"Bading bakit mo naman kasi pinasa ang resignation later mo agad hindi ka man lang nag isip" panunuya ni Jewel sa kaniya habang nasa canteen sila ng kompanya Wala siyang ganang kumain pero dahil libre ito ni Jewel ay sumama nalang siya "Hindi ko alam ang gagawin ko, nagagalit na saakin ang tatay ko dahil sa katangahang ginawa ko" naiiyak siyang dumukdok sa lamesa Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa, idagdag pa ang trato sa kaniya ni Zachary. Hindi alam ni Jewel o ng kahit na sino ang tungkol sa contractor marriage nila ni Zachary pero pinag-iisipan niyang sabihin ito kay Jewel, alam niyang mapagkakatiwalaan ang kaibigan niya "Maganda yung bagong sekretarya na kinuha niya, halatang ang habol lang ng babae ay makipag sex kay sir Zachary" tumango tango si jewel habang sumusubo "Kung talagang kailangan na kailangan mong makabalik bilang sekretarya niya, puwes wag kang magmukmok diyan at gumawa ka ng paraan" "Hindi ko alam paaano, ni hindi niya nga sinasagot ang taw
Halos hindi na gumalaw si Jhaira sa kaniyang kinauupuan, nasa passenger seat siya ng magarang sasakyan ni Zachary na ngayon ay seryosong nagmamaneho. Ang isang kamay nito ay abala sa steering wheel at ang isa ay nasa labi nito, parang malalim ang iniisip Siya naman ay tahimik lang, ayaw niyang galitin pa o kung ano si Zach. Idagdag pang nahihilo nadin siya dahil napadami siya ng inom "Bakit mo ko sinundan sa party?" Binasag ni Zach ang katahimikan, ngumuso siya bago sumagot "G-gusto ko sanang mag explain tungkol sa nakita mo noon saamin ni Arjay" pauna niya at umayos ng upo "What? Sasabihin mo saakin na mahal mo pa siya?" naging masungit ulit si Zach, umiigting ang panga at mahigpit ang hawak sa manibela "Wala akong sinabing ganyan... Hindi ko na mahal si Arjay at yung nakita mo nuon sa banyo, pinipilit niya akong maging kabit niya daw pero hindi ako pumayag kaya naging agresibo siya tapos duon kana dumating" nilalaro niya ang kamay habang nag e-explain sa lalaki. Muntikan siyang
Kumabog ang dibdib ni Jhaira ng isandal siya ni Zachary sa pader ng kwarto sa hotel, hindi na niya nagawang pagmasdan ang kabuuan ng kwarto dahil mabilis na lumapat ang labi ng binata sa kaniya. Malambot ang labi ni Zach at nalalasahan niya rito ang lasa ng wine "Zach mag shower muna ako, madumi ang katawan ko" singit niya sa kaniyang salita halos hindi niya makumpleto ang kaniyang sasabihin dahil walang balak si Zach na itigil ang kanilang halikan kaya naghahabol siya ng hininga sa kaniyang ilong "Let's shower together" sagot ni Zach at binuhat siyang muli, pumisil ang kamay nito sa kaniyang pang-upo hanggang sa makarating sila sa banyo. Hindi na niya namalayan ang mga nangyayari sa kapaligiran niya dahil abala na siya sa paghalik pabalik kay Zach, naramdaman nalang niya ang pagtama ng mainit na tubig sa kaniyang katawan matapos tanggalin ni Zach ang damit nilang dalawa Siguro dahil sa kalasingan ay nagkaroon siya ng lakas ng loob at nawawala ng paunti unti ang kahihiyan sa kaniya
