Hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang imahe ng lalaki, palaging naglalaro sa isip niya ng mga mata nito at labi. Mariing pinikit niya na lang ang mga mata at naiinis na ginulo ang buhok. Bakit pa kasi ngayon pa siya nagkakaganito kung kailan lampas na ng kalendaryo ang edad niya? akala mo teenager eh. Nagmumukha na lang tuloy siyang tanga at baliw. "Tasha. Ayusin mo ang buhay mo, malabong maging kayo dahil mas bata siya at lalong hindi ka niya papatulan dahil hindi ka niya gusto, kailangan mo siyang kalimutan. bulong niya sa sarili. Binalik niya ang mata sa mga papeles na nagkalat sa lamesa. Bumalik siya sa pagkaaayos nang upo at sinusubukang ituon ulit ang atensiyon sa trabaho. Anong oras na siyang nag-lunch dahil tinapos niya pa ang lahat ng trabaho. Pero tatayo pa nga lang siya nang tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang kaibigan. Kaagad niya namang sinagot. "Tasha... tulungan mo ako," bungad nito pagkasagot niya. Kaagad naman na nagsalubong ang kilay niya dahil sa bo
"Papa, hindi po ba talaga ikaw ang papa namin?'' "Hindi siya kaya wag mona siyang tawaging papa." Saway ng batang lalaki sa kakambal. Ang lalaki naman ay tiningnan siya na nakataas ang kilay, pinipigilan ang sariling sumagot sa batang lalaki. Nginitian niya naman ito, para siyang nanay na inaalo ito para hindi pumatol. Tiningnan niya ang batang babae. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagkasabik na makita ang ama. Nakakalungkot lang isipin dahil lumalaki silang walang kinikilalang ama. Ang bata ang mas nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Kaya hindi maunawaan ni Tasha ang mga lalaking ginagawa ang bagay na 'to. Kung ayaw niya pa pa lang magkaroon ng anak bakit hindi gumamit ng protection? Kung hindi talaga kayang pigilan pwede namang makipagtalik na safe, bakit kailangang gawin ang bagay na sa huli ay hindi mo naman pananagutan. Hahayaan ang babaeng magbuntis at iiwan. Nakakainis 'yong ganitong mga klaseng lalaki. "Wag ka ng malungkot." Itinaas niya ang kamay at marahan na pinunasa
"Salamat sa paghatid," ani niya. Binuksan niya na ang pinto ng sasakyan at lumabas. "Wag mong kalimutan na tatawag ako sa'yo mamaya pag nasa bahay na ang mga bata." Umikot ang mata niya at nagpakawala ng buntong hininga. Pinagkrus niya ang mga braso. "Hmm, pasalamat ka na lang talaga dahil gusto ko rin sila.'' Ngumiti naman ito sa sagot niya. Napatitig siya sa kaibigan. "Ikaw, alam mona man 'di ba ang ginagawa mo? Sandro hindi mo kaano ano ang mga batang 'yon at nagbitaw ka ng salita sa kanila. Seryoso kaba talaga 'don dahil Sandro, mga bata sila, tatandaan nila 'yon. Kahit na hindi ka magbigay ng pera sa kanila, nakita mo 'yong mga bata? atensiyon ng ama ang hinahanap nila. At ang sinabi mo sa mga bata, hindi ka na makakawala." "Dont worry. I know what I'm doing." Alam naman pala, akala niya ay hind ito nag-iisip eh. "Hay naku, sige na at marami pa akong trabaho. Kailangan ko pang madaliin 'yon dahil may isang tao d'yan na mang-iisturbo." Tumawa lang ito at mayabang siyang tini
Pabagsak na umupo siya sa sofa at isinandal ang katawan. Hinanap ng mata niya ang mga anak, nakakapagtaka dahil hindi siya sinalubong ng dalawa at maghahanap ng pasalubong. Sakto namang bumaba ang ina, mukhang naglinis ito sa mga kwarto. "Mama, saan po ang mga bata?""Nasa kabilang bahay at doon nanglalaro." "Ma, wala akong kilala sa kapitbahay natin. Baka mamaya kung saan saan sila dalhin nong mga batang kalaro nila." Bago lang silang lipat dito at ang mga kapit bahay niya ay hindi niya pa kilala. Hirap magpakampante sa panahon ngayon. "Wag kang mag-alala dahil magkasintahan 'yong pinuntahan nila at sa unahan lang 'yon. Yong magkasintahan parang wala pang mga anak eh dahil aliw a aliw sila kahapon sa anak mo. At ayon nga, nagpaalam sa'kin na kung pwede eh gumala ang dalawa, pumayag naman ako para naman makapag linis ako nang matiwasay." "Pag 'yon nanikaw nay, palitan mo." Napailing iling na lang na tiningnan siya nito. Tumabi na ito nang upo. "Alam mo ba ang nangyari kahapon? ma
"Mommy, may sasabihin po kami ni Phee sa'yo." "Hm, ano naman 'yon?" Hinawakan niya ang kamay ng anak at tinulungang sumampa sa kama at pinaupo sa harapan. Ang anak niyang lalaki ay tahimik at pag ito naman nagsalita ay parang binata na, habang ang kakambal naman nito ay napakadaldal, nakuha ang ugali sa kanya. Ang anak niyang lalaki ay nasa sofa nakaupo at kaharap na ang tablet nito, mabuti na lang na ganyan ito dahil kung dadagdag pa ito kay Thee kakulit ay hindi niya na kakayanin. "Sorry po kung pumunta kami sa lalaking kamukha ni papa, tapos hindi rin kami nagpaalam sa'yo mama. Mama sorry po, natakot po kami na baka po paluin mo kami eh." Marahan na hinaplos niya ang mukha ng anak at ngumiti. Nilingon niya ang anak na lalai. "Phee anak, ali ka nga rito may sasabihin si mama sa inyo." Binitawan naman nito ang tablet at lumapit sa kanila, tumabi ito ng upo sa kapatid kaya magkaharap na silang tatlo ngayon. Nakangiting tiningnan niya ang dalawang nagpapasaya sa kanya. Ang dalawa
Mariing pinikit ni Tasha ang mga mata niya. Pinilit niya ang sariling huwag ipakita sa ina ang mukha niya. Naririnig niya lang naman ang sigaw ng Mommy niya sa loob at kaaway nito ang ama niya at pinag-aawayan na naman ang tungkol sa babae nito, ang pagiging babaero nito na lagi nilang problema dalawa. Ang lalo pang kinagagalit niya sa sarili ay alam niya ang lahat, alam niya kung sino ang babae ng ama niya pero araw-araw ay nagpapanggap siya at ngumingiti sa taong 'to na parang hindi niya alam. Nanginginig ang labi at pinunasan niya ang sariling luha. Sinandal niya ang likod at tumingala habang pinipigilan ang sarili na lumuha."Bigyan mo naman ng kahihiyan ang anak mo, Alfonso. Si Tasha, a-anong sasabihin niya sa’yo kapag nalaman niya 'to? Hindi ka pa rin marunong makuntento? Kahit utang na loob Alfonso ang tanda na natin. Bakit hanggang ngayon siya pa rin?" sabi na garalgal na ang boses ng Mommy niya. Malamang ay may nakapagsabi na naman sa nanay niya. "Baba-e ang anak mo tapos g
"Mahal ko siya," sagot ng Mommy niya. Mariing pumikit si Tasha. Pinilit niya na lang itikom ang bibig kaysa sa magsalita at baka masaktan niya pa ang ina. Baka may masabi siyang hindi maganda na ikasakit pa lalo nito. "I’m sorry, I did everything I can already para lang matutunan niya akong mahalin, anak. Ang sakit-sakit na tiniis ko lahat ng ginawa niyang pambabae dahil naniniwala akong matutunan niya rin akong mahalin. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako. Ang kapatid ko pa rin." Dahan dahan yumakap si Tasha sa ina. “Ibig sabihin ay simula pa lang ay si Tita Lorena na talaga ang mahal ni Daddy? Simula dati pa? Ibig sabihin naunang nagkakilala sila ni tita Lorena?” At dahil sa mga nalaman niya ay bigla sumakit ang ulo niya. “Hindi ko maintindihan kung bakit umabot sa ganito, Mommy. Every time na naiisip ko si Daddy at tita ay nagagalit ako, lalong-lalo na kapag naiisip kung magkapatid kayong dalawa ni tita."Malungkot lang na ngumiti ang Mommy niya, pinunasan nito ang sariling l
Marahang natawa siya at napailing. Inubos niya ang laman ng baso at saka nagpasyang tumayo. "Opss." Natawa siya nang muntik pa siyang natumba. Mabuti at nabunggo niya ang lalaki at napahawak siya sa braso nito. Nasinghot niya pa ang pabango nito, gustong-gusto niya 'yon pero mas gusto niyang sumayaw. Umiikot na ang paningin niya sa daming nainom. Pero ayaw niya pa na umuwi. Gusto niya pa niya na sumaya at makalimutan ang sakit na nararamdaman. Pilit na dinilat niya ang mga mata, inalis niya ang kamay sa braso nito at pasuray-suray na naglakad sa mga taong sumasayaw. Nagtagumpay siya kahit na muntik na naman siyang matalisod. Mabuti talaga at hindi naman siya pinabayaan ng panginoon sa mga panahong ito. At dahil ang gusto niya lang ay maalis ang sakit sa puso niya kahit ilang minuto lang. Ang tanging gusto niya lang sa ngayon ay maging masaya. Pero sa hindi maiwasan na pangyayari ay napaluha na naman ang mga mata niya, kaya bago pa talaga siya maiyak ay nagsimula na siyang sumayaw.
"Mommy, may sasabihin po kami ni Phee sa'yo." "Hm, ano naman 'yon?" Hinawakan niya ang kamay ng anak at tinulungang sumampa sa kama at pinaupo sa harapan. Ang anak niyang lalaki ay tahimik at pag ito naman nagsalita ay parang binata na, habang ang kakambal naman nito ay napakadaldal, nakuha ang ugali sa kanya. Ang anak niyang lalaki ay nasa sofa nakaupo at kaharap na ang tablet nito, mabuti na lang na ganyan ito dahil kung dadagdag pa ito kay Thee kakulit ay hindi niya na kakayanin. "Sorry po kung pumunta kami sa lalaking kamukha ni papa, tapos hindi rin kami nagpaalam sa'yo mama. Mama sorry po, natakot po kami na baka po paluin mo kami eh." Marahan na hinaplos niya ang mukha ng anak at ngumiti. Nilingon niya ang anak na lalai. "Phee anak, ali ka nga rito may sasabihin si mama sa inyo." Binitawan naman nito ang tablet at lumapit sa kanila, tumabi ito ng upo sa kapatid kaya magkaharap na silang tatlo ngayon. Nakangiting tiningnan niya ang dalawang nagpapasaya sa kanya. Ang dalawa
Pabagsak na umupo siya sa sofa at isinandal ang katawan. Hinanap ng mata niya ang mga anak, nakakapagtaka dahil hindi siya sinalubong ng dalawa at maghahanap ng pasalubong. Sakto namang bumaba ang ina, mukhang naglinis ito sa mga kwarto. "Mama, saan po ang mga bata?""Nasa kabilang bahay at doon nanglalaro." "Ma, wala akong kilala sa kapitbahay natin. Baka mamaya kung saan saan sila dalhin nong mga batang kalaro nila." Bago lang silang lipat dito at ang mga kapit bahay niya ay hindi niya pa kilala. Hirap magpakampante sa panahon ngayon. "Wag kang mag-alala dahil magkasintahan 'yong pinuntahan nila at sa unahan lang 'yon. Yong magkasintahan parang wala pang mga anak eh dahil aliw a aliw sila kahapon sa anak mo. At ayon nga, nagpaalam sa'kin na kung pwede eh gumala ang dalawa, pumayag naman ako para naman makapag linis ako nang matiwasay." "Pag 'yon nanikaw nay, palitan mo." Napailing iling na lang na tiningnan siya nito. Tumabi na ito nang upo. "Alam mo ba ang nangyari kahapon? ma
"Salamat sa paghatid," ani niya. Binuksan niya na ang pinto ng sasakyan at lumabas. "Wag mong kalimutan na tatawag ako sa'yo mamaya pag nasa bahay na ang mga bata." Umikot ang mata niya at nagpakawala ng buntong hininga. Pinagkrus niya ang mga braso. "Hmm, pasalamat ka na lang talaga dahil gusto ko rin sila.'' Ngumiti naman ito sa sagot niya. Napatitig siya sa kaibigan. "Ikaw, alam mona man 'di ba ang ginagawa mo? Sandro hindi mo kaano ano ang mga batang 'yon at nagbitaw ka ng salita sa kanila. Seryoso kaba talaga 'don dahil Sandro, mga bata sila, tatandaan nila 'yon. Kahit na hindi ka magbigay ng pera sa kanila, nakita mo 'yong mga bata? atensiyon ng ama ang hinahanap nila. At ang sinabi mo sa mga bata, hindi ka na makakawala." "Dont worry. I know what I'm doing." Alam naman pala, akala niya ay hind ito nag-iisip eh. "Hay naku, sige na at marami pa akong trabaho. Kailangan ko pang madaliin 'yon dahil may isang tao d'yan na mang-iisturbo." Tumawa lang ito at mayabang siyang tini
"Papa, hindi po ba talaga ikaw ang papa namin?'' "Hindi siya kaya wag mona siyang tawaging papa." Saway ng batang lalaki sa kakambal. Ang lalaki naman ay tiningnan siya na nakataas ang kilay, pinipigilan ang sariling sumagot sa batang lalaki. Nginitian niya naman ito, para siyang nanay na inaalo ito para hindi pumatol. Tiningnan niya ang batang babae. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagkasabik na makita ang ama. Nakakalungkot lang isipin dahil lumalaki silang walang kinikilalang ama. Ang bata ang mas nahihirapan sa ganitong sitwasyon. Kaya hindi maunawaan ni Tasha ang mga lalaking ginagawa ang bagay na 'to. Kung ayaw niya pa pa lang magkaroon ng anak bakit hindi gumamit ng protection? Kung hindi talaga kayang pigilan pwede namang makipagtalik na safe, bakit kailangang gawin ang bagay na sa huli ay hindi mo naman pananagutan. Hahayaan ang babaeng magbuntis at iiwan. Nakakainis 'yong ganitong mga klaseng lalaki. "Wag ka ng malungkot." Itinaas niya ang kamay at marahan na pinunasa
Hindi pa rin mawala wala sa isip niya ang imahe ng lalaki, palaging naglalaro sa isip niya ng mga mata nito at labi. Mariing pinikit niya na lang ang mga mata at naiinis na ginulo ang buhok. Bakit pa kasi ngayon pa siya nagkakaganito kung kailan lampas na ng kalendaryo ang edad niya? akala mo teenager eh. Nagmumukha na lang tuloy siyang tanga at baliw. "Tasha. Ayusin mo ang buhay mo, malabong maging kayo dahil mas bata siya at lalong hindi ka niya papatulan dahil hindi ka niya gusto, kailangan mo siyang kalimutan. bulong niya sa sarili. Binalik niya ang mata sa mga papeles na nagkalat sa lamesa. Bumalik siya sa pagkaaayos nang upo at sinusubukang ituon ulit ang atensiyon sa trabaho. Anong oras na siyang nag-lunch dahil tinapos niya pa ang lahat ng trabaho. Pero tatayo pa nga lang siya nang tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang kaibigan. Kaagad niya namang sinagot. "Tasha... tulungan mo ako," bungad nito pagkasagot niya. Kaagad naman na nagsalubong ang kilay niya dahil sa bo
Hindi alam ni Tasya kung gaano siya katagal na nakatingin sa mga mata ng binata habang magkalapit ang mukha nilang dalawa. Tinatanggal nito ang helmet na suot niya, at sana nga lang ay hindi nito napansin na kanina pa siya nakatingin. At ang klase nang pagtibok ng puso niya ay parang gustong lumabas sa katawan niya. Naninibago siya lalo na at ngayon lang nagkaganito ang puso niya na sa sobrang lakas akalain mong maririnig ng kaharap mo. Nawala lang siya sa pagkatulala ng tumikhim ito. Nakakainis lang dahil nahuli siya nito. Pasimpleng napakagat labi na lang siya at mariing pumikit sa kahihiyan. "Salamat," ani niya at tumikhim para pakalmahin ang sarili. Napatingin siya nang marinig ang pagtawa ng binata. Hindi niya na naman mapigilang mapatingin sa mga mata nitong bumihag sa kanya. "Your welcome." Ngumiti ito na kay tamis. Nagulat pa siya sa pag-angat ng kamay nito pero hindi na siya nakagalaw ng lumapat ang hintuturo ng lalaki sa ibaba ng ilong niya at may pinunasan 'don. "May p
12 years later "Maam, lahat po ng appointment niyo ngayon ay nae-cancel ko na. Naihanda ko na rin po ang masasakyan niyo papunta sa factory na nasunog kagabi."Kaagad na tumayo siya. Isinuot niya ang blazer suit at binitbit ang bag. "Salamat Sarah. Lahat na mga documents na kakailanganin ko ay pakihanda na lang para pagbalik ko ay titingnan ko. Siguraduhin mong lahat ng tungkol sa branch ay ilalabas mo para hindi na kita matawagan." "Opo maam." "Hindi ko alam kung anong oras ako makakabalik dito, pwede ka ng umuwi pag natapos mona ang pinapagawa ko.'' "Opo maam, thank you,'' ani nito. Tumango siya tsaka tumalikod na sa kanyang secretary. Nagmamadali ang bawat kilos para mapuntahan niya na ang lugar kung saan nasunog ang bagong building. Sumasakit ang ulo niya sa nangyari, million million ang nawala sa kanya dahil sa aksidente. Ang pinagpapasalamat niya na lang ay walang taong nadamay. "Maam, andoon na po ang pulis naghihintay sa'tin." "Thank you po, pakibilisan na lang manong,"
Ilang taon na ang lumipas ay iginugol ni Tasha ang atensiyon sa ina at kompanya. Ang mommy niya naman ay patuloy na nagpapagaling. Pero nagbago ang mommy niya, palagi pa rin itong nakatulala. Minsan na lang siya nito kinakausap at ang sagot pa ay tango lang. Araw araw ay dinudurog ang puso niya sa tuwing nakikita ang ina, nasasaktan siya pero hindi niya ito pinapakita sa ina. Kailangan niyang lakasan ang loob para dito. Para hindi ito mawalan ng pag-asa. "Ito na po ang dinner niyo." Inilapag niya ang hawak hawak na plato at humalik sa pisngi ng ina bago umupo. Nawala ang ngiti niya bigla nang makita ang ina na nakatulala at tumutulo pa ang luha. Kaagad na lumingon siya para iiwas ang mukha sa ina. Mariing pumikit at pinipigilan niya ang sarili. Aaminin niyang pagod na siya, pagod na siya sa kompanya at ganito pa ang maabutan pag-uwi, pero wala siyang magagawa, kailangan niyang tiisin ang lahat sa pamamagitan ng patagong pag-iyak. "Mommy kailangan niyo na pong kumain dahil iinom na
Katahimikan ang sumalubong kay Tasha pagkapasok niya ng gate. Hindi na siya nagtaka nang wala siyang makitang mga kasama nila sa bahay. Tiyak ay pinauwi na naman ng mommy niya ang mga ito o hindi kaya sa Cavity, sa kabilang bahay nila. Nang hindi makita ang ina sa sala ay umakyat siya sa taas para hanapin ito sa kwarto, pero wala 'don ang ina. Nasa kabilang kwarto pala, kwarto ng daddy niya. Bata pa lang siya ay magkahiwalay na ang kwarto ng mga magulang niya. Ang akala niya noon ay okey lang 'yon. Na natural lang 'yon sa mag-asawa. Pero ngayon ay alam niya na ang katotohanan. Nakahiga ang ina sa kama at nakatingin sa kisame, isang tingin pa lang alam niyang nakatulala lang ito. Hindi siya napansin ng ina hanggang sa paglapit niya rito. Namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak at sigurado siyang wala ring tulog ang ina. "Mommy," tawag niya. Marahan na hinawakan niya ang kamay nito para kunin ang atensiyon ng ina. Dahan dahang napatingin ang ina sa kanya, at ang mga luha nito