MAAGANG nagising si Mari, nakatulala sa kawalan. Pinag-iisipan kung uuwi na siya. Nandoon na naman ang takot niya, paano kung balikan na naman siya ng mga taong humahabol sa kanya? Hindi niya alam ang pakay ng mga ito. Baka maulit na naman ang nangyari sa kanya noon. Hindi siya papayag.
Humugot siya ng malalim na hininga. Nakarinig siya ng katok kaya napalingon. Nakangiting si Syete ang dumungaw sa pinto. Dagdag ang binata sa isipin niya, hindi niya alam kung bakit napakabait nito. May mga tao pala talagang parang Santo ang kabaitan."Breakfast is ready, kain na."Nakatitig lamang siya sa mga mata nitong sumasabay sa pagngiti. Sa ngiti nito walang mag-aakalang may masakit na pinagdaanan. Sana kaya ka ring magpanggap na masaya.Tumayo siya. Naglakad papalapit dito. Hindi na siya takot na lapitan ito dahil parang pati langaw hindi ito papatay. "Pwede mo ba akong gawing katulong dito? Hardenera? Malaki naman ang bahay mo tapos parang lagi kang busyNAGTITIMPLA siya ng kape nang pumasok si Princess sa kusina. Inalis niya ang tingin dito, ayaw niyang magkasala sa kapwa. Totoong naiinis siya dito at hindi mabuti iyon, wala naman itong kasalanan sa kanya. Basta, hindi niya lang mapigilan. "Wow, black coffee." Lumapit ito sa kanya. "Ang bango naman niyan, masarap ba siya? Hindi pa kasi ako nakakatikim niyan e. Mom won't allow me."Mem wen't ellew me, sa isipan niya. Naiinis siya sa conyo nitong salita, hindi nalang ideritso kung tagalog o english. Ang sakit sa ilong pinaghahalo. Feeling close. Simula kahapon pa ito lapit ng lapit sa kanya, kung hindi tango ay isang salita lang ang sagot niya sa mga sinasabi nito. Mabait naman ito pero hindi niya gusto ang presensya nito. Pangit ang tingin niya sa ugali nito dahil sa ginawa kay Syete. Tumango siya. Napanguso ito, sumandal sa sink malapit sa kanya. Humalikipkip. Sa gilid ng mata niya sinusundan ang mga galaw nito."Why are you mad
"SYETE? Nasaan ka?" Walang sumagot. Ilang ulit siyang kumatok pero wala pa rin. Pinihit niya ang door knob, bukas iyon kaya dahan dahan siyang pumasok. Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Hindi niya ito nakita. Bukas ang laptop nito na nasa gitna ng kama. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig, humakbang siya papalapit sa isa pang pinto kung saan nanggagaling ang ingay. Akmang bubuksan niya iyon nang mauna itong buksan ng tao sa loob. Si Syete. Nanlaki ang mga mata niya.Labis ang gulat niya nang makita ang hubad nitong katawan. Walang saplot ni isa, malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang kabuuhan nito. Pati ang pagkalalaki nito na nakaturo sa kanya. Nakaturo sa'kin? "Bakit ako?" nausal niya. Naging blangko ang isip niya, hindi malaman ang dapat na gawin. Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang kaba. "Sa shopee pi pi pi pi Ang dami mi mi mi mi. Bumili li li li li," hindi niya namalayan na sa sobrang kaba kinakanta na niya ang isang online
NGITING ngiti siya nang makitang papasok si Syete. Tama nga si Princess na babalik ito sa tanghali. Kung galit ito ay hindi niya alam. Mukha namang okay ang aura maliban sa seryosong mukha. "Ready na po ang lunch, Sir," pormal niyang sabi. Kahit na ayos na ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito ay gusto niya pa ring pangatawanan na katulong lang siya ang walang lugar sa buhay nito. Tanggap niya kahit masakit.Tango lang ang natanggap niyang sagot. Ngumiti pa rin siya. Sumunod siya nang maglakad ito patungo sa dinning. Hindi niya makita si Princess matapos nitong sagutin ang tawag ng asawa. Tumikhim siya, kumuha ng plato para sa amo at ihinanda ito ng maiinom.Tamihik sila pareho, tanging kaluslos ng mga galaw niya lang ang maririnig. Gusto niyang kausapin ito pero mukhang mapapahiya siya. Baka pagsalitaan na naman siya nito ng hindi maganda."Where's Princess?" basag nito sa katahimikan. Muntik siyang mapaigtad sa gulat dahil sa bigla bigla nito
