Home / Romance / Fix Marriage with my Online Date / KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

Share

KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

Author: soluna_scrive
last update Huling Na-update: 2024-12-25 18:15:27

DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito.

“H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod.

“Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.”

“Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah.

“A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.”

“Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah.

Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah.

Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid.

“Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dito.”

“Ate ang OA mo, concern lang ang tao…saka magkaibigan kami kaya normal lang ito.” Pangangatwiran ni Axel.

“Kaibigan? Sus maniwala!”

“Ate naman!”

Natawa si Ariah sa ikinilos ng kapatid, maya-maya pa ay nagsalita muli.

“Nga pala! May magandang balita ako.”

“Talaga? Ano iyon ate?”

“Tanda mo iyong librong sinulat ko nakaraang buwan?”

“Alin doon? Ano meron?”

“Pumatok online! Laki ng kita ko, umabot ng tatlong daang libo!”

GULAT ang rumehistro sa mukha ni Axel ng malaman ang balita mula sa kapatid. Nitong mga nakaraang araw ay labis ang pag-aalala niya dahil hindi nya alam saan kukuha ang kaniyang ate ng napaka laking halaga para sa kaniyang nalalapit na operasyon. Kaya naman labis ang pasasalamat niya na masipag ito at nagkaroon ng salapi para sa pagpapagamot.

Kung tutuusin ayaw na sana ni Axel na dumaan pa sa maprosesong pagpapagamot dahil labis na ang hiya na nararamdaman niya sa kaniyang ate na doble kayod ang ginagawa sa araw-araw. Ngayon ay kahit papaano’y lumuwag ang pakiramdam dahil sa biyayang natanggap. Lihim siyang nagpasalamat sa Maykapal.

Nagpaalam si Ariah sa kapatid na magbabayad lamang ng bills at may aasikasuhin. Nang matapos makapagbayad, hindi maalis ang ngiti sa mukha nito, lumilitaw tuloy ang biloy nito sa kaliwang pisngi.

Napawi rin agad ito ng maalalang nagsinungaling siya sa kapatid. Sa katunayan hindi pa niya nilalabas ang librong sinulat. Kaya lamang siya nakapagbayad ay dahil pumayag siya sa kasunduang magpakasal sa isang estranghero na tanging pangalan lamang nito ang kaniyang nalalaman.

Nang palabas na ng ospital, saktong nakasalubong ni Ariah ang dating nobyong si Grey at ang ina nitong matapobreng si Deborah. Pagkunwari ni Ariah ay naroon sa ospital ang mag-ina dahil dito na nagtatrabaho bilang nurse si Grey.

“Oh? Napakaliit talaga ng mundo. Dito pala na-admit si Axel?” banggit ni Deborah nang magkasalubong sila.

Tipid na ngumiti lamang si Ariah at akmang aalis nang magsalita muli si Deborah.

“Kawawang mga bata nga naman, palibhasa’y walang mga magulang saan kaya kayo pupulutin niyan? Mahal ang mga gamot ha. Balita ko grabe pa ang sakit ng kapatid mo.”

Nagpantig ang tenga ng dalaga dahil sa narinig.

“Mawalang galang na ho, hindi pa naman po kami naghihikahos. Kahit walang magulang ay kinakaya naman po, Aleng Deborah," saad ni Ariah at saka nagpatuloy muli.

"Pinalaki ho kasi kaming maparaan at determinado sa buhay, mabuti ho kasi ang aming mga magulang noong nabubuhay pa, hindi gaya ng ibang pamilya na walang ibang ginawa kundi gawing chismis ang buhay ng iba, at lokohin ang seaman na asawa,” mayroong mapang-asar na ngiti sa labi ni Ariah.

Matagal niya nang gustong sagutin ang matanda, subalit hindi niya lang magawa noon sapagkat ina siya ng kaniyang kasintahan ano mang hindi magandang salita ang bitiwan nito.

“Aba bastos! Sumasagot ka ha?!” halos umusok na ang ilong ng matanda, pinigilan siya ng anak na si Grey nang akmang aabante ito upang sugurin si Ariah.

“Napapaisip lang po ako, gaano po kaboring ang buhay niyo para paki-alamanan ang buhay ng iba?”

“Aya! Grabe ka na magsalita, mas matanda pa rin sayo si mama, respeto naman.”

“Respeto, Grey? Tanong mo muna kung ginawa niya sa akin ‘yan sa loob ng tatlong taon nating pagsasama. Sabagay, kung ano ang puno iyon din ang bunga."

Halos umusok na ang ilong ng mag-ina.

"Nga pala, kumusta ang panloloko kasama ng kabit mo?” Tanong ni Ariah, nakataas ang kanang kilay nito.

NOONG NAKARAANG buwan ay napag-alaman ni Ariah ang panlolokong ginawa ng dating nobyo na si Grey sa kaniya. Si Grey Lopez ay kaniyang kababata na matagal niya ring minahal. Subalit nadurog ang kaniyang puso nang masaksihan mismo ang pagtataksil nito isang araw nang dadalawin sana niya ito sa pinagtatrabahuang ospital.

Kaniyang naabutan ang harutan ni Grey at ng babaeng hindi niya nakikilala sa parking lot ng ospital ala-sais ng gabi. Halos manghina si Ariah sa natagpuan, dahil iyon din ang araw na nalaman niyang may malubhang karamdaman ang kapatid.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay pagbuhos ng sakit na nararamdaman ni Ariah. Tila nakikisama ang panahon sa kaniyang pagdadalamhati.

Nabalik si Ariah sa kasalukuyan nang magsalita si Grey.

“Ariah, kung ano man ang nakita mo, hindi totoo iyon. Ilang ulit ko bang kailangan ipaliwanag sayo na lasing lang si Stacy no’n?”

“Pakiusap lang Grey, huwag mo akong gawing tanga. Ni lasing siya o hindi, hindi iyon ang usapan. Ginantihan mo ang halik niya! Hindi ako bulag, lalo hindi sa taong gaya mo!"

Kaugnay na kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 4: Theodore ng Morgan Group

    TUMALIKOD NA PAALIS si Ariah, mabigat ang damdamin subalit kasabay no’n ay tila napawi ang tinik sa kaniyang dibdib. Biyaya ring itinuturing ang pagkakatuklas ng bagay na nagpapabigat sa kaniyang damdamin. Sa wakas, malaya na siya mula sa pait na dulot ng unang relasyon kasama ang patpating si Grey. Sa kabilang banda pagkatapos ihatid si Ariah, tumungo na sa kompanya si Theodore. Pagpasok pa lamang ay agad na siyang binati ng mga sekyu at mga empleyado. Mayroon ding mga bagong empleyado na hindi magkamayaw ang paglingon sa acting-CEO na si Theodore. Agaw pansin ang kakisigan nito, at hanga ang lahat na sa murang edad ay bihasa na ito sa pamamahala ng negosyo. “Siya talaga iyong CEO? Grabe! Mukha siyang artista!” “Modelo kamo! Kala ko mga matandang hukluban na afam ang mga CEO, bakit siya gifted?” “Swerte ng mapapangasawa niya…” “Wala pa siyang asawa? Nako, magboboluntaryo na ako!” Hindi rinig ni Theodore ang mga bulong-bulungan habang naglalakad sa hallway, o sadyang hindi

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 5: Ang Pagkikita

    NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 6: Ang Pagbisita

    PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S

    Huling Na-update : 2024-12-25
  • Fix Marriage with my Online Date    Paghabi ng Pagpapanggap

    MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala.Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap.Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah."Tama.""What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah. Tumikhim

    Huling Na-update : 2025-01-03
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

    Huling Na-update : 2024-12-24
  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

    Huling Na-update : 2024-12-25

Pinakabagong kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 3: Kasinungalingan at Pagtataksil

    DUMAPO ANG TINGIN ni Ariah sa babaeng nakaupo sa tapat ng kapatid. Nakasuot ito ng mahabang palda na humahalik sa sahig, at pinaresan ng blusang puti. Mayroon ding nakataling puting laso sa kaniyang buhok. Kung titignan, kaaya-aya para sa batang babae ang hitsura nito. “H-Hello po ate Aya. Mabuti po at nakarating na po kayo, magpapaalam lang po ako na mauuna na dahil may ganap din po sa bahay…” Mahinhin na banggit nito at yumukod. “Nako gaanon ba, Sophie? Sayang at kakarating ko lang, mukha pa namang nag e-enjoy itong kapatid ko na nandito ka.” “Ate!” Namumula ang mga tenga ng kapatid na si Axel dahil sa tinuran ng kaniyang ate Ariah. “A-ano po kasi, may selebrasyon din po sa bahay, kaya hinahanap din po ako.” “Biro lamang, osiya mag-ingat ka ha? Text ka kung nakauwi na.” Payo ni Ariah. Nagpaalam na si Sophie kay Axel at hinatid ito sa pinto ni Ariah. Nang masigurong wala na si Sophie, inasar muli ni Ariah ang kapatid. “Ikaw huh? Napapadalas ang pagbisita ni Sophie dit

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 2: Lakas at Kahinaan

    DALAWA NA LAMANG ang magkapatid na sina Ariah at Axel na nabubuhay, matagal ng yumao ang mga magulang ng dalawa mula sa ambush na sinapit ng mag-asawang Gallano. Dating mayor sa probinsiya ng Bulacan ang tatay nila Ariah, habang guro naman ang ina nito. Dahil sa engkwentro sa pagitan nila at ng kalabang partido nito, mapait ang sinapit ng mag-asawa na siyang nagsadlak sa hirap sa kanilang pamilya. Naiwan silang magkapatid sa poder ng kanilang tiyahing walang ibang ginawa kundi isugal ang iniwang mana ng kanilang magulang. Kaya naman ng tumungtong ng labing-walong taon si Ariah, sinikap nitong rumaket sa mga trabaho para lang bumukod silang dalawang magkapatid sa maliit na nirerentahang apartment, malayo mula sa mapang-abuso nilang tiya. “Ayos ka lang ba?” Marahang tanong ni Theodore kay Ariah. Umiling lamang ito at pinahid ang tumakas na luha mula sa kaniyang mga mata. “Umiiyak ka ba? Kaonti ba ito sayo, Aya? Do you want me to triple the money—” Natawa nang mahina si Ariah

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 1: Kasal-kasalan

    MALAMIG NA HANGIN ang bumungad kay Ariah pagkalabas ng City Hall. Disyembre na kaya naman hindi kataka-takang malamig ang simoy ng hangin. Nagsimula na ring pailawin ang mga parol at christmas lights sa kalye patungong kartilya ng Manila. Alas singko ng hapon natapos ang seremonya para sa civil wedding. Dumapo ang kaniyang paningin sa singsing na nakasuot sa daliri. Sinong mag-iisip na sa saktong kaarawan niya pa siya maikakasal? Ni hindi pumasok ang ideyang pagpapakasal sa kaniyang isip, higit lalo ang isabay pa ito sa kaniyang ika-21 na kaarawan. "Halika. Ihahatid na kita sa inyo." Naalintana ang kaniyang pag-iisip at pagmumuni sa paligid dahil sa baritonong boses na pumukaw ng kaniyang atensyon. Nilingon ito ni Ariah at sakto namang umihip ang hangin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang matipunong lalaking nagmamay-ari ng boses ay si Theodore Morgan. Matangkad ito, malapad ang mga balikat, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at may tindig na nagsusumigaw ng determinasyon at

DMCA.com Protection Status