“BEKS!” umalingawngaw ang matinis at makabasag taingang boses ng babae sa loob ng palengke.
Hindi ko na kinailangan na lumingon pa para lang makilala ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.Nagpatuloy ako sa pagsisilid ng mga natirang gulay. Lamang na ang bulok dito, pero may ilan pa namang mapagtitiyagaan. Maiitawid na rin nito ang hapunan ko.Kusang tumigil ang kamay ko sa ere nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko. Ilang segundo lang ang lumipas, agad nang pumulupot ang braso niya sa leeg ko. Pinabuhat ang buong kabigatan niya. Kung hindi pa ako lumikha nang pag-ubo ay hindi pa niya maiisipang bitiwan ako.“Sorry,” mas lamang pa ang kasiyahan sa paghingi nito ng dipensa.Napahagod ako sa aking lalamunan. “May lihim ka yatang galit.” Nakasimangot na hinarap ko siya.“Wala kaya, ano.” Kumurba ang kaniyang labi. “Gusto mo patunayan ko.” Nagtaas-baba ang kaliwang kilay nito.Humakbang ako paatras. “Huwag na, Be—”Naunahan na niya ako. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang Bella Madrigal?Nakapikit pa ito habang mariin na nakadukdok ang mamasa-masa niyang labi sa pisngi ko. Ang dalawa niyang kamay ay kapuwa nakahawak sa dalawa kong pisngi.Nanatili akong nakatayo. Hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Kapag pumaslag ako, lalo lang siyang mangangating inisin ako.May isang minuto ring nanatili kami sa ganoong puwesto, bago niya ako pinakawalan.Naglalaro pa rin ang mapanuksong ngiti sa labi niya nang muling magtagpo ang paningin namin. “Mahal na mahal talaga kita, beks.”Mabilis ko nang naiharang ang palad sa nguso niyang nagsimula na namang manulis.“Anong kailangan mo?” kalaunan ay tanong ko. Hindi naman siya ganito kakulit at kalambing.Hindi ko maiwasan na taasan siya ng kilay nang mapansin ang pagpapa-cute na ginagawa nito.“Nangangamusta lang. Ang tagal na nating hindi nagkita, e.” Kinuha nito ang nanunuyot ng petchay at pinira-piraso nang maliliit. Hinayaan niya lang na mahulog ang piraso nito sa sahig—sahig na kalilinis ko lang.“Araw-araw tayong nagkikita, Bella,” pagtatama ko rito. Inilayo ko na sa kaniya ang tray ng mga gulay bago pa man siya makakuha muli roon.Kapuwa kami tindera sa palengke. Ang kaibahan nga lang, nangangamuhan ako, habang si Bella ay anak mismo ng may-ari nang pinagtitindahan niya.“Hindi sa ganoon. . .” Panandaliang nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang makatitigan ako. “Anong nangyari diyan?”Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Muli kong binalikan ang naudlot na gawain. Subalit mabilis niya ring nahawakan ang panga ko at masusing tiningnan ang sugat ko na natatapalan ng band aid.“Nadapa ako. Alam mo namang may kalampahan ako.” Ako lang ang tumawa sa sarili kong biro.Hindi niya ako pinakinggan. Walang pasabing inalis niya ang humaharang sa sugat ko. “Saan ka naman nadapa at mukhang magaling siyang humiwa.” Walang pagdadalawang isip na dinama niya ang sugat ko. “Sariwa pa, o.” Napailing na lang siya.Sariwa pa nga ito, kahit na dalawang araw na ang nagdaan buhat nang natamo ko ito.“Si Tita na naman ba ang may gawa nito?"Nanatili akong walang imik. Kahit naman magsinungaling ako, hindi pa rin naman siya maniniwala.Ilang beses na nga ba niya nasaksihan na aktuwal akong sinasaktan ni Nanay? Isa? Dalawa? O lima? Hindi ko na matandaan."Bakit mo hinahayaan na saktan ka niya, Darlene?" Maingat niyang ibinalik ang panapal sa aking sugat."Si Nanay iyon, Bell. Alam mo naman ang kalagayan niya."Mabilis siyang nakahinuha sa iwinika ko. "Kaya nga, e. Alam ko nga, kaya nga 'di ba? Pinipilit kitang ipaubaya siya sa otoridad na mas makakatulong sa kalagayan niya.""Naroon na naman siya sa puder ni Tita," pangangatwiran ko pa.Hindi makapaniwalang tinampalan niya ang sariling noo. "O, Darlene. My dear." Naiiling na tinitigan niya ako. "Hilatsa pa lang ng mukha ng tiyahin at pinsan mo, hindi na mapagkakatiwalaan. Ang hahaba ng baba at makati ang nguso. Tiyak na maging ang kamay nila ay makati rin pagdating sa salapi."Hindi ko magawang pabulaanan ang sinabi ni Bella dahil lahat nang nangyayari sa buhay ko ay alam nito. Siya ang naging takbuhan ko sa lahat ng bagay, at higit sa lahat, pagdating sa pangangailangan.Umabot sa pandinig ko ang pagbuntong-hininga nito nang manatili akong tahimik. “Mabuti pa’y samahan mo na lang ako beks sa paggagala,” kalaunan ay bawi ni Bella.Hindi ko na nagawa pang umapela nang mabilis ako nitong nahila. Hindi ko na rin nakuha pa ang gulay na inipon ko para sa hapunan at makapagpaalam sa amo ko."May raket ako ngayon, Bella. Hinihintay na ako ni Aling Taling," usal ko nang makarating na kami sa paradahan ng jeep.Tiyak na magagalit ang ginang kung 'di ako tutupad sa usapan. Sigurado pang kukuha na ito ng ibang maglilinis ng bahay. Nakakapanghinayang ang dalawang daan."Hayaan mo na nga iyang si Taleng," baliwalang wika nito. Nagawa pang bigyan ng ibang kahulugan ang pangalan ng ginang. "Magpapakasaya tayo ngayon. Tapos sagot ko na ang sasahurin mo kay Taleng, okay? Pambawi ko na lang sa pananakal ko sa 'yo kanina." Kumindat pa ito.Hindi na ako nakipagtalo pa kay Bella. Hinayaan ko na lang siya na tangayin ako patungo sa loob ng jeep.Nanatili na lang akong nakatanaw sa bintana ng jeep nang magsimula na itong umandar. Nanatili ring tahimik ang bawat pasaherong lulan nito, na siyang ipinagpapasalamat ko.HALOS kalahating oras ang aming ginugol sa pagbiyahe bago matinis na pinatigil ni Bella ang pampasaherong jeep.“Hinto na, Manong!"Nang hindi narinig, muli pa itong sumigaw nang mas angat ang lakas sa nauna. "Hinto na nga sabi, e. Ang kulit lang!”Napayuko na lang ako nang makarinig ng bulong-bulungan sa mga pasahero. Masyado naman kasing palengkera si Bella. Hindi na nakakapagtaka, kaya siya ang madalas kinukuhang emcee sa barangay namin sa tuwing may mga kasiyahan. Bukod kasi sa tipid na sa speaker at mic e, nakakadala din minsan ang mga biro nitong tagos sa buto kung tumama. Hindi mo alam kung maiinis ka o matatawa na lang. Marami nga ang nagtataka kung bakit naging kaibigan ako ng isang babaeng hindi nauubusan ng salita, habang ako naman ay halos mapanis na ang laway dahil sa katahimikan.“Halika na, Darlene.”Nakangusong sumunod ako kay Bella nang bumaba na ito ng jeep. Agad na pinasadahan ng palad ni Bella ang nagusot na laylayan ng kaniyang dress nang makababa ito. Nang matapos, mabilis na lumingkis ang isang braso nito sa braso ko para tangayin ako kung saan man ito tutungo.“Ilang buwan na rin ang lumipas nang huli tayong nagbonding, Darlene.”Tahimik akong napatango nang sabihin iyon ni Bella. Tama nga siya, ilang buwan na ang lumipas nung huli ko siyang nakasama sa galaan. Madalas kasi ay tinatanggihan ko siya. Buong buhay ko ay umiikot lamang sa pagtatrabaho at pag-aalaga kay Nanay.“Kaya ngayon, magpapakasaya tayo.” Masaya akong nilingon ni Bella na siyang ikinatigil namin sa paglalakad. “Ikaw ang boyfriend ko ngayon, Darlene, ha? Para naman mafeel ko na may nobyo ako.”Napailing na lang ako nang tumawa si Bella sa sariling itinuran. “Ikaw lang yata ang mag-eenjoy sa atin.”Mabilis na humiwalay si Bella sa pagkakakapit sa akin. Segundo pa lang ang lumilipas ay pabiro na agad ako nitong nahampas sa balikat.“Pagbigyan mo na ako, beks. Ang totoo kasi niyan, e. . .”“Anong totoo, Bella?” kunot ang noo na tanong ko rito.Nag-aalangan na nginitian ako nito. Ni hindi mapakali kung paano magsisimulang magsalita.“Bella,” may halong pagbabanta na tawag ko rito. Pakiramdam ko ay may binabalak na naman ang kaibigan kong ito na siyang hindi ko magugustuhan.“Umuwi na kasi si Vico. You know naman, na gusto kong ipakita sa kaniya na nakamove-on na ako. At may bago na akong boyfie.”Mabilis na dumapo ang palad ko sa aking buhok at doon ay sumuklay. Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko muling harapin si Bella.“Bell, hindi ba at parang ikaw ang nagmumukhang hindi makamove-on kay Vico niyan? Hayaan mo na ang lalaking iyon. Isipin na niya ang gusto niyang isipin.”“Last na ito, promise. Darlene, titigilan ko na ang pagpapansin sa kaniya. Gusto ko lang talaga na ipamukha sa kaniya na karapat-dapat din akong mahalin. Please, Darlene.”Wala na akong nagawa nang hawakan pa ni Bella ang kamay ko at doon ay humaplos. Nadala na rin ako sa maluha-luhang titig nito sa akin.“Huli na ito." Ako na ang kusang humila kay Bella papunta sa mall na aking natanawan.Hindi naman na ako naninibago sa pangyayaring ito. Hindi naman ito ang unang beses na pinagbigyan ko si Bella sa kahilingan niya. Maging ako din naman ay gusto kong ipamukha kay Vico kung sinong sinayang niya. Kay laki nang pakinabang niya sa kaibigan ko tapos ay nagawa niya lang ipagpalit sa kung sinong babae. Babaeng sinuportahan niya ng pagpapaganda gamit ang pera ni Bella. Matapos ang madramang hiwalayan ng dalawa ay nagawa pa ni Vico na laitin si Bella. Kesyo, pangit daw, sobrang ingay at wala nang magtitiyaga pang iba dahil sa ugali nitong feeling reyna.Dinaig pa ang pinagsiksikang sardinas sa lata ang itsura ng mga tao sa loob ng mall. Nang makapasok, agad kaming nagtungo ni Bella sa banyo ng babae.“Dito ka lang Darlene. May nalimutan lang akong bilihin,” tarantang wika nito habang hinahalungkat ang kaniyang gamit sa sling bag na dala-dala.“Bilisan mo lang,” pahabol ko pang tawag dito bago ako nito tuluyang iwanan. Napasandal na lang ako sa lababo nang muling bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa nun ang isang babaeng halos mabura na ang make-up dahil sa pamamawis o marahil ay luha niya. Isama pa ang maluwang na pagkakadikit ng kaniyang pekeng pilikmata.Nakakapagtaka. Hindi naman mainit sa mall para pagpawisan siya nang ganito.“Why are you looking at me?! Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda, ha?!” singhal nito sa akin.Kagat-kagat ang ibabang labi na nag-iwas ako ng tingin. Mabilis din akong tumungo sa gilid ng magsimulang magpakawala nang maaanghang na salita ang babae.“Fuck you, Ash! Ang kapal ng mukha mo para ipahiya ako sa harapan ng maraming tao. Matapos na ibigay ko ang lahat sayo, tapos itatapon mo lang ako nang ganun, ha?! Fuck you! Damn you!” Galit na galit na naghugas ito ng mukha. Nang matapos ay mabilis na nagretoce, na halos maubos ang kalahati ng red lipstick nito sa isang lagayan lang sa kaniyang labi."Wala kang bayag!" Napangiwi na lang ako nang magsimula ulit itong magbato ng maaanghang na salita habang nakaharap sa salamin.Mukhang may mababalian ng buto, kung sino man ang kaaway ng babaeng ito.“I will make sure na makakaganti ako!” Isang sigaw pa ang pinakawalan nito bago lumabas ng cr. Nagawa pa ngang banggain ang kararating lang na si Bella. Muntik pang magsabunutan ang dalawa kung hindi ko lang nagawang higitin ang kaibigan ko.“Sino ‘yong bruhang iyon?! Ang kapal! Mukhang payaso naman,” reklamo ni Bella habang nakatutok ang matatalim na titig sa pinto.“Hayaan mo na siya. Broken 'ata.”Mabilis ko nang inagaw ang labit-labit ni Bella na paper bag bago pa nito maisipang sugudin iyong babae.“Polo shirt talaga?” Hindi ko maintindihan kung ngingiwi ba ako o maiinis nang ilabas ko na ang binili niya. Nakakasakal sa leeg ang polo ng lalaki. “Pwede namang t-shirt na lang Bell. At saka bakit may ganito pa?” Nagtatakang iniangat ko ang gasa na nagsimula nang maalis sa pagkakatiklop.“Hindi naman puwedeng band aid ang ipangtapal natin sa boobsie mo, beks. Kahit naman maliit ‘yan eh, may babakat din.” Natatawang kinuha nito ang mga hawak ko.Napasimangot na lang ako. “Kung hindi lang talaga kita kaibigan.”Binigyan pa ako ni Bella ng isang ngiti bago niya simulang ayusin ang itsura ko. Napapangiwi na lang ako kapag sumasayad sa aking noo ang makating buhok ng wig.“Saan mo ba napulot ‘to?” May inis na hinawi ko ang ilang hibla ng nagsisilbing bangs ng wig na ito.“Diyan lang sa tabi-tabi,” baliwalang wika nito. Napapalakpak pa nang pagmasdan ako, matapos na ikabit ang itim na hair clip para pang suporta sa peke kong buhok. “Buti talaga maliit ang boobsie mo, beks. Kaya ang tali-tali lang.”“Tapos?” bagot na tanong ko.“Perfect din ang voice mo. Puwede sa boys o kaya sa girl. Kamukha mo ‘yong mga bias ko beks. Ang guwapo mo. Pakiss nga.”Mabilis kong iniwasan ang nanunulis na nguso ni Bella. Napahagikgik na lang ito nang mapansin ang pagkaalibadbad ko.Matapos ang ayusan ay nagawa pang kumuha ni Bella ng litrato kasama ako. "Iyan, perfect!" maingay niyang papuri nang kilatisin ang mga litrato.Iyong mga sweet photos ini-upload niya sa social media para talagang makita ni Vico.Hindi ako sigurado kung gagana ang gagawin namin. Pero isa lang ang gusto kong mangyari, ang makapag-move on na ang kaibigan ko. Ayoko namang dumating ang araw na matulad siya kay Nanay.“SIGURADO ka bang nandito siya, Bell—”“Babe,” pagputol ni Bella sa sasabihin ko. Para itong isang sawa na nakayakap sa braso ko ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. “Okay, babe. Nandito ba talaga si Vico?” “Oo nga promise. Kakastalk ko lang kay Catalina, narito iyong location ng mga higad.” Inilibot ni Bella ang kaniyang paningin. Hanggang sa dumapo iyon sa isang fast food chain. “Ayun! Ayun 'yong damuho!”Mabilis akong nahila ni Bella papasok doon. Agad na tumama ang mata ni Vico kay Bella nang makaupo kami sa katapat mesa nito. Bumakas panandalian ang gulat dito. Nang makabawi, nakangising pinasadahan ng tingin si Bella. Ngayong malapit lang kami sa lalaking ito. May napagtanto na naman ako. Kahit saang anggulo, hinayupak pa rin ang tingin ko sa kaniya."Nakakabanas," wala sa sariling asik ko. Naudlot ang pagkuyom ko ng kamao, nang mag-iwas na ito ng tingin.“Babe, anong gusto mo? O ako ang gusto mong kainin?!” Nasamid ako sa sariling laway nang mabigla sa tanong ni
“ASHFORD WALKER!”Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash. Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot.
BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng
MAHIGPIT na kumuyom ang dalawang palad ko. Matigas akong nakipagtitigan sa ginang. Nanatili naman na masigla ang kaniyang mukha.Mabilis na akong nakabago ng puwesto nang mapagtanto na kikilos siya. Animo'y kidlat na narating ko ang gilid ng pintuan. Nakahanda na ang kamay ko para pihitin ang seradura noon, pero naudlot iyon nang dahil sa isang halakhak.Hindi ko na maitago ang pagkasalubong ng mga kilay ko. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng husga sa ginang na ito.Kinikilabutan ako sa klase nang paghalakhak niya. Wala na ang pagkayumi roon. "Hindi ka na mabiro, hijo," kalaunan ay bawi nito.Dinukwang nito ang lamesita, kinuha roon ang inilapag na purse at isinukbit sa kaniyang balikat. "Hindi ko akalain na matatakutin ka," panunukso pa nito.Inabot na ng dulo ng daliri ko ang seradura ng pintuan. Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya."Kay raming tahimik na lugar. Sementeryo pa talaga ang naisipan mo," naiiling na dugtong pa nito.Tumuwid na ito nang pagkakatayo. Nagsimula na ito
KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko."Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.Matigas ang na
HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker. Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman."Bumaba ka na."Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin."Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili."Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na
DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan.
MATUTUNOG na lagitik at pagkabasag ng mga kagamitan sa bahay ang sumalubong sa akin. Malinaw ko iyong naririnig kahit limang hakbang pa ang kailangan kong gawin bago marating ang pintuan ng aming maliit na bahay. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Para akong sinasakal habang patuloy kong naririnig ang sigaw nang kasawian at may bahid ng galit sa loob ng bahay na ito. Ang bahay na dati-rati ay puno nang pagmamahalan at kasiyahan—na parang bulang naglaho na lang bigla. Hindi ko pa tuluyang naiaangat ang aking kamay nang kusa ng bumukas ang pintuang gawa sa isang makapal na flywood. Agad na sumalubong sa aking paningin ang isang ginang na nakalupasay sa malamig na sahig. Nagkalat din ang piraso ng mga bubog at ilang picture frame sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Maging ang aparador na kasing laki ng tao ay nakatumba rin. Wala na sa ayos ang mga damit na kahapo’y katutupi lang, at ang mga kurtinang dapat ay maayos na nakasabit sa dingding.“Darlene. . .”Napalunok ako ng m