"WE HAVE to go," imporma ni Uno. Dala nito ang mga gamit nilang mag-asawa habang silang dalawa ni Syete ay nakasunod dito. "Ingat ho kayo," sabi niya at ngumiti pero agad ding umiwas nang mapansin ang masamang tingin ni Syete sa kuya nito. Humawak siya sa braso ni Syete at hindi na tumingin, ibinaling niya ang atensyon ng Princess. "Mamimiss kita."Naluluha itong yumakap sa kanya. "Kapag bumalik na kayo ng Maynila bisita kayo sa house namin, okay? Take care of Pitong Bansot, he's mabait but full of kaartehan sa katawan." Pareho silang natawa. Parang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan. Noon naiinis siya kay Princess dahil sa pananakit nito kay Syete pero nang makasama niya ito at nakita kung gaano nito kamahal si Uno ay naiintindihan na niya ang sitwasyon. Kitang kita ang saya sa mata ng mga ito kapag tumitingin sa isa't isa. Dalangin niya na balang araw maging gan'on din sila. "Hindi kami babalik ng Maynila, we will stary her
LUTANG pa rin siya hanggang sa makarating sila sa destinasyon, town of Kibungan in Baguio. Dala dala niya ang basket ng strawberries. Nakatingala sila sa peaks na aakyatin nila. "Ang ganda pala ng Mount Tagpew, ano?" tanong niya kay Syete, pero hindi siya nakatingin sa mga mata nito. Kahit hirap ay nagpumilit itong dalhin lahat ng gamit nila mag-isa, gusto niyang tumungol pero lagi nitong sagot. Ayokong mapagod ka.Bakit pa sila nagbalak na maghiking at mountain climbing kung ayaw pala nitong mapagod siya?"Siguro kung naging bundok ka mas mataas ka pa sa Mount Tagpew." Kunot noo siyang napalingon dito, nagtataka."Bakit?"Nagkibit balikat ito. "Kasi mas maganda ka."Sabay sabay niyang naisubo ang tatlong strawberries sa pagmamadaling magpanggap na wala lang sa kanya ang sinabi nito. Napangiwi siya ng muntik siyang mabulunan. Paulit ulit na nag-echo sa tenga niya ang banat nito. "Hindi ko napaghandaan," nasab
"WAG po hindi ko na po kaya," pagmamakaawa ng babae. Tinakpan ni Syete ang kanyang tenga, nandoon na naman ang boses na pilit niyang tinatakbuhan. Ayaw niyang marining 'yon, gusto niyang lumayo sa boses ng babae. Hindi niya kayang pakinggan ang pagmamakaawa nito gabi gabi. "Parang awa mo na."Napasabunot siya, pinagpapalo ang kanyang ulo para alisin ang nasa isip. Basang basa na ng pawis ang kanyang mukha. Mariin siyang napapikit. "Lubayan mo ako," sigaw niya."SYETE! Syete, gumising ka." Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman ang malakas na sampal sa kanyang mukha. Agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Maria, niyakap niya ito ng mahigpit. "Stay with me," bulong niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pawis na pawis ang buo niyang mukha. Naalala niyang nasa loob sila ng tent. Hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon siya dadalawin ng masamang panaginip
LAHAT ng pagod sa pag-akyat baba sa mga bundok ay naipon sa katawan ni Mari. Napapaigik siya kapag humahakbang. Hindi siya sanay sa mga activities na ginawa pero hindi maipagkakailang nasulit at naenjoy niya ang hiking kasama si Syete.Napasigaw siya ng sa wakas ay lumapat ang likod sa malambot na kama. "It's pahinga time."Pumikit siya ngunit hindi makatulog, tumulala sa kisame. Napapangiti habang inaalala ang ilang araw nila sa hiking. Wala siyang makapang lungkot sa dibdib, purong kaligayahan. Kakatapos palang pero gusto na agad niyang maulit ang gan'ong mga tagpo. Halatang halata sa mga ngiti niya ang pagiging inlove. Ganito pala ang maging inlove 'no? Ngumingiti ng walang dahilan, masaya kahit walang ganap at maaliwalas ang tingin sa buhay. Si Syete ang nagsilbing ilaw niya, ito ang nagpaliwanag sa madilim niyang mundo na kailan may hindi niya inakalang mararanasan niya. Kahit pagod pero makatulog kaya bumangon nalang siya.
MADALING araw ng maalimpungatan si Mari. May narinig siyang malakas na kalabog. Napatingin siya sa buong paligid sa pag-aakalang may nasagi siyang bagay. Wala. Kunot noo siyang bumangon, maliwanag ang kanyang silid dahil hindi siya nagpapatay ng ilaw. Ayaw na ayaw niya sa dilim. Muli na namang kumalabog, tumayo siya upang sundan ang ingay. Paglabas niya sa kanyang silid nakita niyang bukas ang pinto ng kwarto ni Syete. Ilang hakbang palang ng mapatingin siya sa sahig, may naapakan siyang likido. Mainit at malapot iyon. "Dugo?" Bigla siyang nangilabot at nilukob ng takot. Sinundan niya ang bakas niyon, pababa ng hagdan. Malalaki ang mga hakbang niya hanggang sa napatakbo siya sa takot na baka may masamang nangyari kay Syete. "Syete?" sigaw niya. Patuloy ang kalabog at pagkabasag na naririnig niya. "Syete? Nasaan ka?" Ang dalawang baitang ay nagawa niyang hakbangin ng isa. Kahit na liwanag ng buwan na nagmumula sa labas lamang ang
Tuluyang nagpantig ang kanyang tenga at hindi na napigilan ang galit. Masama ang tingin na humarap siya dito at itinaas ang kanyang mga kamao. "Kanina ka pa, ano suntukan nalang tayo? Para kalas kalas na 'to." Magkahiwalay ang kanyang mga paa at nauuna ang kanan, nakapwesto na para makipagbasag ulo.Lumapit siya dito habang ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa kanya. Hinding hindi ako papayag na hindi makagante sa kanya, bulong niya sa sarili.Hindi ito lumaban pero inis na inis pa rin siya. Sa labis na galit ay naging mabilis ang kanyang galaw at hindi nito napaghandaan ang sunod niyang hakbang. Dahil tanging Hawaiian short lang ang suot nito ay madali niyang nadakpa ang umbok ng pagkalalaki nito.Napahiyaw ang lalaki samantalang siya ay nagkikiskisan pa rin ang mga ngipin sa sobrang galit. Malulutong na mga mura at hiyaw ang pinakawalan nito at malakas siyang itinulak ngunit sa pagtulak nito ay mas lalong dumidiin ang pisil niya."Ito na ang
ANG LUGAR ay puno ng mga taong pasaway sa lipunan. Mga taong lumabag sa batas. Mga taong biktima ng mapoot na katotohanan ng mundo. Mga taong inosente pero dahil sa kahirapan ay naghirap sa loob at pinagbayaran ang kasalanang hindi ginawa. Mga taong nawalan ng pag-asang makalabas. Mga taong ayaw nang lumabas dahil wala ng babalikang pamilya.Ngayon ay nagdiriwang ang mga preso dahil sa paglaya ng kapwa nila bilanggo.Naghihiyawan sa bawat seldang dinadaanan niya at nagbibigay pagbati ang lahat. Ilang taon niyang naging tahanan ang magulo at masikip na kulungan. Ngayon ay haharapin na naman niya ang hindi patas na mundo sa labas."Magpakabait ka na 'pre," masayang bilin ng isang presong naging kaibigan."Oo 'pre, kayo din dito," sagot niya."Pagkaalis mo dito kumuha ka agad ng babae at magpakarami," hiyaw ng isa. Naghalakhakan ang lahat.Tumango siya. "Mahirap ang buhay sa labas.""Mas mahirap ang buhay dito," S
Maria Sonata's POVAMONG all the Castillons, I am the least favorite. Kuya Seve is my Nanay's favorite, and Soledad is my Tatay's favorite. I'm the middle child, technically because I'm older than Soledad, even if we're twins. I always feel that no matter what I do, I'm always the least. I'm no one's favorite. I'm no one's favorite friend. I'm no one's favorite daughter. I'm no one's favorite sister. I'm no one's favorite niece. And because I'm no one's favorite I need to be pretty. I need to be intelligent. I need to be nice. I need to be classy. I need to be tough. I need to excel at everything I do for me to fit in.Most of the time, they say that I think older than my age. I think too much and I know so much. I need to be this and that because I know that I can only depend on myself. Maybe I'm more mature than my age because my experiences have made me grow faster than the average teenager. Well, I believe that maturity is not about age; it's about ho
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina