“ASHFORD WALKER!”
Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash.Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot."Kahit hindi naman nito sabihin, alam ko namang umiyak ito. Nagkalat na ang mascara niya sa mata at wala na rin sa ayos ang pekeng pilik-mata niya. Butil-butil din ang pawis niya sa noo at sa bandang leeg."Sorry na, Bell."Nanlalata na nagbuga ito ng sariling hangin. "Hindi na rin pala malas ang araw na ito. Nakaganti na rin naman ako kay Vico at sa babae niya," kalaunan ay wika nito. "Tapos ikaw." Ngiting aso na tinitigan ako nito. "Naka-four balls ka ngayong araw. 'Di na rin masama." Nagtaas-baba ang kilay nito. "Malay mo, susunod na iyong balls ni pogi."Bago pa ako makaalma sa sinabi niya, agad nang pinutol ng lalaking nilapitan ng ginang ang pag-uusap namin ni Bella."Sumunod kayo." Hindi naman nakasimangot, pero wala ring kangiti-ngiti nang lumapit ito sa amin.Nakasukbit pa sa gilid ng pantalon nito ang isang makinis at makintab na baril—katulad ng kaniyang ulo. Halata rin sa pangangatawan ng lalaki na lagi itong laman ng gym dahil sa maugat nitong braso at malaking pangangatawan.Walang pagdadalawang isip na sumunod kami ni Bella, sa takot na pisutin kami ng lalaking ito kung magmamatigas pa kami.Agad yumakap si Bella sa braso ko nang mapagtantong papanhik muli kami sa mall. "Dar, mukhang makukulong na tayo. Marami pa akong pangarap." Nagsimula na itong suminghot-singhot. "Gusto ko pang magkaroon ng isang dosenang ana—"Mahina ko na itong siniko. "Manahimik ka na lang, Bella. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit nangyayari ito."Mariin kong tinitigan ang nasugatang palad. Huminto na sa pag-agos ang dugo roon. Mabuti na lang at hindi kalaliman ang sugat. Humiwa lang naman ito nang bahagya sa balat ko, nagkataong tanghaling tirik lang kaya madugo.Wala sa sariling napangiti ako nang may napagtanto. Panandalian kong tinapunan ng tingin ang nag-aalalang si Bella. Walang pasabing tinungo ng kamay ko ang tuktok ng buhok nito at ginulo iyon. "Hindi ka makukulong. Hindi tayo makukulong," paninigurado ko rito."T-Talaga ba?"Maluwag ko siyang nginitian. "Promise."Wala namang ibang pantapal sa kasalanan, kung 'di ang kabayanihan.SA pinakang huling floor ng mall kami dinala ng lalaki. May nag-iisang silid doon, na wari ko'y nagsisilbing opisina ng kung sino man."Pumasok na kayo." Kahit sa pagpasok sa silid na tinigilan namin ay hindi pa rin humiwalay si Bella sa akin. Dama ko pa rin ang dinadaga niyang dibdib. Lalo na at minu-minuto nitong hinihila ang laylayan ng kausotan ko.Maagap kong dinala ang labi ko sa kaliwa niyang tainga. "Bell, mahuhubaran na ako. Wala akong balak na mag-live show dito."Nakuha niya naman ang nais kong sabihin. Binitiwan na niya ang damit ko at pinili na lang na ang dalang panyo ang kuyumusin.Sinalubong kami ng magkaibang mga tingin. Nangingislap ang mga mata ng ginang, habang ang kalapit nito ay bagut na bagot na tinapunan kami ng tingin.Kinuha nito ang ballpen sa lamesa't pinaglaruan iyon gamit ang kaniyang mapula at may kakapalang labi. Sinimulan na niyang pataasin at pababain ang ballpen.Wala sa sariling napaiwas na lang ako ng paningin."Maupo na kayo." Hinayaan ko na muna na si Bella ang sumunod sa iniutos ng ginang. "Dito ka sa kalapit ko, hijo." Agad nitong pagtawag sa akin nang tinangka ko ng maupo sa kalapit ni Bella. "Lilinisan ko ang sugat mo." Inalis nito sa pagkakarolyo ang gasa. Nang matapos agad kumuha ng alcohol at bulak.Tinapunan ko ng tingin si Bella. Nginitian lang naman ako nito bilang tugon. Kahit alam ko naman na pinagpapawisan na siya nang malagkit dahil sa malaking taong lumapit sa kaniya.“What’s your name hijo?” pagsalubong nito sa akin nang makaupo ako kalapit niya.Talaga bang mukha akong lalaki ngayon? Ganoon ba talaga kaliit ang hinaharap ko kaya hindi naramdaman ng ginang nang yakapin ako?Huminto si Ash sa ginagawa. Mariin akong tinitigan.Pilit kong pinagsiksikan ang sarili sa gilid ng sofa. Nahalata naman ng ginang ang ginagawa ko, kaya may kalakasang hinila ako nito."Tensiyonado ka." Marahang dumampi ang bulak sa sugat ko. Ilang pasada pa ang ginawa nito, bago pinaikutan ng gasa ang kamay ko.“P-Po?” wala sa sariling wika ko. Napalunok pa nang matapunan ng tingin si Ash.Paanong hindi ako dadagain? Pakiramdam ko'y konting pagkakamali ko lang ay bibitayin ako nito.Agad na kumurba ang labi ng ginang para bigyan ako ng isang ngiti. “Oh.” Bumilog ang labi nito at tumigil na parang may iniisip. Sandali lang ang lumipas, agad na naglahad ito ng kamay sa akin. “Mrs. Alicia Walker. Ina nang walang modong batang ito.”Napanganga ako sa sinabi ng ginang na ito. Ni hindi ko nagawang tanggapin ang palad niya.Hindi pa nakaligtas sa paningin ko ang pag-ikot ng mga mata ni Ash, bago walang pasabing tumayo ito mula sa pagkakaupo.Nakapamulsang tinalikuran kami nito. Wala itong paalam o ni lingon manlang bago tuluyang lumabas ng silid."See, Arturo?" hindi makapaniwalang bulalas ni Alicia habang nakatanaw sa pintuang nilabasan ng anak.Nanatli namang walang imik ang lalaking kalapit ni Bella.Nagsilbing hudyat lang ang pananahimik na iyon para madampot ni ginang Alicia ang bote ng alcohol na halos puno pa ang laman at daretsong inihagis sa sikmura ni Arturo.Impit na napatili si Bella sa kinauupuan. Segundo lang ang lumipas, kumaripas na agad ito ng takbo papalabas.Napatampal na lang ako sa sariling noo."Sinasabi ko nang huwag ninyong pagtakpan ang kalokohan ng batang iyan." Inis itong napahawi ng sariling buhok. "Kailan ba kayo magiging tapat sa akin?" Iritado itong tumayo mula sa pagkakaupo. Namumula na ang kaniyang pisngi, senyales na galit ito.Tuwid pa rin ang tindig ni Arturo nang umalis na ito mula sa pagkakaupo. "Mrs. Walker, mas marapat siguro na pag-usapan natin ito nang sarilinan." Panandalian ako nitong tinapunan ng tingin.Napaiwas na lang ako ng tingin dahil doon."Hijo?" malamyos ang tinig nito ng tawagin ang atensiyon ko.Nag-aalangan ma'y, wala pa rin akong nagawa kung 'di tingnan ito. "Po?""Anong pangalan mo?"Napalunok ako ng sariling laway. Hindi ko magawang itago ang pagiging malikot ng paningin ko habang hindi matagpuan ang salitang sasagot sa kaniya."Hijo?" bakas na ang pagtataka sa kaniya.Ganoon na rin si Arturo na bahagyang pumaling ang ulo habang hinihintay ang tugon ko."Dar. . ." Nanginig ang aking boses. Ilang beses muna akong lumunok bago nagpatuloy. "Darwin po. Darwin ang pangalan ko.Tanggapin pa ako nawa sa kalangitan.Naglahad ito ng palad. "Welcome to the Family Walker." Matamis itong ngumiti. "Darwin."BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng
MAHIGPIT na kumuyom ang dalawang palad ko. Matigas akong nakipagtitigan sa ginang. Nanatili naman na masigla ang kaniyang mukha.Mabilis na akong nakabago ng puwesto nang mapagtanto na kikilos siya. Animo'y kidlat na narating ko ang gilid ng pintuan. Nakahanda na ang kamay ko para pihitin ang seradura noon, pero naudlot iyon nang dahil sa isang halakhak.Hindi ko na maitago ang pagkasalubong ng mga kilay ko. Pakiramdam ko'y nagkamali ako ng husga sa ginang na ito.Kinikilabutan ako sa klase nang paghalakhak niya. Wala na ang pagkayumi roon. "Hindi ka na mabiro, hijo," kalaunan ay bawi nito.Dinukwang nito ang lamesita, kinuha roon ang inilapag na purse at isinukbit sa kaniyang balikat. "Hindi ko akalain na matatakutin ka," panunukso pa nito.Inabot na ng dulo ng daliri ko ang seradura ng pintuan. Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya."Kay raming tahimik na lugar. Sementeryo pa talaga ang naisipan mo," naiiling na dugtong pa nito.Tumuwid na ito nang pagkakatayo. Nagsimula na ito
KASABAY nang mariin kong pagpikit ay ang pagpipigil ko din ng aking paghinga. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Dinaig ko pa ang isasabak sa giyera kung umasta. Madalas din manginig ang dalawa kong kamay dahil sa kaba. Isama pa ang pamamawis nito kahit pa sabihing malamig naman ang panahon at ang kinalulugaran ko.Samut-sari din ang pumapasok sa isipan ko. Nais kong bumalik at huwag na lang tumuloy. Pero papaano? Papaano ko magagawa iyon kung may malaking bagay na pumipigil sa akin? Hindi ko nais manloko. Pero ngayon, wala na akong pagpipilian. Mamamatay nang wala sa katinuan ang Ina ko kung mas pipiliin ko ang sarili ko."Ayos ka lang ba 'toy? Namumutla ka yata?"Ang singkit na mga mata ng matandang lalaki ang nakasalubong ko. Panandalian niya akong tinanaw at binawasan ang lakas ng andar ng sasakyan. Wala na sa pagmamaneho ang buong atensiyon nito, lantaran na niya akong sinusulyapan ng tingin. Ni hindi niya manlang maramdaman na naiilang na ako sa ginagawa niya.Matigas ang na
HINDI maalis ang paghanga sa aking mukha nang sa wakas ay makarating na kami sa bahay ng mga Walker. Ilang metro din ang layo ng pinakang bahay nila mula sa kulay ginintong gate nito. Nagsasalitan naman ang iba't ibang punong kahoy sa kabuoan ng kanilang lupain. May ilang pagala ring hayop at malawak na taniman."Bumaba ka na."Hindi ko na nagawa pang magpasalamat kay sir Ash. Hinintay niya lang akong makalabas at mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan. Naiwan na lang akong nakatanaw sa sasakyan nito na ngayon ay papaliit na nang paliit habang tinatahak ang mahabang daan na pinanggalingan namin."Saan naman siya pupunta? Hindi ba at dapat kasama niya ako?" kunot-noong tanong ko sa sarili."Maligayang pagdating sa tahanan ng Familia Walker." Inagaw nang sabay-sabay na pagbati ang atensiyon ko.Sumalubong sa akin ang hanay ng sampung kasambahay na kapuwa mga babae. Hinati sila sa dalawang grupo at ganoon din ang uniporme nilang suot. Sa unahan ng dalawang hanay ay ang dalawang ginang na
DALAWANG ARAW. Dalawang araw akong nakatulog ayon sa Doctor na gumamot sa akin.Malala man ang tinamo kong sugat, awa naman ng Diyos at buhay pa rin ako ngayon.Nakangiwing pinagmasdan ko ang ginagawang pagbabalat ni Bella ng mansanas. Walang kaingat-ingat na humihiwa ito roon, walang pakialam kahit pa konting lingat lang ay ang balat na niya ang matatalupan.“Mabuti na lang at may stock sila ng blood type mo. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko, Darlene," problemadong wika nito.Hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako. Ang nag-aalalang mukha na niya agad ang sumalubong sa akin nang magising ako.“Malayo naman ito sa bituka.” Matamis ko siyang nginitian. Sinagot niya naman iyon nang pagsupalpal ng piraso ng mansanas sa bibig ko.“Anong malayo?! Nag-agaw buhay ka, beks. Kung nagkataon, ikaw na ang tagapag-alaga ng tandang ni San Pedro.”Hindi ko na siya natugunan pa, nang maputol ang pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ng silid na kinalalagyan ko rito sa pagamutan.
MATUTUNOG na lagitik at pagkabasag ng mga kagamitan sa bahay ang sumalubong sa akin. Malinaw ko iyong naririnig kahit limang hakbang pa ang kailangan kong gawin bago marating ang pintuan ng aming maliit na bahay. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan. Para akong sinasakal habang patuloy kong naririnig ang sigaw nang kasawian at may bahid ng galit sa loob ng bahay na ito. Ang bahay na dati-rati ay puno nang pagmamahalan at kasiyahan—na parang bulang naglaho na lang bigla. Hindi ko pa tuluyang naiaangat ang aking kamay nang kusa ng bumukas ang pintuang gawa sa isang makapal na flywood. Agad na sumalubong sa aking paningin ang isang ginang na nakalupasay sa malamig na sahig. Nagkalat din ang piraso ng mga bubog at ilang picture frame sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Maging ang aparador na kasing laki ng tao ay nakatumba rin. Wala na sa ayos ang mga damit na kahapo’y katutupi lang, at ang mga kurtinang dapat ay maayos na nakasabit sa dingding.“Darlene. . .”Napalunok ako ng m
“BEKS!” umalingawngaw ang matinis at makabasag taingang boses ng babae sa loob ng palengke.Hindi ko na kinailangan na lumingon pa para lang makilala ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.Nagpatuloy ako sa pagsisilid ng mga natirang gulay. Lamang na ang bulok dito, pero may ilan pa namang mapagtitiyagaan. Maiitawid na rin nito ang hapunan ko.Kusang tumigil ang kamay ko sa ere nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran ko. Ilang segundo lang ang lumipas, agad nang pumulupot ang braso niya sa leeg ko. Pinabuhat ang buong kabigatan niya. Kung hindi pa ako lumikha nang pag-ubo ay hindi pa niya maiisipang bitiwan ako.“Sorry,” mas lamang pa ang kasiyahan sa paghingi nito ng dipensa.Napahagod ako sa aking lalamunan. “May lihim ka yatang galit.” Nakasimangot na hinarap ko siya. “Wala kaya, ano.” Kumurba ang kaniyang labi. “Gusto mo patunayan ko.” Nagtaas-baba ang kaliwang kilay nito.Humakbang ako paatras. “Huwag na, Be—”Naunahan na niya ako. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang
“SIGURADO ka bang nandito siya, Bell—”“Babe,” pagputol ni Bella sa sasabihin ko. Para itong isang sawa na nakayakap sa braso ko ngayon. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. “Okay, babe. Nandito ba talaga si Vico?” “Oo nga promise. Kakastalk ko lang kay Catalina, narito iyong location ng mga higad.” Inilibot ni Bella ang kaniyang paningin. Hanggang sa dumapo iyon sa isang fast food chain. “Ayun! Ayun 'yong damuho!”Mabilis akong nahila ni Bella papasok doon. Agad na tumama ang mata ni Vico kay Bella nang makaupo kami sa katapat mesa nito. Bumakas panandalian ang gulat dito. Nang makabawi, nakangising pinasadahan ng tingin si Bella. Ngayong malapit lang kami sa lalaking ito. May napagtanto na naman ako. Kahit saang anggulo, hinayupak pa rin ang tingin ko sa kaniya."Nakakabanas," wala sa sariling asik ko. Naudlot ang pagkuyom ko ng kamao, nang mag-iwas na ito ng tingin.“Babe, anong gusto mo? O ako ang gusto mong kainin?!” Nasamid ako sa sariling laway nang mabigla sa tanong ni

BAKAS na ang pagkangalay kay Mrs. Walker nang lumipas na ang ilang minuto at hindi ko pa rin nagagawang tanggapin ang kaniyang palad."Ehem." Makaagaw atensiyon na tumikhim si Arturo.Doon ko lang napagtanto na hindi na maipinta ang mukha ni Mrs. Walker. Hindi na maipaliwanag ang bumabakas sa kaniyang mukha, kung isa pa ba iyong ngiti o pagngiwi na. Wala na rin sa ayos ang kaniyang postura, bahagya na siyang nakayukod habang tutok ang paningin sa akin.Nagmamadaling tinanggap ko ang kaniyang palad. Pakiramdam ko kasi'y wala rin siyang balak na ibaba iyon. "Salamat po." Napangiwi ako.May kariinan pa na pinisil niya ang palad ko bago niya iyon pinakawalan. Inayos niya muna ang sarili, bago muling naupo sa gilid ko. "Ang kailangan ko lang naman ay isang tapat at mapagkakatiwalaang tao, Darwin." May diin sa dalawang katangian na binanggit niya. Tinapunan pa niya nang matalim na titig si Arturo na napatuwid na lang sa pagkakaupo.Wala sa sariling napalunok ako."Lumaki si Ash sa puder ng
“ASHFORD WALKER!”Nailagay ko na lang ang dalawa kong palad sa aking mga tainga ng sumigaw nang malakas ang ginang matapos na talikuran kami ni Ash. Ni hindi ito natinag sa pagtawag ng ginang. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad—papalayo sa amin.“Walang modo." Agad kong natutop ang labi ko nang mapagtantong umabot hanggang sa pandinig ng ginang ang sinabi ko.Nakangiti pa rin naman akong hinarap nito. "Babalikan kita, hijo." Bahagya pa nitong pinisil ang palad ko bago ako talikuran. Kinausap muna nito ang isa sa lalaking kasama nito bago sinundan si Ash.“Dar, kinabahan ako sa 'yo,” agad na wika ni Bella nang makalapit na sa akin. "Pasensiya na, beks. Minalas tayo ngayon. Dapat talaga hindi na kita pinilit sumama."Natatawang kinabig ko ito para yakapin. "Hindi naman ako namatay, Bella. Astig nga, nasalo ko iyong patalim."Agad itong nakapaslag sa pagkakayakap ko. Hinuli ang kaliwa kong tainga at marahas na piningot iyon. "Tuwa ka pa talaga. Halos mamatay na ako kanina dahil sa takot.