After two weeks
"Good morning honey!" Masiglang bati sa akin ni Rowan."Anong ginagawa mo rito? Diba sinabi ko na sayo na huwag na muna tayo magkita.""Parang hindi naman ata tama na hindi tayo magkita, Helena.""Jusko naman, Rowan, ikakasal naman na tayo bukas pagkatapos no'n parati na tayong magkasama. Pero sa ngayon umuwi ka na muna." Pagtataboy ko sa kanya."Hindi ako aalis- dito na lang ako, gusto kitang makasama.""Hindi pwede, Rowan. May pamahiin na hindi pwedeng magkita ang groom at bride bago ang kasal. Sige na, umuwi kana baka hindi pa matuloy.""Naniniwala ka pala sa mga pamahiin? Hindi naman iyon totoo. Kung gusto talaga natin matuloy ang kasal gagawa tayo ng paraan. Hindi iyong maniniwala ka sa mga walang kwentang pamahiin." Lumapit siya at niyakap ako."Rowan, stop it! Baka may makakita sa atin dito at kung ano na naman ang isumbong sa nanay mo.""Wala akong pakialam. Huwag mo silang pansinin. Asawa na kita.""Sira ka talaga. Sige na umuwi kana. Mag usap na lang tayo sa telepono.""Excuse me po ma'am and sir," singit ng isang staff na nagtatrabaho sa wedding shop.Hinigpitan ni Rowan ang pagkakahawak sa baywang ko."Hindi naman po sa nanghihimasok ako, ha, pero hindi niyo po pwedeng makita ang bride na suot ang kanyang gown. Lalo na't bukas na ang kasal niyo baka hindi po matuloy.""I told you umuwi ka na." Bulong ko sa kanya."No, hihintayin kita. No buts Helena. Ako ang maghahatid sa'yo sa apartment. Hihintayin kita sa labas at isa pa tigilan mo iyang pamahiin na ganiyan."May punto naman siya. Hindi dapat ako naniniwala sa ganitong nakakapanahon na pamahiin. Kung gusto namin maikasal sa isat-isa gagawa kami ng paraan para matuloy iyon.Mas lalong hindi masisira ng baliw niyang ina ang kasal namin."Oh, bakit na naman?" tanong ko nang bumalik siya sa shop."I can't wait to see you in the aisle, honey. If you would ask me which gown is much better to you. I'll honestly answer that you look more gorgeous wearing those gowns when you're smiling. Just smile." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.Automatiko akong napangiti sa sinabi niya, "Sige na hintayin mo nalang ako sa labas."Mabuti nalang sumunod siya sa sinabi ko at diretso ng pumasok sa kanyang sasakyan. Nainitan siguro siya dahil alas otso na ng umaga. Maarte pa naman ang lalaking iyon. Ayaw maarawan."Pustahan tayo hindi matutuloy ang kasal nila bukas!" rinig kong usapan ng ibang customers sa loob."Oo nga panigurado na may aksidente sa mismong araw na iyon.""Pero ano kaya ang nakita ni pogi sa kanya. Hindi hamak na mas sexy at mas maganda naman ako sa kanya.""Siguro ginayuma niya," sabi ng babae saka sila nagtawanan."Sana siya na lang ang maaksidente o kaya mamatay na lang siya diba." Komento ng kasama niya.Okay lang sakin kung napapangitan sila sa itsura ko pero sobra na ata na hilingin nila na mamatay nalang ako."Excuse me!" Sigaw ko, kakatapos ko lang magpalit ng damit.Nagulat ang mga palakang ligaw sa sigaw ko at mukhang nalunok na nila ang kanilang dila."Una sa lahat wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao ko at panghimasukan ang buhay ko. Pwede ko kayong kasuhan ng paninirang puri, tama ba?""Pangalawa ang panget niyo!" Nagsitawanan ang ibang customers sa loob ng shop.Ang sarap pag uumpugin ng mga taong ganito. Ang lakas ng loob manlait ng kapwa,eh, sila nga itong kalait-lait."At ang pangatlo kung mamatay man ako ayos lang at least na ikasal ako sa taong mahal ko."Dahil sa irita ko nagpasiya na akong lumabas sa shop at nagtungo sa labas. Baka kung ano pa ang marinig ko sa mga palakang iyon at masira ang masaya kong araw.Nang mapagtanto kong wala siya at ang kanyang kotse sa labas ng shop agad kong i-dinial ang number niya. Naglakad ako patungo sa parking lot na 'di kalayuan sa shop."Nasaan kaba?" pambungad kong tanong nang sagutin niya ang tawag."Shit! Nakalimutan kong sabihin sa'yo..""Rowan, how's your mom?" rinig kong tanong ni tito Luciano."Maayos naman na siya, pa. Sabi ni Doc Adam kailangan niya lang mag pahinga.""An-anong nangyari sa kanya, Rowan?" tanong ko."Speaking of her. Tumawag sakin si Simon kanina dahil naabutan niya si mama na walang malay sa kanyang kwarto. Hindi ko sana pupuntahan kaya lang nagpumilit si Simon na puntahan ko na raw siya sa hospital."Simon is the most trusted and loyal driver to the Hidalgo family."Okay naiintindihan ko. Tatawagan na lang kita mamaya kapag nakauwi na ako," saad ko.Matapos nang aming pag-uusap nagsimula na akong maglakad pabalik sa shop. Doon na lang ako maghihintay ng taxi. Nahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong ungol ng babae. Hinanap ko kung saan nagmula ang tunog na 'yon. At hindi nga ako nagkamali. Nagtago ako sa katabing sasakyan nito.Mabilis akong nag sign of the cross dahil sa nasaksihan ko.Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakasaksi ng ganitong eksena. Hindi pa naman sumagi sa isip ko na gawin ang bagay na ito kasama si Rowan.W*-wait..Si Rowan ba iyon?Pero imposible na maging siya 'yon. Kasama niya si tito Luciano sa hospital.Mabilis akong nagtago sa sasakyan nang biglang mag ring cellphone ko. Kung kanina nakatayo ako habang nanonood- ngayon umupo ako para hindi nila ako makita."Fuck!" Malakas na sigaw ng lalaki, rinig ang pagka lagapak ng pinto ng kotse.Nang masiguro kong nasa loob na sila ng sasakyan nagpasya na akong umalis at sinagot ang tawag. Pero bago ko pa ihakbang ang dalawa kong paa-agaw atensyon ang malakas na paggalaw ng kanilang sasakyan."Hello, Celine, bakit ka napatawag?" tanong ko-kaibigan ko si Celine at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya."Gusto ko lang naman kamustahin ang best friend ko lalo na't bukas na ang kasal mo. So, kumusta kana? May ginagawa ka ba ngayon?""Ayos lang naman ako. Wala naman kakatapos ko lang magsukat ng wedding gown.""Akala ko ba nakapili kana. Bakit nagpasukat ka ulit?""Utos ni tita Nelia." Bumuntong hininga ako nang sabihin ko iyon."Bakit daw? Maganda naman ang gown mo, ah. Bakit kailangan pa palitan?"Flashback"Ano bang klaseng gown 'yan? Bakit gan'yan? Basura!" ani tita Nelia."Tita, maayos naman na po ito sa akin.""No. Hindi ako makakapayag na suotin mo ang mumurahin na gown na iyan. Baka nakakalimutan mo kasal 'to ng anak ko Helena at hindi ako makakapayag na madungisan ang pangalan namin ng dahil diyan." Turo niya sa gown na hawak ko."Okay pa sakin na ikaw ang pinili ng anak ko pero kung magiging kakatawa at pang i-insulto ang makukuha namin sa araw ng kasal niyo." Huminga siya ng malalim, "Helena sinasabi ko sayo ngayon palang hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buhay mo." Dagdag niya.End of flashback"Oh my ghad! Talagang sinabi sayo 'yan ng mother in law mo? Grabe siya, ha.""Oo sinabi niya talaga iyon. Kaya wala rin akong magawa kundi ang sundin siya.""Hay nako! Sinabi ko na sayo dati pa huwag si Rowan Hidalgo dahil magkaiba kayo ng level girl. Alam ko naman na maganda ka at matalino pero sis ikaw ang nahihirapan at mahihirapan dahil hindi ka tanggap ng nanay niya.""Sanay na ako maghirap, Celine. Sanay na sanay na ako. Siya na ang buhay ko. Siya lang ang gusto kong makasama. Wala na akong pakialam kung hindi ako gusto ng nanay niya. Hindi na mahalaga sa akin iyon.""Tsk. Ewan ko sa'yo. Basta hindi ako nagkulang na payuhan ka- Bye na muna may lakad pa ako, eh. See yah! Mag beauty rest ka para mas maganda kapa bukas."Ang pangarap ko lang naman bumuo ng masayang alaala kasama siya. Simpleng kasal pero memorable.Gusto ko lahat simple.Kung ako ang masusunod konting bisita lang sana. Kabilang ang mga kaibigan at kamag-anak. Pero hinadlangan lahat iyon ng kanyang ina at panigurado akong kahit mag asawa na kami gagawin niyang miserable ang buhay ko.Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-ayos ng sarili. Medyo kinakabahan din ako dahil sa nangyari kahapon sa wedding shop. Kinakabahan ako sa ideyang may mangyaring hindi maganda."Are you ready, iha? Oh you seem nervous. Bakit kinakabahan kaba na hindi matuloy ang kasal niyo?" pananakot ni tita Nelia."Siguro normal lang naman po na ganito ang maging reaksyon at maramdaman ko lalo na't ikakasal na po ako sa anak niyo.""Huwag kang umasa na matatanggap kita pagkatapos ng kasal. Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa'yo at hindi kita gusto para sa anak ko.""As if naman na gusto kita maging mother in law ko!" Sagot ko."Oh-hhh, tita, If you don't mind pwedeng hiramin ko muna si Helena?" Singit ni Celine at umalis naman si tita Nelia na gigil na gigil. Halatang naiinis siya sa akin."Ang galing mo girl halatang kanina pa nagtitimpi sayo 'yon. Simula nang matapos ka ayusan umiinit na agad ang ulo niya sa'yo. Aba sobrang ganda mo ngayon, oh. Look at your face. Bagay na bagay sa'yo ang gown."Tama nga siya maski ako nagulat sa naging itsura ko. Hindi naman kasi ako sanay na maayusan ng ganito lalo na ang mag lagay ng make up sa mukha.After thirty minutes sinundo na ako ni Simon at kasama ko si Celine sa sasakyan dahil siya lang naman ang kaisa-isang tao na mayron ako."Kalma lang girl okay? Mauuna na ako sa loob ha?" pagpapaalam niya- nanatili pa rin ako sa loob ng sasakyan."Finally, magiging Mrs. Hidalgo kana matatapatan mo na si Ma'am Nelia." Malapad na ngumiti si Simon."Hindi ko naman iniisip na lamangan siya. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na higitan siya. Ang gusto ko lang naman ay makasama ang taong mahal ko."Makalipas ang ilang minuto may nag assist sakin papuntang church. Nandito kaming tatlo sa labas at pilit ako pinapakalma.Kung kanina kinakabahan ako. Ngayon sobra-sobra na talaga ang nararamdaman ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari pagkatapos nitong seremonya.**Insert A thousand Years By Christina Perri**"I, Rowan Anderson Hidalgo take youHelena Beatrice Lorenzo Manlupa be my wife. I promise to be true to you in good times, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life.""Do you take Rowan Anderson Hidalgo as your lawful husband to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong sa akin ng pari"I do!" sagot ko.Hindi ko mapigilan na hindi maluha habang dahan-dahan isinusuot ni Rowan ang singsing sa daliri ko."I take this ring as a sign of my love and faithfulness in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit..." I said."You may kiss the bride!" bulalas ni father at agad naman akong hinalikan ni Rowan.Isang halik na punong-puno ng pagmamahal at halata ang kislap sa kanyang mga mata ng maglayo ang aming mga labi."MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" Sigaw ng lahat at masayang nag palakpakan.Matapos ang seremonya nagmadali na kaming umalis sa simbahan. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Rowan-ang lalaking mahal ko na asawa ko na ngayon."Mahal na Mahal kita Helena Beatrice Manlupa Hidalgo." Hinalikan niya ang kamay ko."Mahal na Mahal din kita Rowan Anderson Hidalgo," natatawa kong sagot at hinalikan siya sa pisngi."Bakit sa pisngi lang dapat dito oh!" Turo niya sa kanyang labi."Nagmamaneho ka baka madisgrasiya pa tayo.""Wala naman mga sasakyan, eh. Sige na isa lang," aniya, saka ko siya hinalikan.Hanggang sa may malakas na bumusina ang pumukaw sa amin. Mabilis na ginilid ni Rowan ang sasakyan sa kaliwang kalsada ngunit huli na ang lahat. May sumulpot na sasakyan sa direksyon namin.Pakiramdam ko napakabigat ng buong katawan ko-parang namamanhid kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay at binti ko. Anong nangyari?"Hel-ena!"Dahan dahan kong idinilat ang aking mata. Naliligo siya sa sariling dugo na galing sa kanyang braso na ginawa niyang panangga."Helena!" Nahihirapan na siyang magsalita. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Nanlalambot ako. "Helena, bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Nanatili siyang nakangiti. Nakakaawa ang itsura niya. May mga sugat na dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan."Helena, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?""Hindi ko maigalaw ang kamay at binti ko. Rowan, anong gagawin ko? Baka hindi na ako makalakad." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Kumalma ka, Helena, makakalakad ka. Tulungan mo akong alisin 'tong bakal." Pikit mata kong tiningnan ang sinasabi niya ngunit mas nawalan ako ng pag-asa na m
Makalipas ang isang linggo na pamamalagi sa hospital napagdesisyunan ko na umuwi na lamang. Maayos na si Rowan. Magaling na siya. Pero ako? Ewan. Hindi ko alam.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gagamit ng wheelchair. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pabigat sa kanya. “Honey, may problema kaba?” Tanong niya. Inaayos niya ang mga gamit ko. Bandang alas tres ng hapon uuwi na kami sa mansyon.“Wala naman.” Malamya kong sagot sa kanya. Nakakahiya na. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nag asikaso sa kanya pero dahil sa lintik na binti ko na 'to hindi ko siya magawang pagsilbihan.“Sabihin mo sa akin. Anong problema? Ginugulo ka pa rin ba ni mama?”Tinigil niya ang ginagawa niya at lumapit sa akin. Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed. Tinabihan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.“Naisip ko lang.” Huminto ako saglit at huminga ng malalim. “Paano kung tama ang mama mo? Paano kung hindi talaga tayo para sa isat-
“What's wrong, hon?” Tanong ni Rowan nang makalabas siya sa banyo. Naka half naked siya habang pinupunasan ang kanyang buhok.Sasabihin ko ba sa kanya?Pero ayaw ko na mag-alala siya. Ayaw ko na mag isip pa siya ng dahil lang sa walang kwenta na threat note."Hon, what's the matter? You look pale. May ginawa na naman ba sa iyo si mama?" I shrugged my shoulder and smile bitterly. "Tell me, hon, what's gotten in your mind?" the way he looks at me, mukhang hindi niya ako titigilan na malaman ang nangyari."Helena, I love you. I always do. Please, tell me, para naman magawan ko ng paraan. I don't want you to suffer because of my mother.""I'm okay, hon. It's just-I'm tired.""No, you looks frustrated and scared, hon. Ano ba talagang nangyari?"Huminga muna ako ng malalim bago inabot sa kanya ang letter."Shit! Who could be it?" Nilamukos niya ang papel. Galit siya. Umalis siya sa tabi ko at kinuha ang kany
"Selena?""Mm. Bakit po ma'am, Helena?""May itatanong sana ako."I have no right to ask her about the threat note pero katulong siya sa bahay. Maaaring may kinalaman siya rito."No'ng mga araw na nasa hospital ako may napansin ka bang kakaiba?"Kumunot ang noo niya. Kasing edad ko lang si Selena at magkasabay kaming lumaki. There's a possibility that she knows the person behind this threat notes. Ayokong magbintang pero iyon ang kutob ko."Ka-kaiba? Ano pong kakaiba?" Naguguluhan niyang tanong. Sinalinan niya ng juice ang baso na nasa tabi ko. Alas syete na ng gabi at inaya ko na si Rowan na kumain dahil nagugutom na ako. "Pumunta ba rito si mama?" Tanong ni Rowan-binaba niya ang kobyertos na hawak niya. Masama ang tingin niya kay Selena."Hindi po sir Rowan. Bakit niyo po naitanong?" "Wala. Nevermind." Sagot ni Rowan-nagpatuloy na siya sa pagkain."May ipag-uutos pa po ba kayo sir
R18! Warning!Third Person POV“Ano ba ang kailangan mo?”“Ops. Chill ka lang. Mukhang nanghahamon ka ng away, ah.”“Wala akong oras para makipagbiruan sa iyo. Bakt kaba tumatawag?”“Ay. Bakit? Wala na ba akong karapatan para tawagan ka?”“Wala ka talagang karapatan na tawagan ako.”“Wait. What did you say?”“Bingi ka ba o nagtatanga tangahan ka?”“Sumusobra kana, ha. Hindi na nakakatuwa 'tong mga sinasabi mo.”“Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa iyo? Sa tingin mo nakikipaglokohan ako? Ang kapal ng mukha mong tumawag sa akin.”“Ha? Wait. Hindi mag sink in sa utak ko mga sinasabi mo. Teka. Nagpo-process palang–hindi naman ako na inform na bawal ka pala tawagan.”“Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin? Kung ganoon aalis na ako.”“Wait, Rowan!”“What? Bitiwan mo nga ako!”“Woah. Ang arte ha. Mukha ba akong bacteria at diring diri ka sa akin.”
“Good morning, my lovely wife. Kumusta ang tulog mo?Are you comportable with our new home?” When I heard my husband's voice, I immediately opened my eyes wide. I gave him a warm glance.“Yes. How about you? Anong oras ka umuwi kagabi?” Sumandal ako sa edge ng kama. Inayos ko ang buhok ko. Mukhang kakatapos lang niya maligo.“Late na rin ako nakauwi, hon. After kasi ng meeting namin tinawagan ako ng tropa. Alam mo na–ang hirap naman tanggihan.“Mm. Kumain kana ba? May pupuntahan kaba ngayon?” Pag-iiba ko sa usapan.“Hindi pa. Sabay na muna tayong kumain bago ako pumasok sa kompanya.”He assisted me into the restroom when he finished getting dressed. I washed my face and cleaned my teeth. Perhaps after I eat, I'll take a shower.“Let's go, hon.” Saad ko nang matapos akong magbihis–nagsuot lang ako ng white shirt at short.Marahan niya akong binuhat pababa patungo sa dining area. “Good morning, sir Rowan." Selena greets him. As I expected she would
I wanted to scream, but I wasn't able to. I'm only able to cry. I'm not sure if the letter is true or if the person behind this letter is just trying to destroy us. I'm extremely confused.“Helena!” She makes a hand gesture in front of my face. I give her a horrible look. “What's the matter? Kanina kapa tulala, ha, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka naman pala nakikinig.”“Are you interested in my husband?” I addressed her with a blunt question. I'm not in a position to ask her about my husband's infidelity, but I'm curious. I'd like to get to the bottom of things as quickly as possible.“Ano?” She laughed. “Baliw kaba? Hindi ko type ang asawa mo at mas lalong hindi siya pasok sa standard ko.”“Sure ka na hindi siya pasok sa standard mo?” Paninigurado ko.“Helena, alam kong hindi tayo close pero hindi naman ibig sabihin noon pwede ko ng sirain ang buhay mo. Wala akong gusto sa asawa mo, okay?”“I just want to know the truth.
Alam kong may pagkukulang ako ngayon bilang asawa sa kanya pero may rason ako kung bakit hindi ko maibigay ang gusto niya. Paano ako makikipagsiping sa kanya kung ganito ang mga binti ko?Sana lang hindi totoo ang mga inisiip ko. Sana lang hindi niya ako niloloko.“Hon, bakit gising kapa? Diba sinabi ko naman sayo na huwag mo na akong hintayin.” Pasado alas dose na nang umuwi si Rowan. “Hindi pa ako inaantok,eh.” Pagsisinungaling ko. Actually kanina ko pa gustong matulog. How can I sleep comfortably if something is bothering me?“Sure ka? Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Selena. May masakit ba sa'yo?” Hinubad na niya ang suot niyang coat at inilagay nalang sa kung saan. Pagod siyang humiga sa tabi ko.“Just let me know if you need anything, hon; I'm taking a nap.” I sighed.He seemed exhausted. What if I'm wrong? That he's not cheating on me. Like--- he's just a normal husband who works hard to give a better life for his wife. “
Malaking bagay ang tulong na ginagawa sa akin ni Emerson. ‘Di ko rin alam kung paano ko siya nakontak basta nakita ko lang ang landline number ng bahay niya kay Simon. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Kung paano ko makakalimutan lahat ng nangyari. Kung sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko silang lahat. Para akong binabangungot.Hindi ko magawang tanggapin na wala na si Rowan, na wala na si Simon. Ang hirap. Ang hirap hirap na maiwan ng mag-isa. Parehas silang nangako sa akin. Ngunit parehas din nila akong iniwanan. Kasabay ng paglisan nila ang pagkawala ng batang nasa sinapupunan ko–ang anak namin ni Simon. ‘Yun na nga lang ang tanging magpapaalala sa akin sa kanya nawala pa.“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Helena? Bakit nagpatayan sila Rowan at Simon?”Dapat ko bang sabihin na ako ang pinagmulan ng lahat? Na dahil sa'kin nagawa nilang magpatayan. Nagawang pumatay ng dalawang lalaking mahal ko sa buh
Two years later...“How is she?”“She's not okay. She's experiencing depression.”“Is there a cure? Can she make it”“I don't think so. There's no cure in depression. The only way para ma-realize niya na nag e-exist pa siya sa mundong ‘to is to make her feel that she's not alone. That you're with her.”“Paano ko magagawa iyon? Hindi ko siya makausap ng maayos. She's always out of her mind. Para siyang baliw. What if, ipa-rehab ko siya? Maybe, it works.”“Mas lumala lang ang kondisyon niya nu'ng pina-rehab mo siya. Siguro, isama mo nalang siya sa bahay mo.”“No. No way! I won't allow her sa buhay ko. She might bring bad luck to me.”“Pero ikaw nalang ang natatanging pag-asa niya. Baka kapag pinakita mo na may pakialam sa kanya bumalik ang dati niyang sigla.”“No. That will never happen. I won't allow a murderer in my house. Never. I'll leave her sa bahay ampunan o ipa-rehab ko nalang ulit siya.”“Bro, you should understand her situation. Aba, g
Mabilis na kumabog ang puso ko sa gustong mangyari ni Selena. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin at pati na rin kay Simon. Hindi pwedeng maiwan siya rito. Hindi pwedeng hindi kami magkasama. “Ano, Helena? Gusto mong makita si Rowan, diba? Hawak mo na ang susi pero iiwan mo sa'kin si Simon.”Bumalik sa pagkakaupo si Selena na nakadikwatro pa. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang bigla nalang nagbago ang paniniwala ko na may deperensiya siya sa pag-iisip.“Kung ayaw mo, edi akin na ang susi at kalimutan mo na rin si Rowan.” Binalingan ko ng tingin si Simon. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako na baka may gawing hindi maganda si Selena sa kanya.“Buntis ako, Selena, kailangan ko si Simon sa tabi ko. Kailangan ko siya.”“Alam kong buntis ka, Helena, kaya nga maiiwan sa'kin si Simon.”“Hindi pwede ang sinasabi mo, Selena, kailangan ko siya sa tabi ko. Wala namang dahilan para maiwan siya rito kasama ka.”“Baka nakak
Wala na akong pakialam kung makita kong buhay o patay si Rowan. Ang gusto kong malaman ay kung saan siya dinala ni Selena. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon. Kaninang umaga pagkagising ko dumiretso agad ako sa kuwarto ni Selena upang tanungin siya sa kinaroroonan ni Rowan. Wala siyang maisagot sa akin. Pilit niyang tinatanggi na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng aking asawa.Ilang beses ko rin na kinumbinsi si Simon na pilitin si Selena upang ibigay ang susi patungo sa underground. Ngunit, sa tuwing pumapasok siya sa kuwarto baril ang sumasalubong sa kanya.Hindi ko alam kung bakit may hawak na baril si Selena. Natitiyak kong kinuha niya ‘yon sa gamit ni Luciano. Inamin sa akin ni Simon na nagmamay-ari ng iba't ibang klaseng baril si Luciano. Nagulantang ako na aminin niyang si Luciano ay kasapi sa isang sindikato. Ngayon ko lang napagtanto na ang kompanya na pinamamahalaan nila ay hindi basta-basta na kompanya. Kundi may
Biglang naghina ang buong katawan ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Simon. Inalalayan niya akong umakyat sa itaas. Pagkarating namin sa kwarto, napansin niya ang dugo sa binti ko. Hinayaan ko siyang gamutin iyon at palitan ang damit ko. Wala talaga akong lakas na kumilos. Ilang minuto na rin akong tulala. Naririnig ko siyang nagsasalita pero wala akong maintindihan.“Mahal, matulog kana.” Hinihimas niya ang buhok ko. “Matulog kana muna. Kalimutan mo muna ang nangyari ngayong araw.”Malabo ata na makalimutan ko ang nangyari ngayong araw. Malabo na makalimutan ko lahat nang nangyari sa loob ng mansyon na ‘to. Para na akong mababaliw sa dami ng mga nangyayari. Hindi ko ginusto ang buhay na ganito. Hindi ko hiniling na magkaroon ng ganitong kagulo na buhay. Paulit-ulit kong hihilingin na magkaroon ako ng masaya at buo na pamilya. Paulit-ulit ko ring kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan na ang lahat sa lalong madaling panahon.Gusto ko na
Papalit palit ang tingin ko kina Celine, Simon at Selena. Natitiyak kong may tinatago silang tatlo sa akin at gusto kong malaman kung ano ang pina-plano nila para sirain ako.“Tumigil kana, Celine! Tigilan mo na ang pagsisinungaling mo lalo na kay Helena. Mahiya ka naman.” Giit ni Selena.Nanatiling nakatayo Si Celine–katabi niya si Selena at nasa tabi ko naman si Simon. “Bakit hindi ikaw ang tumigil, Selena? Bakit hindi mo aminin sa kanya na magkapatid kayong dalawa? For sure walang alam si Helena sa bagay na iyon dahil tinakwil siya ng sarili niyang ina.”Parang hindi nag si-sink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan. Nahihirapan na rin akong huminga.“Wag kang gumawa ng kwento, Celine. Sa ating dalawa alam mong ikaw ang may masamang motibo sa kanya.” Patuloy parin nagbabangayan ang dalawa habang kami ni Simon tahimik lang na nakikinig sa kanila. Katulad ko hindi rin makapagsalita si Simon –hula ko
Sa kalagitnaan nang pag-uusap naming dalawa paunti-unti ko siyang naiintindihan. Marahil malaki ang kasalanan na nagawa ng mga magulang ko sa magulang niya kaya ganoon na lamang siya kapursigido na maghiganti.“Pero gusto ko lang sabihin na tunay ang pagmamahal ko sa'yo at handa akong patunayan ang sarili ko ano mang oras.”Higit dalawang oras na siyang nagmamaneho at pansin ko ring iniinda niya 'yung sakit ng kanyang ulo dahil sa pagpalo ko sa kanya. Ini-insist ko na ako nalang ang mag drive pero hindi siya nakikinig sa akin. “Gustuhin ko man na makilala kapa pero hindi na ako sigurado kung totoo ba o kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin.” Malamya kong sagot.Andoon pa rin ‘yung doubt na nararamdaman ko. Kahit na gaano ko pa siya kagusto na makilala, kung may pumipigil sa akin na gawin iyon wala ring kwenta. Bukod sa hindi ko na kilala ang mga taong nasa paligid ko, mas higit na naguguluhan na ako sa aking sarili. Naguguluhan na ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Na para bang
Nanginginig ang kamay ng aking ina sa isang pamilyar na boses. Magkahalo ang kaba at takot na nararamdaman ko gayundin ang matandang babae na tila'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita.Inalalayan kong makatayo si Ina ngunit pawang nanlalambot na ang magkabilang tuhod niya. Mabuti nalang agad ko siyang nahawakan at nailayo sa papalapit na si Simon.“Si-mon, anong ginagawa mo rito?” Pinatili ko ang matapang na tono upang hindi niya mahalata ang takot na nararamdaman ko. Ngayon pang alam ko na ang totoo, alam ko na kung ano ang totoong pagkatao niya. Na nagsisinungaling lang siya sa akin kagaya ng pagkakasabi ni Celine at Selena.“Anong ginagawa ko rito? Ikaw anong ginagawa mo rito sa liblib na lugar na 'to?” Seryoso ang boses niya nang ibalik niya ang tanong sa akin. “Oh. Buhay pa pala ang nanay mo, Helena, bakit hindi mo sinabi sa akin agad para naman pormal ko siyang niligawan.”Pinaatras ako ni Ina at siya ang humarap kay Simon–blangk
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati baka posible pang magkaroon ako ng masayang buhay. Kung hindi lang pinatay ni Luciano ang aking ama, baka may chance pa kami ni Rowan na mamuhay ng matiwasay.“Bakit ngayon ka lang dumalaw?”Nakangiti ko siyang tinitigan. Inakap ko siya patalikod at inayos ang kanyang buhok.. Ilang taon din kaming nagkawalay. Ilang taon kong tiniis ang pangungulila sa aking ina. “Ginawa ko ang pinag-uutos mo sa akin, ina, patay na sina Luciano at Nelia.”Maaga akong umalis ng mansyon. Inakala kong hindi na ako makakalabas ng buhay dahil sa planong pagpatay sa akin ni Celine. Pero nagkamali ako, inunahan na siya ni Selena. Pinainom niya ng pills ang babaeng iyon kaya ako nakalabas. 'Di ko na rin naabutan na gising si Simon kaya hindi na ako nag abala pa na ipaalam sa kanya ang distinasyon ko. Baka maging mahirap sa akin na lisanin ang lugar na iyon.“Pinatay mo ba sila?” Abala sa pananahi ang aking ina. Ni hindi niya nga