NAGMAMADALING inilagay ni Mari ang kanyang mga pinamili sa munti niyang mesa at mabilis na inilock ang pinto ng kanya apartment. May pagmamadali sa bawat galaw niya habang hinuhubad ang mga kasuotan. Nang masigurong wala na siyang damit ni isa sa katawan ay dali dali siyang humiga sa kutson at binalot ang katawan ng makapal na kumot.
May naramdaman siyang bahagyang pagkirot ng kanyang tuhod ngunit hindi niya iyon pinansin. Marahil ay galos iyon ng muntik na siyang masagasaan kanina ng isang magarang sasakyan ng papunta siya sa palengke para bumili ng makakain para sa loob ng isang buwan.Punong puno ng pawis ang buong mukha dahil sa pag-iwas sa mga taong nakakasalubong lalo na kung mga lalaki iyon. Ilang ulit siyang humugot ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili."Hindi ka dapat matakot Mari, wala na sila. Ikaw nalang ang mag-isa." Pagkausap niya sa sarili upang ng sa gayon ay maibsan ang matinding takot sa kanyang sistema.Sanay na siya sa ganitong mga pagkakataon ng kanyang buhay sa loob ng isang taon ngunit hindi siya masanay sanay sa takot na nararamdaman. Sa bawat paglabas niya ng bahay upang bilhin ang mga kailangan ay palagi niyang nararanasan ang ganito.Lumipas ang kalahating oras bago niya tuluyang napakalma ang sarili. Nang maging maayos ay agad siyang bumangon at inilabas ang mga pagkaing pinamili. Inayos niya ang mga ito sa ibabaw ng mesa at ang iba ay inilagay sa maliit niyang ref na nasa pinakasulok ng silid.Napatili siya at bahagyang napatalon ng makarinig ng sunod sunod na katok na nagmumula sa pinto. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay at ang malakas na tibok ng kanyang puso. Kinuha niya ang makapal nakumot at ibinalot iyon sa katawan bago lakas loob na nagtungo sa pintuan upang tingnan kung sino ang kumatok.Dahan dahan niyang hinawakan ang siradura, nagbilang siya ng tatlong beses bago iyon pikit matang binuksan. Iminulat niya ang mga mata ngunit walang tao kaya napatingin siya sa sahid at tulad ng halos nakasanayan na niya ay may nakita siyang envelop na kulay brown. May pagmamadali niya iyong pinulot at muli ring isinarado ang pinto. Sampung lock ang meron siya sa silid maliban sa doorknob dahil hindi siya mapapakali kong hindi niya siguro ang kapakanan."Katapusan ngayon ng buwan kaya pinadala na naman niya ito." Tugon niya. Sanay na sanay na siyang kausap ang sarili dahil sa loob ng ilang taon nang magbago bigla ang takbo ng kanyang buhay ay wala na siyang ibang taong kinausap. Mailap na mailap siya sa tao.Binuksan niya ang envelop at hindi na siya nagulat nang tumambad sa kanya ang libo libong salapi na laman niyon. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng malaking halaga sa kung sino mang taong ni aninu hindi niya nakita, bawat katapusan ng buwan ay may kumakatok sa kanyang pinto at mag-iiwan nito.Noong una ay hindi niya iyon tinanggap, ilang beses niyang tinanggihan ngunit ng magipit dahil wala siyang ibang mapagkukunan ng pagkain at pangtustos sa pangangailangan ay napilitan siyang gamitin ang pera. Wala siyang trabaho at iyon na ang bumubuhay sa kanya sa loob ng isang taong pamamalagi sa syudad.Always take care of yourself. I'm just here to protect you. Be strong, we will see each other in a right time.Pagbasa niya sa sulat na siyang kasama ng mga pera sa loob ng envelop. Bakit niya pa nga ba binasa kung sa bawat pagbigay nito ay iyon at iyon pa rin ang mensaheng nakasulat.We will see each other in a right time? Kailan ang oras na iyon? Kapag tuluyan na siyang nabaliw? Kapag patay na siya?Sino ito? Bakit mukhang kilalang kilala siya ng taong nasa likod nito? Noong una akala niya nagkamali lang ng apartment na pinadalhan ang taong iyon ngunit ng ilang beses na maulit ay napagtanto niyang para sa kanya iyon.Mapait siyang napangiti ng muling pasadahan ng tingin ang sulat.I'm just here to protect you. Sana noon pa, kung sino ka man sana noon mo pa ako prenotektahan para wala ako sa sitwasyon ko ngayon. Sana iniligtas mo ako. Sana hindi mo hinayaang mababoy ang buong pagkatao ko. Aniya.Namilisbis ang kanyang mga luha habang niyayakap ang sarili. Hanggang sa ang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa malakas na hagulhol. Kahit pilitin niya ang sarili na kalimutan ang lahat ay hindi iyon magawa ng kanyang isipan. Kahit anong pilit niya sa sarili na alisin ang galit sa kalooban at magpatawad ay hindi niya kaya.Nakamarka na sa kanyang pagkatao at kaluluwa ang ginawa ng hayop na 'yon. Nakakasawa na ang routine ng kanyang araw araw na buhay, iyak, takot, galit, at kaguluhan ng isip. Iyon lamang ang paulit ulit niyang nararamdaman."Kahit na nakakasawa na hindi ako pwedeng sumuko, dapat kayanin ko ang lahat ng ito." Payo niya sa sarili."Noong nagmakaawa akong patayin niya nalang ay hindi niya ginawa, binuhay niya ako para unti unti akong mamatay dahil sa pag-iisip ng ginawa niyang kademonyohan. Pero sa araw na 'yon mismo ipinangako ko sa sarili ko na darating ang araw na magkikita ulit kami at gaganti ako sa kanya. Ipapakita kong nagtagumpay man siyang sirain ang pagkatao ko pero hindi ang buong buhay ko." Sa kabila ng takot na lumulukob sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang galit niya sa tuwing naaalala ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi ng muling makarinig ng malalakas na katok. Tinakpan niya ang magkabilang tenga dahil sa nakakarinding ingay na likha nito. Ayaw na ayaw niya ng kahit anong ingay dahil awtomatiko ang pangambang lumulukob sa kanya."Hoy, Mari lumabas ka diyan. Aba'y dalawang buwan ka ng walang bayad sa renta!" Dinig niya ang sigaw na nagmumula sa labas. Tinig iyon ng landlady niya.Kumuha siya ng sampung libo sa perang ibinigay sa kanya at ipinasok iyon sa butas na nasa ilalim ng pintuan. Itinulak niya iyon palabas gamit ang mga daliri. Nang masigurong makikita na iyon ng matanda ay muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa kutso at muling niyakap ang sarili.Laking pasalamat niya ng sa wakas ay wala ng naging ingay sa labas. Kahit sandali ay napayapa ang kanyang kalooban. Gustong gusto niya ng katahimikan dahil doon na lamang niya hinuhugot ang lakas para magpatuloy sa buhay kahit gaano pa iyon kasalimuot.MASAYANG NAGTITIPON ang mag-anak sa malawak na harden ng mga Castillion. Nagdaos sila ng barbecue party matapos ang dinner date ng buong pamilya.Nakatayo si Seven sa gilid ng pool habang sumisimsim ng beer na hawak. May masayang mga ngiti sa labi habang nakatingin sa masayang pagtitipon tipon ng kanilang pamilya. Kahit na may kanya kanyang buhay ang bawat isa sa kanila ay hindi hinayaan ng kanyang mga magulang na mawala ang malakas na samahan ng kanilang pamilya. Mula pagkabata ay itinuro sa kanila na kahit anong mangyari importante ang pagbibigay ng oras sa pamilya."Kumusta, bunso?" Napalingon siya ng marinig ang boses ng kanyang Kuya First. Mas lalo siyang napangiti."Ayos lang kuya, as usual busy sa hospital," sagot niya.Tumango tango ito at tumabi sa kanya ng tayo. Sandali silang binalot ng katahimikan bago ito muling magsalita."I'm sorry," anito.Kunot noo siyang napabaling sa kapatid. "Sorry for what?"Nagkibit balikat ito. "For everything." He knew what it means.Alam niyang hindi magaling sa salita ang kanyang kapatid kapag ganitong mga usapin kaya naaappreciate niya ito sa pagsasabi ng mga salita iyo."Wala ka namang kasalanan and anayway matagal na panahon na 'yon. Actually, wala na 'yon sa isip ko. Ilang ulit na nating napag-usapan 'to kuya." Tinapik niya ang balikat nito. "No worries.""I know but still, I'm sorry.""Just make her happy and treat her like your queen then it's fine with me. I loved her as a woman and she's a sister to me.""You know, she's not just my queen. My wife is my life so yeah I'll make her happy 'til my last breath.""And I'm happy for the both of you." Gagap niya."You grow as a very fine and responsible man, bunso. And I'm so proud of you." Ginulo nito ang buhok niya at sabay silang natawa.Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat at hindi niya pinagsisihan na ipagpaliban na muna ang mga gagawin sa hospital dahil worth it ang bawat sandali na kasama ang pamilya nila."Ano ba ang pinagkakaabalahan mo bunso at napakabusy mo sa hospital noon naman ay hindi masyadong hectic ang schedule mo." Kuryusong tanong ng kanyang ina ng bumalik sila sa mesa kung saan nag-uusap usap.Naglalambing siyang yumakap dito. "Remember, 'yong sinabi kong pinapagawa kong bahay sa Baguio?""Ano namang connect n'on sa tanong ko?"Humalik siya sa pisngi ng ina bago sumagot. "Zin called and he told me that in less than three weeks ay tuluyan na 'yong matatapos at bukod sa hospital ay busy rin po ako dahil madalas akong dumalaw doon." Zin Castillion is his cousin and he's an architect at iyon ang binilin niya na pansamantalang tumingin at mamahala sa pagpapatayo niya ng bahay."Ibig sabihin ba n'on ay mag-aasawa ka na kaya abala ka sa pagpapatapos ng sarili mong bahay?" Bumakas ang lungkot sa mukha nito kaya agad siyang umiling."It's not that mom, balak ko po kasing magtake ng leave next month para makapag-unwind ako kahit papaano." Aniya.Wala pa siyang pinagsasabihan ng plano niyang iyon ngunit dahil alam niyang malulungkot ang ina kaya dapat niyang sabihin ang totoo niyang pakay sa pagmamadali ng pagpapagawa ng kanyang bahay."That's good to hear 'bro, hindi magandang binuburo mo ang sarili mo sa trabaho. You're still young so just enjoy your life," sabat ng Kuya Second."Exactly, and while having a leave find a girl you can date with. Marami akong kilala kung gusto mong makipagblind date para my thrill," segunda ng Kuya Fifth niya."I'd rather spend my leave harvesting strawberries in Nixy's farm than having a date, so no for blind date." Natatawang sagot niya. Nixy Castillion, isa sa mga pinsan niya. Nagmamay-ari ito ng malaking farm sa Baguio na madalas nilang pagbakasyonang mag-anak."Wag niyo ngang pinapakialaman ang buhay ng kapatid niyo." Sabat ng kanilang ama at tumingin sa kanya. "Just be happy, son."Tumango siya. "I will dad, I will." I hope I can."So, let's cheer for our younger brother's happiness." Sigaw ng Kuya Fifth niya sabay taas ng bote ng beer na hawak nito. "For Seventh's happiness, cheers.""Cheers." They said in unison. Pinagbunggo ang mga inumin bago masayang nagtawanan.Nang lumalim na ang gabi ay nagkanya kanya na ng pasok sa bawat silid samantalang siya ay naiwang nakaupo sa bench ng harden.Ninanamnam niya ang katahimikan doon at ang preskong simoy ng hangin. Nabibilang lang ang pagkakataon sa buhay niya ang makaranas ng ganitong sandali. Iyong tahimik lang at napakapayapa ng paligid.Dahil kung hindi ang personal niyang buhay ang iniisip ay ang mga pasyente niya. Minsan ramdam na niyang napag-iiwanan na siya ng panahon kaya siguro tama lang ang desisyon niyang magpahinga muna. He need a break.ALIGAGANG nag-ayos ng sarili si Mari upang maghanda dahil ngayon siya muling mamimili ng mga kakailanganin sa kanyang apartment. Isang buwan na ang lumipas ng huli siyang lumabas sa madilim na silid na iyon at ngayong ubos na ang supply niya ng pagkain ay mapipilitan na naman siyang lumabas.Takot siya sa mga tao pero dahil nag-iisa ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ng paunti unti ang kanyang takot. Kahit anong gawing dasal ay wala siyang nagiging karamay kaya ang sarili nalang niya ang tanging masasandalan.Nang masigurong komportable na siya sa suot na damit ay ilang ulit muna siyang humugot ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng maliit niyang apartment. Tulad ng nakasanayan ay makulimlim na ng tingalain niya ang kalangitan. Walang katao tao sa hallway ng dalawang palapag na paupahan ng land lady niya na siyang ipinagpasalamat niya. Maliliit man ang mga kwarto ay ayos lang dahil ang lugar ay hindi tulad ng sa skwater na mar
KIPKIP ng mahigpit ang kumot sa kanyang dibdib habang nakatingin siya sa lalaking nakangiti sa kanyang harapan. Malumanay ang mga tingin nito ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin siya panatag na nasa paligid ito. Nagising siya kanina at ito agad ang bumungad sa kanya. May dala itong tray ng pagkain at inomin. May takot pa rin sa kanyang kalooban ngunit habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha ay hindi niya mapigilang mainggit. Napakaaliwalas ng mukha nito at ang ngiti ay napakasaya na tila walang problema.Ako, kailan kaya ulit ako ngingiti ng ganyan? Naiiyak na tanong niya sa isipan. "Gabe na kaya kailan mo nang kumain," pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Umiling siya. "Hindi ako gutom," ngunit napangiwi nang mag-ingay ang kanyang tiyan. Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "You're hungry, I'll leave for a while so you can eat your dinner." Itinuro nito ang tray na nakalapag sa paanan ng kama.
SOMETIMES your past is the reason why you can't be happy, even if you want to move on and start over again it keeps on holding you. Depriving you to have a peaceful present and grasping your faith to have a better future. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang mahigpit na nakayakap sa bewang ng binata. Malakas pa rin ang mga kulog at sinundan iyon ng malakas na ulan. Kaya pala mahamog at makulimlim ang labas dahil sa maulap na kalangitan na nagbabadya sa pangit na panahon. Roaring thunder make her leap and shiver. Her soft little curves hunch in Seventh's mascular body, afraid of the jolt of the clouds while he's holding her tight, protecting her and caging her in his arms.The heat from his manly built sip through down her spine as boiling water molten a black brewed coffee. Soothing her nervousness and comforting the afraid smitten inside her. Para siyang inaalo ng init ng katawan nito kaya unti unting nawala ang atensyon niya sa galit na kalangita
NANG MAGSALUBONG ang kanilang mga tingin ay mas lalong nag-abalang ang init na kanyang nararamdaman. Ang mga mata nito ay bumaba sa kanyang kahubdan at bahagyang natigilan ang binata. Akmang bubuka ang mga labi nito upang magsalita ngunit agad niyang hinila ang batok ni Syete at nilamukos ng halik ang basa nitong labi. Sabik na sabik siyang kinagat kagat ang labi at sinipsip. Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil gustong gusto niyang mawala ang init ng katawan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at ipinatong sa tayong tayo niyang dibdib. Para siyang may hinahabol dahil sa kabila ng hingal ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Halos maubusan na siya ng hangin.Siya mismong ang nagpisil ng katigas nitong kamay sa kanyang dibdig pero dumulas ang kamay nito na akala niya ay hahaplos din pabalik sa kanya. Pilit itong humihiwalay sa kanyang halik pero mas idinidiin niya ang labi.Humawak ito sa kanyang magkabilang braso upang ilayo ang hubad n
MAAGANG nagising si Mari, nakatulala sa kawalan. Pinag-iisipan kung uuwi na siya. Nandoon na naman ang takot niya, paano kung balikan na naman siya ng mga taong humahabol sa kanya? Hindi niya alam ang pakay ng mga ito. Baka maulit na naman ang nangyari sa kanya noon. Hindi siya papayag.Humugot siya ng malalim na hininga. Nakarinig siya ng katok kaya napalingon. Nakangiting si Syete ang dumungaw sa pinto. Dagdag ang binata sa isipin niya, hindi niya alam kung bakit napakabait nito. May mga tao pala talagang parang Santo ang kabaitan. "Breakfast is ready, kain na."Nakatitig lamang siya sa mga mata nitong sumasabay sa pagngiti. Sa ngiti nito walang mag-aakalang may masakit na pinagdaanan. Sana kaya ka ring magpanggap na masaya. Tumayo siya. Naglakad papalapit dito. Hindi na siya takot na lapitan ito dahil parang pati langaw hindi ito papatay. "Pwede mo ba akong gawing katulong dito? Hardenera? Malaki naman ang bahay mo tapos parang lagi kang busy
NAGTITIMPLA siya ng kape nang pumasok si Princess sa kusina. Inalis niya ang tingin dito, ayaw niyang magkasala sa kapwa. Totoong naiinis siya dito at hindi mabuti iyon, wala naman itong kasalanan sa kanya. Basta, hindi niya lang mapigilan. "Wow, black coffee." Lumapit ito sa kanya. "Ang bango naman niyan, masarap ba siya? Hindi pa kasi ako nakakatikim niyan e. Mom won't allow me."Mem wen't ellew me, sa isipan niya. Naiinis siya sa conyo nitong salita, hindi nalang ideritso kung tagalog o english. Ang sakit sa ilong pinaghahalo. Feeling close. Simula kahapon pa ito lapit ng lapit sa kanya, kung hindi tango ay isang salita lang ang sagot niya sa mga sinasabi nito. Mabait naman ito pero hindi niya gusto ang presensya nito. Pangit ang tingin niya sa ugali nito dahil sa ginawa kay Syete. Tumango siya. Napanguso ito, sumandal sa sink malapit sa kanya. Humalikipkip. Sa gilid ng mata niya sinusundan ang mga galaw nito."Why are you mad
"SYETE? Nasaan ka?" Walang sumagot. Ilang ulit siyang kumatok pero wala pa rin. Pinihit niya ang door knob, bukas iyon kaya dahan dahan siyang pumasok. Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Hindi niya ito nakita. Bukas ang laptop nito na nasa gitna ng kama. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig, humakbang siya papalapit sa isa pang pinto kung saan nanggagaling ang ingay. Akmang bubuksan niya iyon nang mauna itong buksan ng tao sa loob. Si Syete. Nanlaki ang mga mata niya.Labis ang gulat niya nang makita ang hubad nitong katawan. Walang saplot ni isa, malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang kabuuhan nito. Pati ang pagkalalaki nito na nakaturo sa kanya. Nakaturo sa'kin? "Bakit ako?" nausal niya. Naging blangko ang isip niya, hindi malaman ang dapat na gawin. Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang kaba. "Sa shopee pi pi pi pi Ang dami mi mi mi mi. Bumili li li li li," hindi niya namalayan na sa sobrang kaba kinakanta na niya ang isang online
NGITING ngiti siya nang makitang papasok si Syete. Tama nga si Princess na babalik ito sa tanghali. Kung galit ito ay hindi niya alam. Mukha namang okay ang aura maliban sa seryosong mukha. "Ready na po ang lunch, Sir," pormal niyang sabi. Kahit na ayos na ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito ay gusto niya pa ring pangatawanan na katulong lang siya ang walang lugar sa buhay nito. Tanggap niya kahit masakit.Tango lang ang natanggap niyang sagot. Ngumiti pa rin siya. Sumunod siya nang maglakad ito patungo sa dinning. Hindi niya makita si Princess matapos nitong sagutin ang tawag ng asawa. Tumikhim siya, kumuha ng plato para sa amo at ihinanda ito ng maiinom.Tamihik sila pareho, tanging kaluslos ng mga galaw niya lang ang maririnig. Gusto niyang kausapin ito pero mukhang mapapahiya siya. Baka pagsalitaan na naman siya nito ng hindi maganda."Where's Princess?" basag nito sa katahimikan. Muntik siyang mapaigtad sa gulat dahil sa bigla bigla nito
Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Maria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina