“SIGURADO ka bang nandito siya, Bell—”
“Babe,” pagputol ni Bella sa sasabihin ko. Para itong isang sawa na nakayakap sa braso ko ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao.“Okay, babe. Nandito ba talaga si Vico?”“Oo nga promise. Kakastalk ko lang kay Catalina, narito iyong location ng mga higad.” Inilibot ni Bella ang kaniyang paningin. Hanggang sa dumapo iyon sa isang fast food chain. “Ayun! Ayun 'yong damuho!”Mabilis akong nahila ni Bella papasok doon. Agad na tumama ang mata ni Vico kay Bella nang makaupo kami sa katapat mesa nito. Bumakas panandalian ang gulat dito. Nang makabawi, nakangising pinasadahan ng tingin si Bella.Ngayong malapit lang kami sa lalaking ito. May napagtanto na naman ako. Kahit saang anggulo, h*******k pa rin ang tingin ko sa kaniya."Nakakabanas," wala sa sariling asik ko. Naudlot ang pagkuyom ko ng kamao, nang mag-iwas na ito ng tingin.“Babe, anong gusto mo? O ako ang gusto mong kainin?!”Nasamid ako sa sariling laway nang mabigla sa tanong ni Bella. Halos magtayuan din ang mga balahibo ko nang dumukwang ito at walang pasabi na nagnakaw ng halik sa gilid ng labi ko. Pinanlisikan ko ito ng mata nang magawa pa akong ngisian.“Masyado namang agaw atensiyon.”Umabot hanggang sa pandinig ko ang reklamong iyon ni Catalina. Ang babaeng ipinagpalit ni Vico kay Bella.Parang akala mo siya, hindi nang-agaw ng atensiyon.Salubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin. May kaitiman na ang kutis ng babae ngayon. Marahil, hindi na nagagawang suportahan ni Vico ang pagpapaganda nito.“Inggit ka lang. Kasi ang boyfie ko, nakakapanglaway. Dapat ipagmalaki," segunda agad ni Bella. "Palibhasa, hampok na ‘yang si Vico." Puno nang panghahamon na tinitigan ito ni Bella. "Isang hampok at isang linta.”Napasinghap na lang si Catalina sa panglalait na ginawa ni Bella. Hindi magawang gumanti, sa takot na makakuha ng atensiyon sa mga taong naroroon.Mahina kong sinipa si Bella nang sabihin niya iyon. Ngisi lang naman ang naging tugon niya.“Gusto mo pa ba ng kiss, babe?” nakangiting tanong nito. Ngunit agad itong napasimangot nang tumayo si Vico at tumungo sa lamesa namin.“Magkano ang binayad sa 'yo ng babaeng ito para pagpanggapin ka na maging boyfriend niya?” bagot na tanong sa akin ni Vico. Hindi pa nasapat at nagawa pang makipagtitigan kay Bella. “Patay na patay ka talaga sa akin ‘no?” nang-uuyam na wika nito, bago ibinalik ang tingin sa akin.“Ano?” Agad kumulo ang dugo ko dahil sa inis. Para bang sinasabi sa akin ng tanong niya na wala talagang tao ang magkakagusto kay Bella. At bilang kaibigan niya, nasasaktan ako.“Nakakapagtakang magustuhan mo ang palengkerang ito. Kung ako sa 'yo, hiwalayan mo na ‘yang si Bella. Masisira lang ang buhay mo sa kaniya.”“Aba’t ang kapal naman ng—”Mabilis kong nilapitan si Bella at puwersahang iniupo sa kinauupuan niya. Napaigik pa ito sa ginawa ko nang tumama ang tagiliran niya sa kantuhan ng mesa. Sinenyasan ko ito na manahimik na lang. Ramdam ko rin ang nag-aalalang titig nito sa akin nang mapansin ang pagkuyom ng kamao ko at ang pagtaas baba ng balikat ko.“Ako nang bahala dito,” seryosong wika ko.Salubong ang kilay na tinitigan ko si Vico. Halos magpantay lang ang aming laki. Kaibahan lang ay mas malapad sa akin ang balikat nito.“Huwag mong sabihing naghahamon ka ng away?” nakangising tanong nito. Sa puntong ito nakaagaw na kami ng atensiyon.“Bakit hindi? Binabastos mo girlfriend ko, pare.” Wala akong ibang hangad ngayon, kung 'di ang masapak siya. Sobra akong nanggigigil sa ginagawa niya kay Bella. Ang kapal niya. Samantalang ginawa niya ngang baka si Bella noon. Ginatasan niya nang ginatasan, hayop siya!“Dar. . .”Malakas na paghampas ng palad ang nagpatigil kay Bella. Lalo pa akong ‘di natinag at mas pinatatag ang anyo nang lalong lumawak ang ngisi ni Vico.“Sa payat mong 'yan—”“Payat ka din,” putol ko sa sasabihin ni Vico. “At nuknukan ng panget. Bakit ka nga ba pinatulan ni Bella? E, samantalang mukha ka namang dugong sa dagat. Ang kapal pa ng apog mong walanghiya ka para insultuhin siya nang paulit-ulit.”“Ano bang pinagmamalaki mo, ha?!”“Eto.” Mabilis tumama ang paa ko sa pribadong parte niya. Sinundan ko pa iyon nang malakas na sipa sa kaniyang tuhod na ikinaluhod niya."Dar. . . T-Tama na 'yan." Tinangkang hulihin ni Bella ang braso ko.Namilipit si Vico sa sakit. Agad dumulog si Catalina sa kaniya, pero mabilis ko siyang nahila palayo kay Vico. Marahas ko itong itinulak, patungo kay Bella.Mabagsik ko siyang tinitigan. "Kapag hindi ka gumanti. Hindi tayo aalis."“Darlene, 'wag na,” sunod-sunod ako nitong inilingan."Isa. . ." Matalim na titig ang ipinukol ko kay Bella na siyang ikinatahimik niya. Hindi nagtagal, sinunod niya rin ako.Mag-asawang sampal ang ibinigay nito kay Catalina. Tanging pagsalag lang naman ang ginagawa ng isa. "Walanghiya ka! Malandi ka!" Nadaklot ni Bella ang isang basong tubig, walang pagdadalawang isip na ibinuhos iyon sa isa. "Iligo mo na lang 'yang kati mo."Sa tulong ng salamin na dingding, malinaw kong natanaw ang humahangos na mga guwardiya.Mabilis ko ng inawat si Bella nang tangkang sasabunutan pa ito. "Tara na, Bell. May mga guwardiya na."Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ako. "Anong gagawin natin, Dar—"Hindi ko na siya hinintay pa na matapos. Mabilis ko na itong hinila, papatakbo. Ganoon din naman ang ginawa ng mga guwardiya."Tabi!" Walang pakialam na hinahawi ko ang mga taong humaharang sa daraanan namin.Wala namang hinto sa paghingi nang paumahin si Bella.Narating na namin ang pinakang sulok ng mall.Tarantang nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala pa ang guwardiya sa likuran namin, pero siguradong nakasunod lang ang mga ito."Anong gagawin natin, Darlene?" Naghahalo na ang mga pawis ng magkasalikop naming palad.Tumutok ang paningin ko sa saradong pinto. For staff only ang signage na nakabalandra doon."Nariyan na sila, Dar. . ."Sunod-sunod na yabag ng mga guwardiya ang nagtulak sa akin para hilahin si Bella papasok sa pintong iyon."Bella, papunit sa dulo ng dress mo, bilis. Makapal." Nalilito man ay sinunod pa rin niya ako.Nanginginig ang palad na inabot niya sa akin ang pinunit na tela. Mabilisan ko namang itinali iyon sa nakausling bakal at sa doorknob. Dalawang bunggo lang at tiyak na mapipigtal agad ito. Ang mahalaga ay makalayo kami ni Bella.Nang matapos, agad kong hinuli ang pulsuhan niya para muling manakbo.Kapuwa kami napahinto ni Bella nang sumalubong sa amin ang 'di mabilang na sasakyan. Tiyak na 'di rin mabilang ang presyo ng mga ito.Bumakas ang paghanga sa aking mga mata. "Wow!" bulalas ko.Naputol lang ang paghanga na iyon nang maulinigan ko ang pagbundol sa pinto.Nagsimula ulit kaming manakbo.Kasabay nang malakas na pagsigaw ni Bella at ng pagbukas ng pinto ang pagbunggo ko sa isang matigas na bagay.Nabitiwan ko si Bella dahil doon. Sumalubong sa akin ang nangingislap na patalim. Matigas akong napalunok ng sariling laway."Putangina! Ang sabi ko, walang ibang tao!" nanggagalaiting sigaw ng lalaking may hawak na patalim.Nabunggo ko siya, sa kaniyang likuran.Panandalian kong inilibot ang paningin ko. Doon ko napagtantong, hindi kami nag-iisa dito.May lalaking nakaluhod at nakayuko sa semento—ang nagsisilbing hostage marahil ng lalaking ito.May limang katao rin sa aming unahan. Mga labing limang hakbang mula sa amin."Tutuluyan ko talaga ito!" sigaw pa nito nang talikuran ako."Huwag! Ang anak ko!" puno nang pagdadalamhati ng ginang sa unahan.Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng mga oras na ito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sinambot ang patalim na hawak niya nang muling humarap ang lalaki sa akin.Nagsinghapan sila. Napangiwi ako. Mabilis na humiwa ang talim nito sa palad ko.Bumalatay ang gulat sa mata ng lalaki. Kinuha kong pagkakataon iyon para hanapin ang pinaka mahinang parte ng katawan niya.Tinitigan ko ang pribado niyang parte. Bago niya pa mapagtanto ang gagawin ko, mabilis ko na siyang nasipa roon."Putangina! Papatayin kita!" Namilipit siya sa sakit.Nabitiwan niya ang patalim. Nanatili naman iyon sa palad ko. "Ang hapdi pala."Pigil ang paghinga na hinawakan ko ito. Nagkagulatan pa kami ng isang guwardiya nang lumapit ito at natutukan ko siya.Nakangiwing ipinaubaya ko na sa kaniya ang patalim.“Go get him! Get him! Ikulong ninyo agad!” nanggagalaiting sigaw ng ginang. Nang masiguradong nadampot na ng guwardiya ang lalaki, agad itong lumapit sa akin. “Are you okay?”Walang pasabing kinuha niya ang palad kong nasugatan. Tumama roon ang may kainitang hangin na nagmumula sa kaniya. "Magiging maayos din ang lahat."Tulala lang ako habang wala siyang hinto sa pag-ihip sa sugat ko, lalo na nang yumakap pa ito.“Pakialamero.”Ang pang-iinsulto na iyon ng isang lalaki ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Kusang dumapo ang paningin ko sa lalaking nakapamulsa na ngayon. Gasgas ang tuhod ng suot niyang jeans. May bahid din ng dugo ang gilid ng labi nito habang walang buhay ang mga mata na nakatitig sa akin. Tinging humahalukay sa katauhan ko.“Hindi ka manlang ba magpapasalamat sa kaniya, Ash.”Ash? Saan ko ba iyon narinig?“ASHFORD WALKER!”Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash. Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot.
BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng
MAHIGPIT na kumuyom ang dalawang palad ko. Matigas akong nakipagtitigan sa ginang. Nanatili naman na masigla ang kaniyang mukha.Mabilis na akong nakabago ng puwesto nang mapagtanto na kikilos siya. Animo'y kidlat na narating ko ang gilid ng pintuan. Nakahanda na ang kamay ko para pihitin ang seradura noon, pero naudlot iyon nang dahil sa isang halakhak.Hindi ko na maitago ang pagkasalubong ng mga kilay ko. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng husga sa ginang na ito.Kinikilabutan ako sa klase nang paghalakhak niya. Wala na ang pagkayumi roon. "Hindi ka na mabiro, hijo," kalaunan ay bawi nito.Dinukwang nito ang lamesita, kinuha roon ang inilapag na purse at isinukbit sa kaniyang balikat. "Hindi ko akalain na matatakutin ka," panunukso pa nito.Inabot na ng dulo ng daliri ko ang seradura ng pintuan. Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya."Kay raming tahimik na lugar. Sementeryo pa talaga ang naisipan mo," naiiling na dugtong pa nito.Tumuwid na ito nang pagkakatayo. Nagsimula na ito
KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko."Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.Matigas ang na
HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker. Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman."Bumaba ka na."Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin."Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili."Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na
DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan.
MATUTUNOG na lagitik at pagkabasag ng mga kagamitan sa bahay ang sumalubong sa akin. Malinaw ko iyong naririnig kahit limang hakbang pa ang kailangan kong gawin bago marating ang pintuan ng aming maliit na bahay. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Para akong sinasakal habang patuloy kong naririnig ang sigaw nang kasawian at may bahid ng galit sa loob ng bahay na ito. Ang bahay na dati-rati ay puno nang pagmamahalan at kasiyahan—na parang bulang naglaho na lang bigla. Hindi ko pa tuluyang naiaangat ang aking kamay nang kusa ng bumukas ang pintuang gawa sa isang makapal na flywood. Agad na sumalubong sa aking paningin ang isang ginang na nakalupasay sa malamig na sahig. Nagkalat din ang piraso ng mga bubog at ilang picture frame sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Maging ang aparador na kasing laki ng tao ay nakatumba rin. Wala na sa ayos ang mga damit na kahapo’y katutupi lang, at ang mga kurtinang dapat ay maayos na nakasabit sa dingding.“Darlene. . .”Napalunok ako ng m
“BEKS!” umalingawngaw ang matinis at makabasag taingang boses ng babae sa loob ng palengke.Hindi ko na kinailangan na lumingon pa para lang makilala ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.Nagpatuloy ako sa pagsisilid ng mga natirang gulay. Lamang na ang bulok dito, pero may ilan pa namang mapagtitiyagaan. Maiitawid na rin nito ang hapunan ko.Kusang tumigil ang kamay ko sa ere nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko. Ilang segundo lang ang lumipas, agad nang pumulupot ang braso niya sa leeg ko. Pinabuhat ang buong kabigatan niya. Kung hindi pa ako lumikha nang pag-ubo ay hindi pa niya maiisipang bitiwan ako.“Sorry,” mas lamang pa ang kasiyahan sa paghingi nito ng dipensa.Napahagod ako sa aking lalamunan. “May lihim ka yatang galit.” Nakasimangot na hinarap ko siya. “Wala kaya, ano.” Kumurba ang kaniyang labi. “Gusto mo patunayan ko.” Nagtaas-baba ang kaliwang kilay nito.Humakbang ako paatras. “Huwag na, Be—”Naunahan na niya ako. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang