"Salamat sa paghatid," ani niya. Binuksan niya na ang pinto ng sasakyan at lumabas. "Wag mong kalimutan na tatawag ako sa'yo mamaya pag nasa bahay na ang mga bata." Umikot ang mata niya at nagpakawala ng buntong hininga. Pinagkrus niya ang mga braso. "Hmm, pasalamat ka na lang talaga dahil gusto ko rin sila.'' Ngumiti naman ito sa sagot niya. Napatitig siya sa kaibigan. "Ikaw, alam mona man 'di ba ang ginagawa mo? Sandro hindi mo kaano ano ang mga batang 'yon at nagbitaw ka ng salita sa kanila. Seryoso kaba talaga 'don dahil Sandro, mga bata sila, tatandaan nila 'yon. Kahit na hindi ka magbigay ng pera sa kanila, nakita mo 'yong mga bata? atensiyon ng ama ang hinahanap nila. At ang sinabi mo sa mga bata, hindi ka na makakawala." "Dont worry. I know what I'm doing." Alam naman pala, akala niya ay hind ito nag-iisip eh. "Hay naku, sige na at marami pa akong trabaho. Kailangan ko pang madaliin 'yon dahil may isang tao d'yan na mang-iisturbo." Tumawa lang ito at mayabang siyang tini
Read more