"Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?
View MoreKinabukasan, tahimik siyang naglalakad patungong hospital room ng kanyang asawa. Naghahabulan ang kanyang pulso sa magkahalong sa saya at kaba. Hindi pa rin makapaniwala na isa na siyang ama. Ang CEO ng Mallary Group of Companies ay isa ng ama. Sa edad na bente-otso ay may kambal na siyang anak. "Elliot,"nakangiting bungad sa kanya ni Rosette nang pumasok siya sa silid nito. Nakaupo ito sa kama. Bagama't mabibigat pa rin ang mga mata sa kahaba-haba ng panganganak nito, naging maliwanag iyon nang makita siya. "You did it,"tugon niya. Nanakit ang lalamunan niy, sumikip ang dibdib niya at di niya namalayang dumadaloy na ang kanyang mga luha. Inabot ni Rosette ang dalawang kamay para salubungin siya ng yakap. "Come here,"anang nito. Dali-dali niyang nilapitan ito. Mainit na niyakap at h******n sa noo. "I can't believe you did." "No,we did it!"giit nito. Naupo siya sa tabi nito, ginagap ang kamay at ilang beses na hinalikan. "Hindi talaga ako makapaniwala na nandito sila kasama natin
"Elliot, I think..."Bumalikwas si Elliot nang maramdaman niya ang malamig at nanginginig na kamay ng asawa. Mabibigat ang kanyang talukap habang minumulat ang mga mata. Ano'ng oras na ba? Madilim pa sa labas. Parang may bato na nakapatong sa ulo niya sa sobrang bigat."I-I thinks it's time. Manganganak na ko,Elliot!"halinghing nito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang sinuklaban siya ng panic. "What? Now?" Tumatakbo ang isip niya habang sinasabi 'yon. Mas nataranta siya sa asawa.Dali-dali siyang bumangon at binaba ang tingin sa kama,basang-basa ang kumot nila. Pumutok na pala ang palatubigan nito.Tumango ito, nanliit ang mga mata nang tinamaan ulit ng "Kita mo sumabog na ang palatubigan ko! Bilisan mo, ahh! Hindi ko na kaya!""Oh God,Rosette!"dagli niya. Mabilis pa sa kidlat na tumalon sa kama na halos bumalentong pa. Nawala sa isang iglap ang kanyang antok. Mabilis niyang kinuha ang bag na mag-iisang linggo na nilang hinda kung sakaling darating ang araw na 'to. Nanginginig ang
Maaliwalas ang panahon nang dumating si Elliot kasama ang kanyang asawa sa public cemetery ng Batangas—ang bayan nito. Nandito sila upang dalawin ang puntod ng Mama nito. Hindi nila nagawa kaagad noon pagkatapos ng kasal dahil tinambakan sila ng maraming gawain. Ngayon na nakahinga, pumunta kaagad sila rito bago pa may kumulit sa kanila. Tahamik silang nakatindig sa harap ng marmol na puntod ni Hazel Valentino. Maaga pala itong lumisan. 44 years old. Sampung taon pa lamang si Rosette. Nagkaroon ito ng luekemia matapo nitong ipanganak si Rosario.Humihip ang sariwang hangin sa hapong ito na naghahatid ng kapayapaan sa kanilang damdamin. Hawak-hawak niya ang isang tangkay ng puting lilies—binanggit ni Rosette na paborito ito ng ina. Marahan siyang lumuhod para ilapag ang bulaklak sa harap ng puntod nito. Nalanghap niya ang halimuyak nitong dala.Nasa kanyang likuran si Rosette. Hinimas-himas nito ang malaking tyan na ngayon pitong buwan nang buntis. Masakit sa loob niyang makita itong
Tila huminto ang pintig ng puso ni Elliot nang makitang natutumba ang asawa."Rose!"Tawag niya. Sa sobrang panic niya hindi niya namalayan na lumukso siya papunta rito at mabuti mabilis niyang nasalo. Ang masayang pagkikwentuhan ng lahat ay nahinto matapos masaksihan ang nangyari.Putlang-putla at walang malay si Rosette na humantong sa kanyang mga braso. Malakas ang tibok ng puso niya ng buhatin ito at tinakbo sa kotse. Binalewala ang mga sigawan ng mga tao sa likod nila. Hindi niya ito pwedeng mawala Sumama sa kanila sina Magnus at Juliette.Nakasiklop ang mga kamay niya na nakatukod sa kama ni Rosette. Nagdadarasal na sana walang nangyaring masama sa asawa. Sinisi niya ang sarili sa pagiging mabait dito kahit alam niyang inaabuso nito ang katawan sa tambak na trabaho."Bae,"bulong ni Rose sa paos na boses. Hinipo nito ang pisngi niya.Nabunutan siya nang tinik nang magising ito. Mamasa-masa ang kanyang mga mata nang ginagapp nito ang mga kamay. Yumukod siya para idampi ang mga la
"So, ano'ng nangyari sa inyo ni Auguste?"Naalimpungatan si Rosette nang marinig ang malamanyang boses na puno ng intriga ni Juliette. Nasa potluck party sila ni Priscilla. Nagtipon-tipon lahat ng kabarkada ni Elliot kasama ang mga asawa't girlfriend ng mga ito. Masaya siyang nalaman na may girlfriend na si Ranier kaso hindi nito dinala. Nakatulog siya sa gitna ng pagtsitsimisan nila. Gaya ng grupo ng asawa na nasa isang tabi at nag-iinuman, meron din siyang grupo. Lahat ng babae ay nasa iisang grupo rin. Nagpa-potluck party si Priscilla dahil engage na ito kay Auguste. Bilang pasasalamat na rin sa kanila. Aso't pusa ang dalawa noon kaya hindi niya inaasahan na maging endgame mga nito ang isa't isa.Humikab siya sabay kusot ng mga mata. Nawala siya sa konsentrayson sa pag-uusap ng dalawa. Nakatingin sa kanya si Ariadne—ang artistang fiance ni Siruis na down to earth at alagang-alaga siya. "Are you alright,Rosette? Napapansin ko kanina ka pa pagod o baka may lagnat ka?" Puna ng pag
"Elliot,"humihingal na pangdidisturbo ni Rosette sa asawa. Simula nang dumating sila ng mansion, hindi na sila huminto sa paghahalikan na nauwi sa pag-init ng kanilang katawan. Humantong sila sa sahig ng sala. Dinungisan agad nila ang makintab na marble floors. Hindi makapaghintay si Elliot na magkaanak kaya hayun, naka-five rounds na sila. Hapding-hapdi na ang hita niya. Nagugutom na rin siya. Malay niyang gagawin siyang agahan at tanghalian nito. Natanaw niya mula sa bintanang salamin ang pagkulimlim ng panahon.Tinulak niya ang pawisang dibdib ng asawa nang di mapaawat sa paghalik sa pisngi niya. Kumaibabaw ito sa kanya, mahigpit na hinahawakan ang dalawang kamay niya at pareho silang habulan ng hininga."Elliot Jan Mallary, bilisan mo. Nagugutom na 'ko,"inosente niyang reklamo. Napaliyad siya nang binaon nito ang alaga sa ibaba niya.Nakakaloko itong ngumiti. "Spread your legs well, so I'll grant your wish,"masuyo nitong bulong sa tainga niya bago nito kinagat-kagat at ilang beses
Tinutop ni Rosette ang kanang kamay sa dibdib. Nakanganga siya. Ninerbyos habang pinagmamasdan ang mala-kristal na pinaghalong asul at verdeng karagatan sa ibaba. Malinaw na alam ni Elliot na takot siya sa hieghts pero dinadala pa rin siya. Sa halip na mapapakalma siya ng makapigil hininga na view lalo siyang sinuklaban ng takot.Sa muli, nasa Palawan sila matapos ang anim na buwan na kinasal sila ni Elliot. Lulan siya ngayon ng helicopter.Sinipat niya ang asawa, seryoso itong ginigiya ang sinasakyan nila. Kumapit siya sa armrest, namumutla na ang kamao. Napinuno ng ingay ng elisi ng helicopter ang tainga niya at nagwawala sa kaba ang kanyang puso."Gaya ng sinabi ko noon,dapat ka'ng masanay sa ganito,"tukso ng asawa."Ang dali naman sabihin,bae. Pero ipagtatapat ko ang totoo, takot ako sa matataas lalo na sa helicopter. Wala ba'ng ibang means of transportation para marating ang islang iyon?"maagap niyang reklamo. Nangingisay siya sa nerbyos.Bumungisngis ito. Na-amuse pa sa reaksyon
Panay ang paghinga ng malalim ni Elliot. Kinukurap ang namamasa pa ring mga mata. Hindi siya makapaniwala—as if he is still living on his dreams. He’s standing in front of the girl he will spend the rest of his life with. Kakatapos lang nila mag- I Do at ngayon nasa venue na sila. Natanaw niya ang mga magulang, mga kaibigan at ibang kamag-anak at kailala na nakatayo sa dulo, nagpalakpakan nang umapak sila sa red carpet. Malamig ang simoy ng hangin sa hapong 'to na dumapi sa kanyang balat.Subalit habang umuusad siya hindi niya mapigilan ibuhos ang mga luha. Matatamis na mga luha at ubod ng galak. He was overwhelmed by the weight of that moment, plus the love he felt for Rose and all the emotions that he had. Mahigpit na kumakapit ang asawa sa kanyang braso, nagpanggap itong ngumiti pero mas higit pa sa kanyang ang iyak.Nang makarating sila sa gitna ng hardin, isa-isa silang binati ng lahat. Umeksena si Magnus, ang kanyang bestman. Ang lapad ng ngiti nito. "Finally! The man of the hou
Bumuntong hininga si Rosette habang tinitignan ang sariling repliksyon sa salamin. Tila isang panaginip na nakasuot siya ng wedding gown sa mismong araw ng kasal niya sa taong hindi niya inaasahang ma-in love, niliko at minahal ulit. Namasa ang mga mata niya. Ngumti at pinigilan ang sariling humikbi. Sayang ang make-up niya saka ayaw niyang magalit si Bibi. Mananagot talaga siya sa baklang friend. "Ready ka na,Rosette?" Tanong ni Bibi, napa-beautiful eyes pa nang sinuri ng maigi ang kanyang mukha. Tumango siya. Nabara ang lalamunan sa magkahalo-halong emosyon. Umismid ang kaibigan nang mapansin nito ang namamasa niyang mga mata. "Hey! Bawal ang umiyak ngayon. Please lang, don't ruin my masterpiece." "Argh! Sorry. Sorry, I'll try not to cry."Maingat niyang pinunasan ang tubig sa gilid ng mga mata. Winakli ni Bibi ang kamay niya. "Don't touch it!"Saway nito. Ngumiti siya, hindi inaanda ang malakas na pintig ng puso. Ilang sandali, pumasok si Rosario. Tumayo siya para salubun
Napahilamos ng mukha na wala sa oras si Rosette. Nagkamali siya. Nagkamali siyang itaya ang kalahating milyon sa pustahan. Ipinusta niya iyon sa kaibigan niyang si Priscilla. Nakipagkarerahan kasi ito ng kabayo sa matagal na nitong rival. Sa sobrang mahal niya sa kaibigan. Nagpatanga siya at pinusta ang pera na para sana sa investment ng nalulugi nilang companya.Natalo si Priscilla. Natunaw lahat ng pera niya.Bobo ka talaga, Rosè! Sinasampal niya ang sarili at parang nauupos na kandila na umupo sa bench. Lumapit si Priscilla sa kanya na may malungkot na mukha.Tinapunan niya ito ng matalim na tingin, "dinismaya mo ako. Now, I have also lost my money. What shall I do?""I'm sorry..."ito lang ang tanging nasabi ng kaibigan niya.Pagkatapos non ay dumalo siya sa concert ng paborito niyang kpop group para makalimutan ng kaunti ang problema niya. Subalit hindi niya na enjoy yon. Ano na lang ang sasabihin niya sa ama niya?Nasa labasan na siya nang bigla siyang may nabangga na babae. Kail...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments