12 years later "Maam, lahat po ng appointment niyo ngayon ay nae-cancel ko na. Naihanda ko na rin po ang masasakyan niyo papunta sa factory na nasunog kagabi."Kaagad na tumayo siya. Isinuot niya ang blazer suit at binitbit ang bag. "Salamat Sarah. Lahat na mga documents na kakailanganin ko ay pakihanda na lang para pagbalik ko ay titingnan ko. Siguraduhin mong lahat ng tungkol sa branch ay ilalabas mo para hindi na kita matawagan." "Opo maam." "Hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik dito, pwede ka ng umuwi pag natapos mona ang pinapagawa ko.'' "Opo maam, thank you,'' ani nito. Tumango siya tsaka tumalikod na sa kanyang secretary. Nagmamadali ang bawat kilos para mapuntahan niya na ang lugar kung saan nasunog ang bagong building. Sumasakit ang ulo niya sa nangyari, million million ang nawala sa kanya dahil sa aksidente. Ang pinagpapasalamat niya na lang ay walang taong nadamay. "Maam, andoon na po ang pulis naghihintay sa'tin." "Thank you po, pakibilisan na lang manong,"
Last Updated : 2022-12-19 Read more