Andy, sukob ka na sa payong ko," paanyaya ng isang babaeng maganda na isa ring estudyante sa Sanchi College kay Andy.Subalit kaysa tanggapin ng binatang guwapo ang tulong ay tipid na ngumiti siya’t umiling lamang. Ang lakas kasi ng ulan at wala siyang dala na payong kaya inaalok siya nang mga nakakakita sa kanya.Siya kasi si Andy Pagdatu, ang campus crush ng Sanchi College kahit na first year pa lang siya sa kursong Business Management. Napataob niya noon ang dating campus crush dahil napansin agad ng marami ang kanyang kaguwapuhan. Walang kahirap-hirap na napasakanya ang tronong pagiging campus crush. Iba kasi ang kaguwapuhan niya raw. Nakakakilig o mas tamang salita ay nakakalaglag p*nty raw kaya siya na ang tinitilaan ngayon ng maraming kababaihang estudyante. Isama na ang mga bading na halos mahimatay kapag nakikita siya.Wala rin ang kanyang motor o kotse dahil naki-ride lang siya kanina sa barkada niyang si Patrick. Hindi naman niya akalaing may biglang lakad ang kabarkadang i
"Eiiiiihhhhhh!" mahabang tili ni Cristine nang makita nito ang picture nina Andy at Yolly sa cellphone ni Yolly. "Ang suwerte mo naman, Insan. Sana pala nagpa-late rin ako nang uwi kanina. Sana sa 'kin nakisabay si Andy my crush. Sana pala sinamahan kita sa library."Natatawa na lang si Yolly sa kanyang pinsan. Parang maloloka na yata. Panay ang halik kasi nito sa screen ng kanyang cellphone. Hinahalikan nito ang guwapong larawan ng binata nang paulit-ulit.Dumiretso siya sa bahay nina Cristine para ipakita lang 'yon, kahit umuulan, dahil alam niyang laglag panga ito sa inggit. At tama nga siya.Tuwang-tuwa siya dahil gumana ang balak niya na inggitin si Cristine. Hindi nasayang ang inilabas niyang kakapalan ng mukha kanina. Ang totoo kasi ay naglakas-loob lang siya kanina na makipag-selfie kay Andy. Ginawa niya iyon para lang may ipagmayabang siya sa pinsan."Unli Facebook ka, Insan?"Tumango siya. Kung si Cristine busy sa larawan ni Andy, siya naman ay busy sa paglamon ng miryendang
Yukung-yuko ang ulo ni Yolly na dumaan sa mga nagtatawanan na kapwa niya estudyante. Kipkip niya sa dibdib nang mahigpit ang kanyang mga libro na tila sandalan niya ngayon ng lakas para makalampas siya sa mga estudyanteng nagmumura, nagtatawanan at nambabato sa kanya ng kung anu-ano."Ano bang kasalanan ko sa inyo?" mangiyak-ngiyak niyang malakas na tanong. Nagulat na lang kasi siya pagpasok niya na ganoon na ang trato sa kanya ng mga schoolmates niya. Galit na galit sila sa kanya, at hindi niya alam kung bakit.Malakas na "Boooo!!" ang isinagot sa kanya ng marami. Mga lalong nagtawanan."Ang kapal mo!" dinig niyang sigaw sa kanya ng isang bakla."Selfie pa more, pangit!" kantyaw rin ng isang lalaki na maangas."Ambisyosang monkey ka, girl!" panliliit naman ng isang babae sa kanya.Tuluyan nang lumuha si Yolly. Sanay na siya na nilalait dahil aminado naman siya na siya ang kakaiba sa school nila gawa ng naiibang istilo niya sa pananamit at pag-aayos sa sarili. Pero sobra sila ngayon k
Pagpasok ni Yolly sa silid-aralan nila ay upuan agad ni Andy ang tiningnan niya, at syempre bakante pa rin iyon dahil maaga pa.Ang aga niyang pumasok dahil ayaw niyang pumasok na naman na maraming estudyante. Siguradong ibu-bully na naman kasi siya. Umiiwas siya sa gulo.Napapabuntong-hininga siya nang umupo siya sa kanyang upuan pagkuwa'y napalingon na naman sa upuan ni Andy. Pangatlong araw na na absent ang binata kung hindi na naman papasok ito ngayon. At guilting-guilty na siya.Hindi kaya totoo na ikinahihiya ni Andy ang picture nila kaya hindi ito pumapasok?Nakakakunsenya naman. Kasalanan niya talaga ang nangyayari. Sana pala ay hindi na lang niya hiniling na mag-selfie silang dalawa noong araw na 'yon. Wala sanang problema na ganito. Sana hindi mag-a-absent si Andy. Tuloy ay napapabayaan na ni Andy ang pag-aaral dahil sa kahihiyan, dahil sa kagagahan niya.“Hindi ka kasi nag-iisip, Yolly. Kainis ka talaga,” paninisi niya pa sa kanyang sarili. Natampal-tampal niya ang kanyang
Kung gaano pahiyain si Yolly ng ilang araw ng mga kapwa niya estudyante ay kabaliktaran naman ngayon dahil parang iniidolo na siya ng mga ito.Sa simpleng pagpapasalamat sa kanya ni Andy kahapon na kumalat sa buong campus ay napakabilis na kinalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa kanilang selfie at hinahayaan na siya ng mga ito.Ganoon kalakas ang hatak ni Andy sa mga estudyante. Iba talaga ang karisma ng binata. Parang siya ang sinusunod ng bawat isang estudyante ng Sanchi College. Talo pa artista."Hi, Yolly," bati sa kanya ng magbabarkdang nakatambay sa dinaanan niya."Good morning, Yolly," bati rin sa kanya ng isa pa na nakasalubong niya.Kiming napapangiti na lang siya sa mga ito. Hindi siya sanay na napapansin kaya napapayuko pa rin siya ng ulo at nahihiya."Sikat ka yata ngayon?" Mayamaya ay bahagya siyang nagulat nang may nagsalita sa likod niya, at nang lingunin niya ay ang mabait pa lang security guard na si Leandro."Hindi naman po," aniya sa laging tagapagtanggol niyan
"Talaga bang kailangan kong gawin 'yon? Hindi ba puwedeng simpleng thank you na lang?" Nakabusangot ang mukha ni Yolly. Hindi niya talaga kaya kasi na yayain na kumain sa labas si Andy bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya. "Ano ka ba? Hindi ka na nahiya kung ganoon lang ang gagawin mo? Syempre hindi basta-basta 'yung pagtatanggol niya sa 'yo kaya dapat hindi rin basta-basta sana ang pagpapasalamat mo sa kanya," giit ni Cristine sa idea nito. Napaisip naman si Yolly. Sabagay tama talaga ang pinsan niya. Nga lang ay ngayon pa lang ay nahihiya na talaga siya sa binata. Take note, hindi 'yun basta-basta binata lang. Heartthrob 'yun rito sa school kaya parang ang kapal naman ng panget niyang mukha kung yayayain niya itong kumain. Katatapos lang ng kanyang issue. Gagawa na naman ba siya ng panibago na kanyang ikaka-bully? "Humanda ka na. Dadaan na sila. Patapos na ang miryenda nila," excited na sabi sa kanya ni Cristine habang nakatingin sa pambisig nitong relo. "C
"Hop in."Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy."Bakit?"Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.Napakamot-ulo si Andy. "That's okay. Pa-side ka na lang umupo.""Ayoko," giit niyang nahihiya."Sige na.""Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?""Are you sure?""Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante."Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro."Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong
"Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly.Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan."Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw nitong umalis ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito."You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly."Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga.Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot!"Oops!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. "Nagtatawa ulit si Yolly."Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito."Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito."Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na
"’Tay?" approach ni Andy sa byenan na lalaki na galing Saudi habang nagkakasayahan ang lahat dahil sa triplets baby. Idagdag pa ang pagpo-propose niya kay Yolly kanina.Nagkita na silang magbyenan at nagkakilala sa airport nang sunduin nila ito last week, pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap. Hinayaan muna kasi niya sina Aling Yolanda at Yolly na masolo o makasama nila ang haligi ng tahanan nila at masulit ang muling pagkikita nilang magkakapamilya. Nagkamayan lang sila noon at nagngitian nang unang magkita."Oh, Andy, congrats, Anak. Tatlo agad." Akbay naman sa kanya ni Mang Lino. "Salamat at binigyan mo agad kami ng tatlong apo."Nahihiyang napahimas siya sa kanyang pisngi."Saka salamat dahil sa wakas ay ihaharap mo na ang anak ko sa altar. Noong nasa Saudi ako akala ko, eh, hindi kayo ang magkakatuluyan dahil ang gulo niyo. Hindi niyo alam pero updated ako sa inyo kahit nasa malayo ako,” nakatawang sabi pa ni Mang Lino."Pasensiya na po kayo, ‘Tay. Medyo naging ma
Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol."’Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan.""Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie."Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay dahil hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kanya at paminsan-minsan ay akbay."Sabagay next year pa uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.At 'di na rin
"Diyos ko, Yolly!" Masayang-masaya si Madam Angie nang nakita nitong kasama ni Andy si Yolly na pumasok sa bahay. Halos mahulog pa ang ginang sa hagdan kamamadaling lapitan at yakapin ang dalagang ilang buwan nilang pinaghahanap. "Saan ka ba nagpuntang bata ka?! Tingnan mo nga 'yang hitsura mo bumalik na naman! Magpapa-salon tayo ngayon din!"Toinks!Umasim ang mukha nina Andy at Yolly na nagkatinginan. 'Yon agad talaga ang napansin? Seryoso?"Mom, pwede saka na 'yang salon-salon na 'yan. Kadarating lang ni Yolly, eh," saway ni Andy sa pasaway na namang ina.Nagkatinginan sina Madam Angie at Yolly. Nagkangitian at pagkuwa'y nagyakap."God, na-miss kitang bata ka.""Na-miss din po kita, Tita."Kumawala sa pagkakayakap si Madam Angie. "Kumusta ka? Are you okay?" Tuwang-tuwa si Madam Angie na sinipat-sipat at sinuri si Yolly sa buong katawan."Okay lang po ako, Tita.""Mabuti naman. Huwag ka nang aalis, ha? Halos mabaliw kami lahat kakahanap sa 'yo." Muling niyakap ng mayaman at napakaba
May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera."Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly."Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Na
"Andy, magpagaan ka naman! Ang bigat mo kaya!" Hirap na hirap si Karen sa pag-alalay kay Andy papasok ng bahay. Nguyngoy kasi talaga ang binata dahil sa kalasingan. Si Karen na ang nag-drive para rito dahil pati pagmamaneho ay hindi na kaya ni Andy. "Karen, nakita mo ba si Yolly?" Gayunman ay matino pa rin naman ang isip ni Andy pagdating sa babaeng minamahal niya. "Aissttt! Puro ka na lang Yolly! Wala na 'yon! Itinanan na ni Leandro!" Bigla na lang napatayo ng tuwid si Andy at tila ba nakalimutan niyang babae si Karen dahil kwinelyuhan niya ito. Gulat na gulat tuloy ang dalaga. "Don't you dare say that again! Dahil ako! Ako ang mahal ni Yolly hindi ang shokoy na iyon! Hindi siya sasama sa isang shokoy! Do you understand?!" Inis na tinabig ni Karen ang mga kamay ni Andy. "Nababaliw ka na talaga!" ta's singhal nito at sinampal ang binata. "Gumising ka sa katotohanan na hindi ang babaeng 'yon ang para sa 'yo!" Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Andy si Karen. Subalit bigla na
As usual, parang magnanakaw si Yaya Chadeng na pumasok sa malaking bahay ng mga Pagdatu. Kasi naman, palinga-linga ito na papanhik habang dala-dala ang isang plastik bag. Pagkatapos ay kabilis na pumasok sa maid’s quarter."Heto. Hiniram ko pa 'yan sa kapitbahay natin na si Kiara. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa." Napaantada ang matanda na napatingala sa langit.Habang si Yolly ay napangiwi naman. "Kay Kiara po talaga?"Si Kiara kasi ay kapitbahay nila na namatay raw. Gosh!"Wala ka naman kasing ibang ka-size rito sa village na maisip ko maliban kay Kiara. Kung si Faith naman, eh, masyadong matangkad 'yon. Kung si Crisma maliit naman siya sa 'yo. At lalong hindi naman puwedeng pahiramin kita kaya pagtiisan mo na 'yan. Wala na talaga akong mahihiraman pa. Buti nga nandoon sa bahay nila 'yung lola ni Kiara, eh," paliwanag na sagot sa kanya ni Yaya Chadeng.Lalabi-labing binulalat niya ang plastic bag at kinilabutan siya na tinaas ang damit para sipatin kung maganda ba at kasya ba i
"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?""Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya."Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son.""Tumakbo na, eh.""Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment… and anguish.Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit
"Uhmmp!" Napapikit nang mariin si Yolly at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ni Andy. Masakit kasi, masakit ang ginagawang pagpasok ni Andy sa kanyang napakasikip na kaloob-looban, kahit pa dahan-dahan iyon, masuyo at puno ng pagmamahal."Kaya mo ba?" pabulong na tanong ni Andy sa kanyang tenga. Tumigil muna sandali sa ginagawa nito dahil nakita at naramdaman nito ang kanyang paghihirap.Nagmulat si Yolly ng kanyang mga mata. May konting luha pa sa kanyang gilid ng mga mata na napatitig sa mas gumuwapo pa 'atang mukha ni Andy. Wet look ang peg!“Oo,” ngumiti siyang sumagot saka hinalikan ang mga labi ni Andy. Siya na ang kumilos dahil gusto niya matapos ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Ayaw niyang maudlot pa ito. Gustong-gusto na niyang iparamdam kay Andy kung gaano na niya ito kamahal sa kabila ng madami niyang kasalanan. Na kahit sa paraan man lang na iyon ay makabayad siya.Magkadugtong ang mga labi nilang pinilit ang kagustuhan nilang maging isa ang katawan nil
Marahas na hinawakan ni Andy ang magkabilang-balikat ni Yolly. "Niloloko mo na naman ba ako, Yolly, huh?!" tapos ay nagngangalit ang mga ngipin niyang tanong. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat ni Yolly."Answer me!" bulyaw na niya ng pagkalakas-lakas nang hindi pa rin naimik si Yolly. Ang dilim-dilim na rin ng mukha niya. Tumataas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. Humihingal na siya at halos magsalubong ang mga kilay niya.Ngunit mga luha ang sinagot lamang sa kanya ni Yolly. Luha na nag-unahan sa pagpatak sa makinis na pisngi ng dalaga.Si Leandro ang akmang pipigil sa ginagawa ni Andy, ngunit pinigilan ito ni Yaya Chadeng. Takang-taka ang binata na napatingin sa matanda.“Hayaan mo silang mag-usap at lutasin ang problema nila,” pakiusap ni Yaya Chadeng.Napabuntong-hininga na lamang si Leandro nang ibalik niya ang tingin kina Andy at Yolly. Kay sakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang babaeng mahal niya, subalit tama si Yaya Chadeng, hindi dapat siya