Nanghihinang pinagmasdan ni Jhaira ang chat ni Risa sa kaniya, kakagising niya lang mula sa tulog at ito agad ang bubungad sa kaniya 'Nasaan ka? Hindi mo sinasagot ang tawag ni Diane sayo, wala sa kompanya si Zachary kailangan mo siyang hanapin' Umikot ang mata niya, obvious kasi na pinapahanap sa kaniya nito si Zach para sa plano nila pero heto siya ngayon, nasa isang hotel at kasama ang taong hinahanap nila Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang madilim na paligid, dalawang oras lang ang tulog niya dahil hindi pa siya nakakain. Lumabas si Zach sa kusina at agad na tumingin ito sa kaniya "Gutom kana? Gusto mong kumain? Nagluto ako" Tanong nito at nilapitan siya, bumaba pa ang tingin ng binata sa kaniyang kabuuan Wala siyang suot na damit, panty o bra dahil ayaw siyang suotan kanina ni Zachary "Wala akong suot" komento niya at pinagmasdan ang katawan na natatakpan lang ng kumot "No need to hide, nakita ko naman na. Mas gusto ko pang maglakad ka dito sa kwarto ng hubad hubad" par
Pinagmasdan ni Jhaira ang kamay nilang dalawa ni Zach na magkahawak, nauuna sa paglalakad si Zach habang nasa likuran sya nito papasok sa kompanya. Pakiramdam niya ay prino protektahan siya ng binata sa kung ano, nakikiliti ang puso niya sa pakiramdam ng kamay ni Zach na nakahawak sa kaniyang kamay "Good morning S-sir" binati sila ng guwardiya at mukhang nagulat ito ng makita ang magkahawak nilang kamay kaya bigla siyang nahiya, sinubukan niyang bawiin ang kamay niya kay Zach pero tinignan siya ng masama nito na para bang may ginawa siyang mali Bigla siyang kinabahan ng makita ang paparating na mga empleyado sa kompanya, ang iba rito ay kilala niya kaya natakot siya bigla. Hindi alam ng mga ito ang relasyon nila ni Zach "A-ah mag banyo lang ako, mauna ka nalang susunod ako" paalam niya "Okay bilisan mo" tumingin si Zach sa relo niya kaya mabilis siyang umalis, si Zach ay nanatiling nakasunod ang tingin sa dalagaa. Ng makita niyang pumasok na ito sa loob ng daan papunta sa banyo ay
Inis na inis si Zachary habang tinatawagan si Jhaira, kanina pa ito umalis sa meeting at hindi na bumalik, Idagdag pang hindi ito sumasagot sa text at tawag niya. Nag-aalala siya para sa dalaga Zach: Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?Umuwi kaba? or are you asleep?Okay lang kung tulog ka naiintindihan ko you need time to rest but damn it, ang tagalJhaira answer mePatuloy padin ang meeting na sa pakiramdam niya ay walang katapusan, mas nagaalala siya kay Jhaira. Paano kung may nangyari rito?"Let's stop the meeting now, hanggang dito nalang" anunsiyo niya at tumayo "Sir saan kayo pupunta?" Si Nicole"Pero sir may project papo kaming gustong I propose" sinubukang pigilan ng mga tao sa meeting si Zach pero buo na ang desisyon niya "Rejected lahat ng proposal niyo" malamig niyang tugon at lumabas Maluha luha si Jhaira habang nakasakay sa taxi, pakiramdam niya ay nanghihina ang katawan niya at pagod na pagod. Ang mga mata niya ay namumula dahil sa pag-iyak, ramdam niya ang pags
Hindi makapniwalang pinagmasdan ni Jhaira ang kabuuan ng condo ni Zach. Malawak at ito at triple pa sa lawak ng kaniyang apartment na binabayaran niya kada buwan, hindi na siya magugulat kung binayaran ni Zach ang condo ng milyon, idagdag pang nasa pinakataaa ito ng building ibig sabihin ay mas mahal"Mag-isa ka lang dito?" Hindi niya mapigilang tanong sa binata na ngayon ay kasalukuyang pinagmamasdan siyang namamangha "Yeah, come here" hinila ni Zach ang dalaga at nilabas ang isang cream Nagulat si Jhaira lalo na dahil hinawakan nito ang baba niya at pinatakan ng kung anong cream na parang lotion ang kaniyang pisngi kung saan namumula "May inaway kaba kaya ganito ang pisngi mo?" Naiinis na tanong ni Zach, hindi siya naiinis sa dalaga kung hindi dahil sa gumawa nito sa kaniya. Ayaw siyang sagutin ng dalaga kung sino ang gumawa nito sa pisngi niya, handang handa si Zach na sugurin ang taong gumawa nito sa asawa niya pero mukhang ayaw ng gulo ni Jhaira. Dahan dahan at nag-iingat ang
Pilit na pinapakalma ni Jhaira ang sarili habang papunta sa construction site kung saan naroon si Zach, kanina niya pa tinatawagan si Risa para tanungin kung ano ang mga plano nila at para pigilan sila pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Sobrang lakas ng kaniyang dibdib at pakiramdam niya ay maiiyak siya, hindi niya alam kung sino ang puwedeng tawagan sa pagkakataong iyon para alamin ang kalagayan ni Zach "Kuya pakibilisan po" request niya sa taxi driver. Natigilan lang siya sa isang ring ng kaniyang cellphone, pagtingin niya ay nakitang tumatawag si Diane sa kaniya kaya agad niya itong sinagot "Hello anon---" hindi niya natapos ang sasabihin "Puntahan mo ako sa construction site ni Zachary, gusto ni Mommy na pabilisin na ang plano pero kailangan kong makuha ang loob ni Zach kaya kailangan may mangyari sa pagitan namin. Pupuntahan ko siya sa office niya ngayon, kapag nakarating ka kausapin mo ang mga pinadalang tauhan nila Mommy para itigil ang plano" "Diane anong plano a-at
Ang hapon ay bumababa na sa abot-tanaw, at ang langit ay tila nilarawan ng mga kamay ng Diyos—kahel, rosas, at gintong halo ng liwanag. Sa ilalim ng kulay ng dapithapon, ramdam ang init ng araw na unti-unting humihina, ngunit ang init ng yakap ni Zach sa likuran ko ay nananatiling buo—matatag. Parang kasiguraduhang kahit gaano ka-unstable ang mundo noon, ay meron pa rin palang pagmamahal na hindi kayang lipulin ng panahon o sakit."Mommy! Daddy, look!" sigaw ng anak namin mula sa may buhanginan, gamit ang maliit niyang kamay para ituro ang kinulayan niyang sea shell. "It's blue now! Like my shirt!"Tumawa si Zach, habang hindi pa rin inaalis ang baba niya sa balikat ko. "He's got your curiosity," aniya. "Lahat gusto niyang malaman. Lahat gusto niyang hawakan.""Pero mana sa'yo sa pagkakalikot," sagot ko, sabay lingon sa kaniya. "May sinira na namang laruan kanina para lang makita kung paano gumagalaw."Pareho kaming natawa.Ang anak namin—isang maliit na kombinasyon ng aming dalawa. M
Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Parang ang bigat ng buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako sa isang mahabang laban na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan natapos.Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman ang malamig na simoy ng aircon, ang mahina ngunit pamilyar na amoy ng disinfectant, at ang kawayang ingay ng monitor na may tunog na beep... beep... beep sa gilid ko.Pagdilat ng mata ko, unang sumalubong sa akin ang maputing kisame ng ospital. Tahimik ang paligid. Malinis. Mapayapa.Napasinghap ako nang dahan-dahan kong igalaw ang kamay ko. Masakit. Mabigat ang puson ko. Ngunit... buháy ako. Buhay."Baby"Isang pamilyar, pabulong na tinig ang sumalubong sa akin. Mababaw ngunit punô ng emosyon. At sa paglingon ko sa kanan, tumigil ang mundo ko.Si Zach.Naka-sando lang siya, mukhang hindi pa naliligo, magulo ang buhok at may mga luha sa mata. Pero kahit ganoon, kitang-kita sa kaniya ang saya—at ang kaba—habang hawak-hawak niya sa kanang braso ang isang maliit na kumo
My pregnancy journey wasn't easy.Minsan talaga, para akong may topak—may araw na tatawa lang ako buong umaga, tapos bigla nalang akong iiyak dahil naiwan ko ang paborito kong unan sa kabilang kwarto. May oras na kahit simpleng tanong ay naiirita ako, at kahit ang lambing ni Zach, hindi ko maintindihan minsan kung nakaka-comfort ba o lalo lang akong naiiyak. Hormones. Emotions. Exhaustion. Lahat-lahat.Pero kahit pa ganu'n, hindi niya ako iniwan. He stayed. Not just physically—but truly present. With every unpredictable mood swing, with every unreasonable craving, with every breakdown I couldn't explain—Zach was there, steady like the sea on a calm day."Okay lang, baby," he'd whisper while gently rubbing my back. "Pagod ka lang. And I love you. Always."And as for my mom... she never left my side either. Para bang bumalik ako sa pagkabata, 'yung panahong may sakit ako at siya 'yung gumagabay sa'kin. Ngayon, siya pa rin ang nandiyan—guiding me through the aches, the fears, and even th
Ang mga sumunod na buwan pagkatapos ng kaguluhan... parang pelikula lang. Pero hindi 'yung tipong action-packed na may barilan at habulan—kundi 'yung uri ng pelikulang tahimik pero punô ng damdamin. Marahang umikot ang oras, pero sa bawat segundo, ramdam ang pagbabago.Kung dati, sanay akong si Zach ay tila isang guwapong demonyo—mataas ang ihi, malamig ang titig, at tila walang pake sa paligid—ngayon, araw-araw ko siyang nakikitang may hawak na eco bag mula Landers, habang sa kabilang kamay ay maingat niyang binabasa ang sulat-kamay kong grocery list na may mga kulot-kulot pa sa dulo ng letra."Zach, hindi 'yan 'yung tamang gatas."Napahinto siya sa gitna ng aisle, hawak ang isang lata ng formula milk, at napakunot-noo na para bang CEO na sinabihan ng accountant niya na nalugi ang kumpanya sa loob ng dalawang araw."Ha? Pero 'yan 'yung may DHA,.""Oo, pero 'di hypoallergenic 'yan. Sabi ni OB ko, dapat sensitive-friendly 'yung bibilhin."Tahimik siyang tumango. Walang reklamo. Parang
"Zach..."Halos himatayin ako habang patakbo palapit sa kaniya. Nanginginig ang katawan ko, halos mapatid ang hininga ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Paglapit ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap—mahigpit, desperado, parang mawawala ulit siya sa isang iglap.Yinakap ko siya na parang hindi na ako hihinga kung hindi ko siya mahahawakan.Pinasok ko ang mukha ko sa marumi niyang dibdib. Amoy usok, dugo, at pawis ang kanyang katawan, pero wala na akong pakialam."L-ligtas ka..." hikbi ko habang tumutulo na naman ang luha ko.Sinuntok ko pa siya sa likod, mahina pero may galit. Hindi galit na galit. Galit na halong takot—dahil muntik na niya akong iwan. Dahil muntik na siyang mawala sa'kin."I'm sorry if I made you nervous," bulong niya, paos ang boses. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa dibdib niya habang humihinga siya ng malalim.Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Maingat. Parang dinuduyan ang mukha ko. Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko, kahit na hindi ko pa rin map
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sa likod ng 7-Eleven, bigla akong natigilan. Parang bumagsak ang mundo ko sa sahig. Sa harap ko, isang hanay ng itim na sasakyan ang nakapila. Mga lalaking naka-black suit, may hawak na baril, at lahat nakatingin sa direksyon ko.Pero hindi sila ang bumuhay ng kaba sa dibdib ko.Nandoon siya.Ang matandang mukhang lumalamon ng galit at poot. Si Lolo ni Zach. Hindi ko man siya kilala nang lubusan, pero sa isang iglap lang ng titig niya — ramdam ko agad.Papatayin niya ako."PUTA!" sigaw niya habang mabilis akong nilapitan, mas mabilis pa sa paghinga ko. "PUTA KANG MALAS KA!"Isang sampal.Sunod-sunod. Wala akong oras para makaiwas.Sumabog ang tenga ko. Ang pisngi ko, parang tinuklap ang balat. Parang nagdilim ang paningin ko. Parang ang buong katawan ko ay nilunod ng apoy.Hinila niya ako palapit. Kinwelyuhan. Parang wala akong kwenta. Parang basura lang akong pinulot sa daan."Lahat, LAHAT NAWALA DAHIL SA'YO! DAHIL SA KALANDIAN MO!""A-ano—?"Hindi k
Hindi pa sumisikat ang araw nang maramdaman kong gumalaw ang mga pilikmata ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, pero sapat na ang liwanag ng buwan sa labas para makita ko ang madilim na silweta ng kwartong kinabibilangan namin ngayon.Tahimik. Malamig ang hangin galing sa aircon, pero mas mainit ang katawan ni Zach na nakayakap sa'kin mula sa likod.Nakahiga siya, ang isang braso niya nakaakbay sa baywang ko habang ang isa nama'y nakaipit sa ilalim ng leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap niya nang bahagya, para bang kahit sa pagtulog niya ay ayaw niya akong pakawalan.Napalingon ako. Doon ko nakita ang mukha niyang nakalapat sa unan, mahimbing ang tulog, pero halatang pagod. Namumula pa ang ilalim ng mga mata niya, may kaunting eyebags na tinatago ng makakapal niyang pilikmata. Magulo ang buhok niya, bahagyang namumula ang labi, at halatang hindi siya natulog agad kagabi.Ni hindi ko alam kung nakatulog nga ba siya ng maayos.Paano ba naman, imbes na tapusin niya 'yung mga papeles
Pinagmasdan ko kung paano iligo ni Zach ang perfume ng strawberry scent sa kanyang katawan, pati buhok niya ay ini sprayan nya rin. Halos maubos na ang bagong bottle ng pabango dahil sa pag lalagay niya rito, kulang nalang ay gawin na niya itong sabon sa katawan"Done, can I hug you now?" tanong niya ng matapos siya Naka-upo ako sa sofa habang siya ay nakatayo sa harapan ko at tinatakpan ang pinapanood kong movie. Relax na relax lang ako rito pero siya ay kanina pa problemado dahil hindi ko pinagbigyang lumapit siya saakin kanina "Lika na baby ko" ngiti ko at inilahad ang aking kamay sa kaniya Sobrang lawak ng ngiti naman niyang binato sa likuran niya ang pabango sa sahig at agad akong nilapitan. Mabilis niya akong niyakap at agad na sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib, ang kaniyang kamay ay pumasok sa loob ng aking blouse at hinaplos ang bewang. Ayaw na ayaw talaga nito na walang mahawakang balat saakin, kailangan ay may pisikal contact sa aming dalawa kung hindi ay para na si
Lutang akong nakatingin sa kawalan habang nakayakap saakin si zach mula sa aking likuran, ang kaniyang kamay ay nakayakap sa aking bewang at ang isa ay nakahaplos sa aking tiyan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ng aking leeg Ngumuso ako at sinulyapan siya, naabutan kong pikit na ang kaniyang mata at mukhang patulog na. Humarap ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang panga "Ayaw mo na ba saakin? ayaw mo na sa katawan ko?" tanong ko, halata ang pagtatampo sa boses Paano kasing hindi ako magtatampo ay inayawan niya ang ginawa kong pan lilinlang sa kaniya, pagkatapos niyang makita ang itsura ko sa lingerie ay agad niya akong kinumutan sa buong katawan at sinabing magpalit daw ako at baka lamigin ako, ibig sabihin ay palpak ang ginawa ko. Kitang kita ko pa naman ang pagtayo ni junjun niya kanina pero sa huli, mas nagtagumpay ang kanang kamay ni zach sa loob ng cr para palabasin ang dapat palabasin kanina Ang akala ko ay tulog na siya pero bigla niyang nilapit an