Walking Disaster

Walking Disaster

last updateLast Updated : 2023-06-07
By:   Sept  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
568views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologo

DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan....

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Prologo
DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan.
last updateLast Updated : 2023-05-04
Read more
Kabanata 1
MATUTUNOG na lagitik at pagkabasag ng mga kagamitan sa bahay ang sumalubong sa akin. Malinaw ko iyong naririnig kahit limang hakbang pa ang kailangan kong gawin bago marating ang pintuan ng aming maliit na bahay. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Para akong sinasakal habang patuloy kong naririnig ang sigaw nang kasawian at may bahid ng galit sa loob ng bahay na ito. Ang bahay na dati-rati ay puno nang pagmamahalan at kasiyahan—na parang bulang naglaho na lang bigla. Hindi ko pa tuluyang naiaangat ang aking kamay nang kusa ng bumukas ang pintuang gawa sa isang makapal na flywood. Agad na sumalubong sa aking paningin ang isang ginang na nakalupasay sa malamig na sahig. Nagkalat din ang piraso ng mga bubog at ilang picture frame sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Maging ang aparador na kasing laki ng tao ay nakatumba rin. Wala na sa ayos ang mga damit na kahapo’y katutupi lang, at ang mga kurtinang dapat ay maayos na nakasabit sa dingding.“Darlene. . .”Napalunok ako ng m
last updateLast Updated : 2023-05-04
Read more
Kabanata 2
“BEKS!” umalingawngaw ang matinis at makabasag taingang boses ng babae sa loob ng palengke.Hindi ko na kinailangan na lumingon pa para lang makilala ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.Nagpatuloy ako sa pagsisilid ng mga natirang gulay. Lamang na ang bulok dito, pero may ilan pa namang mapagtitiyagaan. Maiitawid na rin nito ang hapunan ko.Kusang tumigil ang kamay ko sa ere nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko. Ilang segundo lang ang lumipas, agad nang pumulupot ang braso niya sa leeg ko. Pinabuhat ang buong kabigatan niya. Kung hindi pa ako lumikha nang pag-ubo ay hindi pa niya maiisipang bitiwan ako.“Sorry,” mas lamang pa ang kasiyahan sa paghingi nito ng dipensa.Napahagod ako sa aking lalamunan. “May lihim ka yatang galit.” Nakasimangot na hinarap ko siya. “Wala kaya, ano.” Kumurba ang kaniyang labi. “Gusto mo patunayan ko.” Nagtaas-baba ang kaliwang kilay nito.Humakbang ako paatras. “Huwag na, Be—”Naunahan na niya ako. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang
last updateLast Updated : 2023-05-04
Read more
Kabanata 3
“SIGURADO ka bang nandito siya, Bell—”“Babe,” pagputol ni Bella sa sasabihin ko. Para itong isang sawa na nakayakap sa braso ko ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. “Okay, babe. Nandito ba talaga si Vico?” “Oo nga promise. Kakastalk ko lang kay Catalina, narito iyong location ng mga higad.” Inilibot ni Bella ang kaniyang paningin. Hanggang sa dumapo iyon sa isang fast food chain. “Ayun! Ayun 'yong damuho!”Mabilis akong nahila ni Bella papasok doon. Agad na tumama ang mata ni Vico kay Bella nang makaupo kami sa katapat mesa nito. Bumakas panandalian ang gulat dito. Nang makabawi, nakangising pinasadahan ng tingin si Bella. Ngayong malapit lang kami sa lalaking ito. May napagtanto na naman ako. Kahit saang anggulo, hinayupak pa rin ang tingin ko sa kaniya."Nakakabanas," wala sa sariling asik ko. Naudlot ang pagkuyom ko ng kamao, nang mag-iwas na ito ng tingin.“Babe, anong gusto mo? O ako ang gusto mong kainin?!” Nasamid ako sa sariling laway nang mabigla sa tanong ni
last updateLast Updated : 2023-05-04
Read more
Kabanata 4
“ASHFORD WALKER!”Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash. Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot.
last updateLast Updated : 2023-05-04
Read more
Kabanata 5
BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng
last updateLast Updated : 2023-05-10
Read more
Kabanata 6
MAHIGPIT na kumuyom ang dalawang palad ko. Matigas akong nakipagtitigan sa ginang. Nanatili naman na masigla ang kaniyang mukha.Mabilis na akong nakabago ng puwesto nang mapagtanto na kikilos siya. Animo'y kidlat na narating ko ang gilid ng pintuan. Nakahanda na ang kamay ko para pihitin ang seradura noon, pero naudlot iyon nang dahil sa isang halakhak.Hindi ko na maitago ang pagkasalubong ng mga kilay ko. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng husga sa ginang na ito.Kinikilabutan ako sa klase nang paghalakhak niya. Wala na ang pagkayumi roon. "Hindi ka na mabiro, hijo," kalaunan ay bawi nito.Dinukwang nito ang lamesita, kinuha roon ang inilapag na purse at isinukbit sa kaniyang balikat. "Hindi ko akalain na matatakutin ka," panunukso pa nito.Inabot na ng dulo ng daliri ko ang seradura ng pintuan. Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya."Kay raming tahimik na lugar. Sementeryo pa talaga ang naisipan mo," naiiling na dugtong pa nito.Tumuwid na ito nang pagkakatayo. Nagsimula na ito
last updateLast Updated : 2023-05-19
Read more
Kabanata 7
KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko."Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.Matigas ang na
last updateLast Updated : 2023-06-04
Read more
Kabanata 8
HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker. Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman."Bumaba ka na."Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin."Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili."Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na
last updateLast Updated : 2023-06-07
Read more
DMCA.com Protection Status