mula sa mga natitirang luha sa pisngi, at higit sa lahat—ang pabugso-bugsong paghinga ni Zach habang nasa manibela.Mula sa gilid ng kanyang mata, kita niya kung paano ito mahigpit na nakakapit sa manibela, halos mamuti ang mga daliri sa tindi ng hawak. Paulit-ulit na hinihigpitan at niluluwagan ang kapit, na parang hindi alam kung paano ibabaling ang tensyon sa katawan."Fuck," bulong nito, ramdam niya ang inis at kaba sa tinig nito."Zach..." mahinang tawag niya.Hindi ito lumingon, pero nakita niya ang pagngiwi ng labi nito, parang nahihirapang magsalita."Should I speed up? Or slow down?" bulong nito, halos parang tinatanong ang sarili imbes na siya. "Shit. Ano bang dapat kong gawin?! Mas mabilis ba para makarating tayo agad? Pero paano kung may mangyari sa inyo?! Baka masyado akong mabangis sa pagmamaneh
"Ako ang nagtulak sa kotse. Ako ang dahilan kung bakit nasa coma ngayon ang mama mo..."Nakita niya kung paano bahagyang natigilan si Zach. Pansamantala, parang huminto ang paghinga nito. Ngunit hindi nagbago ang paghawak nito sa kanya—banayad pa rin, puno ng init, puno ng pagkalinga."Jhaira..."Nilunok niya ang pag-aalinlangan at pilit itinuloy ang sasabihin."Ako ang nagtulak sa sasakyan..." Mahina ang tinig niya, halos hindi marinig. "I didn't help her."Hinawakan ni Zach ang kanyang mukha gamit ang parehong kamay. Hinaplos ng hinlalaki nito ang pisngi niyang basa ng luha, pinapawi ang bawat patak na hindi tumitigil sa pagbagsak. Hindi ito nagalit. Hindi ito sumigaw. Hindi nito tinulak palayo ang kanyang mga kamay.Tinitigan lang siya nito.Maitim at malalim ang titig ng lalaki—hindi niya mabasa, hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ito nagtatanim ng galit sa kanya.Hanggang sa marahang bumuntong-hininga si Zach. Hinawakan nito ang kanya
Pinilit niyang lumabas ng ambulansya, walang pakialam sa panghihina ng kanyang katawan. Ngunit bago pa siya makatayo nang tuluyan, naramdaman niya ang kamay ng nars sa kanyang balikat, marahang pinipigilan siya."Miss, please stay put. Hindi pa kayo stable," mahina ngunit matigas ang boses ng nars, ramdam ang pag-aalala.Hindi siya nakinig. Hinawi niya ang kamay nito at pilit bumaba mula sa ambulansya. Pagkabangon niya, mas lalo lang niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang mga tuhod, para bang anumang oras ay babagsak siya muli. Ngunit mas matimbang ang pangangailangan niyang hanapin si Zach.Kailangang makita niya ito. Kailangang malaman niya kung nasaan siya.Habang naglalakad, ramdam niya ang pagod at hilo na bumabalot sa kanyang buong katawan. Ang tunog ng mga sirena, ang nag-uusap na mga pulis, at ang garalgal na boses sa mga radyo ay nagsasama-sama, nagiging isang nakakabinging ingay na tila nagpapalabo sa kanyang paningin. Hindi niya maintindihan ang lahat ng nangyayari—mas
Ang malakas na tugtog sa club ay parang tumitibok sa katawan ni Jhaira. Parang nararamdaman niya ang sakit ng pagtataksil ni Arjay sa kanya. Si Arjay, ang lalaking mahal niya, ay ikakasal na kay Diane. Si Diane ang step-sister niya, ito ang umagaw sa kaniya kay Arjay sa tulong ng step-mother niyang si Risa ay nagawa nilang mapaghiwalay si Jhaira at Arjay. Guwapo si Arjay at nagmula sa mayamang pamilya, masakit isipin na mas pinili ni Arjay ang step-sister niya kaysa sa kaniya"Isa pa please" aniya at nag order pa sa bartender ng inumin, kailangan niyang alisin ang sakit sa puso niya at tanging ang alak lang ang kayang makakatulong sa kaniya"Ma'am nakadalawang bote na po kayo" ani ng bartender pero sinungitan niya ito at tinignan ng masama"Bigyan mo nalang ako, wag mo akong pakialam sa gusto kong gawin" pagsusungit niya at napapakamot na ginawa ng bartender ang ginawa niyaHabang naghihintay ay hindi niya mapigilang mapaluhaPatay na ang nanay niya at tanging tatay niya nalang ang me...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments