Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
View MoreTuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Maria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina
PATULOY sa pagmamakaawa si Mari pero walang nakakarinig sa kanya. Hilam ng luha ang buo niyang mukha. Masakit na masakit na ang kanyang katawan sa panlalaban. Hilong hilo siya, hindi makita ang mukha nito dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata. Kahit na alam niyang wala na siyang pag-asa na makaalis sa sitwasyong ngayo'y kinasasadlakan ay hindi pa rin siya tumigil sa tahimik na pagdarasal na sana ay may tumulong sa kanya. Sana may makarinig sa munti niyang mga daing. Sana may makarinig sa kanyang impit na paghingi ng saklulo. Para siyang tinatanggalan ng lakas habang nagpupumiglas. Hindi na niya kaya ngunit kailangan niyang maging malakas."Maawa na po kayo, patayin niyo nalang ako. Patayin niyo nalang ako." Pagmamakaawa niya. "Parang awa niyo na, parang awa niyo na."Hindi niya alam na ang sanay pakikipagsapalaran niya sa Maynila para maiahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang sa probinsya ay mauuwi sa ganito. Sa isang trahedyang hinding hindi na siguro mawawala sa kanyang pagkat...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments